Chapter 30
Chapter 30
Sabrina Briones
Mabigat ang aking mata nang idilat ko iyon at dama ko ang pagkahilo, masakit din ang kalamnan ko sa hindi ko maintindihan na dahilan. Pero ang nagpabalik sa akin sa alaala ko ay nang maramdaman kong parang may mabigat na nakasabit sa paa ko, nakakadena pala ito. Sobrang hapdi din ng kamay ko sa likod na at nakatali ito. Nakabusal din ng tela ang bibig ko. May mga kalalakihan na pilit kaming isinakay ni Nathan sa isang itim na van at wala pang ilang minuto ay nawalan na ako ng malay dahil sa pinaamoy nila sa akin.
Inilibot ko ang paningin ko at para akong nasa isang lumang warehouse, nakita ko rin na maraming malalaking lalaki ang nakapalibot na may hawak na baril. Tumingin ako sa kanan ko at nakita ko si Nathan puro dugo ang mukha niya at halos masira na ang damit niya, nagtagpo ang mga mata namin at hindi ko alam pero bigla akong umiyak ng malakas!
"Tulong!" Malakas na sigaw ni Nathan.
"Hayop ka, Spencer!" Nagpupumiglas si Nathan pero hindi niya magawang makawala, unti unting bumibilis ang pintig ng puso ko dahil sa takot na nararamdaman ko!
"Walang makikinig sayo dito, bro. Kung ako kasi sayo dapat nakinig ka sa Tatay mo." Puno ng panunuya ang boses ng kausap ni Nathan na Spencer kung tawagin niya.
Nabaling ang atensyon ko nang bumukas ang maliit na pinto at pumasok doon ang isang malaking lalaki, hila niya ang isang babae na nakatali ang kamay. Doon ko lang naalala kung sino siya, siya ang kaibigan ni Nathan at nakita ko rin na kasama ni Michael sa Chinese Restaurant, si Aira. Duguan ang kanyang mukha, napatingin siya sa tiyan ko at bakas ang pag-aalala sa mga mata niya.
"Hindi mo na dapat dinamay si Sabrina dito!!" Sigaw ni Aira. "Manahimik ka! Hindi ko hinihingi ang opinion mo!!" Singhal sa kanya ng lalaki.
"Mabuti naman at binabantayan niyo ang mga alaga ko." Ngising ani ng lalaki.
"Hayop ka!" Sigaw ni Nathan dito pero mas lalo akong umiyak nang pagsasampalin niya si Nathan.
"Demonyo ka Gary." Bulong ni Nathan, pero madiin ang pagkakasabi niya no'n. Siya pala si Gary.
"Ha! Tatay mo ako ni Nathan, magkaprehong dugo ang dumadaloy sa ating dalawa!" Napakunot ang noo ko sa sinabi niya kay Nathan pero wala na akong lakas upang mag isip pa dahil nararamdaman ko ang paghilab ng tiyan ko. Hindi nawawala ang ngiti sa labi ni Gary! Mukha talaga siyang demonyo at hindi ko maatim tignan ang pagmumukha niya dahil nababalot ng takot ang buong pagkatao ko.
"Gago kang hayop ka! H'wag mo ng idamay dito si Sabrina!" Muling sigaw ni Nathan.
"Hindi maaari yo'n." Lumapit si Gary sa akin,pilit akong umiiwas sa kanya pero dahil nakatali ako ay mabilis niyang nahawakan ang baba ko saka hinila niya ang nakabusal sa bibig ko! Impit na iyak ang pinapakawalan ko ngayon dahil sa takot sa kanya at sa takot na baka kung anong mangyari sa anak ko.
"Alas ko siya sa traydor na dalawang tauhan ko." Patuloy ni Gary.
"Hindi ba Akira?!" Sigaw ni Gary kay Aira na ngayon ay nakaluhod sa gitna namin!
Lumapit si Spencer kay Gary at iniabot nito ang cellphone dito, may pinindot si Gary do'n at biglang lumakas ang speaker ng cellphone niya.
"Hayop ka Gary." Bigla akong nagkaroon ng pag asa nang marinig ko ang boses ni Michael!
