[ 0 2 ]

To be a tour guide, you need to guide yourself on the right path first before others'. How will they trust you if you don't have the courage enough?

Ito na tumakbo na naman ako papunta sa aking silid at nagmadaling linock ito. Oo, as usual nagbibihis na ako. Nakakahiya naman kay Juan at Michael.

Ang sabi ni Prof Lily, yung teacher namin sa Path Fit or Physical Education, wear something decent and proper attire when dancing or demonstrating dance steps. Ito ako ngayon, naghahalughog na naman ng mga damit.

Pagkalabas ko ng kwarto, naabutan ko pang tumatawa si Juan habang nagkukuwento kay mama kung ano raw ang mga kalokohan ko minsan sa chat.

"Sus, huwag ka maniwala riyan kay Juan, ma! Bolero ang isang 'yan." Napatawa naman siya kaunti sa aking sinabi at tinignan ako na tila ba nagsasabing ikaw-ha-lagot-ka-sakin-look.

Si Michael kasi ay taga kabilang bayan pa at nagpunta lang naman siya rito dahil nga barkada namin siya at magvi-video kami ng dance project namin. Si Rose ang nagchoreograph ng steps, tuturuan ko nalang soon si Luisita hindi pa siya makakapunta rito sa aming bayan sa ngayon sapagkat babawi raw siya next time.

Ang totoo niyan nagpatulong ako sa kanila na ipaalam nila ako sa bahay, hindi ako papayagang wala kasama. Isa pa, mabait naman sila, lalo na si Juan.

"Ma, mauna na kami baka malate pa kami." Tumango naman siya at agad kaming lumabas.

"Tito at Tita, una na po kami, hindi po kami masyado magtatagal. Salamat din po sa pagkain." Aba! Kinain pala nila iyong letche flan puto. Huhu. Hayaan na nga.

"Lala, antayin niyo na papa mo. Pahatid na kayo sa kaniya, saan ba ang pupuntahan niyo?" Sabay tingin niya sa aming tatlo.

"Saan na nga punta natin, Stella?" Tanong naman sa akin ni Juan na mukhang hindi alam ang lugar na 'yon. Hahaha! Ulyanin na ang Lolo, char.

"Tita, roon pa lang po kami kila Rose magpa-practice ng steps ng sayaw." Tumango naman si mama at inabutan ako ng allowance at huwag-gastos-nang-gastos-look at napatango naman ako sa kaniya.

"Hoy Isko! Dalian mo riyan!" Tumango naman ang bunso kong kapatid na nagsusuklay ng kaniyang buhok sa ngayon. Sa second name niya ko siya tinatawag parati o sa kaniyang palayaw mas maganda pakinggan eh.

Hindi naman gaanong mabigat ang daloy ng trapiko sa ngayon bagkus ay katamtaman lamang at inabot kami ng mga 30-45 minutes travel lang naman.

Agad naman kaming nakarating sa bahay nila Rose, kung tutuusin yayamin din ang isang ito. Hindi lang halata sa kaniyang pananamit at kilos pero sa bahay palang ay magarbo na. Light blue ang kulay nito na mayroong palamuting garlands sa hamba ng pintuan at mukhang abala ang kaniyang lola at inay sa pagsasabit ng mga palamuti.

Nang una, nahihiya pa kaming magtanong sa kanila pero kalaunan ay nagtanong na si Juan.

"Uhh, mawalang galang na po Lola, maaari po bang magtanong?" Agad namang tumayo ang isang matandang nasa lagpas sisenta anyos na at may pagkakuba na rin ang kaniyang katawan dala na rin siguro ng kaniyang pagtanda.

"Ano iyon mga iho at ineng? Ano ba ang maipaglilingkod ko sa inyo?"

"Mawalang galang na po, pero rito ba nakatira ang taong nagngangalang Rose Santos, lola?"

Agad naman kaming tinignan ng lola ng mabuti na tila ba kinikilatis kami. Si Juan at ako ay taga-rito sa bayang ito na, hindi katulad kay Michael na napapasyal lamang dito kadahilanan na rin ng aming proyekto sa pagsasayaw.

