Last Chapter

Last Chapter

Tahimik lang na nagmamaneho si Yael simula sa loob hanggang sa paglabas namin sa village. Lapat ang kanyang mga labi habang seryoso lang siyang nakatingin sa daan at mukhang malalim ang iniisip.

Gusto ko siyang kausapin but I don't know how to approach him. I'm afraid he'll stop me mid sentence.

Mabuti na lang at nagnotify ang phone ko, dahilan upang maibaling sa iba ang atensyon ko.

Tiningnan ko kung kanino galing iyon and they were all from my cousins and Colton, Jess, and Kaye. Kinakamusta lang nila ako, nabalitaan daw nila kay mama na nahanap na si Mikel. Nireplyan ko naman sila isa-isa, I was careful enough not to spill all the details to them. Ayoko lang masira ang mama ni Yael sa kanila.

Muli kong ibinaling ang atensyon sa dinaanan namin at napansin kong hindi papuntang Manila ang destinasyon namin kung hindi papunta sa may Clark.

My heart jumped on my chest as I welcome the overwhelming nostalgia. It's been a while... This highway reminds me of all the ride home that I spent with Yael. Namiss ko iyong mga panahon na paglabas ko ng ospital ay ang Yael na nakasandal sa itim na niyang Vios ang nakikita ko.

"Y-Yael? I thought we're going home?" Lakas loob kong tanong.

"Yes... We're going back to our first home." Aniya at sinulyapan ang anak namin na natutulog sa may dibdib ko.

Napangiti ako. I like the idea of going back to HTO. Kung dati ay kami lang ni Yael ang nando'n, ngayon ay pati si Mikel ay kasama na namin. Hindi na ako sumagot sa sinabi niya. I just don't want to get excited around him knowing that he's still thinking about what my papa said to him.

Pag-uwi na pag-uwi talaga namin ay hindi ko hahayaang matapos ang araw na ito na hindi kami nakakapag-usap nang maayos. I will fix everything that needed to be fixed.

Siguro ay mga 15 minutes pa ang lumipas bago kami tuluyang nakarating sa HTO building. Malapit nang maggabi kaya nakikita ko na ang mga ilaw na nagmumula sa building.

--

Hanggang pagdating sa may elevator ay tahimik pa rin kami. Siya na ang pumindot upang magbukas ito at pinauna na niya kaming pumasok ni Mikel. Yes, Mikel is still with me. Hindi niya ito kinuha sa akin kaninang paglabas ng sasakyan. Sabagay, siya naman kasi ang nagbitbit ng mga gamit.

Pagpasok namin ay sumunod na siya, siya na din ang nagpindot ng floor. Wala pa ring nagsasalita ni isa sa amin, sinulyapan ko siya ngunit diretso lang ang tingin niya.

Hindi ko mabasa kung ano ba ang iniisip niya, hindi ko alam kung galit ba siya sa akin. Nang bumukas na ang elevator ay lumabas na kami, we stopped at his closed front door. Siya na ang nagbukas nito at nauna niya kaming pinapasok.

Hindi na ako nangahas na kausapin pa siya. Dumiretso na lang ako sa dating kwarto niya at maingat na ipinwesto si Mikel sa kama niya. Hinarangan ko ng unan ang magkabila niyang sides bago ako lumabas. Nadatnan ko si Yael na nakaupo sa may sofa, sapo-sapo ang batok niya gamit ang dalawa niyang palad.

Nakatingala siya at mabigat bawat hiningang binibitawan niya.

Dahan-dahan akong humakbang papunta sa sofa na nasa harapan niya at umupo rin ako doon at malungkot siyang pinagmasdan. Unti-unti niyang binuksan ang kanyang mga mata at nagsalubong ang mga tingin namin.

His arms dropped on his knees and he avoided my gaze, tumingin na lamang siya sa carpet.

"Mabuti at napapayag mo si papa na h'wag na kaming ilayo sa'yo..."

Ngumuso lang siya at nagkibit balikat habang tinatap ang mga daliri siya sa isa't-isa.

"Pero kahit naman hindi siya pumayag sasama pa rin kami sa'yo." Dagdag ko pa at ngumisi lamang siya nang mapait.

My heart sunk at his reaction.

"Aren't you gonna talk to me? Kung galit ka sa'kin, tell me or you can even yell at me. Tatanggapin ko. Hindi 'yung ganito na ayaw mo 'kong kausapin."

Natawa siya nang mapait. "I'm not angry, I'm hurt. Magkaiba 'yon." Parang martilyo ang boses niya na bumasag sa dibdib ko.

I saw his eyes starting to moist. His eyes seek for mine and the moment our gazes met, I saw how hurt he was.

"Bakit hindi mo sinabi sa'kin?" He whispered in gritted teeth.

"I-I just don't know how. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa'yo nang hindi ka nasasaktan."

Umiling siya. "Trix, that's my son we are talking about. Kahit sa paanong paraan mo pa sabihin iyon ay masasaktan at masasaktan pa rin ako." Mariin niyang sabi.

"I'm sorry... Nagkamali ako." I admitted as tears start to fall.

"Ang..." Napasinghap siya at hindi maituloy ang sasabihin niya. He hid his mouth on his fist as tears start streaming down his face.

He dropped his fist and bit his bottom lip hard as if he's trying to prevent himself from letting out a painful sob.

"Ang sakit ng loob ko, Beatrix..." He said it finally. I want to utter another sorry again pero alam ko naman na walang magagawa iyon. Nagsusumamo at umiiyak ko na lamang siyang tiningnan.

