Chapter 13
NAKANGITI kong sinundan si Laila papunta sa classroom, pero napahinto ako nang makitang kausap niya si Mikaela. Seryoso ang pinag-uusapan nila at hindi ko na natanong pa kung tungkol saan dahil nagmamadaling tumakbo paalis si Laila. Hahabulin ko na sana siya nang pigilan ako ni Mikaela.
"Anong sinabi mo kay Laila?
Saan siya pupunta?" giit ko na hindi na napagbigyan ng sagot. "Nevermind, susundan ko na lang siya."
Akmang tatakbuhin ko na si Laila nang kapitan ni Mikaela ang braso ko.
"Huwag mong gawin, Jaydel. Masasaktan ka lang," madiin niyang salita. Gumasumot naman ang mukha ko.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Makikipagkita siya sa ex-boyfriend niyang taga-Liceo."
"Anong sabi mo?" anas ko tsaka napakuyom ng kamao. Ngumisi naman siya ng nakakaloko.
"Hindi ka naniniwala? Ewan ko ba sa 'yo, Jaydel. Harap-harapan ka nang niloloko, pero pinipili mo pa rin. Bakit kasi hindi na lang ako?"
Marahas kong inalis ang kamay niya mula sa braso ko. Matalim ko siyang tiningnan habang nag-iigting ang panga. Hindi ko inaasahan na magkakaroon siya ng lakas ng loob na itanong 'yon na para bang hindi ko pa nasagot noon.
"Ilang beses ko bang dapat sabihin sa 'yo na hindi nga ikaw ang gusto ko, Mikaela? Bitiwan mo na ako at pupuntahan ko si Laila dahil baka kung anong mangyari sa kaniya!"
Bagama't gusto kong umalis, pero natigilan ako sa pahabol na sambit sa akin ni Mikaela. Parang kailan lang, mayumi pa siyang nakikipag-usap sa akin, pero tila yata nahila ko na rin ang galit niya, kaya lumalabas na ang totoo niyang kulay. Hindi ko rin alam kung bakit niya ako nagustuhan o kung kagusto-gusto ba talaga ako. Ni hindi nga kami madalas mag-usap, para magkaroon siya ng dahilan na matipuhan ang gaya ko.
"Tanga-tangahan ka pa rin, Jaydel? Huwag mo nang itago sa akin. Sinabi na ni Laila ang totoo. Ginagamit ka lang naman niya para mabuhay. Kumbaga, panakip-butas sa mga sugat na kagagawan ng ex-boyfriends niya. Pero sa huli, hindi ka niya talaga gusto. Kaya bakit mo pa sasayangin ang buhay mo sa kaniya, kung pwede ka namang maging masaya sa 'kin?!
Nagngalit ang mga ngipin ko. Bumaon ang mga kuko ko sa palad sa pagpipigil na saktan siya. I did not expect she can be this petty. Why would she say such terrible things to me? What did I ever do to her?
Hindi ko na nahanap pa ang pasensya ko sa kaniya at napagsalitaan ko na rin siya pabalik. "Bakit din ba sinasayang mo ang buhay mo para ipilit ang sarili mo sa akin? Eh hindi nga kita gusto! Pareho lang tayo ng sitwasyon. At saka, ilang beses ko nang ipinaliwanag sa 'yo ang lahat. Itinutulak mo lang ako na lalong hindi ka gustuhin at mawalan ako ng respeto sa 'yo. Babae ka, Mikaela. Hindi mo dapat ipinagsisiksikan ang sarili mo sa iba."
"So, kapag lalaki, pwede?" pambabara niya sa akin. "Kapag ikaw, pwede mong ipagpilitan kay Laila 'yong nararamdaman mo? Paano kung sukang-suka din pala siya gaya ng trato mo sa 'kin? Paano kung napipilitan lang siyang tanggapin ka kasi ikaw lang ang nand'yan sa tabi niya? Kasi wala na siyang choice! Kasi ikaw lang ang tanging lalaki na mauuto niya na gagawin ang lahat para sa kaniya!"
Natamaan ako. Kanina lang, isinisiwalat ko kay Laila kung gaano ko kayang isuko ang mga pangarap ko na matagal ko nang binuo. Ang bilis kong bitiwan ang lahat para sa kaniya. Na wala nang ibang mas mahalaga pa sa buhay ko kung hindi siya.
Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko tsaka ako humakbang papalapit sa babaeng nasa harapan ko. "Wala kang pakialam, Mikaela, kaya lubayan mo na ako. You're starting to get on my nerves."
Tinalikuran ko na siya. Mabilis kong sinundan ang gawi ni Laila at nakita ko nga siyang may kasamang pamilyar na lalaki na naghihintay doon sa garden habang nakaupo sa swing. Tumayo ito para batiin si Laila.
Hindi ko na nakaya pang panoorin sila dahil napatalikod na lang ako. At mula sa kinatatayuan ko, nakikita ko naman si Mikaela na puno ng habag ang mukha. Lalapitan niya na sana ako nang lagpasan ko siya.
"Jaydel, sandali!"
Hinila niya ang kamay ko na para bang hindi niya narinig ang mga sinabi ko kanina. Napupuno na talaga ako, kaya hinarap ko siya.
"Ano ba, Mikaela? Hindi ka ba talaga titigil? Bakit ba ang kulit mo?! Kung kaibigan mo talaga si Laila, at kung alam mo na ang lahat, sana hindi mo siya hinahayaang makipagkita sa mga taong nanakit sa kaniya. Do you really want her to die?" puno ng galit kong tanong sa kaniya.
I don't care anymore if the students walking by are staring at us. My chest feels so tight. I want to cry, pero hindi ko magawa. I don't want to break down in front of anyone else-only Laila gets to see that side of me.
"Please, Mikaela, hindi ko alam ang intensyon mo, pero kung totoong may nararamdaman ka sa akin, pwede ba? Huwag mo naman akong saktan? Hindi mo kailangang ipamukha sa akin ang lahat. Alam ko ang ginagawa ko. Alam ko rin kung saan ang lugar ko. Please know your place too. I'm begging you."
Tuluyan ko na siyang tinalikuran at bumalik ako sa classroom. Nakayuko lang ako sa desk ko at tumunghay lang ako nang maramdaman kong may tao na sa tabi ko.
"Laila..." pagtawag ko sa kaniya nang makita siyang nag-aayos ng gamit. "S-saan ka pupunta?"
"Aalis lang ako," walang buhay niyang sagot.
"Ha? P-pero may klase pa tayo."
"Aabsent ako. Ikaw nang bahalang magdahilan sa teacher natin, okay? Bye!"
Hindi ko na siya nahabol pa dahil mukhang desidido na siyang umalis at hindi ako isama. At nawalan na ako ng lakas ng loob na sundan pa siya, pagkatapos ng mga nakita ko kanina. Parang may pumigil sa paa ko na humabol pa sa taong takbo nang takbo palayo.
Sasama ba siya sa lalaking 'yon?
Magde-date ba sila?
Paano ako?
Akala ko ba malinaw na ako na ang boyfriend niya?
Bakit nakikipagkita pa siya sa iba?
Nagsidatingan na ang mga kaklase ko kasama ang teacher namin. Wala pa sa kalagitnaan ng klase ay tumunog ang cellphone ko.
Isang tawag mula kay Tito Ryan. Mabilis ko 'yong sinagot at gulong-gulo ang utak ko dahil sa sinabi niya.
"Binabawi ko na ang offer ko, Jaydel. Huwag na huwag ka nang lalapit sa anak ko kahit na kailan."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top