Chapter 9

Festival

I was walking towards our classroom when I kept on looking at my necklace. I sighed when I realized, I was overthinking too much. So what if Lawrence gave me this? We're friends so there's nothing to worry about.

Pumikit ako ng mariin at kinumbinsi ang sarili na hindi totoo iyong nabasa ko sa Google.

I knew Lawrence for a very long time already. He's my friend and it never crossed my mind that we'll become... lovers. Kung may nararamdaman man siya, I'm afraid I can only offer him friendship. That's all.

See, Astrid? Wala pa nga siyang sinasabi sa'yo ay kung anu-ano na ang iniisip mo. Napakafeelingera mo talaga!

I sighed deeply again due to disbelief. What is happening to me, huh?

"School Festival ng Winterville bukas," panimula ni Serene.

Kumunot ang noo ko. How did she knew about that?

"Really? So?" si Eira.

"Ano ka ba, Eira. Siyempre pupunta tayo!"

"Tayo?" taka kong tanong saka kinuha ang gamit sa locker.

Magpapalit kami ng uniform dahil P.E.  namin mamaya. Another exhausting day in school.

"Sasamahan niyo ako. You know... Jeremiah invited me to join their festival kaya huwag kayong mahiya." Pinalo niya kaming dalawa ni Eira sa balikat animoy kinikilig.

"Wow! You two are close already, huh?" A smirk formed at Eira's lips.

"I know! Buti nga nag-break na sila n'ong girlfriend niya, e. Mas bagay kaya kami!" Pumalakpak siya at tumalon-talon.

"Ano? Arat na?"

I tried to tie my hair in ponytail at ganoon rin ang ginawa nina Eira at Serene. After I finished, pinalitan ko ng rubber shoes ang sapatos na suot ko kanina.

I glanced at Eira. "What do you think? This will be fun for sure!"

Narinig ko siyang bumuntong hininga. "Sige."

Huminto ang kotse na sinakyan ko sa tapat ng bahay si Eira. Bago bumababa ay nagpasalamat muna ako sa aming driver na naghatid sa akin bago tumungo sa loob.

"Ingat po kayo, Ma'am Astrid."

"Kayo rin po! Salamat ulit," I stated while smiling from ear to ear.

Pinindot ko ng dalawang beses ang door bell pero walang sumasagot. I tried again and luckily, isang maid ang bumungad sa akin at pinapasok ako.

Ngayon kami pupunta sa Festival ng Winterville. Si Eira muna ang pinuntahan ko at saka namin sabay na susunduin si Serene. Sa aming tatlo ay si Serene talaga ang pinaka-excited. E, paano ba naman kasi, makikita niya ulit mamaya si Jeremiah. Ayon sa sinasabi niya sa amin, lagi raw sila nag-uusap sa chat. Sana all din, lumelevel-up.

"Eira..." tawag ko sa pangalan niya.

Sabi ng maid ay nandito siya sa sala. Nilibot ko ang paningin at namataan ko siya sa sulok na sumasayaw. May ring light sa harap niya at dinig ko ang tugtog mula sa cellphone niya.

Napatigil siya nang makita ako.

"Astrid! You're here na pala." She chuckled. "I was just killing time while waiting for you," dugtong niya.

"By doing tiktok?" Tumaas ang kilay ko.

"Probably."

"Let's go," aniya at itinabi ang ring light na ginamit. She took her bag and put some lipstick before clinging to my arms.

Sabay kaming umalis at pumunta kay Serene. Nang kumpleto na kaming tatlo, I took a selfie first and posted it in my feed. Umani iyon ng maraming kumento at likes.

Using the car of Serene's family, we went to Winterville in no time. Buti na lang at pinayagan kami ng kaniyang Mommy na gamitin iyon.

"Hello..." bungad sa amin ni Jeremiah.

Nagulat ako nang nalamang kanina pa raw siya sa tapat ng school nila, hinihintay kami.

