Chapter 30

Chapter 30

Home

My hands are shaking at kanina pa ako paikot-ikot dito sa sala. We've been texting and trying to call Yael but we still hadn't heard from him.

I bit my bottom lip hard as another fresh batch of tears run down on my cheeks. I don't know what to do! My heart is still beating like crazy!

Nagreport na rin ako sa pulis kanina habang si mama ay inasikaso ang tungkol sa CCTV footage. Iyon na lang talaga ang pag-asa ko para malaman kung sino ang kumuha sa anak ko.

Si manang Sally naman at ang mga ibang kasama dito sa bahay ay nag house to house sa buong village dahil baka naligaw lang si Mikel.

At ang pagre-report ko naman sa mga pulis ay wala ring kwenta dahil ayaw nilang ideklara na missing ang anak ko dahil wala pa daw 24 hours na nawawala. Putangina, 'di ba?

Putangina lang talaga! It feels like I'm going to explode right at this fucking moment. Gusto kong ilabas ang nararamdaman ko ngunit wala akong mapagbuntunan!

Nabuhayan ako nang kaunti nang marinig ko ang mga yabag na papalapit dito sa kinaroroonan ko.

"Ma? Anong sabi?"

Tinahak ko ang espasyo na namamagitan sa amin.

Bumuntong hininga siya at bakas sa mukha niya ang stress at lungkot. Nalaglag ang balikat ko sa reaksyon niya.

"Nag shut down daw lahat ng CCTV nang mga oras na mawala si Mikel kaya wala, hindi nila alam kung sino ang kumuha sa kanya..." She touched the side of her forhead and shook her head disappointingly.

Muli na namang nag-unahan ang mga luha ko sa pagtulo.

"Anong nag shut down, ma?! Bakit? Hindi pwede 'yon! Paano nangyari 'yon?! What kind of village is this?! We've been living here for God knows how long tapos ngayon sasabihin nilang nag shut down ang CCTV nila nang mga oras na nawala ang anak ko?! Fuck them! Punyetang pagkakataon naman!"

"How about the guards there, ma? Mga wala ba silang silbi?! Paano nakalusot sa kanila 'yung kumuha sa anak ko?"

Napasabunot ako sa buhok ko dahil sa frustration at galit. I wanted to blame the village and its staff but I know that this is all my fault.

"Beatrix, calm down... We will do everything to find Mikel."

"Ma, how can I calm down knowing that my son's been missing for five freaking hours?!"

She looked at me with full of sympathy and understanding. "Trix, I promise you mahahanap natin si Mikel. Your father is on the way, I already called your brother and your cousins, especially Philip and they said that they will help us find Mikel, too."

I turn my back at my mother and faced the clear window curtains. I clenched my fist and grit my teeth. I can feel my heart tearing... Damn. This is my son we are talking about, my life, my everything.

I can feel the tight squeeze on my stomach and the heat rising on my throat.

"Anak, I get that you're upset pero walang magagawa iyan... H'wag kang mag-alala, hindi tayo titigil hangga't hindi natin nahahanap si Mikel. Our family have lots of connections, I'm sure we will find him in no time."

I pressed my lips together as I look hopelessly from the outside while my hopeless tears are streaming down my face. It's just been five hours but I miss my son already... I miss him so much I feel like I'm about to go crazy.

"I'll leave you here for awhile, your father is calling..." Paalam ni mama. Hindi ako sumagot. I just brushed my palm on my shoulder while crying silently.

Lumawak ang mga mata ko nang biglang mag ring ang phone na hawak-hawak ko. I immediately checked the caller at hindi na ako nag-aksaya pa ng oras para sagutin iyon.

"Yael..." I sobbed.

"Hey, baby? I received your texts and mama Helen's. Ano nang balita sa anak natin?"

Nang marinig ko ang boses niya ay lalo akong naiyak. Para iyong asin mula sa sugat ng aking puso, nilulukob ako ng konsensya at hiya sa kanya. Lalo na may bakas pa rin ang pag-aalala sa boses niya na pilit niyang nilalabanan.

"Yael... I'm sorry... I'm so sorry. Kasalanan ko lahat napakabaya kong ina. Dahil sa'kin nawawala ang anak natin... Sorry, Yael... Sorry." I choked on my own sobs.

"Shh... Baby, no. Don't blame yourself. Wala kang kasalanan, hindi mo ginusto ang nangyari. Walang may gusto nang nangyari..."

