CHAPTER 3
New World
I spend my last free days watching my sister and brother from a far. Pinanood ko kung paano ako hanapin ng mga kapatid ko sa bahay namin, kung paano sila umiyak nang malamang umalis ako at iniwan ko na sila. I am silently hurting while watching them break into pieces as they tried to continue their life without me by their side.
I saw Elaiza waiting at our front door na parang umaasa siyang isang araw ay babalik ako but after three days of waiting napagtanto na siguro nilang wala nang darating. I am very glad that they have learned to moved on. Nang makitang kinakaya na nilang wala ako, I was both happy and heartbroken.
I wanted them to rely on me but I left them.
Iniisip na siguro nilang dalawa ngayon na katulad lang din ako ng mga magulang namin. Na mang-iiwan kapag hindi na kaya ang responsibilidad. I think it's better that way, kaysa naman umasa silang babalik pa ako kahit wala namang kasiguraduhan.
My free days were now done. I went to their building again and to my surprise, katulad pa rin ito ng dati na parang walang ibang empleyado. Binalewala ko lang iyon dahil baka hindi naman nila kailangan ng maraming workers. I met the drop dead gorgeous scientist again pero tahimik lang siya at walang ibang sinasabi maliban sa kaunting instructions na sinusunod ko naman ng maayos at with love pa nga, charr!
Ang sabi niya ay kailangan munang nakakondisiyon ang katawan ko bago ang experiment niya. Inaamin kong kinakabahan ako pero ipinanata ko na na wala nang atrasan ito.
Then the perfect time according to my super duper guwapong boss came. He injected something into my neck and guide me to lay on a glass-like bed na parang table. Then he went to the another side of this basement na according sa kaniya ay laboratory niya. Gumalaw ang kinahihigaan ko sa machine na matagal niyang paulit-ulit na chinicheck bago ang araw na ito. After my bed enter the chamber, awtomatiko kong naramdaman ang pagbigat ng talukap ng mga mata ko.
Ito ba dapat ang time machine na gagawin noon pero hindi natapos? O eme lang 'to ni doc para itago ako? Assuming muna ako ngayon habang wala pa ang kalbaryo, charot! Huwag po sanang magkatotoo na nasa kalbaryo ako. Lord, ingatan mo po ako pero kung hindi keri, yung mga kapatid ko na lang po.
Nagsara ang chamber ko pero nakikita ko pa rin si yummy este si boss na nag-ookay sign sa akin. Masyado nang mabigat para sa akin ang katawan ko kaya ngumiti at tumango na lang ako sa kaniya. Wala naman akong ibang nararamdaman maliban sa hilo at antok. Bago nga ako mawalan ng malay ay para akong nasa roller coaster na 10x ang bilis. Hakdogen! Gusto kong magsuka! But before I could even puke, I already lost my consciousness.
Pogi ka sana doc at yummy pero hakdogen itong machine mo at project. Ano bang gagawin ko rito paggising ko? Gigising pa ba ako?
I was sleeping peacefully not until nakasinghot ako ng tubig! Hayop! Ano 'to? Sa tubig ba ako nakatulog? Sinubukan kong umahon pero parang na-paralyzed ako. Anong nangyayari sa akin?!
I tried to shout pero dahil nasa tubig nga ako ay nalunok ko lang lalo ang mga tubig. Sheezz! Paano kung kay umiihi pala sa tubig dito? Ewww!
I was very thankful when someone lifted me up. I'm safe! Oh my gosh! Thank you, Lord. But when I opened my eyes, halos gusto ko na lang ulit magpalunod.
Gusto kong magmura! Nanginig ako bigla. In front of me is a man? A horse? A half man and a half horse? Tapos mayroong sungay! Ano 'to? Nasaan ako?! Hayop ka talaga, doc! Ayoko na sa 'yo kahit pogi ka pa at mabango!
Maybe because of exhaustion and fear creeping into me, nawalan ako ng malay.
