Chapter 32


Nakagat niya ang ibabang labi upang pigilan ang sariling mapaiyak. Kailangan niyang harapin ang katotohanan at maging malakas. Kailangang masanay na siya sa ganitong mga sitwasyon na makita si Kristoff na may kasamang iba.

Hindi niya ito maiiwasan dahil nasa iisang circle lang naman sila. Ang mga kaibigan niya ay kaibigan din nito. Kahit pa umalis siya at magpakalayo – layo, imposibleng mawala ito ng tuluyan sa buhay niya. Napatingin siya kay Shola na ngayo'y serysosong nakikipag – usap kay Ash. Hindi niya masisisi si Kristoff kung magustuhan niya man ang babaeng ito dahil mukhang may maganda itong personalidad.

Hindi niya naiwasang matingnan si Kristoff at nagtama na naman ang kanilang mga mata. Mabilis niyang binawi ang kaniyang paningin. Nang lingunin niya ang katabing si Eliza ay abala ito sa panonood ng K – drama sa cellphone kaya nakaisip siya ng ideyang manood na lang din ng medical videos habang naghihintay ng dinner.

Kailangan niyang iwasan ang mga mata ni Kristoff dahil baka sa susunod na magtama ang kanilang paningin ay hindi niya mapigilan ang maipakita rito ang sakit na nararamdaman niya. Sinong hindi masasaktan sa nakikita ng kaniyang mga mata? Ito na ang isang patunay na tuluyan na siyang kakalimutan ni Kristoff. Parang pinipiga ang puso niya sa iniisip.

Kinuha niya ang cellphone sa loob ng kaniyang bag. Itinuon niya ang sarili sa gadget na hawak. Abala na ang mga kaibigang sina Arkhee, Enri at Kristoff na nag – uusap ng mga patungkol sa ekonomiya at negosyo. Si Ash at Shola naman ay seryoso pa ring nag – uusap.

Pangiti – ngiti naman si Eliza na halatang natatawa sa napapanood na palabas habang siya ay pilit na pinipigilan na hindi mag breakdown sa harap ng lahat.

"Hi guys!" naputol ang kaniyang pagmumuni – muni nang may dumating na lalaki na hindi pamilyar sa kaniya. Sa hitsura nito ay mukhang kagagaling lang nito sa gym dahil may dala – dala pa itong gym bag. Nakasuot ito ng white t- shirt, jogging pants at running shoes. Matangkad ito, gwapo at may maamong mukha. Napatingin ang lahat sa bagong dating na lalaki.

"Hi Zayne! Thanks for coming," Arkhee stood up and shook the hand of the newcomer. "Dinner's almost ready, so just sit wherever you want."

Binati naman si Zayne ng iba pa nilang kaibigan na naroroon. Mukhang siya lamang ang hindi nakakakilala rito.

"No problem. Thanks for having me," ani ni Zayne na inilibot ang tingin sa buong dining table. Tinitigan siya ng lalaki at napagtanto niyang may dalawa pang upuan na bakante sa tabi niya.

She smiled politely to Zayne and uttered, "You can sit here."

Lumapit at ngumiti ang lalaki sa kaniya. Naupo ito sa katabi niyang upuan at nagpakilala. Ngayong mas malapit na sa kaniya ang lalaki ay mas nabanaag niya ang kagwapuhan din nito. Sa hitsura nito ay mukha itong may lahing Español dahil sa features nito. Ngunit aaminin niyang mas gwapo pa rin si Kristoff para sa kaniyang mga mata.

"I'm Zayne. This is the first time I've seen you, are you Dessa's friend?"

"Yeah and Arkhee's too. I just arrived, actually. I'm Oreo." She courteously offered a handshake to the new person beside her. It was warmly accepted by Zayne and they both smiled at each other after.

But in her peripheral view, she was sensing a very frightening feeling. It felt like someone was staring at her with blazing, murdering eyes, ready to shoot her in no time.

Napalunok siya. Tumaas ang mga balahibo niya sa batok sa nararamdamang negatibong presensya. Ramdam niya na may mga matang masamang nakatitig sa kaniya, ngunit wala siyang lakas ng loob na kumpirmahin kung sino ito o kung saan ito galing. Masama na ang takbo ng imahinasyon niya, palagay niya ay may multo rito sa bagong bahay nina Dessa.

"Are you okay? You look pale," tanong ni Zayne sa kaniya nang mapansing nag – iba ang ekspresyon ng mukha niya.

