Chapter 17
Lumipas ang mga araw at mga buwan. Hindi niya alam kung anong nangyari ngunit kapag nag – lulunch siya ay mas marami pa siyang naging kasama. Magkasabay pa rin sila ni Enri ngunit nakikiupo na rin sa kanila ang tatlong lalaking kaibigan niya na sina Kristoff, Arkhee at si Ash. Ang mas lalong ikinagulat niya ay ang pagsabay rin sa kanila ni Dan.
Si Dan na palaging tahimik ngunit kapag kasama nito si Ash ay maririnig mo itong nagsasalita at ang mas nakakabilib pa ay inaasar nito si Ash. Ang lalaking itinuring nilang hari ng asar ay siya na ngayong mabilis mapikon dahil sa panunukso mula sa magandang si Dan. Hindi inakala ni Oreo na magkakaroon pa siya ng isa pang bagong kaibigan sa huling taon niya sa highschool.
Mommy, I hope you're watching over me. I'm making more friends than I thought I would!
Magkasama sila ngayon ni Dan papunta sa gym ng eskwelahan. Ngayon ang unang araw ng kanilang Intramurals. Katatapos lang nilang dalawa na maglaro ng chess at pareho silang nanalo at nakapasok sa quarter – finals. Si Dan ang naging kampeon noong nakaraang taon sa naturang indoor sports. Siya naman ay nasa 3rd place lang ngunit naging kampeon naman siya sa taekwondo.
Napagtanto ni Oreo na kung gaano kalaki ang kakulangan ni Dan sa pakikisalamuha sa ibang tao ay ganoon naman kalaki ang ibinigay na talento ng Diyos dito sa larong chess. Ang pagkakaalam niya ay bata palang ay naglalaro na ito at marami nang napanalunan hindi lang dito sa Pilipinas ngunit pati na rin sa ibang bansa.
Narinig niya pa kanina mula sa ibang chess players na naging 'Grandmaster' ito sa edad na labin-dalawang taon. Mas lalo tuloy siyang napahanga sa babaeng kaklase. Mukhang ang mga taong palaging walang imik ay binibiyayaan ng Diyos ng magagandang talento at katalinuhan, katulad nalang din ni Kristoff.
Nakarating na rin sila sa loob ng gym at naghanap ng mauupuan. Nagsisimula na ang larong basketball dahil kaniya – kaniya na ng sigaw ang mga manonood. Napilitan sila ni Dan na pumunta dahil nakapangako sila sa mga lalaking kaibigan na manonood sila at mag – checheer sa mga ito.
Si Enri, Ash at Kristoff ang kasali sa basketball. Si Arkhee lamang ang hindi kasali dahil nasa larong tennis ito. Senior versus sophomore ang team na naglalaban. Kulay pula ang jersey ng senior na siyang opisyal na kulay para sa kanilang mga nasa huling taon ng higschool. Dilaw naman para sa Sophomores.
Kaya naghanap sila ng mauupuan kung saan maraming mga taong nakasuot ng pula dahil ibig sabihin ay mga seniors din ito. Nakahanap din naman sila agad ni Dan at naupo na rin sila. Napansin niyang mainit ang laban dahil halos magkadikit ang mga scores ng bawat team.
"Buti nalang nakahabol pa tayo Dan," bulong niya sa tainga ng katabi. Tumango lang ito sa kaniya. Halos hindi sila magkarinigan dahil napaka ingay ng ibang mga manonood na naghihiyawan para sa manlalaro. At ngayon lang napansin ni Oreo na mayroon palang fansclub ang mga kaibigan niya. Hindi niya akalain na sikat pala sa buong eskwelahan ang mga kaibigan nila, hindi lang sa kanilang klase.
"Seniors! Seniors! Seniors!" sabay – sabay na sigaw ng mga estudyanteng nakapalibot sa kanila ni Dan. May mga dala pa itong mga banner at balloons na iwinawagayway, para naman silang dalawang mga tuod na nakaupo lang at tahimik na nanonood.