"Sana sinabi mo kaagad... Sana sinampal mo sa'kin na nawala ang isa pa nating anak kaya ka umalis at itinago sa'kin si Mikel dahil sa kagagawan ko. Sana isinumbat mo sa'kin lahat nang 'yan habang tintrato kita na parang basura. Ang... Ang lakas nang loob kong ganunin ka gayong wala naman pala akong karapatan."

"Sana una pa lang sinabi mo na, para alam ko kung ano ang ginawa ko at hindi na napunta sa ganito..."

"Hindi mo naman kasalan 'yon, Yael. Pareho nating hindi alam. I didn't even know that I was pregnant that time and... and I deserve all the wrath that you gave me. Iniwan kita kung kailan mas kailangan mo ako."

"What you did is right. Kung alam ko lang, hindi ko na sana kayo ginulo ni Mikel."

My eyes narrowed. "Yael!"

Tumayo siya mula sa kinauupuan niya at tumalikod sa akin. He faced the wall and harshly brushed his fingers through his hair.

"I'm sorry..." Aniya habang nakatalikod sa akin.

Humakbang ako papalapit sa kanya at niyakap siya mula sa likod. Ibinaon ko ang mukha ko sa likod niya at doon umiyak.

"I know you're hurt and I don't have the words to take all the pain away... Kahit mag sorry ako nang mag sorry dito hindi ko pa rin maalis ang sakit." Humihikbi kong sabi at hinigpitan ang yakap sa kanya. Hindi niya ako pinigilan, hindi rin niya ako hinawakan.

"Why does this all have to be painful? Hindi ba pwedeng... bawasan? Kahit konti lang?" nanghihina niyang tanong sa akin. Napapikit ako nang mariin habang pinapakiramdaman ko ang unti-unting pagkabasag ng dibdib ko.

"I-I don't know... pero kung pwede ko lang kunin lahat ng sakit na nararamdaman mo, gagawin ko. Pero hindi, the pain will always be there no matter what, you just have to learn on how to make it become bearable. Don't let it consume you, Yael. You are stronger than this..." I whispered.

Hindi siya sumagot. Unti-unti kong kinalas ang pagkakayakap ko mula sa likod niya at pinaharap ko siya sa akin. His face is bathing with his tears! I've never seen him this broken. Lahat sabay-sabay na naungkat sa isang araw lang. Ariana's death, Mikey's twin, and her mother's condition.

My papa put all the blame to him at wala siyang karapatan para gawin iyon. I love my father but he has no idea what damaged his words cost to Yael. Not because we despise a person too much we have the free pass to throw what we wanna throw at them.

Hindi natin alam kung gaano pwedeng mawasak ang isang tao dahil lang sa mga salitang lumalabas sa bibig natin.

I looked at him sadly and wiped his tears using the back of my palms. Ang sakit na makita siyang ganito.

Hinawakan niya ang isa kong kamay at idinala ito sa bibig niya.

"I'm sorry..." He sincerely said as he kisses my hand.

"Shh... It's okay, baby. Everything's gonna be alright, I promise you." I gave him a small smile while slightly shaking my head. Nginitian niya lamang ako nang mapait at hinila para ikulong nang sobrang higpit sa mga bisig niya.

"Sarap naman..." nakangiti kong komento na naging dahilan para matawa siya nang bahagya. Niyakap ko siya pabalik at ibinaon ang mukha ko sa may dibdib niya. God, his smell is so intoxicating.

"I love hugging you, Trix. I love kissing you, I love loving you, I just love you so damn much." He sincerely said, like this is the last time that he'll ever say those words to me.

Well, what can I say? We should always love like it's our last day on earth.

I smiled happily. "I love you, too. My love for you is bigger than the Antonov AN-225 Mriya..." sabi ko

Unti-unti siyang kumalas sa yakap at kunot noo akong tiningnan na may kasamang ngisi sa kanyang mga labi.

Nagkibit balikat ako. "What? I did my research. That's the world's largest plane, right?"

Hindi niya napigilan ang sarili niya na matawa nang bahagya. "You're really trying to be funny now? After all the fucked up things that happened today?" Iling-iling niyang sabi.

I crinkled my nose. "I'm not trying to be funny. I'm trying to confess my love to you using your language..."

Kagat labi lang niya akong inilingan.

We slept early that night. Ni hindi na nga kami nagdinner dahil pareho kaming walang sa mood para kumain. Si Mikel ay nagising lang kanina para humingi ng gatas, ganoon lang ang nangyari.

All we did is curled up in bed with our son. It feels nostalgic to lie in this bed again with Mikey on my chest and Yael on my thigh.

"Mabuti at dinala mo kami dito ni Mikel? Namiss ko dito nang sobra... it reminds me of the old times." Inaantok kong sabi habang pinaglalaruan ang buhok ni Yael.

I thought he was already sleeping dahil hindi siya kaagad sumagot.

"You will find out tomorrow..."

Napangiti ako. "Wow, I'm a bit excited."

I don't know what's waiting for us tomorrow but I want to know it already. Maybe he wants to start all over again and do things right kaya dinala niya kami ni Mikel dito. Hindi ko alam, pero kahit na hindi naging maganda ang araw na ito ay masaya pa rin ako dahil mayroon akong isang Yael Salcedo.

"Goodnight, Yael..." nakangiti kong sabi. Hindi siya sumagot mas lalo lamang siyang sumiksik sa binti ko.

