Chapter 7
Chapter 7
Mark
Sa sobrang gulantang ko sa pangyayari ay malakas ko siyang naitulak. I was panting heavily, my eyes widening at him.
His expression mirrored mine. Parang hindi rin siya makapaniwala sa nangyari. At alam kong dahil iyon sa salitang lumabas sa labi niya kanina lang.
"N-Nakakapagsalita ka po?"
Kumunot ang noo niya. His hand unconsciously went to his throat. Hinaplos niya ang bahaging iyon at natigilan.
"Paano po..." nangapa ako, lito pa rin.
Bigla na lamang namula ang mata niya sa nagbabantang luha. He looked so shocked and frustrated by it that he didn't even blink when I closed the distance between us and gave him a tight hug, wrapping my arms around his neck.
Ramdam na ramdam ko ang lalim ng paghinga at ang tambol ng kaniyang puso. Hinaplos ko ang kaniyang likod.
I just felt the urge to give him warmth, now that I thought this was wearing him down.
Humigpit ang yakap ko sa kaniya. I'm...happy. Gulat kaming pareho at alam kong dahil iyon sa pagbalik ng kaniyang boses. I may not have known the story behind of his lost voice, but I'm proud that I witnessed it returned.
"Masaya po ako para sa 'yo..." I expressed softly. Naramdaman ko bigla ang higpit ng hawak niya sa laylayan ng aking damit.
"Fucking hell..." basag na boses na aniya.
Magsasalita na sana ako nang bigla niya akong itulak nang malakas. Namilog ang mata ko.
Paulit-ulit niyang sinabunutan ang sarili. He shut his eyes tightly and hit himself with his fist. "Fuck..."
I gasped. "A-Ano po ang ginagawa ninyo?"
Sinubukan kong tumayo para daluhan siya pero pinukulan niya ako ng galit na tingin.
My lips trembled at the sight of him glaring at me. Kumawala ang mahinang hikbi sa aking labi dahil sa magkahalong takot at kaba.
Nanginig ang buong katawan ko nang dahan-dahan siyang tumayo upang lumapit. Lumuhod siya at marahas na hinigit ang aking panga para iharap sa kaniya. His hold was so firm it hurt me. Tuloy-tuloy na ang agos ng kaniyang luha sa mata. Galit na galit.
I was only able to shake my head, subtly convincing him that I meant no harm—that whoever hurt him in the past, who made him react this way, wasn't here.
Dahil sigurado akong wala akong ginawang masama para magkaganito siya. I want to assure him that I will never hurt him in any way possible.
No one dared to hurt me, at least not physically. Hindi kailanman ako pinagbuhatan ng kamay ni Mommy kaya ngayong kaya niya akong saktan nang ganito ay nawawasak ako.
"Bitiwan mo po ako..." Hinawakan ko ang kamay niya na nasa panga ko at sinubukang tanggalin ngunit mas hinigpitan niya iyon.
"Fucking bitch," he snarled angrily. His eyes were like daggers seeping through my soul. He was like a beast, finally freed after years of being caged and tortured, seeking revenge on the one who put him in misery.
"Ang sama-sama mo!" mapait kong sigaw. "Sana ay hindi mo na lang po ako h-hinalikan! Ang sama mo! Ayaw ko ng taong gaya mo!"
Natigilan siya sinabi ko. I looked at his hand slowly loosening his grip on my jaw. He gritted his teeth and pushed me hard on the floor.
I groaned in pain.
"Then why are you still here? Get out and never come back," he barked.
Umurong ang luha ko at umusbong ang galit para sa kaniya. "Akala ko ba magkaibigan tayo, pero ba't mo ako sinasaktan?! Ayaw mo ba sa akin? Ngayon na nga lang po kita narinig na magsalita...at sinabihan mo pa ako ng mga hindi magagandang salita!"
He chuckled weakly and looked down. Nakakuyom ang kaniyang mga kamao na parang gusto nang sumuntok. Umatras ako.
Napansin niya iyon kaya nilingon niya ako gamit ang madilim na mata. "Do you think I'm happy hearing my own voice? I'm not. I don't wanna be friends with anyone, so get the fuck out!"
Hinila niya ang braso ko para palabasin ngunit nagpumiglas ako. Tinulak-tulak ko siya sa sobrang galit. Nang akmang ibabalibag niya ako palabas ay malakas ko siyang sinampal.
His lips parted. Nabitawan niya ako.
Napatingin din ako sa sariling palad at biglang nilukob ng pagsisisi.
