Chapter 31
Chapter 31
Michael Cando
Maaga kaming umalis ni Akira kanina upang simulan na ang mga plano namin, pero tama nga si Akira, mabilis makakatunog si Gary oras na hanapin namin si Dark Jaguar na matagal nang pinaghahanap ang buong gang. Ilang buwan din ang iginugol namin ni Akira para maisingit sa ang paghahanap sa kanya sa tuwing may operation kami at lahat ng paghihirap namin ay matutuldukan na.
Lahat ng pagtitiis ko na mapalayo sa mga mahal ko sa buhay ay magtatapos na.
Mabilis na nahuli si Akira ng mga tauhan ni Gary at kagaya ng pinag usapan naming dalawa na ano man ang mangyari ay tutuloy ang isa sa amin papunta kay Dark Jaguar para maisakatuparan ang lahat ng plano. Malakas ang pakiramdam ko na gagamitin niyang patibong sa akin si Akira oras na malaman niya ang lahat, pero ang hindi ko matanggap ay nang madamay maging si Sabrina.
Balisa na ako at desperado na! Kinakain na ako ng emosyon ko at hindi na ako makapag isip ng tama! Mas binilisan ko ang pagmamaneho ng kotse upang makarating sa address na nakalap namin ni Akira patungo kay Dark Jaguar.
Isang mala-mansion ang bumungad sa akin nang marating ko ang address na nakalap namin ni Akira, maraming nakabantay doon pero hindi na ako nagdalawang isip pa na sumilip sa malaking gate nila na kita ang buong mansion at paligid, may malaking fountain din ito sa gitna.
"Bata, mukhang naliligaw ka." Puna sa akin ng isa, huminga ako ng malalim at umiling.
"I'm here to see Dark Jaguar." Bulong ko, bakas sa mukha nito ang pagtataka.
"Sandali lang." Lumayo ito saglit sa akin at habang sinisipat ako ng tingin ay may kinakausap ito sa cellphone.
Nabuhayan ako ng loob nang buksan nito ang malaking gate ngunit laking gulat ko nang hilahin ako nito sa kwelyo ko! "Sinong nagpadala sayo dito?! Walang inaasahan na panauhin si Dark Jaguar! Akala mo ba ay makakalabas ka pa ng buhay dito oras na malaman namin kung sino ang nagpadala sayo?!"
Mabilis ako nitong naitalikod at naramdaman kong nakaposas na sa likod ang dalawang kamay ko. Nagpatianod na lamang ako dito nang ipagtulakan ako nito papasok sa loob ng mansion, mas mabuti na ito para sigurado akong makakaharap ko si Dark Jaguar, pero hindi ako dapat magtagal dahil nanganganib ang buhay ng mag ina ko, I'd better find a way to save them.
Ipinasok ako nito sa isang bakanteng kwarto, may isang lamesa doon na may isang baso at isang bote ng alak, napaluhod ako nang malakas niya akong sipain sa likod saka mabilis akong kinapkapan nito at nakuha ang cellphone ko. "Bata, kung ako sayo aaminin ko na kung sino ang nagpadala sayo."
Ngumisi ako, "Kagaya ng sabi ko, si Dark Jaguar ang hinahanap ko. Wala akong panahon o dahilan para makipag usap sayo."
Wala akong balak sabihin dito ang tungkol kay Gary unless si Dark Jaguar ang kaharap ko. Kailangan kong makasigurado.
Akma akong hahampasin ng baril nito ngunit natigilan siya nang may marinig kaming boses mula sa labas. "Boss, may nahuli si Blue Rider na umaaligid sa mansion."
Magkakasunod na yabag ng paa ang naririnig kong papalapit sa kwarto at nang magbukas ang pinto ay pumasok ang dalawa pang sa tingin ko ay spy din dito. Pero napakunot ang noo ko sa huling pumasok, maging siya ay mukhang nagulat na makita ako.
"Boss," Tawag ng spy sa kanya saka sinaluduhan siya.
"Y... you're him?" I whispered in disbelief, sandali niya akong tinignan ng buong pagtataka.
Dark Jaguar is my dad?
"Pakawalan niyo siya." Matigas na sambit niya at mabilis na sumunod sa kanya ang mga bantay.
"Leave us alone." Mabilis na nagkalasan ang mga tauhan at naiwan kaming dalawa ni Papa.
"What are you doing here?" Kunot noong tanong niya, tumayo ako at pinagmasdan siya. He is different now, alam kong strikto siya sa amin ni Michelle pero hindi ako nagpapatalo sa mga gusto kong gawin sa buhay ko, ramdam ko ang matatag na presensya niya.