Kinabukasan ay halos magkasabay lang kaming nagising ni Mikel. Kami na lang ang dalawa dito sa kama dahil wala na si Yael.

"Goodmorning, Mikey..." Bati ko at kunot noong luminga-linga sa paligid.

"Where's your daddy?" Tanong ko kahit alam ko namang hindi sasagot si Mikel dahil hindi niya naman alam kung nasaan ito.

He just yawned and rub his eyes. "My-my, eat..." He complained.

Bumuntong hininga ako bago kinuha si Mikel at dinala palabas nang kwarto ni Yael. Nagulat ako nang makita kong may mga bagahe na nagkalat sa may sala. Pati iyong mga ibang toys at gamit ni Mikel ay nandito rin.

"Hey, goodmorning..."

"Dada!!"

I jerked my head at the kitchen doorway and I saw Yael with his white t-shirt and shorts.

"Hi, buddy..." He smiled at our son but he didn't take a step forward to us. He just stayed from where he is while looking at us.

I smiled sweetly at him. "Does this mean we're going to live here for awhile?" I asked excitedly before taking a glance at our luggages.

He just gave me a small smile. "I cooked breakfast... I dropped by at the supermarket while you two are still sleeping." Aniya.

"That's nice... Kanina pa gutom ang anak mo. You heard that, Mikey? Daddy cooked breakfast for us."

"So, what do we have for Mikey?"

"Squash. His favorite." He replied.

Ngumisi ako. "And for me?"

"Sunny side up and chicken tocino... One of your faves for breakfast."

Malawak kong nginitian si Mikel. "Parang birthday natin ngayon, anak ah. Puro mga favorite natin ang niluto ni daddy." Sabi ko.

"Come, let me feed my babies."

We had a breakfast together in our dining area. Ang saya ko lang ngayon dahil titira muna kami ulit dito. It used to be just me and Yael but now it's going to be me, Yael, and our little Mikel.

Todo asikaso pa din kaming dalawa ni Yael kay Mikel kahit na kumakain kami. Actually, halos siya lang ang nag-asikaso. As usual. Mikel was happy because his favorite person is here. Energetic na energetic dahil kasama na naman niya ang daddy niya.

"I'll do the dishes, paliguan mo na lang muna si Mikel tapos ikaw naman ang sunod na maligo..." Sabi niya matapos naming kumain.

Natuwa ako sa sinabi niya. Are we going on a family date? I'm so excited!

"No, I'll do the dishes. Ikaw na kay Mikel. Hindi rin ako aangal kung magsasabay kayong maligo, I know how you two missed each other."

He smiled before taking a glance at Mikel who's still sitting on his high chair.

"No, it's okay. Ikaw na... Tawagin mo na lang ako kapag natapos mo na siyang paliguan para mabantayan ko siya habang ikaw naman ang maliligo."

"It's your call... We'll be quick." Excited kong sabi at kinuha na si Mikel para isamang pumasok sa kwarto ni Yael.

Pagkatapos kong mapaliguan at mabihisan si Mikel ay tinawag ko na si Yael para bantayan saglit ang anak namin. Mikel got excited, he can't even stop touching his daddy's face. He keeps on saying "Wuv you, dada!" Seems like wuv you is his favorite word now at hindi na 'yung "No" na madalas niyang sabihin.

Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako nang banyo. Yael and Mikel are no longer in the room. Hindi na ako nag-abala pang kumuha ng susuotin ko sa mga luggages dahil nasa sala pa ang mga iyon. Kumuha na lang ako ng damit sa mga gamit na dinala namin noong nagstay kami sa bahay nila mama.

I wore an off shoulder blouse and a denim skirt. Sinuot ko na lang iyong puting low cut converse ko tapos ay inipitan ko nang half ponytail ang kulot kong buhok. I let some of my baby hair fall down.

Pagkatapos no'n ay nag apply ako ng light make up at nag spray ng perfume bago tuluyang lumabas. Hinanap ko sina Yael sa may sala, kusina at sa kabilang kwarto ngunit hindi ko sila nakita. Nang magtungo ako sa balkonahe ay saka ko lamang sila nakita.

Yael's holding Mikel while they're both looking at the sky. The light of the sun illuminating their skin. They're both shining and I can't help but to smile.

"Mikey..." tawag ni Yael bigla kay Mikel. Humarap si Mikel sa daddy niya.

"I love you and mommy to the skies and back..."

"Wuv you, dada!"

"I hate to ruin this moment, boys but our Captain has to take a shower."

Napatingin sila sa gawi ko at nakangiti akong humakbang papalapit sa kanila.

Yael's lips formed a small smile as he eyes me from head to toe.

"My wife looks gorgeous..." There's a hint of sadness in his voice and sincerity in his eyes.

I blushed. "Bolero..." I rolled my eyes playfully.

Hindi siya tumawa, pinagmasdan niya lang ako na para bang isa akong painting sa museum. His eyes shined as his lips forms a thin line.

"Ba't ganyan ka naman makatingin sa'kin? Akin na nga si Mikel, maligo ka na para makaalis na tayo." Sabi ko at kinuha si Mikel mula sa kanya. Hindi naman na siya pumalag at maging si Mikel ay nagpakuha na sa akin.

Nanatili lang siyang nakatayo doon habang nakatingin sa aming dalawa ni Mikel.

"Yael, come on. Baka magsara na niyan 'yung lugar kung saan man tayo pupunta dahil hindi ka kumikilos diyan." I joked.

