Chapter 19

"Arkhee! Truth or dare?" tanong ni Ash nang huminto ang pag – ikot ng bote sa harap ni Arkhee. Nakaupo silang lahat sa puting buhangin at naglalaro ng 'Truth or Dare'.

Katatapos lang nilang mananghalian at napagdesisyon nilang pumayag na lamang sa gustong laro na inorganisa ni Ash dahil mukhang wala itong planong huminto sa pangungulit kung hindi mangyayari ang gusto nito. Anim silang naroroon na nakapalibot sa boteng nasa gitna nilang lahat. Katabi niyang nakaupo si Dan at sa kabila naman niya ay si Kristoff.

Semestral break na at dahil huling taon na nila sa high school ay napagpasyahan ng mga kaibigan niyang mag overnight sa isang beach resort nina Ash. Marami talagang mga gimik si Ash. Hindi niya alam paano nito napapayag ang mga magulang nilang lahat dahil nagulat na lamang sila nang mag deklara ang mama nila na may trip sila ni Kristoff sa beach kasama ang mga friends nila sa school.

Mayayaman nga talaga ang mga kaibigan niya. Kung sina Kristoff ay may – ari ng isang airline company, ang pamilya naman nina Ash ay nagmamay – ari ng mga beach resorts, hindi lang dito sa Pilipinas kundi pati na rin sa ibang bansa.

Siya lamang ang hampaslupa sa mga ito dahil nakikisampid lamang siya sa pamilya ni Kristoff. Ngunit kahit ganoon, ni minsan ay hindi ipinaramdam sa kaniya ng mga ito na hindi siya 'belong' kapag kasama niya ang mga kaibigan, kahit pa magkakaiba sila ng personalidad.

"Fine, truth!" sagot naman ni Arkhee. Bumunot ito ng isang nakatuping papel kung saan may nakahandang tanong na sasagutin nito. Mukhang pinaghandaan talaga ni Ash ang paglalaro ng Truth or Dare. May dalawa itong boxes na inihanda kung saan bubunot ka ng gagawin o sasagutin mo.

Iniabot ni Arkhee ang papel kay Ash. Binasa naman ni Ash ang nakasulat doon.

"Para sa 'yo sino ang pinaka maganda (if you're a boy) o pinaka gwapo (if you're a girl) sa classroom natin?"

"Woooh! Pahamak ka talaga Ash. Now we'll know who's Arkhee's crush?" ani ni Enri.

"What if I won't answer?" tanong ni Arkhee na mukhang nag – aalangan na sagutin ang nakuhang tanong.

"Oh, you're going to drink this very yummy juice made of malunggay and broccoli with lemon extract and chilli," nakangising ipinakita ni Ash ang isang pitcher ng kulay berdeng inumin na mukhang sa tingin niya ay katulad nung mga napapanood niyang palabas na inumin ng mga aliens. "Make sure you like spices!"

"Asar! That looks like poison, idiot!"

"Don't worry, Khee. This is a drink made by the chef of the resort. It won't kill you. Baka sumakit lang ang tiyan mo, so I told the staff to standby and prepare an ambulance, just in case."

Ito nga siguro ang super powers ni Ash, ang maghasik ng lagim sa mga kaibigan nito. Katulad na lamang ng nangyayari sa kanilang lahat ngayon. Mukhang wala na talaga silang kawala pa sa binabalak na karumal – dumal na laro mula sa hari ng mapang – asar.

"Just answer the question Khee. It's not that hard, right?" sambit ni Oreo sa kaibigang mukhang nasusuka nang makita nito ang juice na hawak ni Ash.

Inakbayan ni Enri si Arkhee. "Just say it, man. I might help you out to make her your girlfriend."

"It's not that easy!" Padabog na sambit ni Arkhee. Huminga ito ng malalim saka nag – isip ng matagal. "Can I choose another question?"

"Nope! Follow the rules, Khee!"

Nakangisi lang si Ash na nakatingin sa kaibigang si Arkhee na mukhang nag aalinlangan talagang sagutin ang tanong nito. Sa tingin ni Oreo ay takot lang talaga si Arkhee na tuksuhin ng mga kaibigan kapag nalaman nilang lahat kung sino para sa binata ang pinaka maganda sa mga mata nito.

"Say it!" pamimilit pa ni Enri na tinapik – tapik pa nito ang balikat ni Arkhee. "Man, why is it so hard --"

"It's Dan," mahina ngunit narinig pa rin nilang lahat ang pangalan na sinambit ni Arkhee. At hindi siya makapaniwala sa narinig. Natahimik silang lahat, bakas sa mga mukha ang pagkabigla.

Napalingon siya kay Dan na katabi niya lamang ngunit wala namang reaksyon ang mukha nito. Subalit nakamasid ang mga mata ng kaibigang babae kay Ash. At nang sundan niya ang direksyon ng tingin nito ay nakita ni Oreo ang hindi maipintang mukha ni Ash na natulala sa nakayukong kaibigan na si Arkhee.

Who would have thought that the girl who Arkhee found prettiest in the classroom was none other than the girl who liked to play games and tease Ash – Daniella. What was more interesting was that no one knew about it. Arkhee might have kept it frrom everyone.

"Oh, Ash nasagot na ni Arkhee. Let's spin the bottle again." Basag niya sa katahimikan na bumalot sa kanila. "Why are you all super quiet?"

Narinig niyang huminga ng malalim ang katabi niyang si Kristoff bago tumayo. "Let's leave."