"You are Dark Jaguar."
Tumikhim siya, "That's not important now, anong ginagawa mo dito? What is it you want to know?" Maraming tumatakbong katanungan sa isipan ko pero hindi ko magawang magtanong dahil nababalot ako ng pag aalala kay Sabrina ngayon.
"I need your help." Bulong ko.
"Ano na naman ang pinasok mong gulo, Michael?" Angil niya at nagsalin ng alak sa baso, lumunok ako at muling lumuhod.
"Please save Sabrina and my son." Naikuyom ko ang aking kamao sa ibabaw ng hita ko, buong pagtataka ang ibinigay niya sa aking tingin.
"What are you talking about?"
"Si Gary." His expression shifted a mixture of surprise and confusion.
"Paano mo nakilala si Gary?" Sinimulan kong ikwento ang lahat kay Papa at kita ko ang galit at pangamba sa mga mata niya. Magkakasunod na pag inom ng alak ang ginagawa niya sa bawat banggit ko nang mga pinapagawa sa akin ni Gary at sa bawat pananakit nito sa tuwing tumatakas ako sa operation namin.
"I'm sorry." Hindi ko na namalayan ang sunod sunod na pagpatak ng luha ko.
"Hindi niyo dapat sinasarili ang mga ganyang bagay, Michael. Anong akala mo? Ganun kadali ang lahat?!" Ma-awtoridad na sabi niya.
"Alam mo bang gabi gabi umiiyak ang mama mo dahil sa pag aalala sayo? At si Sabrina? Iniisip ng Tito Mario at Tita Samantha mo na hind imo nirespeto ang anak nila dahil sa sariling desisyon mo!" Singhal niya at ibinato ang basong puno ng alak sa sahig.
"I'm sorry. Ayoko lang madamay kayo nila mama. Lahat ng pasakit na ibinibigay sa akin ni Gary ayokong maranasan niyo nila mama at ni Sabrina. Ayokong mawala kayo, ayokong mawala si Sabrina." Parang pinipiga ang dibdib ko sa isipin na umiiyak si mama dahil sa akin.
"You should have thought of that before getting involved in something bigger! Naging pusher ka ni Gary! I've fought so hard to keep you safe and Michelle from this kind of world! I build this secret Interpol for you and your sister, dahil ayokong mapariwara ang buhay ninyo! I want all those fucking bastards gone!" Naihilamos niya ang kanyang palad sa mukha.
Lumaki akong palaging kasama si Papa kahit napapadalas ang pagtatalo namin dahil kapag may gusto akong gawing isang bagay ay hindi ako papayag na hindi ko magagawa, pero ni minsan ay hindi ko nalaman ang secret interpol na ito. Madalas kaming mag kasama sa Gym at minsan sa office niya.
"Isa sa mga businesses natin ang bar, I had been running our bar for years, I always believe that it was a safe place to have fun with friends, dun naging matibay ang pagkakaibigan namin ng Tito Mario mo, but then I saw a group of teenagers in the VIP room. Nagda-drugs sila sa bar natin, they were passing a small packet among themselves, ang lalakas ng loob nila, tanggal na ang takot sa mga katawan nila."
Bakas sa mukha ni Papa ang galit, "And that time, I already have you, pinagbubuntis naman ng mama mo si Michelle. Alam kong darating ang panahon na hindi na talaga namin kayo mapipigilan sa mga gusto niyong gawin sa buhay, magsasaya kayo sa paraang gusto niyo, pigilan man namin kayo, alam kong gagawa kayo ng paraan, kasi gano'n kami noon e. Kapag bawal, mas lalo kaming nanggigigil gawin. At natakot akong dumating ang panahon na maging isa kayo sa mga kabataang nakita ko noon, I thought that if I stop those bastards who created this dark world, maililigtas ko kayo ni Michelle. Pero mali pala ako." At sa unang pagkakataon nakita kong tumulo ang luha ni Papa sa kanyang mga mata.
Pero mabilis niyang pinunasan ang luha sa mata at napansin kong may tinawagan siya.
"Hunter, red notice for everyone." Matatag na aniya at saka tumayo.
"Come on son, let's save your family, mag uusap tayo pagkatapos nito." Para akong nabunutan ng napakaraming tinik nang iabot niya ang kanyang kamay sa akin upang tulungan akong tumayo.
Palabas na sana kami ng kwarto pero natigilan siya at muli akong nilingon.
"I trust my people, but don't let them know that you are my son. I don't want them to have an idea who my family are." Paalala niya, tumango ako bilang sagot.
A group of men and women had begun to gather, nang makalabas kami sa kwarto. Each one of them was armed with a gun.
