Chapter 14
"Mr. Lladones, are you seriously taking a call during my class?!"
HINDI ko na pinansin pa ang sigaw na 'yon ng teacher namin dahil mabilis kong kinuha ang bag ko tsaka umalis. Para akong masisiraan ng ulo!
Anong ibig sabihin ni Tito
Ryan na hindi na ako pwedeng lumapit sa anak niya? Ano na naman bang nangyari?
Palabas na ako sa campus nang makita ko si Mikaela na nagmamadaling tumatakbo papasakay ng taxi. Agad akong kinutuban at nang pumasok siya sa loob ay siya ring pagbukas ko ng kabilang pinto para sabayan siya.
"Jaydel? Anong ginagawa mo rito?" tanong niya na sinabayan ko.
"Anong nangyari kay Laila?"
Bumuntong-hininga naman siya bago nilingon ang taxi driver na naghihintay sa amin.
"Sa provincial hospital po, manong," sambit ni Mikaela na lalo kong ikipinanghina.
"A-anong-?! Nasa hospital na naman ba si Laila? Bakit? At bakit sa Provincial Hospital na?" sunod-sunod kong tanong sa katabi ko.
"Sinikap niyang pumunta sa hospital mag-isa dahil naninikip daw ang dibdib niya at hindi makahinga. At doon na siya inatake. Tinawagan lang din ako ni Tita Lileth, kasi hinahanap daw ako ni Laila," paliwanag niya na may tono ng sukdulang pag-aalala.
Hindi ko maintindihan. Ano ba talaga para sa kaniya si Laila? Bakit madalas parang sinisira niya ang pangalan ni Laila sa akin? Tapos ngayon, nakikita ko siyang ganito.
"Hindi ko alam kung matatawa ako. Bakit ako hinanap niya imbes na ikaw?" sarkastikong wika niya na lalong ikinagulo ng tingin ko sa kaniya. Bipolar ba siya?
Pero imbes na sagutin ay tinanong ko lang din siya. "Kaya ba siya nasa hospital ay dahil sa ex niya? 'Yong nakita natin kanina? Sinaktan na naman ba siya? Ano bang nangyari?"
"Kaya nga ako pupunta ro'n, para malaman ko. Ikaw, bakit ka ba sumama? Akala ko ba layuan na kita? Ikaw naman 'tong lumalapit sa akin."
"Pwede bang tigilan mo na ang mga pang-aasar mo, Mikaela? Hindi ito ang tamang panahon para mangganiyan ka. Nasa panganib ang kaibigan mo," may diin kong salita, pero tumawa lang siya. Hindi ko na alam ang totoo niyang nararamdaman. Kung malungkot ba talaga siya para kay Laila o kung tumatawa lang siya para itago ang lahat ng bigat. Para siyang isang kalokohan na mahirap gawing biro. Pakiramdam ko, malaki ang tinatago niya at lahat ng mga ipinapakita niya sa akin ay facade lang.
"Okay, fine. Mabilis naman akong kausap, eh."
Napailing ako. Sa pagkakaalam ko, hindi siya gano'n kabilis makaintindi.
Nang makarating kami sa hospital, agad naming nakita sa lobby si Tita Lileth. Nilapitan siya ni Mikaela, samantalang ako ay nagtago dahil mula sa malayo ay natanaw kong nakasunod si Tito Ryan.
Right, kanina lang nang ipagbawal niya na lumapit ako kay Laila sa hindi ko malamang dahilan. Makakasama kapag nagpakita pa ako ngayon.
Pero sandali, kung nandito silang dalawa sa labas? Sinong kasama ni Laila sa kwarto?
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa tsaka hinanap ang kwarto ni Laila. Isa-isa kong sinilip dahil hindi ko sigurado kung nasaan siya. At tila ba kabisado ng puso ko kung nasaan siya, dahil kusang bumibilis ang tibok nito na para bang nate-trace na nasa malapit na ang hinahanap ko.
Dumungaw ako sa nakaawang na pinto ng isang kwarto. Hindi ako nagkamali, naroon si Laila at nakaupo habang nakasandal sa headboard. Akmang tatawagin ko na ang pangalan niya nang makita ko siyang may kausap...
"Salamat sa pagbisita mo sa akin, Jio. Hindi ko inaasahang dadalawin mo ako..."
Nalagot ang hininga ko nang makita ko kung sino ang tinutukoy ni Laila... Nakatayo ito sa harapan niya habang nakatalikod sa akin. Pero dahil ilang beses ko na rin siyang nakita noon, nakilala ko siya agad.
Siya si Jio, ang first boyfriend ni Laila.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top