CHAPTER 2
The Scientist
I let Elaiza sleep with her kuya samantalang ako naman ay lumabas muna saglit sa ospital. Hindi pa naman ako inaantok kahit pakiramdam ko'y sobrang pagod na pagod ako. Hindi kasi ako puwedeng sumuko o tumigil, eh. My siblings need me.
Dinukot ko ulit ang papel na nakita ko kanina. Lumapit ako sa malapit na tindahan, katabi lang ng gotohan at nagpasiyang magpaload muna ng UTP15 para matawagan ko ang numerong nasa papel. Sana lang ay legit talaga para hindi sayang load ko at kung scammer man ito ay talagang pagtitripan ko siya para naman makabawi ako.
Tinawagan ko ang numero at walang sumagot hanggang sa mamatay ang tawag. Kumunot ang noo ko, na-scam yata talaga ako! At dahil unli text and call naman ang load ko for all network for two days ay tinawagan ko ulit. After two rings ay may sumagot!
"Hello, totoo po ba itong nasa papel na offer niyo?" tanong ko agad para hindi sayang oras.
"Hi, good evening. Yes, mag-iinquire po ba kayo? Pumunta na lang po kayo dito bukas sa nakalagay na address sa papel…" mahinahon niyang sagot. Ngunit hindi pa rin maalis ang pagtataka ko. Their offer is a bit weird and too good to be true. I need more validation.
"Legir po ba talaga? Hindi po 'to scam?" Paniniguro ko.
"No, ma'am. This is really legit and to prove that we are really going to pay you if you're going to be our subject, kindly send your GCash number and we'll send you something…" parang nagningning naman ang mata ko. Pero what if modus lang 'to? Number lang naman ng GCash ang hinihingi niya 'di ba? Nasa akin naman ang sim ko kaya ako lang may alam ng pin at OTP.
Pinatay ko ang tawag at i-tinext sa kaniya ang GCash ko. Wala pala akong data, paano ko makikita kung legit? Tila ba mabait pa rin ang tadhana sa akin ngayon, nakakita ako ng karatula na 10 pesos ay equivalent to 10 minutes na connect sa WiFi nila. Nagbayad akong sampung piso at binuksan na ang GCash ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang tumataginting na 10k!!! Malaki na rin 'to! Siyempre hindi naman siguro 'to scam kung handa talagang maglabas ng pera 'di ba?
Naghintay akong tawagan nila ako pero wala. Napag-isip ko namang hanapin ang pangalan ng lalaki sa google. Dr. A.L Forestier lang din ang nakalagay at kung anong trabaho niya. Scientist pala siya. Siguro ay matanda na ito. Tama, katulad ng mga nababasa sa libro namin noong nag-aaral pa ako. Halos lahat ng edad ng mga scientist ay 50's na, pinakabata na siguro ang nasa 40's. Kaunti lang ang impormasiyong nakuha ko, madalas na puro articles kasi ng mga research niya ang lumalabas, grabe naman 'to sa talino.
Parang bumakat yata sa pisngi ko ang sampal ng katotohanang bobo ako.
Nang masigurong legit naman ang lugar kung saan nakatayo ang opisina niya ay nagpasiya akong pumunta roon. Kaya ko naman sigurong maging subject. Tama! Madali lang 'yon. Para sa mga kapatid ko. Tahimik kong kinuwenta sa isip ko kung saan-saan magagamit ang isang milyong dolyar na makukuha ko kung papayag nga akong maging subject. Sapat na iyon para makapamuhay ng maayos at masagana ang mga kapatid ko. Hindi na sila magkukulang kung sakali man dahil maaaring mayroon na silang trabaho kapag malapit nang maubos ang perang iiiwan ko sa kanila.
And that night, I have made up my mind. It is what it is. Para mga kapatid ko at sa kapakanan nila. Wala mang kasiguraduhan kung ano'ng mangyayari sa akin sa gagawin kong ito pero isusugal ko ang buhay ko para lang mabigyan sila ng magandang kinabukasan. Kung ito lang option na mayroon ako ngayon ay hindi ko na tatanggihan pa.