Mas lalo akong naiyak sa rahan ng boses niya.

I know that he's worried, too but the fact that he's trying his best to stay calm knowing that I'm upset makes me love him more.

He knows how to deal with every circumstances in his own mature ways.

I swallowed the lump in my throat. "We've been doing everything we can just to find our son... nagreport ako kanina sa pulis but they don't want to declare Mikel as missing dahil wala pa daw 24 hours na nawawala ang anak natin." My voice is cracked while telling him the story.

"Don't worry about that, I already asked for tito Morris' help. If you can still remember, he has connections to the police... Sinubukan ko na ring kontakin si papa pero nasa ibang bansa pa siya para sa business but his secretary told me that he will tell papa to call me right away when he receive the news."

"T-Thank you..." Tanging nasabi ko na lang. God, what would I do without him? Even in times of chaos he's still compose.

"Baby, we got this... Kung kinakailangang baligtarin ko ang mundo gagawin ko mahanap lang ang anak natin."

Napapikit ako nang mariin.

"Yael, hindi ko na alam kung anong gagawin ko... hindi ko na alam... Our son has been missing for five hours now."

"Hey, hey, listen to me, Trix. We will do everything we can okay? Everything is going to be alright, we will find our son h'wag ka nang umiyak. Pauwi na 'ko, baby..."

My lips shook like a baby who's about to cry. I nodded while hiding my sobs on my fist as if he's seeing me.

"It's going to take me a while but I will come home to you as soon as I can, can you hear me?"

Muli akong tumango habang humahagulgol. "Yes, yes... I will wait for you, Yael. Mag-iingat ka."

"I love you, baby..."

"I love you, too. So much."

Pagbaba nang tawag ay naiyakap ko na lamang ang phone ko sa aking dibdib sabay buntong hininga. Ang bigat-bigat nang pakiramdam ko but somehow it lessened because I heard Yael's voice and he just know the right words to say to calm me down somehow.

--

I woke up feeling like I'm being lifted. I felt light headed and dizzy. Hindi ko alam kung kailan at paano ako nakatulog.

I slowly opened my eyes and I saw the backround passing by at me... or is it me whose passing by at those? Ilang beses akong kumurap upang kahit papaano ay luminaw ang paligid.

"I'm sorry. Did I wake you up?" I felt a soft and deep voice whispered above me. I looked up and saw my husband's face and then it hit me. Buhat-buhat pala niya ako using those strong pair arms.

Nandito na pala siya. Hindi ko man lang namalayan na nakauwi na siya dahil nakatulog ako. I've been waiting for him since yesterday.

I smiled sadly. "No..." Sagot ko at idinantay ang gilid ng ulo ko sa kanyang balikat.

I felt him sigh against my shoulder.

"Ang sabi ni mama hindi ka pa daw kumakain?"

Ilang sandali akong hindi umimik.

"Beatrix..." He pressed. I heard his footsteps while we're all the way upstairs.

I sigh. "Wala akong gana..."

Kakauwi niya lang ngunit ako kaagad ang iniisip niya. He's always this selfless and I can't help but to feel guilty.

"But you have to eat, Trix." Aniya at sunod kong narinig ay ang pagbukas ng pintuan. Pumasok kami sa loob ng kwarto ko at marahan niya akong ipinwesto sa kama ko. Nasa sahig pa rin ang mga ibang laruan ni Mikel.

I felt my heart clenched. It's been three sick freaking days without my son. Ito na ang pinakamatagal na araw na nawalay ako sa anak ko.

"I'll go get you some food to eat, babalik ako..." Aniya at akmang aalis na pero mabilis ko siyang hinawakan sa kamay.

Nagbaba siya nang tingin sa akin and I looked at him pleadingly.

"I don't want to eat, Yael. I... I just need you to stay with me." Nanginig ang boses ko sa sariling pakiusap.

Bumuntong hininga siya at umupo sa tabi ko. Isinandal niya ang likod niya sa may headboard ng kama sabay pikit ng mariin. He wrapped his palms at the back of his neck.

Maingat akong umupo mula sa pagkakahiga ko upang pagmasdan siya. Ngayon ko lamang napagtanto na suot pa rin niya ang kanyang uniporme at kahit nakapikit man siya ngayon ay bakas ko pa rin sa mukha niya ang kalungkutan at pag-aalala na pinipilit niyang labanan.