"S-Sorry po. Hindi ko sinasadya—"
"Fucking stubborn," he hissed and forcefully pushed me against the wall.
Napadaing ako sa sakit nang bigla niyang angkinin ang labi ko at mariin akong hinalikan. Ang kamay kong itinutulak siya ay biglang nanghina at nanatili sa kaniyang balikat.
My heart hurt, but somewhere deep within suddenly felt...at ease. My body couldn't tell the difference between danger and desire. Pakiramdam ko ay nasa gitna ako ng panganib, ngunit nariyan siya para hawakan ako.
Maybe this was just an excitation transfer? It's a theory about how an arousal from one situation can intensify our emotional response to another.
My senses were already activated earlier because of the tension between us, but it heightened when he decided to...
I let out a labored breath when his lips went down, nibbling the skin on my jaw. His hand also went to my neck. I almost choked with the way he gripped it.
Kanina pa ako parang hihimatayin. Laging nasa bingit ng pagkawala ngunit palagi ring hinihila.
"The angel seemed to enjoy being devoured..." his tone was laced with amusement.
I slowly opened my sleepy eyes and looked up at him. We were breathing so hard when his gaze found mine.
"You like it?"
"No..." I lied, forehead creasing.
Nagkatitigan kami.
Gone was the glare, it was now replaced by something else I couldn't decipher. But I know it wasn't intense anymore.
Tumaas ang kilay niya. There was an amusement in his eyes.
"Really?"
Tumingin ulit siya sa labi ko at muling lumapit para humalik na naman. Hinihingal pa ako...at parang kinakapos ng hininga pero bakit hindi ko matanggihan?
I hate that I like what he's doing. Dapat galit ako sa kaniya. Galit din siya sa akin kanina, pero bakit ngayon hindi ko man lang siya magawang itulak?
I even noticed my hand clutching his shoulder, as if wanting him to be closer. Dahan-dahan ko iyong binaba.
Napasulyap siya roon at bumuntonghininga. Lumayo siya nang bahagya habang nakatingin pa rin sa akin. Saka lamang naging ako nakahinga nang maluwag nang bitawan niya ang aking leeg.
"You should go," paos na sabi niya at umiwas ng tingin.
Hindi ako nagsalita. Nanatili akong nakatayo sa harap niya, dismayado na.
Pagkatapos niyang gawin...paaalisin niya ako? Does it work that way?
"What?" he asked when he noticed I did not even bat an eye.
I want to stay longer.
I wanted to voice it out but I'm afraid he will push me more.
Biglang tumunog ang phone ko sa bulsa kaya pareho namin iyong binalingan.
Tiningnan ko kung sino ang tumatawag. Kinabahan ako bigla nang lumitaw ang pangalan ni Mommy na para bang alam niya ang ginawa namin ngayon.
I suddenly felt guilty.
"Mom?"
The guy in front of me clenched his jaw. Nasa kawalan na siya ngayon nakatingin habang nakikinig sa amin.
"Where are you, Angelu?! Umuwi ka na!"
Nailayo ko sa tainga ang phone nang sumabog ang boses ng ina roon.
"Bakit po?" I tried to calm my voice, afraid she might discover what had happened behind the call.
"Huh? Bakit? Akala ko ay magkasama kayo ni Silas, pero narito siya at hinahanap ka! Saan ka ba nagsususuot? Come back now!" sigaw niya.
I shivered when I remembered Silas. Ano ang ginagawa niya roon? Sumulyap ako sa lalaki at naabutan ang seryosong tingin sa akin. His jaw slightly clenched.
"Opo, mommy..." mahinang sambit ko sa kabilang linya at ibinaba na ang tawag nang hindi pinuputol ang tingin sa kaniya.
"Uuwi—"
"Kikitain mo?" agap niya.
Napakurap ako.
"Nevermind. You should go."
"Nandoon daw po siya sa bahay..." I tried to explain.
"Yeah, I heard," he coldly replied.
"Galit ka po ba?"
Tinalikuran niya lamang ako at nilapitan si Kitty roon sa couch. Sinundan ko siya.
"Uuwi na po ako..."
Ayaw ko pa pero kailangan dahil galit na si Mommy at naghihintay si Silas. Hindi ko alam kung bakit siya naroon dahil wala naman kaming usapan.
He just nodded without looking back at me.
"Bye po...bye, Kitty," matamlay kong paalam.
Inayos ko ang sarili at humakbang na para umalis.
"Angel," he called.
I paused on my track. "Po?"