Ngumiti siya nang may pait. Kumunot ang noo ko. Bakit parang malungkot yata siya? Ayaw niya bang umalis?

"Hindi naman ako kasama... maiiwan ako dito." sabi niya habang mapait na nakangiti.

Lalong nangunot ang noo ko. "Huh? Ano bang pinagsasabi mo?"

He didn't answer. He just raked his fingers through his hair before turning his back at us. Isinandal niya ang magkabila niyang siko sa may railings at yumuko siya na para bang problemadong-problemado siya.

Lalapitan ko sana siya ngunit nakaka-isang hakbang pa lamang ako ay natigilan na ako kaagad dahil sa mga yabag na ng mga paa na narinig ko.

"Beatrix?"

I saw Yael stiffened when the next thing we've heard is my papa's voice.

"Yael, ano 'to?!" Narinig ko ang pagnginig ng sarili kong boses. Hindi niya ako hinarap, nanatili lang siya sa pwesto niya at hindi gumalaw.

"Beatrix..." Narinig ko ang boses ni papa na punong-puno nang awtoridad. He's now here at the doorway of the balcony together with Ram and his two other bodyguards.

Humigpit ang hawak ko kay Mikel at umaatras palayo sa kanila.

"What are you doing here, pa?"

"Iuuwi ko na kayo ng apo ko." Matigas niyang sabi.

Umiling ako kasabay nang pag-awang ng aking bibig. "N-No... Akala ko ba n-nag-usap na kayo ni Yael? Bakit ginagawa mo pa rin 'to, pa?"

Sinulyapan ko si Yael na hindi man lang gumagalaw sa pwesto niya.

He let out a harsh sigh. "Oo, nag-usap nga kami at ang pumayag siyang bumalik na kayong dalawa ni Mikel sa New York. Didn't your husband tell you that?" Naningkit ang kanyang mga mata.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa aking narinig.

"Hindi totoo 'yan! We're okay, pa. Nag-usap na kami kagabi, maayos na kami. Sa katunayan nga ay aalis kami ngayon! We're going on a family date!"

Sinulyapan ni papa si Yael. "Iyon ba ang sinabi mo kay Beatrix, Yael? Tsk. Hanggang dito ba naman ay duwag ka pa rin?"

"Umalis na kayo, pa! Hindi kami sasama sa inyo! Dito lang kami." Pagmamatigas ko.

Papa's jaw tensed. "Pumayag na si Yael! Nagkasundo na kami! H'wag nang matigas ang ulo mo, Beatrix. This is the best thing to do for you and Mikel.

Natawa ako nang pagak. "Approval lang ba ni Yael ang hinihingi dito, pa? Paano naman ako?! Ni hindi nga ako pumayag na umalis! At sinasabi mo na ito ang makakabuti para sa'min ni Mikel?"

I snapped my head at Yael. "Ikaw rin, Yael? Iniisip mo rin na ito ang makakabuti para sa'min ni Mikel kaya sinusuko mo kami nang ganon'n-gano'n na lang? Huh, Yael?!" I said in gritted teeth.

Sa wakas ay hinarap niya ako. "Oo! Ito na lang ang naiisip kong makakabuti para sa inyo!" Pumiyok siya at marahas na naihilamos ang mga palad niya sa kanyang mukha.

"No... You're wrong... why are you doing this to me?" Nanghihina at iling-iling kong sabi. Muli kong hinarap ang ama ko.

"Just leave us alone, pa. Mikel and I are going to stay... Please." Pakiusap ko ngunit imbes na pakinggan niya ako ay sinenyasan niya si Ram kaya lumapit ito sa akin at pilit na kinuha sa akin si Mikel.

"Ram ano ba! Bitawan mo ang anak ko!"

Sinubukan kong yakapin nang mahigpit si Mikel ngunit nang magsimula na siyang umiyak dahil nasasaktan siya ay nanlambot ang mga kamay ko. Sinamantala iyon ni Ram para makuha si Mikel.

My son cried trying to reach for me and Mikel. Sinubukan kong habulin si Ram ngunit mabilis niyang naibigay si Mikel kay papa. My son stopped crying as he hugs his lolo as if he was his savior from Ram.

"Shh... It's okay, Mikel." Pagtatahan ni papa habang marahan itong hinahaplos sa likod.

"Lolo's going to buy you an airplane, would you like that?"

"Plane!" Mikel said.

"Yes, plane..." Nakangiting sabi ni papa kay Mikel habang pinupunasan ang luha niya gamit ang likod ng palad niya.

"Wooow!"

"Say goodbye to your daddy, Mikel." sabi ni papa at nang muli niyang ibinalik ang atensyon sa amin ay tumigas ang kanyang ekspresyon.

"Bye-bye, dada!" Bungisngis niya habang nagwe-wave kay Yael. Tiningnan ko ang reaksyon ni Yael. He smiled bitterly at our son.

"Bye, Mikel..." He whispered painfully.

"Ram, you know what to do." maawtoridad na sabi ni papa bago ito tuluyang tumalikod. Nag-iwas nang tingin si Yael.

"You can't stand seeing your son leave, Yael! Pero bakit ginagawa mo pa rin ito?"

Hindi siya sumagot. Tumingala lamang siya.

"Tara na ma'am Beatrix..."

Binalingan ko nang matalim na titig si Ram. "No! Hindi ko aalis dito!"

Hindi siya sumagot tinanguan niya lang ang mga kasamahan niya. I thought they're going to leave us alone pero nagkamali ako dahil lumapit ang dalawa sa gawi ko at hinawakan ako sa magkabilang braso.