"Hey... It's fine, Yael. You can be upset. Karapatan mo iyon dahil anak mo rin si Mikel. If you want to curse, do it. If you want to yell at me, then yell at me. It's okay. I understand."

He opened his tired eyes and I felt a stab on my chest.

He gave me a soft smile. "No, I won't do that. I'm not going to yell at my wife knowing that she's already in deep pain. Hindi kita sinisisi sa nangyari... Pareho nating hindi ginusto iyon. Kaya pakiusap, h'wag mo na ring sisihin ang sarili mo sa nangyari, hmm?"

I bit my lip and placed my head on his chest. He immediately wrapped his arms around me and I felt safe.

"I promise you, Beatrix, we will find our son and we will go home after that then we'll watch BabyTV and take a good nap together."

Just hearing him talk calms my raging seas.
--

Yael and I are both dressed up. Sasabay na kami kay papa paalis ngayong umaga. Kami ni Yael ay hahanapin si Mikel, habang si papa naman ay papasok na sa trabaho.

Kahit papaano ay nagpapasalamat ako dahil hindi ngayon pinagdiskitahan ni papa si Yael. He was just silent everytime that Yael is around, ni hindi nga niya ito tinitingnan and I guess in this kind of situation I can consider it a good thing.

Palabas na sana kami ngunit sinalubong kami ni Ram habang hawak-hawak ang tasa ng kape na wala ng laman. Mukhang ilalagay na niya ito sa sink.

"Sir Ronan, kotse yata ni sir Viktor ang nakita kong pumarada sa labas... Mabuti't nahabol kayo habang hindi pa tayo umaalis."

"Kotse ng papa ko?" Hindi napigilang sabi ni Yael.

Humalakhak si Ram. "Malamang sir Yael. Sino pa bang ama niyo bukod kay sir Viktor?"

Kung nasa normal lang akong lagay ay baka sinita ko na si Ram. Pati si papa ay iniimpluwensayahan ang bodyguard niya!

"Papasukin mo na, Ram." utos ni papa habang inaayos ang tie niya.

Tumango naman si Ram at binitawan na lang sa may coffee table ang tasa na bitbit niyang wala nang laman.

Nagkatinginan kami ni Yael.

"Baka may balita si papa Viktor sa'tin?"

Yael looked at me with hopeful eyes. "Sana." He replied.

Napansin kong tiningnan kami ni Papa ngunit laking pasalamat ko nang hindi na siya magsalita.

"Mag-iingat kayong tatlo... Balitaan niyo ako kaagad." Sabi nang kakadating lamang na si mama.

"We will..." Sabi ni papa at hinalikan si mama sa noo.

Rinig na rinig namin ang mga yabag mula sa labas na papalapit. Tumingin kami ni Yael sa may pintuan para abangan ang pagdating ni papa Viktor.

Nanlaki ang mga mata ko at halos sabay-sabay kaming napasinghap sa oras na makapasok si papa Viktor sa loob ng bahay kasama ang dalawang bodyguards niya at si Ram na bodyguard ni papa.

"My-my!! Dada!!"

Nag-unahan ang mga luha ko sa pagtulo nang makita ko si Mikel na masayang-masayang nakangiti sa amin habang karga-karga siya ni papa Viktor. He's holding an airplane toy na hindi ko alam kung saan galing dahil pamilyar ako sa lahat ng mga laruan ng anak ko.

Kaagad akong tumakbo papalapit kay papa at kinarga ang anak ko. Niyakap ko siya nang mahigpit at tinadtad nang halik.

"Thank God! Where have you been, Mikey? Pinag-alala mo kami!" Umiiyak kong sabi. Naramdaman ko si Yael sa likod ko at marahang hinaplos sa pisngi si Mikel.

"Dada! Plane! Look!" Masaya niyang sabi at ibinida ang bagong laruan sa daddy niya.

Tiningnan ko si papa Viktor. "Papa, thank you po! Hindi ko alam kung anong gagawin ko para mapasalamatan kayo sa paghatid dito kay Mikel... Pero paano niyo po siya nahanap?"

He just smiled sadly at me saka tiningnan si Yael. "Son, can I talk to you in private?" Aniya. May naramdaman akong kakaiba lalo na nang mag-igting ang bagang ni Yael bago tinanguan ang ama.