Maraming mga taga hanga si Enri dahil kapag nakakashoot ito ay nagsisigawan ang mga babae. Ngayon lang napansin ni Oreo na hindi nakasuot si Kristoff ng salamin nito sa mata. Maaaring nagsuot ito ng contact lens at si Ash naman ay nakatali ang bangs.
Katatapos lang ng 3rd quarter. Naupo ang mga manlalaro sa bench at kaniya – kaniyang punas ng mga pawis ang bawat isa sa kanila. Nakita niyang nahagip sila ng tingin ni Enri kaya kumaway ito sa kanila. Subalit isang grupo ng mga babae ang nagsisisigaw at mukhang nasiyahan sa ginawa ni Enri kaya nagkatinginan na lamang sila ni Dan at natawa.
"Oreo!" Malakas na sigaw ni Enri. Nakatingin tuloy sa kanila ang halos lahat, pati na rin sina Ash at Kristoff. "Yung promise mo!"
Napahawak siya sa kaniyang ulo. Tama, nakapagbigay siya ng pangako kay Enri at kailangan niyang gawin iyon dahil may isa siyang salita. Napabuntong – hininga na lamang siya at tumayo. Inilagay niya ang dalawang kamay sa gilid ng kaniyang bibig upang ihanda ang sarili sa pagsigaw.
"Enri! Galingan mo!" sabay thumbs – up sa lalaki. Lahat ng mga mata ay nakatuon na tuloy sa kaniya. Dagli siyang natubuan ng kaunting kahihiyan. Ngunit kailangan niyang gawin iyon dahil nakapangako siya rito at hindi siya ang tipo ng taong hindi marunong tumupad sa pangako.
Kumaway at ngumiti na rin siya kay Kristoff na nakatingin sa kaniya. Ngunit sa halip na balikan siya ng ngiti ay nagsalubong lang ang mga kilay nito at ibinalik ang atensyon sa pag – inom ng tubig. Hindi siya pinansin ni Kristoff!
"Sungit ni Four eyes, ah." Hindi niya napigilang komento sabay upo. Nagkibit – balikat si Dan.
"Well, you cheered for Enri. I'm sure he's just jealous," sagot pa nito na mahahalata ang British accent.
Kristoff's jealous because I cheered for Enri?
Tumayo si Dan at isinigaw ang pangalan ni, "Ashton!"
Kumaway ito at ngumiti sa lalaking tinawag na tumingin na rin sa kanila. Subalit mas hindi maipinta ang mukha ni Ash kumpara kay Kristoff. Para itong naiinis na namumula. Kahit siya ay hindi maintidihan kung bakit ganoon ang ekspresyon ng mukha nito.
"Bakit ganoon ang hitsura niya?"
Matipid na napatawa si Dan. "He's probably remembering something. Sigurado na akong mananalo sila."
"Talaga?"
Naupo na ito ulit sa tabi niya. "Yep. He's gonna do everything to win."
"Why?" nagtatakang tanong niya sa magandang kaklase.
Dan smirked. "Because if he loses, he's gonna announce and tell everybody I'm his girlfriend."
Naitakip ni Oreo ang kamay sa bibig na napanganga nang marinig niya ang sinabi nito.
Si Ash at Dan, together? That is weirder than Dan telling me that Kristoff's jealous!
Nagpatuloy ito. "I don't think he's ready for that. So I know, Ash will choose to win."
Talk about being the 'Teasing Queen'. Oreo now realized that Dan was more dangerous than Ash when it comes to being mischievous. This new friend of hers was very witty, sharp and full of strategies that would make anyone wonder what will be her next move.
She's indeed a chess master and it was like she's playing a game with Ash. The guy looked completely miserable when he saw her shouting his name. She surely was ahead of their game, she's at an advantage.
Nang makabawi ay napatanong siya kay Dan. "So anong gagawin mo kapag nanalo sila sa game?"
"Oh, I'm just going to treat him everyday for food for the whole month." Sa tinig nito ay mukhang hindi pa ito nag – aalala na manlilibre ito ng pagkain kay Ash. "Spending more time with him."