Natulog lang ako saglit para makapagpahinga at kinabukasan ay maagang nagpaalam sa mga kapatid ko na mayroon lang akong lalakarin sandali at binigyan ko muna sila ng budget nila para sa araw na ito kung sakaling gabihin ako sa magiging lakad ko.
I silently pray while I am inside the bus on the way to their office. Paano kung may nauna na aking mag-apply doon? Dapat pala tinawagan ko muna ulit kagabi baka sakaling hintayin ako kung sakaling mayroon na ngang naunang bumisita sa kanila.
Kinapa ko ang telepono ko at nakitang 10% na lang. Baka biglang mamamatay ito kung gagamitin ko pa ngayon. Irereserved ko na lang ito para sa mga kapatid ko. Baka bigla nila akong tawagan. Napabuntong hininga na lang ako. Hindi pala ako nag-charge.
Nang marating ko na kung saan ang building nila ay halos parang gusto kong tumalikod na lang at umalis pero nanaig sa akin ang kagustuhang makuha ang isang milyon.
Pag-akyat ko ay bumungad kaagad sa akin ang information desk at sinalubong ako ng ngiti ng babaeng nasa likod ng mesa.
"Good morning, ma'am. How may I help you?" malambing pang tanong nito sa akin.
"Uh...I am looking for Doctor A.L Forestier po. Saan ko po siya makikita?" I asked politely.
"Luck is on your side, Miss. Mabuti at naabutan mo siya ngayong araw. He's about to leave na by 2:30 pm."
Hinihintay ko kung saan ituturo sa akin ang tamang pinto. Iminuwestra naman niya sa akin ang pintuan ilang dipa lang layo mula sa lamesahan niya.
"That way, Ma'am. Good luck!"
Then I quickly prayed muna habang naglalakad papunta doon. Sana ay maging maayos ito lalo na ang mga kapatid ko. Manifesting na mapunta sa akin ang deal.
Kumatok ako ng tatlong beses sa pintuan bago ko iyon pinihit pabukas. There, I saw someone sipping fron his cup whie staring at the view on his window. Napasilip din tuloy ako sa labas. Maraming kable ng kuryente. Ano kayang nakakagandang panoorin maliban sa halos mabuhol na ang mga kable ng kuryente. Then everything seems fine.
"Sir, kailan po babalik si Mr. Forestier?"
I was a bit startled when he finally face me. Pogi! Hmm… mukhang yummy, eme lang.
"I am Dr. A.L Forestier, Miss." He said before walking into his table. He sat down and then urge me to take a seat too. Medyo napahiya ako when I looked for Dr. Forestier tapos siya na pala yung kausap ko.
Naalala ko yung naiiisip ko tungkol sa kaniya kahapon. Hanla! Nakakaloka! Ano'ng 50's or 40's? Hindi 'to papasang sugar daddy, papasa itong boyfriend ko, chariiizzz!
"Good morning, Sir. I just want to inquire for the offer that I saw yesterday…" panimula ko at napahinto ako no'ng itinaas niya ang kanan niyang palad na parang pinapahinto ako. Oh, shoot! He wasn't giving some work-related questions yet at nagdadaldal na agad ako. Nakakahiya na naman!
"You were the caller last night?" He asked with a bit of a smile plastered on his face.
Luh! Baka matunaw ako! Huwag ganiyan, beh. Marupok ako. Charot!
"Sure na sure ka na ba? This might either be a bit weird and dangerous so I am asking you kung sigurado ka na ba talaga?" He asked me directly.
"Yes, I am really sure but I wanted to have an assurance that I will really be compensated if something bad might happen to me." Direktang sagot ko rin.
"Then we're good? You are going to sign a contract just to let both parties to know the set rules of Do's and Don'ts, are you fine with that?" aniya pa sa akin. Parang nahihilo naman ako. Parang ang bilis! So, tanggap na ako?