"No! Let me go!" Buong lakas akong nagpumiglas. Sinulyapan ko si Yael at nagmamakaawang tiningnan ngunit nag-iwas lang siya nang tingin.

I felt disappointed. Bakit ba niya ginagawa 'to? I don't understand him! He can't just do this to us without giving us any explanation!

"LET. ME. GO!" Binuhos ko ang buong pwersa ko para makawala sa kanila. Nang makawala ako ay kaagad akong tumakbo kay Yael at niyakap siya nang mahigpit, he stiffened and gasped.

I felt their hands gripping me again, trying to take me away from Yael.

"Hindi! Bitawan niyo 'ko! Dito lang ako!" Sigaw ko at mas lalo pang hinigpitan ang yakap ko kay Yael, my head is on his chest and I can feel his heart beating fast. Pero hindi man lang niya ako niyakap pabalik. He just stayed standing there...

"Ah!" napangiwi ako dahil bumaon ang kuko noong isa sa kabila kong braso. Patuloy lang sila sa paghila sa akin at patuloy rin ako sa pakikipagmatigasan. Kung ayaw nang lumaban ni Yael pwes, kahit ako na lang! Ako na lang ang lalaban para sa'min!

"Sandali!" Dumagundong ang sigaw ni Yael at natigilan sila sa paghihila sa akin ngunit hindi pa rin nila ako binibitawan.

"Let my wife go, mag-uusap lang kami." Madilim niyang sabi sa mga ito.

Hindi pa rin nila ako binibitawan.

"Ram, please! I'll just talk to my wife! Sinasaktan na siya ng mga kasama mo!" Naiiritang pakiusap ni Yael.

"Sige, bitawan niyo na si ma'am Beatrix..."

Saka ko pa lamang naramdaman ang unti-unti pagluwang ng mga hawak nila sa magakabila kong braso.

"Sampung minuto, Yael. Maghihintay kami sa labas, kapag nagtagal pa kayo dito ay mapipilitan na kaming kunin si ma'am Beatrix nang sapilitan."

Nang makaalis na sila ay saka lamang ako unti-unting bumitaw kay Yael. Buong pait akong tumingal sa kanya at nakasalubong ko ang mga malulungkot niyang tingin.

"Does it still hurt?" Nag-aalala niyang tanong at kinuha ang braso ko na namumula na at may galos pa dahil sa sapilitan nilang pagkuha sa akin.

Tumango ako. "Yes, it hurts... here." Mahina kong sabi at itinuro ang puso ko.

"Beatrix..."

"I don't understand, Yael. Bakit mo ginagawa sa'min 'to ni Mikel?"

Nag-iwas siya nang tingin at bumuntong hininga. "This is the only thing I know that's best for you two..."

Mabilis akong umiling. "No, Yael... What's best for me and Mikel is to stay by your side! That's where we belong!"

 Bakit ba hindi niya maintindihan iyon?! Akala ko maayos na kami kagabi. Akala ko kaya may mga luggages doon sa sala ay dito na ulit kami titira, akala ko rin ay kaya niya kami pinagbihis ay dahil aalis kaming pamilya, akala ko lang pala...

"I don't want to cause another pain to you and Mikel again... Sa tingin mo ba madali para sa'kin 'to, Beatrix? I can't let you and Mikel go but I can't let you two stay with a fucked up man either! Lahat na lang ng taong nasa paligid ko, nasasaktan ko..."

"Ariana, my mother, Mikel's twin, at pati na rin si Mikel ay muntik nang mapahamak dahil sa'kin! Pati ikaw, nasaktan ko rin! It's so hard, Beatrix... It was like I'm a fucking flame and everything that I touch gets burn..."

"Pain is part of our life, Yael! You just have to learn on how to handle and play with it in order for you to become stronger... You're the one whose supposed to eat your pain and not the other way around."

"It's not easy, Beatrix!"

"Of course it isn't! Wala namang madali sa mundong 'to, Yael! You just have to fight until you overcome, there are a lot of ways to win a battle and giving up was never an option... Never."

Tumawa siya nang pagak. "Trust me, Trix, I have tried every damn ways just to win every battle that I'm in but I just end up losing every fucking time!"

"Kung ilalaban ko kayo ni Mikel at papayag ang papa mo na manatili kayo sa akin ay pwedeng maulit 'yung nangyari... and when that happened again? I might sue my mother..."

"No... you can't do that." Umiling ako habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya.

He swallowed "Yes, I can... At kapag nakulong siya, ang papa ko na naman ang masasaktan ko! Now tell me again that giving up is never an option, Beatrix! Tell me!" He dared me.

"Kaya ayokong lumaban... kasi kapag lumaban ako lahat kayo mawawala sa'kin! Naiintindihan mo na ba ako ngayon?"

Nanghihina akong napatingin sa sahig at napakagat sa aking pang-ibabang labi. Ilang sandali kaming nanatiling tahimik.

Sa boses pa lamang niya ay ramdam ko na ang pagiging desido niya na isuko kami at kahit anong sabihin ko ay tatapatan niya lang iyon ng mga prinsipyong inaakala niyang tama... hindi ko naman siya masisisi dahil nasaktan na siya nang husto. He'd been traumatized by the bullshits that the world keeps throwing at him.

Natawa ako nang mapait. "Alam mo, Yael you deserve more than what you're trying to give yourself... Just because things gone wrong doesn't mean that you don't deserve to be happy. Don't spend the rest of your life blaming yourself for the things that are bound to happen."

