Chapter 16
Lunch came. Enri and Oreo were sitting together on one of the chairs in the cafeteria eating the food they brought. Pinagbaon siya ng mama niya katulad nina Kristoff na inihanda ng cook nila sa bahay. Dahil ito ang unang pagkakataon na nakasama niya si Enri na kumain ng pananghalian, napansin niyang may mga matang nagtataka na nakatingin sa kanila.
"Oreo, congrats on being the vice president."
"Nang – aasar ka ba? Congrats din sa pagiging Class Prince Charming all throughout highschool. Ang pinaka walang kakwenta – kwentang posisyon."
Nagkaroon sila kanina ng eleksyon para sa kanilang buong klase at pati na rin sa mga subjects nila. Para sa class election na ginawa nila ay binoto siya bilang Treasurer. Ngunit sa Math, English at Science ay ginawa siya ng mga kaklase nilang Vice President.
At ang naging presidente sa lahat ng kanilang major subjects ay si Kristoff. Hindi niya alam kung sinadya ba ito ng mga kaklase nila dahil alam nilang magaling siya at responsable o baka dahil gusto nilang ipamukha sa kaniya na siya'y pangalawa lamang sa pinakamagaling. Ngunit mas gusto na lamang niya ang maging pangalawang pangulo kaysa maging prince charming na katulad ng katabi niya.
"You're mean, Eo. Ang ibig sabihin lang niyan kung bakit palaging ako ang prince charming dahil ako ang pinakagwapo sa lahat! Mas gwapo pa ako kaysa kay Kristoff."
Natawa siya sa sinabi nito. Mukhang mayroon ata itong tinatagong asar para kay Kristoff. "Talaga lang ha. Siya talaga ang pwede mong ikumpara sa 'yo? Nandiyan naman si Ash at si Arkhee ah."
"Woohhh! You laughed, Eo! Look at you!"
"Bakit ba gusto mo akong tumawa?"
"Because I know how it feels like to lose someone you love." Naging malungkot ang mukha nito. "I'm close with my lolo, my mom's dad. But he died last year. And I was really, really sad. So I know that it's not easy to laugh when you're still thinking about your mom."
Hindi niya alam kung bakit ngunit gumagaan ang pakiramdam niya rito kay Enri. "Bago ako matulog, hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko na umiyak kapag naiisip ko si mommy."
"Kapag malungkot ka, pwede mo akong tawagan. May cellphone ka na ba?"
Tumango siya. "Meron na. Pero iniwan ko sa bahay dahil hindi ko naman kailangan dito sa school."
"Sige. Bibigyan kita ng number ko tapos kapag nalulungkot ka, itext mo 'ko or tawagan mo 'ko."
Napangiti siya kay Enri. Nakakagaan nga ng pakiramdam kapag may nakakausap siyang ibang tao na nakakaintindi rin ng kaniyang nararamdaman. For her, Enri was a breath of fresh air. Unexpectedly, she's liking the idea of him being a new friend to her.
Maaaring dahil alam niyang wala naman kasing tensyon sa pagitan nilang dalawa, hindi katulad nang sa kanila ni Kristoff na mayroon nang namumuong pagkailang dahil sa naging usapan nito sa ina.
"You're pretty when you smile, you know."
"Hindi ko alam paano 'yan sasagutin, Enri," dahil iyon naman talaga ang totoo.
He pinched her cheek. "Well, for a start you can say thank you, when someone gives you a compliment."
"T – Thank you. And you don't have to pinch my cheek. Masakit ah!" Tinapik niya ang kamay nito at dagling nasagi ng kaniyang mga mata ang mesang nasa kabilang bahagi ng cafeteria.
Nakita niyang nakatingin sa kaniya ang tatlo niyang kaibigan na sina Kristoff, Ash at Arkhee na hindi maipinta ang mga mukha at nagpang – abot ang mga kilay ng mga ito.
Ngumiti siya sa mga ito at kumaway na lamang dahil hindi niya alam kung bakit ganoon ang mga hitsura nito. Maaaring iniisip ng mga itong inaaway siya ni Enri kaya kailangan niyang ipahiwatig sa mga ito na maayos naman ang pakikitungo ng bago niyang kaibigan sa kaniya. Nag – thumbs – up pa siya sa mga ito bago ibinalik ang tuon kay Enri na nakatingin na rin sa mga lalaki.
"Baka iniisip nilang inaaway mo 'ko. I'm going to tell them later that you're nice."
"Ang sweet mo naman, Eo. But I'm pretty sure they're just jealous, especially Kristoff." Bumalik na si Enri sa pagkain.
"Jealous?" alam niya na ang meaning ng salitang ito mula sa dictionary ay 'hostile toward a rival or one believed to enjoy an advantage'.
Ngunit sa kasamaang palad ay ang naiisip niya base sa definition ay ang pakiramdam niya parati kay Kristoff kapag nakakalamang ito sa kaniya. Oreo considered him as her rival and she will always feel jealous towards him every time he's doing better than her.
"Yep. He's jealous because you're with me. I can see it all over his face."
"I don't understand but I think he's not. Magkasama naman kami sa bahay. Hindi lang sila sanay na hindi ako kasama. Kasi 'di ba palagi kaming magkasabay mag lunch noong 3rd year tayo."
Napailing – iling si Enri. "Oreo, it's really true you're so innocent. Maybe that's why they wanted to protect you. But I will do the same for you."
Nilunok niya muna ang nginunguyang pagkain bago nagsalita. "Ahhh. Black belter ako. Bakit kailangan akong protektahan?"
"Right. You were the champion last year sa Taekwondo during the Intramurals. You did well too at chess." Tumango – tango pa ito. "Amazing ka talaga. Kaya gusto kita, eh."
Minsan talaga mahirap para kay Oreo na maunawaan ang mga bagay – bagay. Hindi naman kasi siya sanay sa mga ganitong sitwasyon. Hindi naman niya ito naranasan noong nasa elementarya siya. At mas lalo na sa dati niyang eskwelahan dahil isa itong All – Girls school. Kaya ano nga ba ang dapat niyang maging reaksyon sa sinabi ng bago niyang kaibigan?
Nangyari na ito sa kaniya kasama si Kristoff ngunit iba ang naramdaman niya para rito at hindi niya alam kung bakit. May iba siyang pakiramdam nang sabihin ni Kristoff sa kaniya na gusto siya nito pagkatapos noong mag – away sila minsan.
Nagkakaroon na ng mga tanong ang isip niya bakit hindi pareho ang nararamdaman niya sa dalawang taong nagsabi na gusto siya ng mga ito. Tuloy, katahimikan ang nabigay niyang sagot kay Enri at ang naguguluhang ekspresyon sa kaniyang mukha.
"So bukas hindi mo na ako kasamang mag – lunch?" Mukhang napansin nitong natahimik siya kaya nagsalita ito ulit.
"Hmmm. I promised Ash that I'll join them tomorrow. But we can have lunch the day after tomorrow, kung gusto mo."
Enri's face looked really pleased. "Is that a promise?"
Tumango siya at ngumiti. "Promise."
*****
What do you think about Enri guys? Ano kaya magiging role niya sa buhay ni Oreo?
Salamat sa votes at comments!
Love & Light,
BC
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top