CHAPTER 7
Klien Vincent Dela Vega
"Ano ba kasing nangyayare sayo? bakit ka nandito? tapos umiiyak ka pa?" tanong ni benjo habang naka upo kaming dalawa sa bench di na siya pumasok sa loob.
Hawak-hawak ko na yong kwentas na ibibigay ko sakanya at nagpunas ng luha.
"Ah eh gusto ko lang magpahangin" sagot ko.
"Wag ako, alam kong nagsisinungaling ka sabihin mo na? ano bang nangyare? may nang-away nanaman ba sayo?" nag alala niyang tanong saakin at pinahid niya ang luha ko.
"O-oo nga magpapahangin nga lang ako" sagot ko naman.
"S-sige sabi mo yan eh" sagot niya at tumahimik na ulit.
Katahimikan lang ang namagitan saaming dalawa ng magsalita siya.
"Happy Valentines pala ah" napatingin ako sakanya.
"Yeah happy valentines din" sagot ko, binuksan ko ang box.
"Ito pala oh, para sayo talaga yan" sambit ko at ibinigay sakanya ang box.
"Uyy! talaga?! wow! this is nice klien! thank youuu!!" at isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko.
"Ay ako din pala wait" maya-maya ay may box siyang maliit na inilabas mula sa bulsa niya, nagulat naman ako dahil dito. Itinapat niya ito sa harap ko habang nakasandal parin siya sa balikat ko.
"Wow ano yan?" tanong ko, binuksan niya ito at nawala ang excitement ko.
"Tarantado ka ano yan?!" inis kong sambit at itinulak ko siya. Well condom lang naman ang laman ng box nakabalot naman ito at trust pa yong tatak.
Tumawa naman ang walanghiya at umayos ng upo.
"Ano ka ba? pang pa swerte kaya to! lagay mo sa wallet mo" sambit niya.
"Walang hiya ka iyo nalang yan" sambit ko.
"Ano ka ba syempre joke ito talaga yon pero teka pikit ka muna" sambit niya, tinignan ko siya ng masama.
"Ano nanamang trip mong animal ka?" tanong ko.
"Oo nga sige na pikit na" pumikit naman ako at maya-maya ay naramdaman kong kinuha niya ang kamay ko at may malamig na bagay akong naramdaman na inilagay niya sa wrist ko.
Bracelet?
"Oh ayan na! magmulat ka na" sambit niya napamulat naman ako at nanlaki ang mga mata ko sa nakikita kong naka kabit sa wrist ko.
"Wow! ang ganda!!" sambit ko at itinaas ko ito.
"Nabili yan ni mommy sa Italy nung nakaraan actually i got one too look dalawa kasi yan" itinaas niya ang kamay niya at nakasout din siya ng bracelet na kagaya ng akin.
wow so its a couple bracelet.
"Wow so ibig sabihin couple bracelet pala to?"
"Yup promise bracelet yan at sabi saakin ni mommy bigay ko daw sa Special na tao para saakin kaya ayan binigay ko sayo" napangiti naman ako.
"Thank you ha?" sambit ko.
"Thank you lang? wala manlang hug diyan?" tawa tawa niyang sambit.
Niyakap ko naman siya pero saglit lang.
maya-maya ay ginulo niya ang buhok ko.
"Ikaw ah? nakita kitang sumasayaw kasama si Sam" nakasimangot niyang sambit,
sus! ikaw nga sumayaw nung maharot na airah na yon!
"Ah yon ba? wala yon" sagot ko, tumayo siya.
"Tara?" tanong niya.
"Teka saan tayo pupunta?" tanong ko.
"Basta halika" naglakad na siya at tumayo naman ako ng mabilis kaya't napaaray ako dahil nakalimutan kong may sugat pala ako sa paa.
"Aray" lumingon siya saakin.
"Anong nangyare okay ka lang?" lumapit siya saakin at sinuri ako hanggang sa nakita niya ang punit kong pantalon.
"Ano nanamang nangyare dito?" kunot noo niyang tanong saakin at halata sa tono niya na galit siya.
Napakamot naman ako sa batok ko.
"K-kasi n-nadapa ako kanina nung papunta ako dito kanina" nahihiyang pahayag ko.
"Hayss.. kahit kailan talaga lampa ka eh no? kaya di talaga kita pwedeng iwanan mag-isa eh kasi baka mamaya mamatay ka nalang ng di ko alam" umiiling niyang sambit.
"Wow ha? grabi ka naman saakin, madilim kasi kanina kaya ganun" nakayuko kong sagot ramdam kong galit siya.
"Tsk! halika" tumalikod siya saakin at medyo yumuko.
"Anong gagawin mo?"
