Chapter 20
Kinagabihan ay nagkaroon ng pagkakataon si Oreo na maupong mag – isa sa dalampasigan habang nakatitig sa mga alon. Magkasama sila ni Dan sa isang silid at dahil hindi pa siya makatulog ay lumabas siya mula sa kanilang kwarto. Iniwan niya ang kaibigang babae na mahimbing na natutulog. Mukhang napagod ito sa buong araw na pakikipag – usap at pakikipag – asaran kay Ash.
Hindi na rin nalaman pa ni Oreo kung ano nang nangyari kay Ash at Arkhee matapos nilang umalis at tapusin ang kasisimula pa lamang na laro nila kanina. Hindi na rin nila ito napag – usapan pa kahit noong kumakain sila ng hapunan.
The breeze was caressing her whole being and the sound of the waves were like lullabies of sadness. Kapag ganitong nag – iisa siya ay hindi na naman niya mapigilang malungkot dahil sa pagkawala ng kaniyang ina, ang kaisa – isa niyang pamilya.
Ngunit malaki rin ang kaniyang pasasalamat dahil hindi rin naman siya pinabayaan ng kaniyang ina kahit sumakabilang buhay na ito. Pinaghandaan nga nito ang paglisan. Nakakalungkot lang isipin para kay Oreo na hindi na niya makakasama pa ang mommy niya hanggang sa kaniyang pagtanda.
Naputol ang kaniyang pagmumuni – muni nang maramdaman niyang may naupo sa kaniyang tabi.
"Hi Eo. Are you sad again?" tanong ni Enri. Napalingon siya sa nakangiting mukha ng kaibigan.
"Not really," pagsisinungaling niya. "Why are you here?"
"Ikaw? Ba't nandito ka at mag – isa?"
"I can't sleep. I don't know why." Niyakap niya ang sarili nang maramdaman ang malamig na samyo ng hanging dagat sa kaniyang katawan. Mukhang napansin ni Enri na nilalamig na siya kaya hinubad ng lalaki ang suot nitong jacket at inilagay ito sa kaniyang balikat.
Nagtataka niyang tiningnan ang mukha ni Enri. Ngumiti lang ito at nagsalita. "Naiinitan na kasi ako kaya ikaw na muna ang mag suot ng jacket ko."
"Sure ka? Thank you. Medyo nilalamig na nga ako." She smiled genuinely and saw Enri blush. He even avoided her eyes and looked in another direction which made her wonder.
"No problem." Tinakpan ni Enri ang bibig na para bang ayaw nitong makita niya ang ngiti sa mga labi nito. "Anyway, may napili ka na bang university for college, Eo?"
"I'd like to go to St. Andrew's University. I heard they have a good program for students who wanted to pursue medicine. And may hospital na rin sila so I guess mas madaling makatanggap ng scholarships and residency program. Ikaw, saan mo gusto?"
Napabuntong – hininga muna ang katabi bago sumagot. "I guess, I don't have a choice. I'll go for St. Andrew's too."
"Why?"
"Kasi nando'n ka," kibit – balikat nitong sagot.
Nagtagpo ang mga kilay ni Oreo sa narinig na sagot mula kay Enri. "What do you mean?"
There was a long pause. It felt like Enri wanted to tell her something but still finding courage to utter words. The sound of the ocean was so serene, it was calming Oreo's soul.
"Oreo, I have something to confess. Just listen. Is it okay?"
Napalingon si Oreo sa katabing lalaki at tumango. "Okay. What is it?"
Enri took a deep breath before expressing himself. "I really like you, Eo. I just don't like you because I want you to be my girlfriend, I like you because you're really nice and pretty. I like talking to you because you're so smart. It makes me want to be beside you, all the time."
Oreo did not know how to react with Enri's confession. True, it wasn't her first to receive a declaration of affection but she was still flabbergasted, it left her speechless. There was a pause – a moment of silence between them. Ang mga alon lamang ang siyang nag – iingay sa tahimik na gabi.
"I –"
Hindi na naipagpatuloy ni Oreo ang sasabihin dahil biglang may naupo sa kaniyang tabi. Bigla siyang nakaramdam ng pagkailang nang mamasdan ang di maipintang gwapong mukha ni Kristoff.
