Chapter 10

Jacket

"Ano nang oras?" he suddenly asked. Kinuha ko ang phone ko para tingnan ang kaniyang sinasabi.

"5:38 pm..." I uttered. Hindi ko nanaman napansin ang paglipas ng oras.

"It's time for the evening to fall," saad niya. "Halika, hatid na kita sa mga kaibigan mo. Eira texted me that they are waiting for you already."

I stood up and composed myself. Inayos ko rin ang buhok ko at bag na nakasabit sa aking balikat.

"Kayo? Hindi pa uuwi?" tanong ko dahil ang dami pang estudyante na narito sa loob ng school.

"Mamaya pa siguro. Mag-aayos pa kami bago ang alis," aniya at lumapit sa akin.

Our shoulders touched then I suddenly felt an electricity rushed down to my body. Napaatras siya ng kaunti nang maramdaman din iyon. Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam ang dahilan kaya ipinagsawalang bahala ko nalang.

"Jeremiah... Israel... alis na kami," Eira spoke for the three of us.

Nilingon ko si Serene na nakangiting kumakaway paalis kay Jeremiah. Nilipat ko ang tingin kay Israel na siyang nakatitig pala sa akin.

"Salamat," I mouthed without a sound.

Mukhang naintindihan niya naman dahil pinalitan niya iyon ng ngiti.

When I got home, I couldn't forget the conversation we had earlier. Halo-halong emosyon ang aking naramdaman. Hindi lang para sa kaniya, kundi sa sarili ko na rin.

I was amazed by his maturity. Sacrifiing having a married life in exchange for becoming a priest? At an early age he already decided what to do in life. Napaka-responsable niya.

"Sa aming dalawa ng kapatid ko, isa lang dapat ang mag-pari. It's either from the both of us. Ayaw ko namang hindi maranasan ng kapatid ko ang hindi magkaroon ng asawa't anak, kaya ako nalang ang sumalo sa lahat. He grew up without our parents... so I want him to become happy. That's the only gift I can offer to him as his Kuya." Naalala ko ang sinabi niya sa akin kanina.

I couldn't help but to smile while remembering his words. That's so generous of him. My heart fluttured in an instant. Hinawakan ko ang dibdib ko para pakalmahin pero nang in-imagine ko ang mukha niya ay mas lalong bumilis ang tibok mg puso ko.

Kinuha ko ang jacket na pinahiram niya sa akin. Hindi ko akalaing tutulungan niya ako kanina. At first, i thought he'll laugh at me but he didn't, and I admire him for that. Sa likod ng jacket ay may nakaburdang I.C.V. Pakiramdam ko ay initials niya iyon. I stands for Israel and V for Villafuerte. Hindi ko lang alam kung ano ang ibig sabihin ng C. Baka second name niya.

Napaigtad ako sa gulat nang tumunog ang phone ko. I thought it was just Serene or Eira but it was a different person I didn't expect.

Israel:

Did you arrived home safely?

Napakagat ako ng labi dahil sa nabasa. He messaged me through messenger asking if I'm safe. Muntik nang nawala sa aking isipan na friends pala kami sa facebook.

Me:

Yes! Thank you pala sa accomodation kanina. I had fun :)

I replied. Nilingon ko ang jacket niya sa gilid at balak ko sanang ibalik iyon sa kaniya. I just don't know how.

Israel:

That's great.

Ang bilis niya namang mag-reply. Natawa lang ako sa kawalan.

Me:

Iyong jacket mo pala? How will I return it to you?

Hinintay ko ang reply niya. Buong akala ko ay parang kanina, kasing bilis ng kidlat ang kaniyang pagtugon sa aking chat. But I waited for nothing.

How dare he? Siya ang unang nag-text tapos siya rin ang hindi magre-reply sa huli?

I shook my head 'cause I sounded like a desperate girlfriend waiting for my boyfriend's messages which is totally absurd. Inisip ko na lang na baka busy o tulog na siya. Malalim na rin ang gabi kaya posible iyon.

It's Friday afternoon when the three of us decided to eat outside school for lunch. Pangalawang araw na rin ngayon ng festival sa Winterville at baka hindi na kami makakapunta ulit doon dahil sa daming gawain related sa school.

"Sa isang Japanese restaurant tayo. Ano sa tingin niyo?" I suggested ang looked at my friends to see their reactions.

"Sure!" sabay sabi nina Eira at Serene.

Hindi ko napansing nakasunod pala si Lawrence sa amin.

"Sama niyo naman ako!" pamimilit niya at inakbayan ako.

Napalunok ako at unti-unting kinalas ang kamay niya sa balikat ko. These days, iniiwasan ko siya dahil sa mga pinapakita niyang motibo sa akin.

"Bawal pangit doon! Halika ka na nga Astrid," aniya at hinila ako paalis sa puwesto ni Lawrence. Pinanlakihan siya ng mata ni Eira.

