Chapter 5

January 17, 2018

"So speaking of ex na lang rin naman, kamusta na si Gion? May balita ka na ba sa kanya?"

Napataas ang kilay ko sa tanong ni Rue, mukha ba akong may balita kay Gion?

"Ewan ko, hindi ko na alam kung kaylan ko siya huling nakita sa totoo lang."

Nakita kong naging mapagmasid si Rue sa ekspresyon ng mukha ko, para bang naghahantay siya ng hint sa mata ko na nasaktan ako ng banggitin niya ang pangalan ni Gion pero wala naman siyang makikita dahil hindi naman na ako nasasaktan about sa relasyon namin.

Dahil hindi naman ako doon nasasaktan, nasasaktan ako sa mga nangyari sa nakaraan.

"Ang tagal na nating magkaibigan Ellie pero kahit kaylan hindi mo kinuwento sa akin kung papaano naging kayo ni Gion." Aniya.

"Kasi wala namang exciting at magical kung papaano naging kami ni Gion." Bored na sagot ko.

"Wala ba talaga? Bakit namumula ka?" Pang-aasar niya sa akin.

Pinilit ko ang sarili ko na umirap para pagtakpan ang pamumula ng mukha ko, "Wala naman talaga!" Giit ko pa.

"Kung ganoon, bakit ayaw mong ikwento sa akin?" Nagtaas baba pa siya ng kilay sa akin na para bang mas lalo pa akong inaasar.

"Hindi ka maniniwala." Napabuntong hininga ako.

"Bakit naman hindi?" Nagtatakang tanong niya sa akin.

"Kasi nga sobrang bilis ng pangyayari, as in sobra."

"Huh? Pwede paki-explain nalang sa akin?" Tanong nito.

"I mean pangalan lang talaga namin ang parehong alam namin sa isa't isa nung mga oras na yun at..."

"At?" Mas lalong lumapit sa akin si Rue na para bang na-eexcite siya sa ikukwento ko.

"Nevermind." Tinulak ko siya papalayo sa akin dahil masyado ng malapit ang mukha niya.

"You got no jams, Ellie." Sabay pa sa akin ni Rue ng bumalik siya sa pwesto niya, disappointed sa ginawa kong pambibitin ng kwento sa kanya.

"Ayoko lang magbago yung tingin mo sa akin Rue." Giit ko.

"Kahit anong mangyari Ellie, hindi na magbabago yung tingin ko sa'yo, kasi nakaraan na yung ikukwento mo at naging kaibigan kita ngayon, eto na yung naging kaibigan ko, yung bagong Ellie, kaya kung ano mang meron sa'yo sa nakaraan mo, tanggap ko lahat ng yun. Kasi kaibigan kita at kung nandoon man ako nun, tapos magkaibigan na tayo sa mga oras na yun tanggap pa rin kita. Bakit? Simple lang, kasi kaibigan kita at mahal kita."

"Maiyak pa ko nyan." Natatawang sabi ko, napangiti siya bago siya napairap sa kawalan.

Sobrang naappreciate ko yung drama ni Rue ngayon-ngayon lang, thankful ako na naging magkaibigan kami ni Rue, kasi kung hindi ay hindi ko na alam kung papaano ko makakasurvive sa araw-araw na buhay ko ng hindi ko nalalabas lahat ng nararamdaman ko o rants ko sa buhay. 

Or talagang hindi na talaga ako nakaka-survive? Siya nalang naman talaga ang dahilan kung bakit pa ako nandito.

"Pero hindi ko talaga alam kung papaano naging kayo ni Gion." Biglang pagbabalik niya sa topic.

Akala ko ay matatakasan ko na ang tanong na yun pero mukhang nagkakamali ako. Hindi ko kayang takasan yun.

"It's just... argh! Hindi ko talaga alam kung papaano ko sisimulan." Napu-frustrate kong sabi sa kanya.

"Bakit naman?" Naramdaman kong tumabi siya sa akin.

"Kasi hindi ko rin naman alam kung kaylan naging kami." Pag-amin.

"What?!" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Wala talaga kaming commitment na kami, pero alam namin sa isa't isa na kami. Ang gulo ba?" Tanong ko sa kanya at tumango lang siya sa akin bilang pagtugon.

