Chapter 29
Chapter 29
Michael Cando
"Ate..may naghahanap sayo sa labas! Papasok na ako!" Sigaw ng kapatid ni Akira mula sa sala.
Isang buwan na rin ang lumipas simula nang malaman niya ang katotohanan tungkol sa pagkamatay ng mga magulang niya. Dating tauhan ni Gary ang Mama at Papa niya, nang minsang pumalya ang mga ito sa isang kliyente ay pinatay ito ni Gary. Sa una ay aksidente daw nabaril ni Nathan ang Papa ni Akira dahil sa pakikipagtalo ni Nathan kay Gary, hindi sana mamamatay ang Papa ni Akira dahil daplis lang daw ang naging tama nito, pero tinuluyang barilin ni Gary sa noo kasabay ng Mama niya.
Ayon sa kwento sa akin ni Akira, nakilala niya si Nathan nung araw mismo kung kailan namatay ang mga magulang niya. May tama ito ng baril at siya ang tumulong upang madala ito sa ospital, habang abala siya sa pagbabantay kay Nathan sa ospital ay doon naman may tumawag sa kanya na nasunog ang sinasakyang kotse ng mga magulang niya dahil bumangga ito sa gasulinahan.
Nagsimulang magtrabaho si Akira kay Gary dahil halos tingalain niya ito sa pagtulong sa kanilang magkakapatid nang mawala ang mga magulang niya, ito rin kasi ang sumagot sa lahat ng gastusin upang maisaayos ang libing ng mga magulang niya at sinagot rin nito ang pagpapaaral sa mga kapatid niya. Isang superhero ang tingin niya kay Gary at doon nalang din niya nalaman na anak pala nito si Nathan.
Hanggang sa dumating yung araw na narinig niya ang pagtatalo umano ng mag ama tungkol sa pagpatay ni Gary sa mga magulang niya at lahat ng iyon ay itinatago ni Nathan.
"Ate, ano ba?! Kanina pa nangungulit yung tao sa labas. Aalis na ako!" Inis na sigaw ng kapatid niya, padabog akong bumangon sa kama saka humila ng sando at isinuot iyon.
"Kuya, ikaw na nga muna ang bahala kay Ate. Late na ako." Salubong sa akin ng kapatid niya nang mapansin ang paglabas ko sa kwarto.
Magkakasunod kong kinalampag ng katok ang pinto ng kwarto ni Akira, pero nang hindi niya pa rin binuksan iyon ay marahas ko nang binuksan ang pinto. Nakahiga siya habang nakatalukbong ng unan ang mukha niya.
"Wala ka bang balak tumayo diyan?!" Iritableng tanong ko sa kanya saka hinila ko yung unan sa mukha niya. Isang buwan na siyang ganyan at solo na rin akong nagtutuloy ng mga tinatrabaho kay Gary.
"H'wag mo nga akong pakialamanan." Walang ganang aniya saka hinila ulit sa akin ang unan.
"Tsk, hindi mo ba narinig ang kapatid mo? May naghahanap sayo!"
"Sabihin mo wala ako!" Pagmamatigas niya.
Kung hindi madaan sa pakiusap eh daanin sa dahas. Lumabas ako ng kwarto niya at tumungo ako sa kusina, kumuha ako ng malamig na tubig sa ref at ibinuhos ko 'yon sa kanya!
"Tangina. Michael!!!" Napatayo siya sa gulat.
"Oh. Edi tumayo ka rin. Harapin mo yung naghahanap sayo sa labas, hindi ako makatulog sa kakasigaw ng kapatid mo kanina." Malamig na utos ko sa kanya.
"Bwisit..." Singhal niya saka hinila ang robe sa upuan at isinuot iyon bago tuluyang lumabas.
Papasok na sana ako sa kwarto ko nang mapansin kong natigilan siya sa may pintuan.
"Anong ginagawa mo dito?!" Sigaw niya sa tao sa labas.
"Aira, mag usap tayo. Please." Napakunot ang noo ko nang marinig ko ang boses ni Nathan. Naglakad ako palapit doon at nakahalukipkip na pinagmasdan siya.
"Umalis ka na! Ayokong maipag usap sayo." Muling sigaw ni Akira pero mabilis siyang hinila ni Nathan sa braso.
"Ano ba Nathan?"
Pero natigilan si Nathan nang mapansin niya ang presensya ko.
"Anong ginagawa mo dito? Nung nakaraan ko pa gustong malaman 'yan." Biglang baling niya sa akin.
Ngumisi ako at lumabas ng bahay, pero mabilis akong dinamba ng suntok ng gago!
"Gago ka! Pinatay mo ang kapatid ko!" Sigaw nito.
Pinunasan ko ang dugo sa labi ko at matatag siyang tinignan, "Hindi ba patas lang?