"Sorry, may pinag – uusapan ba kayo?" pasimpleng tanong ng bagong dating na binata.
"Wala naman. Oreo and I were just talking about the future. Right, Eo?"
Napatango na lamang si Oreo kay Enri na halata ang pagkainis sa maamong mukha nito. Pagkatapos niyon ay isang nakakarinding katahimikan na naman ang bumalot sa kanilang tatlo. Ngunit sa kanilang tatlo, si Kristoff ang hindi nakatiis na magsalita.
"So what about the future?"
"Oh, Enri and I, we're going to St. Andrew's for college."
"Both of you?"
"Yup! I'm going to be a doctor, too," sagot ni Enri na mukhang sa tono nito ay may gustong patunayan kay Kristoff. "Ikaw? Saang school ka ba nag apply for college? Sa talino mong 'yan, you should study abroad."
Napatango – tango si Oreo. "Oo nga Kristoff. And you love flying, right? Mama said mas maganda ang mga curriculums abroad for aeronautics."
"Why are you trying to push me away? Do you hate me that much?" Kristoff's eyes were full of hurt as Oreo met his gaze.
"No. I'm just saying na mas maganda sa isang tulad mong genius ang mag – aral sa ibang bansa. You've got the brains and the money."
"I second the motion," Enri said which obviously irate Kristoff more.
"I'm not going anywhere." Kumuha ng bato si Kristoff mula sa buhangin at itinapon sa dagat bago muling nagsalita. "I'm going to marry you, right, Chocolate?"
Again, they were veiled by an awkward and weird silence. Oreo honestly did not know how to counter Kristoff's declaration, especially that Enri was also with them, listening – who by the way, just also confessed to her. She felt really uncomfortable in such situation, she hugged her knees and stared at the waves.
Si Enri naman ngayon ang hindi nakatiis na magsalita. Tumikhim muna siya upang basagin ang namumuong katahimikan.
"We'll see Kris. Marami pang pwedeng mangyari. Oreo might not be even the girl meant for you."
Bumuntong hininga si Kristoff. "I promised her mom that I'll marry her. And I plan to keep that promise."
"Wait, so you're just going to marry her because of a promise? And not because of love? That's not fair for Oreo, Kris."
"Hindi mo na kailangan makialam dahil usapan namin 'yon ng mom ni Oreo. And I'll do it."
"Huh! Do you even love Oreo?"
Natigilan si Kristoff sa huling tanong ni Enri. Napatitig si Oreo sa mukha nang nag – aalangang si Kristoff, naghihintay ng sagot. Ngunit makalipas ng ilan pang segundo ay nag – iwas ito ng tingin na sa di inaasahang pangyayari ay nagparamdam ng sakit sa puso ni Oreo.
She felt a pang in her heart which made her wonder why did it matter to her if Kristoff answered it, and what answer was she waiting for? She stood up, trying to calm herself amidst an ongoing storm inside her head. Her eyes were about to heat up and she wanted to leave as fast as she could.
"I'm sleeping," she said and quickly left both guys.
"Wait, Oreo!" Narinig niyang tawag ni Kristoff.
"Stop it, Kris, she needs to rest," ani ni Enri na mukhang ito lamang ang nakapansin sa tensiyon na bumuo sa kanilang dalawa ni Kristoff matapos nitong di masagot ang tanong ng kaibigan.
Malalaking hakbang ang tinahak ni Oreo upang mabilis na makarating sa kanilang silid. Nang makarating siya ay dali – dali niyang tinungo ang banyo at sa di inaasahan ay bigla na lamang siyang napaiyak. Masakit ang kaniyang nararamdaman. Nagkakaroon ng mga tanong ang kaniyang puso at hindi niya alam kung ano ang isasagot. Hindi makapagbigay ang utak niya ng paliwanag.
Ano nga ba ang inaasahan niyang sagot mula kay Kristoff? At bakit nga ba mahalaga ang sagot ng lalaki? Ano na nga ba ang nararamdaman ni Oreo para sa binata?
*****
Oh no! Hindi nakasagot si Kristoff sa pinaka importanteng tanong! Ano kaya sa tingin niyo ang mangyayari?
Watch out for the 3rd arc!
Salamat sa votes and comments!
Love & Light,
BC
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top