"Can I ask you something? But can I whisper it to you?" tumango naman si Zayne. Inilapit nito ang mukha sa kaniya at inilapit naman niya ang kaniyang bibig sa tainga nito. "May nakatingin bang multo sa atin? I'm sensing super bad vibes..."

Nang marinig ito ni Zayne ay bigla itong napahagalpak ng tawa na kumuha ng atensyon ng lahat.

"Sshhh...why are you laughing?" bulong niya pa rito ngunit mukhang mababaw ata ang kaligayahan ni Zayne. Nagtagpo ang mga kilay ni Oreo sa nakikita.

"Hoy, Zayne, don't make fun of Oreo," sita ni Enri. "This is her first party with the group, so be nice."

"Oh, I'm not. She's fun. I mean, we just met but I like her na." Ngumiti si Zayne sa kaniya na para bang may ipinapahiwatig. "No woman has made me laugh at first meeting. But she did."

"But I am serious!" Oreo said innocently.

"I know. Which is funnier." Inilapit ni Zayne ang mukha nito sa tainga niya at may ibinulong. "At walang multo na nakatingin sa'yo. Lalaki lang, meron."

Kinindatan siya nito nang ilayo nito ang mukha sa kaniya. Nagtataka man ay ngumiti na lamang ng pilit si Oreo sa katabi. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang nararamdamang negatibong enerhiya.

"What do—"

"Dinner's ready!" Magiliw na bati ni Dessa na may dala – dalang lalagyan ng kung anong ulam. May sumunod naman na dalawang babae na sa tingin ni Oreo ay mga kasambahay na mayroon ring dala – dalang malalaking mangkok.

"Wow! That looks yummy!" komento ni Enri.

"Ikaw ba nagluto niyan Dess? Gumagaling ka na ata sa pagluluto," si Oreo naman ang nagsalita.

"Thanks guys! But Zenith is way better. Pang Michelin star talaga ang luto niya." Nakangiting inilapag ng mga ito ang kani – kanilang dala sa mesa. "Ang swerte ni Shola."

"Of course! He won't be my partner in business kung hindi siya ganyan kagaling magluto," sagot naman ni Arkhee.

Napasipol si Zayne na katabi niya. "Mas maswerte si Zenith dahil mahaba ang pasensya ni Shola."

"Ahuh. Maswerte ka at maraming kakain ng pagkaing handa ko ngayon, hindi kita malalason," ani ng isang lalaking kalalabas lang mula sa pinto na may dala ring lalagyan ng pagkain. And in the oddest way, Oreo was so surprised that he looked exactly the same with the man sitting beside her.

Twins?

Magkamukhang – magkamukha ang mga ito na kung pareho ang suot ng mga ito ay mahihirapan siyang kilalanin kung sino sa dalawa si Zayne. Nakasuot pa ng apron ang isa sa kambal na siyang tumulong kay Dessa na magluto ng hapunan nila.

"We'll be back for more! Sandali na lang talaga at makakakain na tayo," sambit ni Dessa na pumasok na ulit sa loob ng bahay kasabay ng dalawang kasambahay.

"Hoy, Ash. Pakalayo ka nga kay Shola. Baka lumipat sa kaniya ang virus mo," sita ni Zenith sa kaibigang si Ash. Inilapag nito ang pagkain sa mesa at lumapit kay Shola. Hinalikan nito sa pisngi ang babae na laking ipinagtaka ni Oreo. "Love you."

"Wow, in – love? Nakakasuka," sarkastikong komento ng kakambal nitong si Zayne. Napangiti naman ang babaeng hinalikan at halatang nag – blush ito.

"Inggit ka lang! Pangit mo kasi." Naglakad na si Zenith pabalik sa loob ng bahay.

"Mas pangit ka. Hoy!"

"You do realize you have the same face, right? Eh di pareho kayong pangit," ang hari ng pang – aasar ang nagsalita, si Ash. Hindi niya napigilang matawa sa naririnig na usapan ng mga taong nakapaligid sa kaniya. Napatawa rin ng mga ito ang iba pa niyang mga kaibigan.

Oreo now felt a little more at ease with everyone around her. She also felt relieved when she realized that Shola was most likely the girlfriend of Zenith and not of Kristoff.

But why do I feel relieved? How do I move forward now?


***


May mga new characters tayong nakilala this chapter, so exciting!


And about Oreo's speculation, I guess hindi totoong may new girl na si Kristoff. Aw! Halos mag breakdown na siya kaka overthink tapos hindi naman pala iyon ang totoo. Haha. 


Hope you enjoyed this chapter!


Love & Light,

BC

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top