"Si Rose ba? Naku! Iyon ang kanilqng bahay." Sabay turo sa amin sa deretsong daan pa at sinabing kung makikita namin ang bahay na kulay cream ay doon kami tumungo at tumango naman kami sa tugon ni lola.

"Maraming salamat po, lola." Ani ko naman.

"Oh, Stella. Halika na, ikaw din Michael." At agad namang hinawakan ni Juan ang dala-dala niyang bisikleta, naku! Ang isang ito talaga ang hilig magbisikleta.

Napatanaw naman agad kami mula sa hindi kalayuan na cream na bahay mukhang ito na iyon. Sila papa at Isko? Ayon sabi namin, hatid nalang nila kami sa may tabi ng bookstore at isinakay nalang ni Juan ang kaniyang bisikleta at isinakay ko rin ang skateboard ko kanina sa likod ng aming pick-up.

You sent a message to Rose Santos.

You: sis, nasa tapat kami ng bahay niyo.

You: saan ka na?

Rose: wait lang sis, utusan ko si kuya na siya muna mag-asikaso sa inyo saglit.

"Naku, mga ading halika kayo, tumuloy kayo rito! Naliligo pa lang kasi si Rose, hintayin niyo na lang." Napatango naman kami at kumayaw sa kanilang mama at sinabing gagawa kami ng proyekto, pumayag naman siya, basta huwag daw kami masyado lalayo-layo.

Kung tutuusin baka nga sa Luneta nalang kami mag-practice. O sa Memorial Circles sa Quezon.

Siyempre maga-MRT nalang kami upang mapadali ang punta roon tapos magji-jeep at kaunting lakad. Oh 'di ba? Hehe.

Mga ilang minuto rin kami sa loob ng tren nakatayo, well lalo na sa akin na sobrang liit. Kanina pa nga ako inaasar ni Juan na umupo nalang daw ako baka raw di ko abot yung hawakan sa tren. Haynako, ang hirap naman kasi maging maliit huhu, nakakainis talaga ang kasama naming ito, nacu-cutean sa height ko.

Agad na tumawag sa akin si Luisita at agad ko naman itong sinagot.

"Antayin ko nalang kayo rito sa bandang Luneta, Maria, ha?"

"Oo, antayin mo kami riyan, magdala ka na ng extra speaker just in case."

"No problem, sis. Always ready."

"Guys, dalhin ko itong isa pang speaker at power bank, para may gagamitin tayo inkaso na mahina ang volume sa phone na gagamitin." Tumango naman kami sa sinabi ni Rose, kahit kailan talaga ang isang ito'y napakasipag magdala ng malaking bag.

"Oh siya, ibababa ko na sis. Kitakits nalang dito sa Luneta!"

"Ingat, sis!"

At agad kong linagay muli ang aking selpon sa bag at napagpasyahan naming magpaalam na kila kuya ni Rose at linakad na ang patungong Luneta.

Samo't saring mga mukha ang maaaninag mo rito. Tila ba naging isa ito sa mga tanyag na pasyalan sa lawak ng Maynila. Napaka-ganda rin kasing pagmasdan ng tanawin ng mga maliliit na mapa ng Pilipinas.

Sabayan pa ba ng daanan nitong agwa sa kahoy o kung tawagi'y bridge. Pumunta kami sa isang open area na damuhan banda sa Luneta upang magset-up na.

And then the music started, we played the music, people starting to make some easy steps and dance with the beat samantalang ako? Ina-analyze ko pa saglit ang ilang mga steps bago ko tuluyang sayawin.

Luckily and unluckily kaya ko namang sabayan ang ilang steps, si Juan. Nandiyan pinapanood ako sa bawat kamali ko, minsan tinatawanan ako o tinuturuan niya ako. Buti nalang at magaling sumayaw ang isang ito, laking pasasalamat ko at nariyan siya upang turuan ako sa steps.

Bigla ba naman pinatugtog ulit ang kanta at sumayaw kaming muli. Medyo nakaka-pagod ang steps pero kakayanin it's a matter of sacrifice and struggle.

WOOOH, YES NAMAN SASAYAW PARA SA GRADES! LET'S DO THIS 4-A AB MASS COMM. WAHAHAHA! I LOVE DANCING PERO UNEXPECTED BA NAMAN KASI ANG ISANG ITO.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #teenfiction