"Huh? Why? We just started the game..."

"Chocolate, this is the time when your intelligence doesn't really work well."

Nagpang – abot ang mga kilay niya sa narinig. Umaandar na naman ang kasamaan ng kaniyang karibal. Wala talaga itong patawad sa kaniya kung makapanglait.

"Well, I won't leave unless you tell me what's going on! Hindi pa tapos ang laro!"

However, even Dan silently stood up and started walking away from all of them which made Oreo more confused of what's going on. Mukhang kahit si Enri na hindi naman tahimik, ay natameme rin. Walang imik itong tumayo mula sa pagkakaupo sa gitna nina Ash at Arkhee at naglakad papalayo.

"Stop being stubborn! Umaandar na naman ang pagiging competitive mo." Mabilis na hinila siya ni Kristoff kaya napilitan na lamang siyang tumayo. Naiwan na ang dalawa nilang kaibigan sa dalampasigan. "Your lack of social awareness is really worse than mine."

"Hoy, Four – eyes, hindi dahil nakikitira ako ngayon sa inyo ay may karapatan ka nang lait – laitin ako. Feeling mo naman perfect ka!" She pulled her arm away from the grip of Kristoff and walked pass through him. "Wala talagang magkakagusto sa 'yo dahil diyan sa ugali mo!"

"Who cares?"

Napalingon siya sa lalaki at tiningnan lang ito ng masama. She sneered and then went on to catch up with Enri and Dan. Ngunit nakahabol pa rin si Kristoff sa kaniya.

"I don't want just anyone to like me anyway. Ikaw lang naman ang gusto kong magkagusto sa 'kin."

Hindi niya alam kung anong mararamdaman sa sinambit ni Kristoff. Kung masisiyahan ba siya o magagalit. Si Kristoff ang taong tahimik ngunit kapag nagsalita ay straight to the point. Kaya kapag ganitong may sinasabi na naman itong mahirap para sa kaniyang unawain ay hindi siya agad nakakaresbak.

Bumuntong – hininga siya at tinitigan ang lalaki sa mga mata. Bigla siyang nakaisip ng magandang isasagot dito. "Kung gusto mo talaga akong magkagusto sa 'yo, magpatalo ka na. I want to be the valedictorian when we graduate."

Natigilan si Kristoff at napahinto sa paglalakad. Isinilid nito ang dalawang kamay sa suot nitong beach shorts. "I see. So, kapag naging valedictorian ka, hindi ka na iiwas sa gusto ng mommy mong magpakasal sa 'kin pagkatapos nating magcollege?"

"Well, if that's a deal, yes. I'll do whatever you want. Just make sure I'll be giving the valedictorian speech in our high school graduation." Alam niyang hindi naman siya seseryosohin ni Kristoff kahit pa siguro lumuhod siya sa harap nito at magmakaawang gawin nito ang sinabi niya.

She's been trying to beat him in academics since last year but she was never successful. He was always one step ahead and she couldn't get the top spot even how much time she gave in studying. Kaya alam niyang kahit sabihin niya pang papayag na siyang magpakasal sa lalaki kapag naging top 1 siya, ay hindi nito iyon kayang gawin. Nasa dugo rin ni Kristoff na hindi nito kayang magpatalo, lalo na siguro sa kaniya.

Nag – isip ito bago sumagot. "Okay. So when we're in college, can I declare that you're my girlfriend?"

Napanganga siya sa itinanong nito ngunit agad rin nakabawi.

"Definitely not! Baka nakalimutan mong sa inyo ako nakatira? Machismis pa tayong dalawa na nag lilive – in. That's too much of a scandal to handle while studying. Ayoko ng gano'n."

"Paano kung may manligaw sa 'yo?"

Hindi alam ni Oreo paano sasagutin si Kristoff. Nagiging mapilit na naman ito sa mga gusto nitong mangyari. There will be things that's always hard for Oreo to grasp.

"I'll say no. Worried ka talaga?"

Napatitig si Kristoff sa kaniya na para bang pinapag aralan kung pagkakatiwalaan ba nito ang sinabi niya. Narinig niyang napabuntong – hininga ang binata

"I am. I don't know what to do if I lose you."

"You won't lose me. Ikaw at ang family mo ang pamilya ko na ngayon. Hindi na ako makukuha pa ng iba."

Napakamot sa ulo ang binata at inabot ng kamay nito ang ulo niya. Ginulo ni Kristoff ang buhok niya na para bang isa siyang batang paslit. Palibhasa ay matangkad si Kristoff kaya madali nitong nagagawa ang mga ganitong bagay sa kaniya.

Ngumiti si Kristoff sa kaniya. Tumalikod ito ngunit narinig pa rin ni Oreo ang mga sinabi ng binata bago ito nagpatuloy sa paglalakad.

"It's so hard to control myself now from liking you so much. You have to stop being so adorable."

Hindi napigilan ng puso ni Oreo na makaramdam nang hindi maipaliwanag na kasiyahan nang marinig ang sinabi ni Kristoff. Ito na ba ang tinatawag ng ibang tao na 'kilig'? Hindi tuloy niya napigilan na mamula. Mabuti na lamang at nakatalikod si Kristoff sa kaniya, kung hindi sandamakmak na kahihiyan ang mararamdaman niya. 


*****

So anong masasabi niyo na ang pinaka magandang babae sa mga mata ni Arkhee ay si Dan?


Salamat sa votes at comments po.


Love & Light,

BC

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top