"Huwag ka na bumalik. I want my own space."
Kumirot ang aking dibdib. I ignored his words. Hindi na ako lumingon pa at tuluyan nang umalis.
I was holding back my tears on my way home. The kiss kept on replaying in my mind that I did not notice I have already arrived.
Sa bukana pa lamang ay nakita ko na si Silas na nakaupo sa couch sa loob.
Nang makita niya akong pumasok ay umaliwalas ang kaniyang mukha. I smiled back wearily.
He was casually wearing a navy blue shirt and a khaki shorts. He looked so comfortable and refreshed.
"Calli," he called.
"Hi, Silas. Sorry, 'di ko alam na pupunta ka ngayon."
He licked his lips, and nodded. "Gusto lang kita bisitahin."
I nodded, looking away. I suddenly felt guilty for some reason.
"Are you okay?"
"Yeah..."
He stared at my face, as if trying to search for an answer.
"Angelu? Nakarating ka na ba?"
Biglang lumitaw si Mommy sa kung saan. Just like Silas, she looked at me curiously.
Napatikhim ako. Bigla akong na-awkward sa kilos nila na pakiramdam ko alam nila kung ano ang nangyari bago ako umuwi.
Nasulyapan ko ang mata ni Silas na dumapo na naman sa aking mukha. His gaze trailed down my face... neck and softly blinked.
"Magbibihis po muna ako saglit," I excused myself politely. Hindi ko na hinintay ang kanilang sagot at mabilis na umakyat sa hagdan patungo sa aking kuwarto.
Kinakabahan ako. Parang ayaw kong bumaba at baka malaman nila. My finger unconsciously went to my lowerlip and stroked it.
Uminit ang pisngi ko at gusto na lang sabunutan ang sarili. Hindi mawala sa isipan ko. Makakabisado ko na yata ang bawat detalye dahil paulit-ulit itong tumatakbo sa isip ko.
I can't believe I was kissed that way, and what's even weirder is...I liked it.
I tried to compose myself after changing. Binuksan ko na ang pinto sa aking kuwarto nang matapos ngunit natigil nang makita si Silas sa labas nito.
"Silas?"
He was leaning against the wall in the hallway. Nang makitang lumabas ako ay napaayos siy ng tindig. He sported a small smile.
Sinara ko ang pinto sa aking likod at nilapitan siya. I looked up at him, confused.
"May kailangan ka ba?"
He slowly shook his head. He eyed the lower part of my face.
"Bakit—"
"Calli, I think you have a hickey..." mahinang sabi niya.
"Huh?" litong tanong ko.
Hickey?
He cleared his throat and pointed to my jaw.
Napahaplos ako roon. "Anong mayroon?"
"Kiss mark," linaw niya.
Namilog ang mata ko.
"H-Huh?"
Umiwas siya ng tingin. "And your neck has a red mark," dagdag niya, hindi na makatingin sa akin.
Hindi ako nakapagsalita. I blinked several times. Bumalik ulit ako sa loob para tingnan sa salamin ang sinasabi niya.
My lips parted when I realized that he's right. There was a red mark on my jaw. Sa leeg ko naman ay mayroon din pero hindi gaya ng nasa panga, ito ay palinya na marka.
I looked at my reflection.
Ganoon ba kahigpit ang pagsakal niya sa akin na...nagmarka ito?
At iyong nasa panga ko. I tried to remember where I got it but then Silas called it a kiss mark. It was because of the kiss, then?
Nilamon ako ng guilt. Napansin kong nasa likod ko na si Silas. Yumuko ako, hindi makatingin sa kaniya sa salamin.
"You should cover it, Calli."
"Uhm..." nangapa ako. I opened the cabinet on the vanity mirror and looked for something
"Is this okay?" I panicked. Ang lakas ng tibok ng puso ko, takot na baka mapagalitan dahil dito.
"Yes, Calli."
Tumango ako. Muntikan ko pang mabasag ang lagayan ng cream dahil nabitawan ko sa kaba. I cleared my throat.
"Calm down, Calli. Come here, let me help you," alok niya.
I turned to him and looked up. Nangilid ang luha ko. I was so confused.
Why is he acting like this? 'Di ba dapat galit siya sa akin? He likes me. I gave him a chance. He just kissed me yesterday. Won't he be mad discovering that someone just might have kissed me?
"O-Okay lang..." nanginig ang boses ko habang tinitingnan siya sa nanlalabong mata.
"Come on, calm down. You're making me nervous," pagak niyang tawa.