Hindi maintindihan ni Oreo ang ibig sabihin ng mga sinabi nito. Gusto niya pa sanang usisain si Dan dahil nagbibigay ito sa kaniya ng matinding kuryusidad ngunit tapos na ang dalawang minutong break at magsisimula na naman ang laro.
Fourth quarter na at lamang ang team ng Seniors ng tatlong puntos. Mabilis na dumaan ang oras at maganda ang naging laban ng bawat koponan. Kahit ang mga manonood ay talagang naka pokus ang atensyon at kaniya – kaniya ang hiyawan kapag may nakakashoot ng bola ngunit sa huli ay nanguna pa rin ang Seniors.
Nanalo ang team nina Oreo. Masayang – masaya sila ni Dan na lumabas ng gym at napagpasyahan nilang kumain na nang tanghalian dahil siguradong gutom na rin ang mga kaibigan nilang katatapos lang maglaro. Naghintay sila ni Dan malapit sa pinto at nakita nilang papalapit sa kanila si Arkhee na sa hitsura nito ay mukhang katatapos lang din maglaro. Nakasuot ito ng puting t – shirt at pulang shorts.
"Tapos na?" tanong nito nang makalapit sa kanilang dalawa. "Did we win?"
"Yep. We won! Ikaw ba nanalo ka?" tanong ni Oreo.
Tumango si Arkhee. "Oo naman. Ako pa. Eh, kayong dalawa sa chess? 'Di ba may taekwondo ka pa Oreo?"
Tumango lang rin si Dan at si Oreo na lamang ang sumagot. "Yep! Nakapasok na kami sa quarter – finals ni Dan. Mamayang 2pm ang laban ko. Kung wala kayong gagawin, pwede kayong manood."
"Okay. I'm going to watch." Tipid na sagot ni Dan.
"Oh, you waited for us!" masayang bati ni Enri nang makita silang naghihintay. Kasabay nito si Ash at kasunod naman nito si Kristoff at iba pang players ng senior team.
"Good job guys!" bati ni Arkhee sa mga ito sabay high – five sa mga kaibigan. "Sayang 'di ko naabutan, sa championship nalang ako manonood."
"Nah...Oreo and Dan's cheers are enough, we don't need yours," pagbibiro ni Enri. Kinindatan pa siya nito. "Right, Eo?"
Napangiwi na lamang si Oreo dahil iba ang nasa isip niya. Tiningnan niya si Kristoff ngunit hindi siya pinapansin nito, ni hindi man lang ito nagbigay kahit na sulyap sa kaniya. Gusto niya sanang mag congratulate rito ngunit sa palagay niya ay may kasungitan na naman ito sa katawan. Kaya pinigilan na lamang niya ang sarili.
"Good job, Ash." Si Dan ang nagsalita na walang ekspresyon ang mukha. "You did well."
"Daniella!" May bahid ng galit ang boses ni Ash na para bang gusto nitong manapak. Mabilis nitong hinila si Dan at tumakbo sila sa kung saan.
"Anong nangyari do'n?" si Enri ang nagtanong. Nagkibit – balikat lang si Oreo dahil wala naman talaga siyang ideya kung ano ang nangyayari sa dalawang iyon.
"Bilisan na natin. Gutom na 'ko," ani ni Arkhee. Naglakad na silang lahat papunta sa cafeteria upang makapagpananghalian. Patuloy ang pagkukuwento ni Enri kay Arkhee tungkol sa naging laro nito sa basketball. Habang sila naman ni Kristoff na magkasabay na naglalakad ay halos balutin na ng nakaririnding katahimikan.
Bakit hindi niya ako pinapansin? Ano ba talagang ikinagalit niya?
Wala naman talaga siyang maalalang nagawa niya bago ang laro ng mga ito. At hindi naman nito dapat ikagalit ang pag cheer niya kay Enri dahil isa lamang iyong pangako na dapat niyang tuparin.
He doesn't have to be angry, right? That shouldn't be the reason why he's being super quiet, right?
*****
Ayiiii. Bakit kaya masungit si Kristoff?
And what do you think about Ash and Dan?
Salamat po sa pagboto at mga komento.
Love & Light,
BC
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top