"Kailan po ang pirmahan ng kontrata?" As if on cue, biglang mayroong kumatok sa pinto at pumasok ang babae sa labas kanina, dala ang isang brown envelope.
"These are the contracts, Sir." Anito at saka mabilis na lumabas ng opisina.
Ang bilis talaga! Pirmahan na agad!
My heart was filled with warmth and happiness. Especially when he said that I will be able to accept the 50 thousand dollars after signing the contract. Kaya naman wala nang matagalang pagbabasa, I signed the contract and shook hands with Doc. Forestier.
I didn't wait long enough, when his secretary I think, went inside holding two envelopes. Binasa saglit o binilang ang laman ng envelope na white bago ibinigay sa akin.
"You already signed the contract, Miss Morgan and there will be no turning back." Doctor Forestier said that almost made me tremble… banta ba 'yon? O binabakuran ako? Eme lang ulit.
I just nodded at him and pointed at the door. "Thank you, Sir. I'll get going since I have some important things to do…"
But he stopped me, " wait! I just want to remind you that after a week, our project will officially start and you are not going to leave our premises not until the project is done. Do you understand?"
Napa-isip ako sa sinabi niya. So I only have a week to be with my siblings? May pagkakataon pa ba akong tumanggi gayong mahigpit na ang hawak ko sa pera? I smiled and answered yes to his question.
After getting out of their building. Nagpunta agad ako sa malapit na bangko. I deposited the 40k dollars at ipinaconvert ang 10k dollars sa peso. After settling things at the bank, bumalik ako sa hospital at agad na nagbayad para sa operasiyon na gagawin kay Elton. They won't perform the operation not until I could pay for the fee kahit half lang. However, since I've received a good payment today, babayaran ko na lahat ng kakailanganin kay Elton at iiwan sa kanila ang natitira pati na rin ang passbook ko sa bangko kanina na ipinangalan ko rin sa kanila. Their future is already settled, wala na akong ibang dapat pang aalalahanin. And after Elton's surgery, I will bid my goodbye to them. Alam kong kakayanin nilang dalawa, they are both strong. We were raised to be brave and our experiences taught us how to be stronger. We will survive.
Ang plano ko talagang ipaalam sa kanila ay pupunta akong ibang bansa para magtrabaho roon pero naisip kong maghihintay sila sa akin kung iyon ang sasabihin ko, eh paano kung hindi na ako makabalik sa kanila? They will be so heartbroken. Kaya naisip kong mas maaga siguro ay mas maganda.
After paying the hospital bills, I went home to arrange things. I packed some of my belongings, our family picture and then I left some of the money and the passbook to Elaiza's drawer together with my handwritten farewell letter.
I love them both and I can't bear to see them so heartbroken just because someone, who vowed to love them and will never leave them, left… without bidding her goodbyes to them personally.
I am crying as I talked to our neighbor to look for my siblings if they can.
Am I a bad sister? For leaving my siblings without an appropriate goodbye?
Mali ba ako sa desisyon kong iwan sila para sa kapakanan nila?
Kung hindi lang sana kami napabayaan ng aming mga magulang, hindi siguro ganito ang magiging buhay naming magkakapatid. Eh, 'di sana nakapagtapos akong pag-aaral at siguro ay ginagawa ang gusto kong makamit sa mga panahong ito, hindi ang magbanat ng buto sa murang edad para lang matustusan ang pangangailangan naming magkakapatid. This is not supposed to be by role as a daughter, but because we were neglected, I have no choice but to oblige.
I may sound like I am regretting something but it is actually not. Ito lang siguro yung panahon na hinayaan ko ang sarili kong intindihin ang mga naging pagsubok sa buhay ko na hindi ko noon pinagtuunan ng pansin dahil abala ako sa pagtayo at paglaban kahit pagod na pagod na.
—————
#utopia
#Magunthengtsismosa
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top