"Ang harsh mo naman sa kaniya," kumento ni Serene.

Nang makarating doon sa kainan ay um-order na kami kaagad. Kumunot ang noo ko nang maramdamang nag-vibrate ang aking phone.

Israel:

I'm sorry nakatulugan ko ang text mo. I'm just tired. By the way, you can keep my jacket for a while pero kung mapilit ka at gusto mo akong makita, I mean kung gusto mo talagang ibalik, we can meet on Sunday.

Anong sinabi niya? I chuckled at his message. Sinadya niya ba talagang sabihing gusto ko siyang makita? Kung typo man, pwede naman niyang ulitin.

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa.

Me:

Sunday then.

He further texted me the details for our meet up. Magsisimba ako sa Sunday at ganoon rin siya. Medyo malapit lang sa isa't-isa ang church namin sa Winterville kaya nagpasiya akong puntahan na lang siya roon.

I wore my newest dress bought by my parents when they went to Canada last month. It was a knee-length maroon dress that hugged my body revealing my perfectly slimmed waist. Hindi ko pa ito nasusuot kaya bagong-bago ang hitsura. I braided my hair like Elsa from Frozen.

Sa isang brown na paper bag ko inilagay iyong jacket ni Rael. Siyempre nilabahan ko iyon bago ibigay sa kaniya. Making sure that all my things are already in my bag, then I'm ready to go.

"Let's go, anak..." Mom held my hand and we went inside our car. Pagkatapos naming magsisimba ay saka ako makikipagkita kay Rael.

Pagkarating namin sa church ay hindi pa nag-uumpisa ang misa. Batian sa isa't-isa pa lamang so I took the chance to say hi to the elders.

Hindi rin nagtagal ng ilang oras ang pananatili ko roon dahil mabilis natapos ang preaching service namin. Pagkatapos ng closing prayer ay nag-yaya pa silang kumain muna. I excused myself first dahil may lakad nga ako.

"Mag-ingat ka, ha. I-text mo kami ng Dad mo," bilin ni Mommy.

"Opo. Alis na po ako," pagpapaalam ko hindi lang sa aking mga magulang kundi pati na rin sa mga kabataang naroon.

Naglakad lang ako patungong Winterville Catholic Church. Hindi na ako nag-abala pang sumakay ng taxi dahil bukod sa hindi naman masyadong mainit ay malapit lang ito. Isa pa, gusto ko ring maglakad-lakad para ma-exercise ang katawan ko.

Before proceeding to the main spot where I should meet him, I retouched my make-up first and fixed the strands of my hair. I messaged him that I'm already near. Hindi ko na hinintay ang reply niya at umupo na lang sa isang bench doon.

Israel:

I'm coming

Habang hawak iyong paper bag prente akong naupo habang hinihintay siyang dumating. Maraming tao roon at batid kong kakatapos lang din ng misa nila.

I saw Israel running and looking for me. Iwinagayway ko ang kamay para makita niya at nang magtama ang paningin namin ay napangiti kaming dalawa.

"Did I make you wait? Pasensiya ka na. Ako dapat ang pupunta sa 'yo," aniya.

Tinitigan ko muna siya ng ilang sandali bago magsalita.

"Why are you sorry? Ikaw na nga ang tumulong sa akin, e. Ayaw kitang maabala kaya ako na ang pumunta dito," sabi ko at inabot sa kaniya ang paper bag. I also told him that I washed it already.

"Salamat," tipid kong saad.

He just nodded. There was a moment of silence and I don't know what to say. He also looked away while we are just standing in front of each other. Awkward.

"Uh, kumain ka na ba?" Hindi ko inaasahang tatanungin niya ako.

Umiling ako. "Not yet." I smiled at him.

Aayain niya ba ako? I felt so excited. Parang nabuhay ang matamlay kong utak nang maisip iyon. If ever he'll invite me to eat lunch together, I will not turn him down, of course.

"Rael!" Lumingon siya sa kaniyang likod nang marinig ang tumawag sa kaniya.

Tipid siyang ngumiti. "I'll go now. May second batch pa ng misa at kailangan ako bilang sakristan. I'm sorry if I can't take you home," banggit niya.

"Thanks for this by the way. Mag-ingat ka." Itinaas niya ang paper bag at saka nagpaalam nang umalis.

Naiwan ako roong nakatunganga. Napakurap ako dahil sa pagkadismaya. I can't even look at him again. Naiinis ako sa sarili dahil sa naisip.

Nang matanaw ko siyang nag-suot ng damit pang-sakristan ay nagdulot iyon ng kaunting hapdi sa aking dibdib. Doon lang siya nagbihis sa gilid ng mismong simbahan at sinapaw lang ang kaniyang uniform.

Why do I feel so hurt while watching him like this?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top