Ang panget ng panaginip ko! Nalunod raw ako tapos sinagip ako ng halimaw! May sungay! Mukha sanang tao kaso kalahating kabayo! Ano yun? Sign na ba 'yong panaginip ko? Pero grabe, buti na lang gising na ako mula sa bangungot na 'yon, nasaan na kaya ako— wait!
Inilibot ko ang paningin ko sa may kadilimang silid, kung nasaan ako ngayon. Saan ito? Uyy nananaginip pa rin ba ako? To make sure that I am really wide awake ay sinampal ko anv magkabilang pisngi ko. Gising ako!
"Gising na nga po talaga kayo, Senyorita… kailangan niyo na pong bumaba dahil malapit na ang oras ng paghahain, baka ho makagalitan na naman kayo ng inyong madrasta…" halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang tinig na iyon malapit sa pinto.
Astig! Senyorita raw hahaha!
Nang astang lalabas na siya ay sumunod ako agad.
"Saan po ang labasan dito?" Tanong ko na tila hindi niya narinig. Baka bingi siya?
"Ibinilin po sa amin na hindi kayi lalabas sa loob ng tatlong araw dahil sa iyong pagsuway…" magalang nitong sagot sa akin.
Sus! Anong pagsuway, eh mabait akong dalaga… bawal ba rito ang may jowa? Natawa naman ako nang maalalang wala nga pala ako no'n.
Tumikhim ang matandang babae na nasa harapan ko, "Senyorita, ayusin mo po ang laman ng iyong isipan kung ayaw mong mapagalitan ka na naman ng iyong ama," anito sa akin.
Shutahbells! Ang astig, mind reader ba siya? Paano kaya ang technique na ginagawa niya?
"Narito na po si Senyorita Isabella!" Malakas na anunsiyo ng sinusundan ko nang huminto kami sa harap ng isang malaking pinto.
Grabe, ha… ang ganda rito. Sino kayang nakatira dito?
Biglang mayroong umubo sa gilid ko, si manang pala, "Senyorita, pumasok na po kayo sa loob..." Utos nito sa akin.
Sumunod naman ako sa sinabi niya at pumasok ngunit hindi ko pa rin mapigilan ang pagkamangha sa bumungad sa akin. Wow! Ang haba ng lamesahan, puwede na yata rito ang isang daang katao. Grabe, piyesta ba nila ngayon? Dito pala ako dadalhin ni Doc? Nasaan na kaya siya? Napatingala ako at mas lalong namangha. Gold ba 'yang lagayan ng mga ilaw? Astig talaga, oh!
"Ano ang dahilan mo at tumakas ka sa iyong pagsusulit kanina?" Napatingin ako sa lalaking nasa sentro ng mesa.
"Wala po kaming pagsusulit kanina..." Sagot ko naman dahil hindi naman na ako nag-aaral. 'Tsaka, ano bang pakialam niya kung hindi ako nagsagot ng pagsusulit? Hindi ko naman siya tatay.
"Por favor!" Anito bigla kasabay ng malalakas na singhap ng mga nandito sa dining area nila. Biglang tumayo ang lalaki at hinampas ang mesa, "bakit ka ba nagrerebelde, Isabella?" tanong nitong nakadirekta sa akin ang mga mata. Luh? Ako ba si Isabella? Lumingon ako sa paligid ko, baka hindi ako yung kausap niya.
"Lintek!" Sigaw ulit no'ng lalaki, pinigilan naman siya ng babaeng nakaupo lang din kanina.
"Alejandro, pabayaan mo na ang katigasan ng ulo ng anak mo. Alam mo naman kung kanino iyan nagmana…" anito habang nakangiti sa akin.
The man named Alejandro and the woman was looking at me like they are trying to read me through their stares. I tried to erase what I've been thinking. Ang creepy nila, ha!