"Piggy back? sige na di mo kayang maglakad eh" napalunok naman ako at natagpuan ko nalang ang sarili kong naka piggy back sakanya.
"Ikaw ha? paano nalang kong wala ako sa tabi mo?" sambit niya habang naglalakad kami.
Amoy na amoy ko ang pabango niya.
"Sorry naman" sabi ko.
Nakarating kami sa may sasakyan niyang naka park.
"Teka nasaan yong driver mo?" tanong ko dahil wala si kuya roger ang driver niya.
"Pinauwi ko na dahil ako ang mag dadrive ngayon" at itinaas niya ang susi ng kotse niya.
"Hoy! baliw ka ba? di ka naman nag mamaneho eh paano pag na disgrasya tayo?" tanong ko, natawa naman siya.
"Trust me" napailing naman ako.
"Kasi benj-"
"Why Klien Don't you trust me?" tanong niya.
Napalunok ako.
"I-i trust you"
Klien Vincent Dela Vega
Ano ba naman tong mga to! may nuts! inipon ko lahat ng chocolates na nakalagay sa lamesa ko at nilagay sa tray.
Alam ko na kong kanina ko to ibibigay.
"What is that?" tanong ni kuya tyronne ng ilapag ko ang mga chocolates sa table niya.
"I can't eat them" at tinignan niya ito.
"Owww kaya pala dahil may nuts you're allergy kawawa ka naman" sambit niya.
"Tsk! whatever sayo na yan or bigay mo kay Diane" sambit ko at tumalikod na ako.
Allergy ako sa nuts ang i remember the time na kumain ako ng chocolates na may nuts.
Klien Vincent Dela Vega
"Wow! ang gandaaaa!!" sigaw ko ng makita ko ang city lights.
Umupo kaming dalawa sa bench at parehong tumanaw sa city lights.
"This is so relaxing" sambit niya, tinignan ko siya at kitang kita ko ang saya sa mukha niya habang nakatingin sa magandang tanawin.
"Yeah"
"Klien" biglang niyang sambit kaya tumingin ako sakanya.
"Ano yon?" tanong ko.
"Anong course ang kukunin mo sa college?" tanong niya saakin pero di parin siya nakatingin saakin.
"Hmmmm... Siguro Business management yon yong sabi saakin ni daddy eh ikaw? ano?" tanong ko.
"Engineering" sagot niya.
"Wow! thats so cool naman pala" sambit ko.
"Hmmmm and i want to be rich! para naman may bagay akong ipagmalaki sa pamilya ko at sa taong makakasama ko habang buhay" sambit niya nakaramdam naman ako ng kirot sa puso ko ng banggitin niya ang katagang
Makakasama habang buhay.... at alam kong di ako yon.
Ewan ko pero iisa lang ang sagot sa nararamdaman ko sakanya iyon ay....
Mahal ko siya..
Tumawa ako ng marahan.
"Ganun ba? benjo anong gusto mo sa babae?" tanong ko sakanya.
"Well gusto ko yong babaeng mabait, simple lang, maalaga at higit sa lahat yong kaya akong mahalin"
Mas lalong bumigat ang naramdaman kong lungkot.
Nagtanong pa kasi ako.
"Hmmm.. anyway i have something here" at may binigay siya saaking chocolate bar.
"Thanks" sagot ko at binuksan.
"Ikaw klein? may nagugustuhan ka na ba ngayon?" tanong niya saakin.
Napatigil naman ako sa tanong niyang yon.
meron akong gusto...
pero magulo...
dahil hindi pwede....
at ikaw yon benjo..
"Hmmm.. wala ikaw meron ba?" at ngumuya na ako ng chocolate.
tumingin muna siya sa malayo...
"Hmmmm... meron na" bigla akong nabilaukan.
wait parang nahihirapan akong huminga.
"Hey okay ka lang?" bigla akong nakaramdam ng pangangati.
"Yong chocolate....
kaagad niyang kinuha ang chocolate na hawak ko.
"So base sa nakita ko meron nagkaroon siya ng alergic reaction sa kinain niyang chocolate na may nuts" sambit ng doctor nandito si mommy at kasama ko parin si Benjo mabuti nalang at dinala kaagad ako ni Benjo sa Hospital na malapit at nabendahan na din ang tuhod ko.
"Awww... allergy ka pala" sambit ni benjo sa harap ko.
"Honey bawal ka nang kumain ng may nuts ngayon okay? atsaka benjo thank you sa pag hatid dito ng bestfriend mo ha?" sabi ni mommy.
"Walang anuman po tita" sagot ni benjo.
Simula ng araw na yon ay di na ako kumakain ng may nuts nakakaloka pala ang may allergy.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top