Pinakilala ako ni Serene sa kaniya at hindi na kay Eira dahil siguradong kilala na nila ang isa't-isa. Hindi ko maipagkakaila na halos parehong-pareho sila ni Israel. Mula sa height, kulay ng balat, mata, at pati pag-ngiti ay magkatulad sila.

They are brothers Astrid. That's normal.

I looked at Serene who's now smiling while talking to Jeremiah. Mukhang nagkakamabutihan sila ah? Pero kinakabahan pa rin ako. Mukhang chickboy ang datingan ng kapatid ni Israel eh. Idagdag pa iyong mas bata siya kay Serene, baka sumunod siya sa Kuya niya.

Siniko ko si Eira. "Hindi ba magpa-pari 'yan? Baka masaktan lang si Serene sa huli, ah!" bulong ko sa kaniya.

"Nope. Jeremiah will take another course. Sa kanilang dalawa, si Israel talaga ang obligadong mag-pari," paliwanag ni Serene.

"Why?"

"Hindi ko rin alam." She shrugged her shoulders.

Namangha ako sa buong lugar. Iba ito kumpara noong last visit ko. Talagang pinaghandaan nila ang festival dahil may mga banderitas na nakasabit sa mga puno. Pati mga estudyante ay napansin kong  nagusap-usap sa suot nilang mga damit.

Sinilip ko ang mga classroom at napataas ako ng kilay nang namataang may dekorasyon ang bawat isa. Effort talaga.

Nagpaalam si Jeremiah sa amin matapos niya kaming ilibot sa gym kung saan nagkalat ang maraming booths. Sabi niya ay may gagawin lang siya at babalikan rin kami mamaya. Buti nga pinapayagan ang mga outsiders na makapunta dito.

"See guys? Napaka-hospitable niya no?" ani Serene sabay kagat ng labi.

Eira and I just laughed. Naglaro kami sa mga booths hanggang sa napagod kami at nagpasyang kumain sa cafeteria.

"Israel, pwedeng makahingi ng discount?" malambing na sabi ng isang babae sa harap ko.

"Mama mo, discount! Ano akala mo sa'kin? May-ari ng school?" Mataray na tugon niya doon sa babaeng nagpapa-cute habang nakahawak ang dalawang kamay sa baywang. "Hindi mo ako madadaan sa ganiyan," he continued.

Kumunot ang noo ko nang makita si Israel ang nagbebenta sa loob ng cafeteria. He was wearing an orange apron while a headband was on his head preventing his hair to fall.

Why does he look so cute?

Nang magtama ang paningin ay napaubo siya at inalis ang dalawang kamay sa baywang. Kusa ring umalis iyong babae at kami na ang sumunod na bibili.

"Insan!" bati niya kay Eira at kumaway. "Jade!" Lumipat ang tingin niya sa akin. Ngumiti lang ako ng tipid.

Siya lang talaga ang may lakas mg loob na tawagin ako sa second name. Pinabayaan ko na lang siya.

"Nasaan iyong isa?" taka niyang tanong.

"Ah si Serene ba? Naghahanap ng upuan. Nagkakaubusan kasi," paliwanag ni Eira.

He nodded and took our order. Bakit kaya siya ang nandito at hindi ang tindera ng school nila?

"Wala kayong pasok? Baka nag-cutting kayo ah!" Nanlaki ang mga mata niya sa amin.

I laughed at him. Nakakatawa kasi iyong mukha niya habang sinabi iyon. Napatakip na lang ako ng mukha dahil hindi ko mapigilang mapangiti sa hitsura niya.

"Wala na kaming klase ngayong oras kaya sinulit na namin," saad ulit ni Eira.

They both looked at me in curiosity. Doon ko lang napagtanto na para akong tangang nakangiting mag-isa. I immediately composed myself back to what it used to be.

"Nababaliw ka na yata?" Humalakhak si Eira.

I bit my lower lip and tried to avoid Israel's gaze. I can't deny the fact that I'm being like that because of him.

