Chapter 33
Nakatitig sa kisame si Oreo. Tinanghali siya ng gising dahil matagal siyang nakatulog kagabi. Paano siya makakatulog ng maaga kung ang laman ng utak niya ay ang gwapong mukha ni Kristoff? Matapos ang tatlong buwan ay hindi na niya naiwasan pang magtagpo ang landas nila sa ginawang announcement dinner ng mag – asawa niyang kaibigan.
Nagdadalang – tao na pala si Dessa at gusto ng mga ito na lahat silang dumalo sa dinner kagabi ay magiging ninong at ninang ng magiging baby ng magkabiyak. Masaya siya para sa mga kaibigang nagsisimula nang bumuo ng sarili nilang pamilya. Hindi akalain ni Oreo na magiging parte pa rin siya ng buhay ng mga kaibigan kahit matagal siyang hindi nakipag – usap sa mga ito.
Hindi niya maiwasang mag – isip para sa sarili. Lalampas na siya ng kalendaryo. Ano nga ba ang gusto niyang gawin ngayong nagtapos na ang ugnayan nila ni Kristoff? Ang nasa isip ni Oreo nang bumalik siya ng bansa ay bigyan ang lalaki ng closure upang makapag – move on na ito at makapagsimula ng buhay sa taong totoong mahal nito. Ngunit ngayong nagawa na niya ang dapat niyang gawin, ano nga ba ang next move niya?
Ahhh! Nakakapagod mag-isip! Lord, tulong!
Oo, nagkita nga sila ni Kristoff kagabi ngunit hindi naman sila nagka – usap. Ni hindi nga sila nagpansinan na dalawa. Napansin din niyang mukhang alam ng mga kaibigan nila ang nangyayari sa kanila dahil kahit ang mga ito ay walang ginawa.
Nangyari na rin ang ganitong sitwasyon sa kanila ni Kristoff noong highschool sila. Hindi nakikipagsawsawan ang mga kaibigan nila sa away nilang dalawa. Naalala tuloy ni Oreo na kapag may tampuhan sila ni Kristoff ay palagi itong nauunang makipagbati sa kaniya.
Subalit ngayon ay isang malaking lamat na ang namamagitan sa kanila at maaaring hindi na ito maaayos pa. Kahit maging magkaibigan na lamang siguro ang hilingin niya mula rito ay hindi niya rin makakaya. Baka kapag nakikita niyang may kasama itong iba ay maiiyak lang siya.
Nagkagusto nga talaga siya kay Kristoff. Kung kailan pa nangyari iyon ay wala rin siyang maibigay na matinong sagot sa sarili. Sa tagal ba naman nilang magkakilala ng lalaki ay hindi na niya maback – track kung saan nga ba nagsimula ang lahat.
Napabuntong – hininga siya saka bumangon na mula sa kama. Kailangan na niyang maligo at lumabas ng kwarto dahil baka mag – alala na ang mama niya. Naalala niyang dito nga pala siya umuwi sa bahay ng mga magulang dahil nakapag – promise siya sa pamilya na magbibigay ng oras para sa mga ito. Ang ipinapanalangin na lamang niya ay sana hindi rin umuwi si Kristoff at magkita na naman sila.
-----
Kapag minamalas ka nga naman...
Natigil sa paglalakad si Oreo papunta sana sa kusina nang makita ang pamilyar na pigura ng isang lalaking umiinom ng kape sa sala. Nakasuot ito ng puting sando at itim na pajama na halatang kakagising lang din nito. Hindi tuloy niya napigilan pagmasdan ang muscle sa mga braso at balikat nito. Kahit bagong gising ay fresh pa rin itong tingnan.
Mukhang dito rin natulog si Kristoff. Kahit magkasama sila sa dinner kagabi ay may kaniya – kaniya naman silang sasakyan sa pag – uwi kaya hindi niya agad nakumpirma kung uuwi ito. Pagdating niya kagabi ay hindi naman niya nakita ang sasakyan nito sa garahe.
Nag – iba siya ng direksyon ng tingin nang balingan siya ni Kristoff. Nandito na naman sila sa mga awkward na eksena.
"Good morning," malamig ngunit maririnig sa boses nito ang konting lambing. Nagtataka tuloy siya kung para ba sa kaniya ang bating iyon ng lalaki. Napatingin – tingin tuloy siya sa kaniyang paligid kung may iba pa bang taong naroroon, pero mukhang siya talaga ang binati nito.
"Morning," mahina na lamang niyang sagot dito saka mabilis na naglakad papunta ng kusina. Ito ang gusto niya pag nasa bahay siya ng mga magulang. Puno ang ref at pantry ng mga pagkain. Ito minsan ang inireklamo ng mama niya sa kaniya dahil minsang binisita siya sa condo niya ay nahuli siyang walang laman ang ref niya na para bang walang trabaho ang nakatira sa bahay niya.
She made coffee for herself and toasted some bread. Takam na takam siya habang nilalamon ang tinapay na nilagyan niya ng blueberry jam at butter. Mukhang nagutom nga ata siya kakaisip ng gagawin niya sa kinabukasan niya.
"Dahan – dahan, wala ka namang kalaban." Kamuntikan na siyang mabulunan nang marinig ang pamilyar na boses ni Kristoff. Palapit ito sa kaniya dala ang coffee mug. Nilunok niya ang nginunguyang tinapay at napainom ng kape.
"You're the one who's going to kill me. 'Wag kang manggugulat kapag kumakain ako."
Kristoff walked pass her and put his mug in the sink and washed it. Hindi naman siya nagpatinag sa presensya nito at nagpatuloy na lamang sa pagkain habang nakatayo sa may kitchen counter.