"Viktor, paano mo nahanap ang apo natin? And why do you have to talk to Yael in private? May nangyari ba?"

Lahat kami ay nakatingin kay papa Viktor at hinihintay ang kanyang sagot. Nalaglag ang kanyang balikat sabay buntong hininga.

"I'm sorry pero si Yngrid ang kumuha kay Mikel."

Halos malaglag ang panga ko dahil sa gulat. I'm aware that mama Yngrid wants Mikel but I didn't know that she'd go this far.

"Ano ba'ng sinasabi mo, Viktor?" Umigting ang bagang ni papa. Si Yael ay nanahimik lang at ikinuyom ang kanyang palad.

"Sigurado ka ba, Viktor? Bakit naman gagawin ni Yngrid iyon?" Naguguluhang sabi ni mama.

"Sana nga hindi totoo ang sinasabi ko." Naningkit ang mga mata niya sabay iling.

"Hindi ko alam kung nasisiraan ka na dahil pinagbibintangan mo ang asawa mo sa nangyari..." Hindi pa rin makapaniwalang sabi ni papa. Yael and I know the truth but we remained quiet.

Ngumisi nang marahas si papa Viktor. "Bakit, Ronan? Sa tingin mo madali sa'king aminin ang ginawa ng asawa ko? Here's what happened, last night I got home from a business trip. I saw my wife lying on our bed and beside her is my missing grandson! Kung pwede nga lang hindi ko na isosoli si Mikel, you know why? Because for the first after Ariana's death I saw her peacefully sleeping!"

"But... But why would she do that?" Humina ang boses ni papa habang sinusubukang i-absorb ang lahat.

"Ronan..." Mama called her. Nagkatinginan kami ni mama at alam kong naiintindihan na niya kung bakit nagawa ni tita Yngrid dahil tulad niya at tulad ko, isa rin siyang ina.

"Why did she do that, Viktor?" Papa pressed not minding mama.

"It's because of me, sir. She wanted a replacement for her daughter that I killed." His voice sends thousands of daggers into my heart.

"Yael..." umiiling kong sabi.

Pumikit nang mariin si papa at umigting ang kanyang bagang. "Then should we sue her for kidnapping my grandson?"

"Are you crazy, Ronan?! Wala namang ginawang masama ang asawa ko! Hindi naman niya sinaktan si Mikel! All she wanted is to be with her grandson!"

"I'm asking you, Yael... Aren't you gonna sue your mother for kidnapping your son?"

Umiling si Yael. "I can't, sir. I can't do that to my mother. Kasalanan ko lahat kung bakit siya nagkakaganyan..."

Nakita ko kung paano nagdilim ang paningin ni papa and next thing I know kinukwelyuhan na niya si Yael.

"At hanggang dito ay hindi mo pa rin maipagtanggol ang mag-ina mo, you fucking coward!"

"Papa, that's her mother we are talking about! You can't just ask Yael to sue mama Yngrid!"

Hindi niya ako pinakinggan.

"Wala ka na ba talagang maiaambag sa anak ko kung hindi sakit ng loob?! It's been what? Two years, Yael but you're still the same bullshit that I despises so much! You don't even know how to protect your wife and your son! Mas dinadala mo pa nga sila sa kapahamakan!" 

"Papa, stop that! Bitawan mo si Yael!"

"Dada! No, lo! No!" Mikel began to cry as he tries to reach for Yael. I hugged him para patahanin siya.

Tumingin si Yael sa gawi namin at nakita ko ang panlalambot ng mga titig niya.

"Ronan, ano ba'ng ginagawa mo? Bitawan mo si Yael!"

"I'm warning you, Ronan, let go of my son!"

Ni isa sa amin ay hindi pinakinggan ni papa. Hindi niya pa rin binitawan si Yael, bagkus mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakapit sa kwelyo nito. Yael didn't seem to mind at all, hindi siya lumaban dahil alam ko kung gaano kataas ang respeto niya sa papa ko.

"You know what? Hindi na dapat ako pumayag na magpakasal kayo ni Beatrix! You've hurt her before and now you're doing it again! You're a worthless piece of trash, Yael Salcedo, you hear me?!"

"Hey, my son is not a worthless piece of trash, Ronan! Godammit, let him go!"

Papa snapped at papa Viktor's direction without letting go of Yael's collar.

"He is! He killed your daughter, right?!"

Papa Viktor's eyes narrowed.

"Papa! Stop it!"