"Everything that's happening has a reason behind it. You just have to accept it and take a look on the bright side... Focusing on the bad side is just like locking yourself up in a room and then throwing away the keys out of the window after that... you will never going to be happy and free again. But if you'll try to look on the bright side, you'll eventually realize that the door isn't actually locked."

"Alam mo, Yael? Akala ko talaga noon ay magiging tayo pa din sa bandang huli..." natawa ako nang mapait. "Guess I'll just have to look on the bright side of this for me to be still happy and free. Siguro gano'n talaga... hindi porket marami tayong pinagdaanan ay magiging tayo pa rin sa huli."

"Thank you, Yael... I will never forget you because you own the biggest space here in my heart. I love you the skies and back..."

Lumapit ako sa kanya, sa baba lang ang tingin niya habang patuloy ang mga mata niya sa pagluha. Pinunasan ko ang mga iyon...

"Sana maging masaya ka na, Yael..." Bulong ko at kinintalan siya nang halik sa pisngi bago ako tuluyang tumalikod sa kanya.

Sakto naman ang pagdating ni Ram kasama ang dalawa kanina.

"No need to grip me tight. Sasama na 'ko." Sabi ko sa kanila. Malungkot akong tinanguan at nginitian ni Ram bago ako sinamahan palabas. Nang mapadaan kami sa sala ay nakita kong wala na doon ang mga gamit namin ni Mikel. Napangiti ako nang mapait. I guess this is how it's gonna end.

--

Three weeks na kaming nanatili sa bahay nila mama tapos bukas ng 10 AM ang flight namin ni Mikel pabalik ng New York. Dapat last week pa pero wala, e. Aminin ko man sa hindi ay umaasa pa rin ako na baka bumalik si Yael. Baka nakapag isip na siya at gusto pa pala niya kaming makasama ni Mikel.

Pero wala talaga. Tatlong linggo akong naghintay. Hindi ako nagpalit ng number, lahat ng accounts kung saan pwede niya akong ma contact ay nanatiling activated. I was hoping that somehow he'll try to reach out for me, for us, pero wala.

Ako lang yata ang may pakialam dahil palihim pa akong nakikibalita kina papa Viktor at Linda tungkol sa kanya. Nalaman ko nga na nakabalik na pala siya sa bahay namin sa Makati ngunit parati daw siyang umaalis.

"Handa na ang mga gamit niyo?" Tanong ni papa.

Tipid akong ngumiti at tumango saka nagbaba nang tingin sa box na nasa lap ko.

Umupo si papa sa espasyo na katabi ko dito sa paanan ng kama.

"Sorry, anak... sorry kung iniisip mo na pinaghihigpitan kita. Gusto ko lang namang gawin kung ano ang sa tingin kong nakakabuti sa inyo ni Mikel."

I smiled sadly. "Naiintindihan ko naman, pa... Nakausap ko na rin naman si Yael. Kung ayaw na niya, hindi ko na ipipilit ang sarili ko." Nabasag ang boses ko at kaagad kong pinunasan ang mga namumuong luha sa mga mata ko saka ko sinamahan iyon nang pagtawa.

"Ano ba 'yan, pa! Ayoko nang umiyak 'no! Pinapaiyak mo na naman ako!" Natatawa kong sabi.

Malungkot niya akong tiningnan. "Nakausap ko na rin siya at sa kauna-unahang pagkakataon simula nang ikasal kayo ay nagkasundo kami... Gusto niya lang din kung ano ang makakabuti para sa inyo. Hindi naman madali para sa kanya ang ginawa niya, alam ko dahil asawa't ama rin ako."

Ilang sandali akong natahimik ngunit kaagad ko rin namang pinilit ang sarili ko na ngumiti. I bumped my shoulder on his.

"Ibig sabihin ba nito boto na kayo kay Yael para sa'kin?" Biro ko.

Ngumisi siya. "Even though I despised that guy, I can't still deny the fact that he's the only guy who met my standards for you... Ayoko lang iyong nagiging bobo siya minsan."

Ngumuso ako. "Ayoko na ngang pag-usapan, pa... wala na rin naman. Aalis na nga kami ni Mikel bukas." sabi ko.

He gave me an understanding smile before looking down on the box that's placed on my lap.

"What's that?"

I smiled nostalgically. "Oh, this? It contains photographs of the pregnant me and Mikey. May video cam din sa loob, nando'n lahat yung first steps, words, haircut and every firsts ni Mikey... Pati noong araw na ipinanganak ko siya naka-record din." Natawa ako nang bahagya.

"The last one is not very tempting to watch..." Nakangiwi niyang sabi.

I scrunched my nose. "I'm not gonna let you watch it anyway kahit gusto mo pa... Kadiri! It's for Yael's eyes only!" sabi ko.

Unti-unti siyang napangisi nang malungkot. "So... Ibibigay mo kay Yael iyan?"

"Sana. Just a farewell gift. I just want him to witness everything from my pregnancy to Mikel's growing up stages para kahit wala siya, parang nando'n na rin siya. Dapat nga noon ko pa 'to ibinigay sa kanya..."

It also has a letter in it. Sinulat ko iyon noong 11 months-old na si Mikel.

"Ako na ang magpapahatid niyan sa bahay niyo sa Makati..." presinta niya.

"Talaga, pa? Ah basta, h'wag mong panuorin 'yung videos!"

"Never. I don't want to see you giving birth! That's disgusting!"