"Uh... may naalala lang." I tried to smile.

"Sino? Boyfriend mo?" Ngising-aso siyang tumingin sa akin.

I shook my head and raised my both hands. "NBSB!"

Mukhang hindi siya nakumbinsi sa sinabi ko dahil kumunot ang noo niya. I'm telling the truth!

"Totoo 'yan. Aba ewan ko dito sa kaibigan ko. Tatanda na yatang dalaga."

Israel came outside and went to us. Dumating na iyong totoong nagtitinda kaya umalis na siya roon. Tinanggal niya rin ang apron niya pero hindi iyong headband.

"I doubt that. Sa ganda mong 'yan..."

Bigla akong lumingon sa kaniya. I felt my heart pounded with his words. Napatunganga ako at hindi alam ang sasabihin. Buti na lang iginaya na ako ni Eira papunta kay Serene matapos makuha ang pagkain namin.

Hawak ang dart ipinuwesto ko ang kamay sa level ng ulo ko. Nang ihagis ko 'yon ay saktong tumama sa pinaka-gitna ng dart board. My mouth opened wide when I hit the bulls eye. I was smiling from ear to ear when the boy wearing a mask gave me my prize.

"Congratulations! You won a teddy bear." The boy handed me a big white teddy bear.

"Thank you!" I clapped and hugged the toy.

Hahanapin ko na sana sina Eira at Serene na nasa ibang booths din nang tinapik ako sa balikat no'ng lalaking naka-mask.

"Why po?"

Hindi siya sumagot at itinuro ang likod ko. I was confused so I asked him again but he did not respond. Sinilip ko ang likod ko pero wala naman akong napansin doon.

I looked at him again but he seemed he can't even say what's going on. Nagsimula akong kabahan.

"Tell me–" I haven't finished what I'm saying when he aggressively took off his mask like he's frustrated.

Napakurap ako nang mapagtantong si Israel iyon.

His lips formed a thin line. "Y-you have..."

I gulped upon not knowing what he's talking about. Magsasalita na sana ako nang hinila niya ako paalis sa lugar na iyon. I protested at first but when we ran, I felt something splashed down there.

Dinala niya ako sa isang classroom. Walang tao roon at batid kong busy ang lahat sa booths kaya ganoon. Hindi ko alam ang sasabihin sa kaniya sa mga oras na iyon. Naghalo ang hiya at inis ko sa sarili dahil sa nangyari.

He saw it!

"Wear this for the meantime." Isang jacket ang iniabot niya sa akin.

Napapikit ako ng mariin habang isinusout iyon sa baywang ko. Nakalimutan kong ngayong week pala ako dadatnan ng buwanang daloy ko.

"No need to feel embarrassed. That's natural. Buti nga nakita ko agad," pagpapakalma niya.

Tumango ako at ngumiti sa kaniya.

"Salamat. Swerte naman ng mga magulang mo, napalaki ka nilang mabait sa kapwa." I chuckled a bit but I literally meant it though.

He tilted his head and stared at me. "I don't have parents," seryoso niyang sambit.

"W-what... oh sorry! Hindi ko alam," pagpapaumanhin ko kaagad.

Hindi iyon nabanggit ni Eira eh. Akala ko tuloy...

He offered a smile. "Why are you saying sorry? Don't be, okay? Sanay na akong wala mga magulang na gumagabay sa amin ng kapatid ko. Kaya malaki talaga ang pasasalamat ko sa orphanage na kinalakihan sa ko."

"Orphanage?"

Tumango siya. "Yep! Mga Madre ang nagpalaki sa akin. Tinuring na nila akong parang sariling anak. Kaya bilang kapalit sa kabutihan nila, balak ko sanang magsilbi sa simbahan at sa Panginoon."

I fixed my gaze on him. My heart warmed about what he said. Magkaiba man ang relihiyon namin ngunit nararamdaman ko na sincere siya sa pag-abot ng kaniyang pangarap.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top