"Can I have some?" Napapitlag siya nang maramdaman ang pagtabi sa kaniya ni Kristoff. "That looks yummy."
Saglit niyang tiningnan ito sa mga mata ngunit mabilis din siyang nag iwas ng tingin. Hindi niya alam paano ito kakausapin. Kaya imbes na umimik ay kinuha na lamang niya ang tinapay na nasa toaster, nilagyan ng butter at jam at ibinigay kay Kristoff.
"Thank you, Chocolate," anito saka kinain ang inihanda niyang sandwich. Namiss niya ang ganoong pagtawag sa kaniya ni Kristoff. Halos mabingi tuloy siya sa lakas ng tibok ng puso niya.
Pagkatapos niyon ay binalot na sila ng nakakabinging katahimikan na lalong nagpailang sa kaniya. Nagtoast siya ulit ng tinapay dahil mukhang mabilis na mauubos ni Kristoff ang ibinigay niya.
Hindi rin niya naatim na hindi magsalita. "Sa'n nga pala sina mama?"
"May pinuntahan lang sila sandali nina Fritz at papa. Day off ng mga kasambahay. So we're all alone," sagot nito matapos lunukin ang kinakain.
Napahawak siya ng mahigpit sa mug. She's alone with him. After all those months away from him, destiny gave her another chance of being alone with him again. Talaga bang tinutukso siya ng tadhana? Paano nga ba siya makakapag move on kung palaging magkukrus ang landas nila ng lalaking ito?
"I see. So..." Walang pumapasok sa utak niya na pwede niyang sabihin sa kasama.
"So?"
"Nothing." Itinuon na lamang niya ang pansin sa paglagay ng palaman sa tinapay. Kinakain na siya ng buhay sa nararamdamang awkwardness na bumabalot sa kanilang dalawa ni Kristoff. Hindi na sila gaya ng dati. Nagkaroon na ng lamat pati ang kanilang pagkakaibigan.
"I missed you." Napaangat siya ng tingin sa sinabi ng lalaki. Nabungaran niya ang guwapo nitong mukha na nakatitig sa kaniya.
Hindi niya maipagkakaila sa kaniyang puso na nasiyahan siya sa narinig. Ngunit ang pinakamalaking tanong ngayon ay kung bakit nasambit ang mga salitang iyon ng lalaki sa kaniya. Anong ibig sabihin ni Kristoff sa mga salitang 'I miss you'?
"I don't exactly understand what you mean about that."
"It is what it is," tipid nitong sagot sa kaniya sabay nang pagkibit ng balikat nito. Kumuha ulit ito ng sandwich na gawa niya. "I wish I had a wife who can make sandwiches like this for me."
Natawa siya ng bahagya sa narinig. "Eh, di maghanap ka na ng asawa. Tumatandang binata ka na."
"Nagsalita ang hindi tumatandang dalaga." Sumilay sa mga labi nito ang isang ngiti. "Nakalimutan mo bang may fiancée na 'ko?"
"Ako ba ang tinutukoy mo?"
"Paano kung ikaw?"
"Di ba sumuko ka nang mahalin ako?"
Nabigla saglit ang lalaki sa sinabi niya ngunit agad ding nakabawi.
"I didn't say I want you back. Pero may iba pa ba akong binigyan ng singsing maliban sa'yo na nabalitaan mo?"
Those words hit her. It felt like she was struck by a bat on the face. It hurt like hell.
Ngayon niya lang din naalala na hindi niya pa nasasauli ang singsing na ibinigay ni Kristoff sa kaniya nang magpropose ito sa Bali. Wala siyang lakas ng loob na harapin ito matapos ang naging masakit na confrontation nilang dalawa.
"Feeling mo rin. You can't have me back because I was never yours in the first place. And about the ring, I'll give it back --"
"Oh, good! Both of you are here." Sabay silang napalingon na dalawa sa nagsalita. Dumating na pala ang mama nila at may dala pa itong pagkain na nakabalot sa foil.
"Hi Ma!" Sinalubong niya ito ng halik sa pisngi at yakap. "Sa'n kayo galing?"
"Oh, we picked up the food we ordered from Arkhee's restaurant for lunch at may dinaanan lang din ang papa niyo na kaibigan. Looks like you spent breakfast together."
Ramdam niya ang panunukso ng mama nila sa kanilang dalawa. Halata sa mga tingin nitong palipat – lipat sa kanila ni Kristoff.
"Nothing special." Matipid na ungot ni Kristoff. Magaling talaga ang kumag pumutol ng mga moment.
"Yes Ma, don't worry. Nothing happened. Pero sabi niya gusto na raw niya ng asawa. Dapat siguro hanapan niyo na po siya," hirit naman niya.
"Ano bang pinagsasabi mo riyan, Oreo. Hindi ba't magpapakasal na kayo ni Kristoff?" Singit naman ng papa nila na pumasok na rin sa kusina na may bitbit na mukhang Belly Lechon.
"Huh?!" Mukhang siya tuloy ang nagulat sa sinabi ng papa nila. "Anong magpapakasal pa? Saan mo narinig ang balitang iyan?"
"Hindi ba't nag propose na si Kristoff sa'yo sa Bali? Nakita kayo ng anak ni Hector Alcantara, sinabi niya sa'kin kanina. Nag-congratulate pa nga siya sa'kin. Gusto kong magtampo dahil hindi niyo man lang nasabi sa amin ng mama niyo."
Oh my goodness. Isa ba itong bangungot? Why does it have to be like this? How am I going to explain this to his—our parents?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top