Napahalakhak ako sa reaksyon ni papa. That one's a first after all the three weeks of crying.

--

"My-my, plane!" tinuro ni Mikel mula sa bintana ang katabi naming eroplano.

"Yes, baby..." sabi ko at hinalikan siya sa pisngi.

"Your son's gorgeous..." Sabi no'ng matandang lalaking katabi ko. Sa tantsa ko ay mga kasing edad niya ang lolo ni Yael. Si lolo Primo. Kanina pa nga niya nilalaro si Mikel at pati ang mga cabin crew ay napapangiti rin sa gawi ng baby ko.

"Thank you..." I smiled sweetly.

"Pupuntahan niyo ba ang daddy niya sa New York?"

Tipid akong ngumiti at umiling. "No... Things are still complicated at the moment but I do hope na siya ang magpunta sa amin doon..." I joked.

"Well, sana makapag-ipon siya... Ang mahal pa naman ngayon ng tickets lalo na't international."

"He's a pilot, lolo. It would be easy for him to reach out for us kung gugustuhin niya."

I held Mikel firmly dahil naglilikot siya. He's jumping on my lap! He really gets excited sa tuwing nakakakita siya nang eroplano.

"Too bad for him...Ang laki nang kawalan niya kung hindi pa rin siya kikilos. His son and wife are both gorgeous!" He chuckled.

Ngumisi ako at umiling. "Ayoko nang umasa, lolo. Masakit." Sagot ko.

"Good morning my dear passengers, this is your captain speaking and we're about to take off within fifteen minutes... well, not unless we successfully kicked off Mrs. Beatrix Hayle Salcedo out of this plane. We all don't want this flight to be delayed so do us a favor, Mrs. Salcedo and get out of this airbus now. Thank you very much. Calling all the atention of the cabin crew to please assist Mrs. Salcedo and her son on their way out."

Napanganga ako sa sinabi announcement no'ng kapitan! What the hell?! Bakit kami pinapaalis?

Maging ang mga pasahero sa loob ay nagbulung-bulungan at luminga-linga sa paligid, hinahanap kung sino ang Beatrix na tinutukoy.

"Maybe she's carrying drugs with her?" Dinig kong sabi noong pasahero sa harapan ko.

I kicked his seat due to my irritation. "Hey! I'm not bringing drugs with me you dumbass! Mas mukha ka pang nagdadala ng drugs sa'kin!"

Siraulo ba 'to? Kung may drugs man ako sana ay kanina pa nakita sa maleta ko! Ang aga-aga inuumpisahan ako!

He looked at me with a frown. Tinapangan ko lang ang mukha ko at tinaasan siya nang kilay na naging dahilan upang mapaiwas siya nang tingin.

"What's happening?" The lolo beside me whispered.

"I don't know either..."

Maya-maya ay lumapit sa amin ang isang cabin crew na mukhang kakagaling lamang sa cockpit.

"Ma'am, you have to go out of this airbus immediately to avoid interrupting the flight..." Nakangiti nitong pakiusap sa akin.

Sumilay ang iritasyon sa mukha ko. "Why? This is my flight, too! Nagbayad ako para sa ticket tapos basta-basta niyo na lang ako paalisin? Bakit, sa tingin niyo ba may drugs akong dala? O di kaya'y may bala ba sa maleta ko?! Ano?! H'wag niyong pakialaman ang mga maleta ko! Kakasuhan ko kayo!" saway ko sa dalawang lalaking cabin crew na kasalukuyang kinukuha sa taas ang mga gamit namin ni Mikel.

She smiled politely. "Ma'am calm down—"

"Calm down mo mukha mo! Pinapaalis niyo kami nang anak ko dito nang walang dahilan and you're expecting me to calm the fuck down?! Sino ba ang may ari ng airline niyo?! Iharap niyo sa'kin, kakausapin ko!" Nagpupuyos kong sabi.

"Ma'am, please just do as we say... The captain received a message from the tower na hindi siya pwedeng mag take-off hangga't hindi po kayo nakakaalis ng eroplano."

"At sinong pontio pilato ang nagsabi niyan?!"

She smiled sweetly. "Someone who's in favor of the boss, ma'am. And correction, pontio piloto. He's actually waiting for you outside."

"Pwede ba miss lumabas ka na? Five minutes na lang bago mag take off! Ayokong ma delay ang flight ko!"

Singit noong lalaking pasahero sa harapan ko. Ang laki nang galit sa'kin nito!

I kicked his seat again and he gasped in shocked. "Oo, heto na! Lalabas na! Feeling mo naman may naghihintay sa'yo... kahit ma delay pa 'tong flight mo hindi ka kawalan! Letse!" Gigil kong sabi bago tumayo habang karga-karga ang anak ko.

Tiningnan ko si lolo. "Babalik kami lolo, patitikimin ko lang nang galit ko 'yung epal na naging dahilan para masipa ako palabas dito." paalam ko bago ako tuluyang umalis. Inalalayan kami nang mga cabin crew.

Yung dalawang lalaking cabin crew ay dala ang gamit namin habang ang babaeng cabin crew ay inalalayan kami palabas.

Hanggang sa may doorway ay nakasimangot pa rin ako dahil sa iritasyon ngunit natigilan ako nang akmang bababa na ako sa hagdan nang makita ko kung sino ang naghihintay sa amin sa baba.

"Hi, dada!"

"Hi..." ngumiti sa amin ang pontio piloto na naghihintay sa baba.