"Listen up, everyone!" In that moment, I saw him not just as the man I knew. He wasn't just a man with a desk job and a bar owner, he is Dark Jaguar, the head of spy, of secret Interpol he founded.
"We already locate the main warehouse of the biggest drug dealer in our country." Bakas sa mukha ng mga spy ang pag nanais na mahuli si Gary.
"Ito na ang oras upang sugpuin ang buong gang ni Gary. We all know that we can't underestimate him, kaya naman dapat masiguro nating wala na siyang kawala."
Kagaya ng gusto ni Papa, tahimik akong nakamasid habang binubuo nila ang plano. Ipina-drawing niya din sa akin ang buong lokasyon ng warehouse ni Gary, lahat ng exit kabisado ko at alam kong hindi na siya makakawala sa oras na dumating kami doon. Pagkatapos ay napagpasiyahan ng buong grupo na gumamit ng motor bike para makarating doon sa mas lalong madaling panahon.
"You know how to use this, right?" Ani Papa saka inabot sa akin ang baril.
"I have one." Sambit ko, tumango siya. "This will be the last time na hahawak ka ng baril Michael. Hop in." Mabilis akong sumakay sa motor, hindi pa rin matahimik ang buong kalooban ko, matindi ang pananalangin ko ngayon na sana ay maayos lang ang lagay ni Sabrina ngayon. Nakasunod din sa amin ang private ambulance mula sa mansion.
Pumarada ang lahat ng motor bikes sa medyo kalayuan ng warehouse, kanya kanyang takbo na ang ginawa ng mga spy papunta sa kani-kanilang ruta.
Sumunod naman ako kay papa at pinili namin ang main entrance ng warehouse, kasama namin ang ilan sa mga spy. Kagaya ng inaasahan namin ay maraming nakabantay doon, hindi ko maiwasang mabilib sa pagkilos ng mga spy dahil ni kaliskis ng mga paa nila ay hindi mo maririnig.
"Target lock." I heard my dad whispered, he adjusted the grip on his silencer-equipped pistol, the first target fell without a sound. Kahit kinakabahan ako ay hindi ko naiwasan ang pag-ngisi.
"Nice shot, pa." Bulong ko, bumaling siya sa akin at tumawa. "Easy." Aniya saka sumenyas, lakad takbo ang ginawa namin, ang ibang spy naman ay na-clear na rin ang dadaanan namin at nang makarating kami sa main entrance ay pasimple kong itinulak iyon.
Nabalot ng galit ang puso ko nang makita ko ang nakatali na si Sabrina, papasok na sana ako pero hinawakan ako ni papa sa balikat. "Huwag padalos dalos." Paalala niya saka tahimik na nakapasok siya sa loob, nang masiguro niya ang pwesto ay sumenyas siya na pumasok ako kaya naman maingat akong hindi gumawa ng ingay upang makapasok sa loob.
"Mamili ka na! Kung sino ang una mong gustong paglaruan. H'wag na h'wag kang magkakamali na sa akin iputok yang baril na yan dahil imbis na isa ang mawala sa kanila magiging dalawa. Ano Nathan? Mamimili ka na ba? Sino? Ang babaeng matagal mong pinorotektahan sa likod ng kasinungalingan o ang babaeng ipinagbubuntis ang anak ng pumatay sa kapatid mo?"
Napatiim ang bagang ko sa aking narinig, "He's going to kill, Sabrina." Galit na angil ko.
"Please, Nathan, alam kong hindi mo magagawa yan." Humahagulhol na sigaw ni Akira, itinaas ni Nathan ang baril at hindi ko gaanong makita kung kanino niya itinutok iyon. Pero bago pa mahuli ang lahat ay mabilis kong pinaputok ang baril na hawak ko na nagpasigaw sa kanilang lahat!
"Napaaga ang dating mo bata!!" Sigaw ni Gary pero nawala ang pag ngisi nito nang mapagtantong marami na ang nakapalibot sa kanila sa lahat ng exit!
"Shit!!" Sigaw ni papa sa tabi ko at doon na nagsimula ang ingay ng lahat kasabay ng sunod-sunod na pagbaril mula sa mga spy at sa gang ni Gary. "Everyone! Dark strike!" Dinig kong sigaw ni papa mula sa radio earpiece niya,hindi ko na alam ang sumunod na kilos nila dahil sinuong ko ang daan patungo kay Sabrina!
"Protect the informant!!!!" Ma-awtoridad na sigaw ni papa at tatlong spy ang sumunod sa mabilis na pagtakbo ko patungo kay Sabrina!