"Ronan!"

Muli niyang hinarap si Yael. I saw pain registered through his eyes after hearing what my papa said.

"Dada! Dada! No..." Kanina pa umiiyak si Mikel at sinusubukang abutin si Yael.

"Pa, hindi ka ba naawa sa apo mo?! Umiiyak na siya dahil sinasaktan mo ang daddy niya!"

Hindi niya pa rin ako pinapakinggan. Buong talim niyang tiningnan sa mga mata si Yael habang nagngingitngit ang kanyang mga ngipin.

"You know who else you killed?" Naningkit ang mga mata niya.

"Papa, no... No... No..." sunod-sunod ang ginawa kong pag-iling habang nagsusumamo sa kanya. I know what he's going to say next and I'm not ready for this.

"Your son, Yael! You killed your son's twin!"

I saw the shock in Yael's face. He stiffened and his eyes narrowed as his jaw slacks. He looked at me, like a kid asking for confirmation.

I shook my head as tears start falling from my eyes. "It's not your fault..." I heard my own voice shook.

I saw a mixture of disappointment and pain on his face.

"Mikel was supposed to be having a twin brother but Beatrix had a miscarriage because of you! Wala kang ibang ginawa kung hindi pasakitin ang loob ng anak ko! Babawiin ko na sila sa'yo ng apo ko!" Iyan ang huling salitang binitawan ni papa bago binitawan ang kwelyo ni Yael nang buong rahas.

Nagbaba nang tingin si Yael sa mga paa niya at napasabunot siya sa kanyang buhok. He looks so broken right now I'm scared to touch him.

"Ma..." Tinawag ko si mama at kaagad siyang lumapit sa akin para kunin si Mikel. Papa Viktor was just standing there, tongue tied and shock.

Nilapitan ko si Yael kahit na natatakot ako. I'm scared I might smashed him into pieces, I'm scared to hurt hurt him even more, and I'm scared because he might be angry at me.

Nag-angat siya nang tingin sa'kin. "I'm sorry... I hurt you again." He said sincerely as I saw a tear escaped from his eye.

I felt a tight squeeze on my chest and stomach. Oh God, this face is so familiar. This is was the face that I saw when Ariana died. He's hurting again, he's hurting more than I am.

Umiling ako. "Hindi mo kasalanan, Yael. Wala kang kasalanan sa nangyari. Listen to me, okay? Sa akin ka makinig..."

"Beatrix!" Mariing tawag ni papa sa pangalan ko. "Why can't you two just admit it to yourselves that Yael is the only one to blame for Mikel's twin and Ariana's death? You should stop trying to comfort him with lies and let him face the consequences of his faults! Tingnan niyo nga, pati si Yngrid ay nasisiraan na rin nang bait ngayon dahil sa kagagawan niya." 


"Son of a bitch!" Galit na sigaw ni papa Viktor at akmang susugurin na ang papa ko ngunit kaagad na isinangga ni Yael ang kanyang braso sa dibdib nang kanyang ama upang mapigilan ito sa pagsugod.


"Damn you, Ronan! Wala kang karapatan para pagsalitaan nang ganyan ang anak ko dahil wala kang alam! At wala ka ring karapatang tawaging baliw ang asawa ko! Tarantado ka!" Dinuro na lamang ni papa Viktor si papa dahil hindi niya masugod ito.

"Pa, tama na..." awat ni Yael sa ama.


"Wala ring karapatan ang anak mo para saktan ang anak ko! Your son doesn't know how to treat his wife right! Dapat maghiwalay na lang sila kung gano'n rin lamang!" Hindi nagpa-awat ang papa ko. Napapikit ako nang mariin.

"Well, good idea, Ronan because my son doesn't deserve a father-in-law like you!" 

"Will you two stop it?! Hindi ba kayo naawa sa bata?! Umiiyak na dahil sa mga pinaggagawa niyo!" saway ni mama sa kanila. 

Tiningnan ni papa si Mikel at saglit na lumambot ang kanyang ekspresyon ngunit nang dumako ang tingin niya sa dalawa ay muli na namang dumilim ang kanyang mukha.

"Ano pang tinatayo-tayo niyo diyan, Yael? Umuwi ka na kayo dahil maiiwan dito ang anak at apo ko."

My eyes widend and I snapped at my father's direction. "No, pa! Sasama kami ni Mikel kay Yael." matigas kong sabi.