"Pero kaylan kayo unang nagkausap?"

"Noong nagbabike kami ni Gen patungo sa school, tapos huminto si Von para i-invite kami sa party and then nandoon pala si Gion tapos ayun." Pagkwento ko.

"Yun na yun?" Hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Rue na para bang nag-expect siya ng mala-telenovelang pagkakakilala.

"Oo." Tipid na sagot ko.

"I mean, yung medyo deep na usapan man lang?" Tanong ni Rue.

"Ahh, yung unang pag-uusap namin ay nung mismong gabi lang rin ng araw na yun, sumama kasi ako sa party kasi hindi ako makatanggi kay Gen."

"And then?" Lumapit sa akin si Rue para mas mapakinggan niya ako ng ayos.

"Hindi ko na alam kung anong pinag-usapan namin ng mga oras na yun, masyado akong lasing at wala na akong alam sa mga nangyayari." Pag-amin ko.

"What?! Yun na yun?! Anong sunod na nangyari?"

"Kinabukasan noon nagdidate na kami, I don't know kung masasabi kong date yun pero lagi siyang nakabuntot sa akin." Paliwanag ko.

"Imposible namang bigla nalang siyang bumuntot sa'yo ng mga oras na yun! I'm sure may nangyari noong gabi na yun, so tell me ano yung nangyari ng gabing yun?"

Biglang nag-init ang mukha ko dahil sa tanong ni Rue, mukhang napansin niya iyon kaya naman bumakas yung gulat sa mukha niya para bang may ideya na siya sa nangyari noong gabi na yun.

"Please tell me mali yung nasa isip ko." Sabi ni Rue sa akin.

"Papaano ko malalaman kung anong nasa isip mo?" Napairap ako sa kanya.

"Tell me, yung detailed dapat. As in detalyadong detalyado, anong nangyari nung gabi na yun?" Pagpupumilit ni Rue sa akin, nakahawak na siya sa braso ko habang pinipilit akong ikwento sa kanya.

"You won't believe me." Giit ko.

"No, maniniwala ako sa lahat ng sasabihin mo." Pangako niya.

"Okay, ganto kasi yun..."

Hindi ako komportable sa suot ko at lalong lalo na sa lugar na pinuntahan ko, bahay lang ito pero nagmukha itong club dahil sa lakas ng tutog na bumabalot sa buong bahay, ang mga nakakahilong party lights ay sumasabay sa bawat beat ng tugtog.

Napakaraming usok na nanggagaling sa sigarilyo ng mga tao dito at napakaraming lasing na lasing na taong nakikipag-make out sa gilid at isa na doon ang kaibigan kong si Gen.

Nasa gilid siya kasama ni Von, pareho silang lasing na lasing dahil kanina pa sila umiinom na dalawa, gusto kong hilahin si Gen palayo kay Von pero anong karapatan ko? Choice nilang dalawa yun, as if namang kapag sinabi ko yung nararamdaman ko ay titigilan na nila ang ginagawa nilang dalawa.

Badtrip na badtrip ako, nasa katinuan ako dahil hindi ako umiinom ng alak. Ayoko dahil alam kong pagkatapos kong uminom ay isusuka ko lang rin naman lahat ng iyon at pagkagising ko ay alam kong sobrang sakit lang ng ulo ko.

Pero masyado akong malungkot sa mga oras na 'to, hindi ako galit, hindi ako galit kay Von at Gen kasi unang una sa lahat wala naman akong karapatan, wala akong karapatan na pigilan sila. Lalo na at gusto naman nilang dalawa yung ginagawa nila. Edi sige, bahala sila.

"Bad mood?"

Nag-angat ako ng tingin sa lalaking nakatayo sa harapan ko, naupo siya sa tabi ko kahit hindi ko siya pinapaupo, inabot niya sa akin ang beer na nakalagay sa isang red cup. Dahil siguro sa sobrang sama ng nararamdaman ko ay gusto kong uminom para kalimutan lahat ng tumatakbo sa isip ko.

Ayoko ng nararamdaman ko, masyadong nakakatakot at delikado. Hindi tama, hindi tama yung nararamdaman ko. Dapat tigilan ko na 'to.