Napahikbi ako. Inabot ko sa kaniya ang cream nang hindi makatingin sa kaniya.
"I'm sorry, Silas..."
Hindi siya nagsalita habang marahan niyang nilalagyan ng cream ang aking panga.
Ang tanga-tanga ko. Bakit ba ako nagpadala roon?
Ngayon ko lang natanto na kahit saang anggulo tingnan ay mali ang nangyari.
"Silas," I called.
"Hmm?" Ngayon ay sa leeg ko naman ang nilagyan niya ng cream.
Pinanood ko siya. My lips trembled when I saw how blank his expression is.
"A-Aren't you mad?" mahinang tanong ko.
He licked his lowerlip. Tapos na siya kaya tumuwid na siya. Binalik niya ang cream sa cabinet nang hindi ako sinasagot.
"Silas..."
He sighed. Nilingon niya ako at inabot ang aking pisngi para punasan ang luhang bumagsak doon.
"I'm not, Calli..." he gently said.
Gulong-gulo ako. Nasasaktan ako para sa kaniya dahil parang pinagtaksilan ko siya.
Aaminin kong...hindi ko gustong malaman niya ito pero...hindi ako nagsisising nangyari iyon.
I was really stupid for feeling this way, right?
"B-Bakit hindi?"
Sinuklay niya ang buhok gamit ang mga daliri. "Hindi ko kayang magalit sa 'yo, okay? At hindi naman tayo...you are free to like anyone. Just be careful," mariin niyang saad, tumalim ang tingin sa aking leeg.
Like anyone?
"W-What makes you think I like someone?" nauutal kong tanong, kinakabahan.
Siya naman 'yong crush ko kaya bakit magkakagusto ako sa iba?
He chuckled and pinched the bridge of his nose. "Tell me, Calli. Hindi ka naman pinilit, 'di ba?"
I think he's pertaining to the kiss.
Dahan-dahan akong umiling, nag-aalangan.
Napasinghap siya. "Well, maybe you like him. You won't get that if you did not enjoy every second you're kissing each other."
Nag-init ang buong mukha ko. Paano niya nakakayang sabihin iyon nang diretso? Nakakahiya na may ideya siya sa nangyari.
Tumagos ang aking tingin sa may labas ng pinto at nakita ang bulto ni Claire roon.
Nang magkatinginan kami ay taranta siyang humakbang sa aking kuwarto.
She cleared her throat and smiled. "Meryenda na raw!" she exclaimed.
Palipat-lipat ang tingin niya sa akin at kay Silas. There was a slight sense of hostility in her eyes but a smirk on her lips. Nawala lang iyon nang magsalita si Silas.
"Baba na tayo, Calli."
Binagabag pa rin ako sa binitiwang mga salita ni Silas. I just wanted to shut down for a moment, reset everything that has happened. The frustration was draining me.
I felt like a bad guy for messing the whole things up.
Nasa hapag na ng dining area ang inihanda nina Mommy na meryenda. Adiel looked at me suspiciously but didn't say anything. Mas mahalaga sa kaniya ngayon ang nguyain ang pizza.
My eyes were still fresh from the tears I had produced earlier. Pinaypayan ko ang mga mata gamit ang kamay dahil baka akalain nilang pinaiyak ako ni Silas.
"Tita, pasensya na po pero hindi na po ako magtatagal," biglang bigkas ni Silas nang akma na akong uupo at yayain siyang kumain.
"Huh? Sabi mo ay libre ka buong araw? Is there a problem?"
"Wala naman po masyado, pero biglang may gagawin po sanang importante..."
"Baka nag-away sila ni Callista, Tita?" singit ni Claire. May nilapag siyang bouquet sa mesa sa harap ko. "Dala ni Silas para sa 'yo."
Napatingin si Mommy sa akin. "Is that true, hija?"
Nangapa ako.
"Hindi po kami nag-away ni Calli, Tita. I just really have to run a sudden errand."
Mommy's shoulder slouched. "Ganoon ba? Okay, pero teka lang. Magbaon ka nito, niluto ko pa naman 'to!"
Inasikaso ni Mommy ang pagkain na ipapadala niya kay Silas. Tahimik lamang kami sa hapag habang naghihintay.
Napatingin ako kay Claire at nakitang nangingiti lang siya. My fist unconsciously turned into a ball.
Hindi ako makatingin kay Silas dahil alam kong may kasalanan ako. Kahit sabihin niyang ayos lang 'yon ay may parte sa aking hindi sang-ayon doon.
Maybe I learned even just a little, huh?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top