"Sabrina!!!" Punong puno ng pag aalala ang boses ko nang makalapit ako sa kanya at para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita kong may dugo sa binti niya!
"Michael..." Nanghihinang bulong niya, madali kong tinanggal ang pagkakadena sa mga paa niya at maging ang kamay niya.
Nasalo ko siya sa tagiliran niya nang bigla siyang bumagsak at doon ko lang napansin na nawalan na siya ng malay!
"No, no. Love...wake up!" Pagmamakaawa ko pero parang hindi niya ako naririnig!
"Dalhin na natin siya sa ospital!!!" Narinig kong sigaw ni Akira, sandali kong tinignan ang buong paligid at doon ko napansing nagsilabasan na sila sa labas ng warehouse upang makatakas pero alam kong bawat exit ay may mga nakabantay.
Pero bumalik ang kaba ko nang makita kong pabalik na tumatakbo si Gary patungo sa amin! At laking gulat ko nang hilahin ni Nathan ang baril sa likod ko at sumigaw ng malakas kasabay ng kanyang pag iyak!
Bakas ang panlulumo sa mukha ni Nathan nang tatlong magkakasunod ng putok ng baril ang ipinaligo niya kay Gary. Napaupo na lamang ito mula sa duguang hita niya na sa tingin ko ay may tama din ng baril!
"Back exit, clear!" Sigaw ng isang spy at ginamit ko ang buong lakas ko upang buhatin si Sabrina! Sumunod naman si Akira na akay akay si Nathan.
Pagkalabas namin ng back exit ay nakaabang na doon ang private ambulance!
__
Hanggang sa makarating kami sa pinaka malapit na ospital ay mahigpit pa rin ang hawak ko kay Sabrina.
"Please...iligtas niyo ang mag ina ko!" Nagmamakaawang sigaw ko.
"Pasensya na po, pero hanggang dito nalang po kayo." Sabi ng isang nurse at kasabay no'n ang mabilis na pagpasok kay Sabrina sa operating room!
Sa unang pagkakataon, lahat ng kahinaan ko ay nailabas ko sa pag iyak! Para akong baliw na paulit-ulit na bumubulong para sa kaligtasan ni Sabrina at ng anak namin.
Hindi ko magawang umalis sa pagkakaupo sa tapat ng operating room, namamanhid ang buong katawan ko at kita ko ang panginginig ng dalawang kamay ko na ngayon ay may bakas ng dug oni Sabrina. Pero napakalma ako ng kaunti nang maramdaman kong may pumilit humawak sa dalawang kamay ko, nagtaas ako ng tingin sa kanya at para akong gago na umiyak nang umiyak.
"Pa, I...I can't lose her. Mababaliw ako." Paulit ulit na sambit ko, I did everything to make sure she is safe. Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nawala siya.
"Akie! Michael!" Narinig ko ang boses ni mama mula sa hospital hallway, natanaw kong kasunod niya ang mga magulang ni Sabrina at kapatid niya. Tumayo si Papa at sinalubong sila papalapit sa akin.
"Gago ka!! Anong ginawa mo sa kapatid ko?!!" –Sigaw ni Shane at magkakasunod na suntok ang tinanggap ko mula sa kanya nang hilahin niya ako patayo. I don't know, but I feel so numb now and my mind was entirely with Sabrina.
"Shane!! Enough!! Walang mangyayari kung uunahin mo ang galit mo!!" Hinila siya ni Tito Mario.
"Kuya!! Okay ka lang ba Kuya?!!" Umiiyak na ani Michelle.
"Dapat ikaw nalang yung naaksidente! Hindi si Ate! Dapat mamatay ka nalang hayop ka!"
"Shane!" And that's Tita Samantha, di ko alam kung saan ba ako kumukuha ng kapal ng mukha para harapin sila.
"Nasaan si Sabrina?" Tanong ni mama kay papa.
"Nasa operating room."
"Patawarin niyo po ako..." Umiiyak na bulong ko at lumuhod ako sa harap nila.
"Anak..." Dama ko ang pag hawak ni mama sa balikat ko.
"Alam kong mali, but believe me, I did everything to protect her."
"Don't you get it?! You're too weak to protect anyone!" Muling sigaw ni Shane sa akin.
"I said enough!" Sigaw ni Tito Mario.
Umupo si Tita Samantha upang makapantay ako mula sa pagkakaluhod ko sa kanilang lahat at napapikit ako nang hawakan niya ang pisngi ko. "Shhh, Sabrina will be fine. Kilala mo naman ang anak ko hindi ba? Matapang siya, alam mo kung gaano katapang si Sabrina." Umiiyak na bulong nito sa akin na mas lalong nagpakirot sa puso ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top