Tumikhim ang lalaking pangalan ay Alejandro bago tumuwid sa pagkakaupo, "Maupo ka na, Isabella. Let's eat," anito at saka itinuon ang atensiyon sa pagkain.
Umupo naman ako agad lalo na ng maramdamang gutom na ang mga alaga ko sa tiyan.
Mabilis at magana akong kumain. Hmm… ang sarap! Puro karne ba naman ulam namin! Parang gusto ko na lang tumira rito, ah.
Nang mabusog ay hindi na napigilan ang mapadighay ng malakas. Sulit! Busog na busog ako rito bago umalis.
Napatingin naman ako sa katapat kong upuan, kung nasaan yung babaeng mukhang maldita nakaupo. Parang nandidiri ang tinging ipinupukol niya sa akin. Pake ko? Ano ngayon kung wala akong poise sa katawan, eh parehas lang din naman kaming mabaho ang utot at tae.
"Ganiyan ba ang natututunan mo sa pagsasanay mo, Isabella?" baritonong boses ang narinig ko na mula pala kay Sir Alejandro. Well, sa kaniya kasi yata itong bahay at saka pinakain niya naman ako ng masasarap na pagkain kaya keri lang tawagin siyang Sir.
Patingin ko sa kaniya ay nagkasalubong ang mga mata namin. Napaturo naman ako ng wala sa sarili sa aking sarili. Ako?
"Hindi naman na po ako nag-aaral pero hindi po ganito ang naaalala kong itinuro sa amin—"
"Sinasabi ko na nga ba, Alejandro! Napakasuwail talaga ng anak mo. Sinabi ko na kasi sa 'yong isinunod mo na lang sana siya sa kaniyanv ina—"
"Tahimik!" sigaw ni Alejandro at saka biglang namula ang mga mata at lumabas ang matutulis na pangil.
Agad akong dinapuan ng kilabot at nginig. Gustong-gusto ko nang tumakbo pero mas mabilis ang mga bampira kumilos, 'di ba? Ganoon sa napapanood ko. Idagdag pa na para na akong nakapako sa kinauupuan ko.
"Aayusin mo ang pag-aaral mo, Isabella," utos nito habang nakatingin sa akin. Sa takot ay wala akong ibang nagawa kundi ang mapatango.
"Kapag natapos na ang parusa mo, lalabas ka at aayusin ang sarili mo. Ayokong mabalitaang tumakas ka na naman sa pagsasanay...maliwanag ba?" tanong nito sa akin dahilan para mapatango na naman ako.
Hayop! Ayoko na dito! Gusto ko ng umuwi!
Napatingin ako sa strawberry juice sa tabi ng plato ko. Sobrang lapot yata ng pagkagawa nila… uminom ako agad para mapakalma ang sarili ko. Manamis namis na medyo lasang kalawang. Ayos lang naman sana ang lasa kaso nang mapa-inhale akong maigi ay naamoy ko agad ang malansang amoy mula sa iniinom ko.
Shutahbells! Ano 'to? Dugo???
Gusto kong sumuka at ilabas lahat ng nainom ko pati na rin ang nga nakain ko dahil nadudugyutan ako. Uminom akong dugo?!
Lalo namang nandidiri ang paningin sa akin no'ng malditang babae at nagtataka naman si Sir Alejandro.
Maya-maya ay nagtawag ito ng mga katulong yata nila.
"Punyeta! Ano'ng mayroon sa pagkain at inumin ni Isabella?!" galaiting tanong nito sa mga nakayukong katulong.
Nakakita ako ng nga ubas sa gitna ng lamesa kaya agad akong lumapit doon at nilantakan iyon para malimutan ang lasa ng dugo. Halos mabilaukan ako sa ginagawa ko, para na akong tinakasan ng bait. Nagulat na lang ako nang maramdaman ko ang malakas na pitik sa aking batok at saka ako nawalan ng malay.
———————
#utopia
#Magunthengtsismosa
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top