"Ohh, easy lang. Dahan-dahan lang ang pag-inom." Biro niya sa akin pero inirapan ko lang siya bago ko kinuha ang baso niya.

"Okay, bad mood ka nga, I get it. Gusto mo bang uminom pa, kukuha pa kita." Suhestyon niya, tumango nalang ako sa kanya kaya naman napangiti siya bago siya tumayo para kumuha ng panibagong beer.

Pagbalik niya ay may dala na siyang mga bote ng beer, hindi na nakalagay sa baso ang kinuha niya. Inilagay niya iyon lamesang nasa harapan naming dalawa, inabutan niya ulit ako at ininom ko ulit iyon ng walang pakundangan.

"So pwede ko bang matanong kung bakit ka badtrip?" Nakangising tanong niya.

"Ano bang pakialam mo Gion? Close ba tayo?" Sarkastikong tanong ko sa kanya.

Nakita kong mas lalo siyang napangisi, bakit ba ngumiti siya? Hindi ba dapat ay maoffend siya sa sinabi ko? Damn, baliktad ata utak nito.

"Wow, kilala mo pala ako." Aniya, kaya naman napairap ako sa kanya. Di ba halata na kilala ko siya?

Inabutan niya ulit ako kaya naman ramdam na ramdam ko na ang hilo ko pero ininom ko pa rin yung binigay niya sa akin.

"So about ba 'to kay Gen?" Nagtaas siya ng kilay sa akin kaya naman napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Ano bang sinasabi mo?" Naguguluhang tanong ko pero nakita kong nagbubukas ulit siya ng panibagong bote ng beer.

"Iniwan ka ba ni Gen mag-isa dito--"

"Oo, iniwan niya ako para sumama kay Von." Napairap ulit ako bago ko uminom ulit. "Nandoon sila sa gilid, naglalaplapan hanggang sa maputol yung mga dila nila."

"Your language." Pagpuna niya.

Wow, akong-ako 'to kapag hindi ako lasing ah.

"Whatever, hindi naman ako nagmura, sinabi ko lang yung totoo." Giit ko.

"Are you jealous?" Natatawang tanong niya.

"No! Bakit naman ako magseselos?!" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Okay, okay. Masyado kang defensive." Natatawang sabi nito.

Napansin kong mapungay na ang mata niya at namumula na rin ang buong mukha niya dahil na rin siguro sa kalasingan, napansin ko na rin na medyo malapit na siya sa akin.

"Don't be jealous Ellie, kasi magseselos rin ako." Bulong niya sa akin.

Hindi ko maintindihan, bakit siya magseselos?

Naramdaman ko na yung kamay niya sa baywang ko pero hindi ko siya pinipigilan.

Ganto talaga ako kapag lasing ako. Hindi ako nawawalan ng control. Ginagawa ko lang kung anong unang pumasok sa isip ko.

"Pwede namang kalimutan muna natin si Gen at Von..." Naramdaman ko yung labi niya sa tenga ko habang binubulong niya iyon sa akin.

"What do you mean?" Tanong ko sa kanya.

"You know..." May sinesenyas siya gamit ang facial expression niya pero hindi ko yun makuha.

Masyado na kaming malapit sa isa't isa, pero hindi ako nasasakal sa lapit niya sa akin, ang totoo ay komportable pa ako at hindi ako naiilang, dala na rin siguro ng kalasingan.

Nang maramdaman kong umaangat ang hawak niya sa akin ay nakuha ko na ang ibig niyang sabihin, kaya naman napangiwi ako at mabilis kong inalis ang kamay niya sa akin sa sobrang inis ko.

"At sa tingin mo papayag ako?!" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya habang may halong pagkairita sa mukha ko.

Hindi siya kumibo sa sinabi ko, nagkatinginan lang kaming dalawa.

Hanggang sa hindi ko na alam kung papaano nangyari na nagmimake out na rin kaming dalawa sa may sofa, hindi iyon sapilitan dahil pumayag ako at hindi ko talaga alam kung bakit, walang may pakialam sa kung ano man ang ginagawa namin. Lahat naman sila ay lasing na at lahat sila ay walang pakialam.

At ang huli ko nalang natatandaan ay nasa loob na kami ng isang kwarto na kaming dalawa lang ang laman.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top