Ngumisi ng nakakaloko si Michael at lumabas ng bahay, pero bago pa siya makalapit saamin ay dinamba na kaagad siya ng suntok ni Nathan!!
"Gago ka!! Pinatay mo ang kapatid ko!!" – sigaw ni Nathan!
Hinawakan ni Michael ang labi niya at pinunasan ang dugo doon.
"Psh, hindi ba patas lang? Aksidente mong napatay ang Tatay ni Akira, aksidente ko lang din napatay ang kapatid mo." Panunuya ko sa kanya, magkakasunod na suntok ang ibinigay sa akin ni Nathan pero mabilis ko siyang nahila sa kwelyo niya at itinulak sa pader ng sobrang lakas!
"Tandaan mo nasa teritoryo ka namin ni Akira, kayang kaya kong tapusin ang buhay mo dito. Matagal na akong napipikon sap ag aligid aligid mo kay Sabrina e, oras na siguro para gumanti ako diba?" Singhal ko at muli ko siyang hinila sa kwelyo at pinagsusuntok ko ang pagmumukha niya!
"Kulang pa yan sa pagsisinungaling mo kay Akira at sa paghalik mo sa asawa ko kahit na nakita mo ako nung gabing 'yon!" Ngunit isang ngisi lang ang isinagot sa akin ni Nathan.
"Tanggapin mo nalang na mawawala na sayo si Sabrina, hindi ba ikaw nga ang nang iwan sa kanya habang siya hirap na hirap sa responsibilidad na dapat kayong dalawa ang humaharap." At nakuha pa talagang sumagot nitong gago na 'to? Wala siyang alam sa mga desisyon namin ni Sabrina!
Sa inis ko ay binasag ko ulit ang pagmumukha niya!
"Nang dahil sa hayop mong tatay! Kaya ko iniwan ko si Sabrina! Pinoprotektahan ko lang ang mga mahal ko sa buhay mula sa demonyo mong ama! Pero sisiguraduhin ko na hindi na siya mawawala sa akin! Tandaan mo Nathan! Kayang kaya kong patayin ang Tatay mo sa mismong harapan mo!"
Sabrina Briones
"Happy seven months old baby!" Masayang sabi ni Mommy habang hinihimas ang tiyan ko. Nakaupo kami ngayon sa couch at kumakain ng cookies.
"Ang laki ng tiyan mo anak, ano ba yang dinadala mo dragon?" Natatawang sabi ni mom.
December na at palapit na ng palapit ang paglabas ng anak ko.
"Sabrina hija? Nandito si Nathan." Nakangiting sabi ni Manang, dahan dahan akong tumayo at nakita kong papasok si Nathan dito ng bahay.
"Good afternoon po Tita." Bati ni Nathan kay Mom.
Tumango si Mom sa kanya, napansin kong may ilang pasa siya sa mukha niya.
"Anong nangyari sayo?" Pagtataka ko.
"Ahh..wala 'to." Nakangiting sabi niya.
"Maupo ka hija, ipaghahanda ko kita ng merienda." Sabi ni Mom.
"Ah, hindi na po Tita, gusto ko po sanang yayain si Sabrina kumain sa labas." Paalam niya.
"Gano'n ba? Teka anak kaya mo ba? Ang laki laki niyang dala mo." Biro sa akin ni Mom, natawa ako. Dahil totoo naman ang sinabi ni Mom malaki ang tiyan ko at sobrang bigat, tuwing maglalakad nga ako hawak ko pa ang bewang ko, pinagtatawanan nga ako ni Shara.
"Mommy kaya ko pa naman po." Sabi ko, malakas naman ang pangangatawan ko kahit buntis ako, kapag sobrang napapagod lang talaga ako saka ako dumadaing.
"Aalalayan ko siya Tita." Sabi ni Nathan, tumango naman si Mommy. Umakyat na ako sa itaas para magbihis. Pagkatapos ay umalis na kami ni Nathan.
Seryoso sa pagmamaneho si Nathan, pero tuwing kakausapin ko siya ngumingiti siya.
"Napaano ba yang pasa mo?" Usisa ko.
"Ah, wala 'to! Napa-trouble lang ako kahapon." Nakangiting sagot niya.
Napakunot ang noo ko, hindi mahilig makipag away si Nathan kahit nung high school palang kami.
"Talaga."
Nabigla ako nang hawakan niya ang kaliwang kamay ko habang nagmamaneho siya, marahan niyang pinisil yon.
"Hindi mo lang alam, pero nahihirapan akong kalimutan ka." Bulong niya para makaramdam ako ng pagkailang.
Hinila ko ang kamay ko.
"Nathan." Pagbabanta ko.
Tumigil kami sa isang restaurant, pero pagbabang pagbaba palang namin may anim na lalaki ang pinagtulungan kaming isakay ni Nathan sa isang itim na van!
"Nathan!!!" Sigaw ko!
"Fuck! H'wag niyo siyang idamay dito!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top