"H'wag mo 'kong subukan, Beatrix. Pinagbigyan na kita sa kahibangan mo and this is where I'm going to step in and draw a line!"

"Yael is my husband and he's Mikel's father! Kung uuwi siya, uuwi rin kami!"

"Helen, iakyat mo na si Mikel..."

"Ronan—"

"Just do as I say, Helen!"

Ngayon lang sininghalan ni papa si mama nang ganito kaya walang nagawa si mama kung hindi iakyat si Mikel na paulit-ulit kaming tinatawag ni Yael.

Nakita ko kung paano sinundan nang tingin ni Yael si Mikel. Umawang ang bibig niya ngunit walang lumabas mula roon. Umigting ang kanyang bagang.


Lumayo nang isang hakbang si papa Viktor kay Yael at pinagpag ang kanyang damit. Ibinaba na ni Yael ang kanyang braso sabay buntong hininga.

"Let's go, Yael. This is time where you must walk away because respect is no longer served in this fucking table..." Mariing sabi ni papa Viktor.

"That's good, Viktor. Go take your son with you, he's not welcome in this table in the first place."

"Pa, will you stop it, please?!"

Pinaningkitan niya ako nang mga mata. "No, you stop it! I'm booking a one way ticket to New York for Mikel and you! Ibabalik ko na kayo doon at hindi na magbabago ang isip ko!"

Lumawak ang mga mata ko. "You can't do this to us, pa!"

"I can and I will..." matigas niyang sabi at tumalikod na sa amin.

Hinarap ko si Yael at nagmamakaawa siyang tiningnan. "Ayokong umalis, Yael... Hindi kami aalis ni Mikel."

Umigting ang bagang niya at iniwas ang tingin sa akin.

"Sir, can we talk in private?" Akala ko ay hahayaan na lang ni Yael si papa ngunit nabuhayan ako nang biglang magkaroon ng boses si Yael.

Biglang natigilan si papa sa pagalalakad at dahan-dahang hinarap si Yael.

"Ah, you actually know how to talk." Sarcastic na sabi ni papa.

"Nakikiusap ako sa inyo, just hear me out..." Pakiusap ni Yael at hindi pinansin ang sinabi ni papa.

Tumaas ang isang kilay ni papa. "Follow me." Iyon lang ang sinabi ni papa at tumalikod na sila. Hindi na nag-aksaya nang oras si Yael at kaagad siyang sumunod kay papa. Hindi sila umakyat, nag dire-diretso lamang siya nang lakad kaya alam ko na kaagad kung saan sila nagpunta. They went to my papa's office.

Kami na lang ni papa Viktor ang naiwan dito at nahihiya ko siyang tiningnan. "Ako na po ang hihingi nang pasensya para sa papa ko. Alam kong mali ang mga ginawa at sinabi niya sa inyo ni Yael."

Bumuntong hininga siya. "Mikel's supposed to have a twin, right?" He's not asking out of curiosity, parang gusto niya lang marinig na kumpirmahin ko iyon.

Tumango ako.

"You... lost him during those days where Yael's still mourning for his sister..." He stated.

Kagat labi akong tumango ulit.

Nagpakawala siya nang buntong hininga. "That's the reason why Ronan is treating my son like a piece of shit... I will never appreciate that, Beatrix. Walang alam ang ama mo. My son had suffered so much pain unimaginable. He's been dealing with all his demons alone for the past two years... kaya nagagalit ako sa ama mo dahil sa pagta-trato niya sa anak ko. Hindi lang naman ikaw na anak niya ang nasaktan dito."

"Alam ko na naghiwalay kayo, alam ko nag naaksidente siya ulit, at alam kong nagkaroon siya nang ibang nobya... Hindi niya lahat sinabi sa akin 'yon pero alam ko, Beatrix. I had my son followed. Alam ko lahat nang mga masasakit na nangyari sa kanya kahit pinili niyang lumayo at h'wag sabihin sa amin ng mama niya ang mga nangyari sa kanya."

"Even when you two broke up, he still chose to protect your image from us. Sa tuwing tatawag ako at kakamustahin siya, he would say that he's getting better because you never left his side pero sa totoo lang ay wala ka na noong mga panahong iyon. Iniwan mo na siya."

Nagbaba ako nang tingin sa sahig habang pinapakiramdaman ang pagkirot ng puso ko.