Halos mahulog ang puso ko at buong pagpipigil ang ginawa ko para h'wag takbuhin pababa ang hagdan para makalapit kang sa kanya.

I collected myself. Naiirita ka, Beatrix! Naiirita ka! I reminded myself. God knows how hard it is for me to act mad when he's standing there wearing his pilot suit!

I swallowed with an annoyed expression in my face while slowly making may way down.

"Ikaw ba ang sumira ng flight namin?" Mataray kong sabi nang tuluyan na kaming makababa.

Ngumuso siya. "Hindi ka ba natutuwang makita ako?" Malungkot niyang sabi.

Tinaasan ko siya nang kilay. "Mukha ba 'kong natutuwa?"

"Beatrix..."

"H'wag mo 'kong daanin sa ganyan mo! Akala ko bang tapos na tayo? Ano pang ginagawa mo dito?"

"I'm sorry, okay? Alam kong galit ka sa'kin, Trix... Pero hindi ko pala talaga kaya. I can't stand being away from youand Mikel. Those three weeks without you two had been pure hell!" Pagsusumamo niya.

"O, anong gusto mong gawin ko ngayon?" Pagmamatigas ko.

"Please give me another chance? I will make it up to you, baby. I'm so sorry. I really am. I was so stupid to let you and Mikey go. Hindi ko kaya..."

I clenched my jaw. I controlled myself from jumping to him when I heard him called me 'baby' again. Baka isipin niya easy to get ako.

"Tigilan mo 'ko, Yael. Hindi na magbabago ang isip ko. Babalik na kami sa New York. Ang mahal-mahal nang ibinayad ko tapos dadaan-daanin mo 'ko sa pagapapa-cute mong 'yan?"

"I will shoulder all the payment... Check your bank account tomorrow, Trix. Ibabalik ko lahat nang ginastos mo para sa flight na 'to. Just please, baby! Stay with me... You and Mikel." Desidido niyang sabi.

Umiling ako. "Umalis ka na." Malamig kong sabi. Pilit na sumasama si Mikel kay Yael ngunit maagap ko siyang sinaway.

"No, Mikel!"

Yael looked at me like he's about to cry. "Trix, hindi ka ba naawa sa anak natin? Ano ba'ng gusto mo para manatili lang kayo dito sa'kin? Lahat ibibigay ko. Kahit ano pa 'yan, just name it, baby." Pagsusumamo niya.

"Leave. Us. Alone."

Mabilis siyang umiling at nakita ko ang pamumula nang mga mata niya. Dammit! Gusto ko na siyang yakapin pero gusto ko munang ipatikim sa kanya kung gaano kahirap magmakaawa sa taong ayaw na.

"Iyan ang hindi ko magagawa... Kahit ano, h'wag lang 'yan."

"Bakit? Para saan pa at gusto mo kaming manatili? 'Di ba, sumuko ka na? Tapos ngayon pupunta ka dito at sisirain mo ang flight namin? Pinaglalaruan mo ba 'ko?"

Maagap siyang umiling. "No, baby. Hindi kita pinaglalaruan. Mahal kita, kayo ng anak natin at seryoso ako doon. I don't want to be locked in a room anymore, Trix. I want to be free and happy again and you and Mikey are both my freedom and happiness... You and Mikel are my life, If I'm not with you two then how can I still breathe again?" He said with full of sincerity in his voice and eyes.

"I know we didn't start right... but I want to make it all up to you. Gusto kong itama lahat nang mali."

May kung ano siyang kinuha sa bulsa niya. My mouth hang open when I saw his hand holding a small box that he got from his pocket.

Nang lumuhod siya sa harapan ko ay parang sumama pati ang puso ko sa kanya.

He slowly opened the box while looking at me intently. The light reflected beautifully on the diamond ring. Wow, this scene is exquisite.

Yael kneeling in his pilot suit in front of me where there are airplanes surrounding us. Some are still unloaded and some are ready to take off.

"Will you let me breathe again? Will you stay with me? Will you marry me again?" Sunod-sunod niyang tanong habang ang mga mata niya ay punong-puno nang pag-asang nakatingin sa akin.

I was tongue tied and surprised. I did not see this coming! Hindi ko in-expect na may ganito pala! I didn't even expect that he'd be here, doing everything to ruin our flight back to New York.

"Baby, please say yes..." He begged.

"Yes!" Biglang sabi ni Mikel. Natawa nang bahagya si Yael.

"Mikey not you... I'm asking mommy, my forever baby."

Sinulyapan niya 'ko. "Marry me again, please?"

I bit my bottom lip before stretching my hand towards Yael.

"Yes, Yael. I will marry you again." I answered with a wide grin. Kaagad niyang ipinasuot ang diamond ring sa akin at pagkatapos no'n ay tumayo na siya para yakapin kaming dalawa ni Mikel.

"Woooh! Congratulations!"

Napalingon ako sa may bandang likod ko at napansin kong halos lahat ng tao sa eroplano ay nakasilip na sa amin dito at inaabangan ang pagsagot ko ng tumataginting na 'yes' kay Yael. Pati iyong lalaking nakakairita kanina ay napansin kong nakikihiyaw na rin.

Hinanap nang mga mata ko si lolo at nag thumbs up sa kanya bago muling hinarap si Yael.

"I never knew that a simple 'yes' can make me feel like I'm flying..." He smiled before claiming my lips in front of Mikel, the cabin crews, passengers, and airplanes.

____________________________

Next chapter will be the epilogue. I will surely miss captain Salcedo and nurse Beatrix.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top