Malakas na halakhak ang isinagot sa kanya ni Gary.
"Subukan mo lang galawin kahit piraso ng buhok ni Sabrina, sinisigurado ko sayo. Magkakamatayan tayo." Matigas na pagkakasabi ni Michael.
"Relax bata, baka nakakalimutan mo, may utang kang buhay sa akin. Pinatay mo ang anak ko, kaya may karapatan akong patayin lahat ng malalapit sayo! Akala mo ba hindi ko malalaman ang mga ginagawa niyong kabalbalan ni Akira?!!" Lalong lumalakas ang boses ni Gary at mas lalong napuno ng galit ang mga mata niya!
"Ikaw ang may utang sa akin! Pinatay mo ang mga magulang ko!!" Gigil na Singhal ni Aira pero napasinghap ako nang malakas siyang sampalin ni Gary!
"May gana ka pa talagang sumagot! Pagkatapos niyo akong traydurin ni Michael?! Hindi pa ipinapanganak ang magpapabagsak sa akin!"
Mas lalo akong umiyak nang paputukin ni Gary ang baril na hawak niya sa paanan ni Aira! Hindi manlang natinag si Aira doon at mas lalong tumatag ang pagtitig niya kay Gary.
"Ubos na ang takot ko sayo." Ngisi ni Aira.
"Gano'n ba? Pwes, hindi ko na patatagalin pa ito. Mamili ka Michael, sinong gusto mong unahin ko? Si Akira...o si Sabrina?" At halos mahugot ko ang pinakamalalim na hininga ko nang iputok ni Gary sa paanan ko ang baril na hawak niya!
"Michael!!!!" Sa unang pagkakataon ay sumigaw ako ng malakas dahil sa matinding takot! Hirap na hirap din ang katawan ko dahil sa mga kadenang nakapulupot sa akin!
"Bilisan mo bata! Alam mong mainipin ako!" Kumakanta kantang sabi ni Gary! Naputol na ang pagsasalita ni Michael nang itapon ni Gary ang cellphone sa kawalan.
Hindi ko na alam kung ilang oras na ang lumipas, pero ramdam kong unti-unti na akong nawawalan ng lakas. Nanlalabo na rin ang paningin ko at hindi ko na kayang ibuka ang bibig ko. Natuyo na rin ang mga luha sa aking pisngi.
"Tanggalan niyo ng tali 'to!" Sigaw ni Gary habang tinuturo si Nathan! Pero bago pa man lumapit ang mga tauhan niya kay Nathan, may isang lalaki ang lumapit sa akin at naramdaman kong tinutukan ako ng baril sa aking sintido. Natanaw ko rin mula sa nanlalabong mata ko ang isang lalaking hawak ang baril habang nakatutok kay Aira.
"H'wag ka ng pumalag! Alam mo ang mangyayari." Hinila ni Gary ang isang upuan at umupo siya do'n.
"Maglalaro tayo! Para naman kahit papaano mapasaya mo ang Tatay mo!"
Napansin kong hirap sa paglakad si Nathan. Doon ko lang napansin na may tumutulong dugo sa hita niya Nathan.
Pinagpilitan ipahawak ni Spencer ang baril kay Nathan.
"Mamili ka na! Kung sino ang una mong gustong paglaruan. H'wag na h'wag kang magkakamali na sa akin iputok yang baril na yan dahil imbis na isa ang mawala sa kanila magiging dalawa. Ano Nathan? Mamimili ka na ba? Sino? Ang babaeng matagal mong pinorotektahan sa likod ng kasinungalingan o ang babaeng ipinagbubuntis ang anak ng pumatay sa kapatid mo?"
Umiling iling si Nathan at napansin ko ang luhang tumulo sa mata niya. Tumingin siya sa akin at tumingin siya kay Aira.
"Please, Nathan, alam kong hindi mo magagawa yan." Humihikbing bulong ni Aira.
Dumiin ang paghawak ni Nathan sa baril niya. Kahit sobrang hinang hina ako ay nananatili akong half awake, ayokong ipikit ng tuluyan ang mga mata ko dahil pakiramdam ko ay hindi na ako magigising pa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top