"Pero hindi ako galit sa'yo, Beatrix... I had you followed, too. I know why you left Yael and this country..." He paused.

"At hanggang ngayon hindi pa rin alam ni Yael ito pero ako ang dahilan kung bakit nalaman niyang may anak kayo."

Lumawak ang mga mata ko at umawang ang bibig ko ngunit wala ni isang salita na lumabas. It feels like I'm talking to God, himself! Papa Viktor knows everything?

Hindi ako makapagsalita. This is fucking mind-blowing! My head is spinning and I'm having hard time to absorb all of these.

"I'm not saying this to scare you, Beatrix. I just want to ask you to always stay by Yael's side. I know his logic, kapag alam niyang nasaktan ka niya nang husto, lalayo siya. Just like what he did to me and his mother. So, when that happened I want you to pull him back no matter how hard he tries to run away from you."

--

I just finished feeding Mikey, nabihisan ko na rin siya. He's happy and energetic the whole time, kanina nga lang siya umiyak dahil sa ginawa ni papa sa daddy Yael niya.

"Mikey, kiss lola." Sabi ni mama at yumuko kay Mikel. Mikey kissed her on cheek immediately.

"Bye... lola has too cook for your old and grumpy lolo."

"Bye-bye." Mikel waved lazily at my mother.

Mama smiled sweetly before turning her back at us. I don't want this day to end without saying how grateful I am to her kaya tinawag ko siya.

"Mama..."

Humarap siya.

"Thank you... for everything. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka."

She smiled at me. "Anything for you and Mikey..." aniya at tuluyan nang umalis.

Hinarap ko si Mikel na kasalukuyang nakahiga sa tabi ko.

"So, what else did lola Yngrid gave you?" I ask playing with his hair.

"Plane..."

I chuckled. "What else?"

"Plane-plane." Sagot niya ulit at ginusot ang mga mata niya. Maybe he was pertaining to the shirt na airplane ang design. Bago kasi umalis kanina si papa Viktor ay iniwan niya ang mga gamit ni Mikel na binili ni mama Yngrid para sa kanya.

Hindi ako galit kay mama Yngrid dahil sa ginawa niya at kung ako ang tatanungin, I'm not even planning to file as case against her. I'm a mother, too and I understand her. Nakausap ko na rin si mama, hindi rin siya galit kay mama Yngrid. Naiintindihan niya na gusto niya ring makasama si Mikel. Nahihiya nga rin siya kay papa Viktor dahil sa inasta ni papa kanina.

"Is my baby sleepy?" I asks Mikel softly.

"No." He replied yawning before hugging me. I felt something fuzzy warm inside.

"Oh, I missed you so much!" sabi ko at pinanggigilan nang halik ang kanyang noo.

"Wuv you, my-my." He said lazily.

My eyes narrowed in amusement ngunit napalitan din iyon nang matamis na ngiti. Mama Yngrid taught Mikel things well.

"I love you, too, baby."

He closed his eyes but then he opens it again. Halatang pinipigilan niya lang ang antok niya. Kanina pa niya kasi hinahanap si Yael.

Medyo kinakabahan pa rin ako kung ano ang pinag-uusapan nila ni papa dahil kanina pa sila sa office niya. Hindi ko nga rin alam kung papaano uumpisahang magpaliwanag kay Yael. Kakatapos lang nang isa naming problema may panibago na naman. 

When will this all end? When will everything fall into its right places?

Biglang akong nahigop sa realidad nang biglang bumukas ang pintuan. I thought it was mama but my heart thumped when I saw Yael. He slowly walks in, and I suddenly forgot how to breathe. He looks troubled and I'm starting to worry.


Nagbaba siya nang tingin kay Mikel. "Tulog na pala siya..." mahina niyang sabi. He stopped and just stand there, few feet away from us. For a second I want to pull him towards us. I wanted him to cuddle me and Mikel, that was the initial plan when we find Mikel, right?

But for some reason it felt like something is different again. 


"He's been waiting for you, nilalabanan nga niya ang antok niya kanina pa."

Hindi siya sumagot. Ngumisi lamang siya nang mapait. 


"Yael, I'm--" 

Umiling siya kaagad at tiningnan ako para putulin ang kung ano mang sasabihin ko. 


"I don't want to talk about that here, Trix. Let's go home first, doon tayo sa bahay mag-usap." 


__________________________________

Next chapter would be the last chapter. 


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top