[ 0 1 ]

08/05/2020
19:32 P.M.

There's a new message in your group ABMASSCOMMBARKADS.

ABMASSCOMMBARKADS

Marko Juan Alegrio sent a message to your group chat ABMASSCOMMBARKADS.

Marko Juan: Guys, nakapasa na ba kayo ng gagawin sa Broadcasting?

Michael: Iyong gagawa ba ng ano brad?

Marko Juan: oo, yun nga brad.

Michael: Wait! You mean either audio record or on camera talaga?!

Rose replied to Michael's message: Wait! You mean either audio record or on camera talaga?!

Rose: Kailangan ngang mga 5 minutes yata eh.

Luisita: Uy, anong ganap dito sa 4-A?

Luisita: Guys?

Michael: Iyong pinapagawa ni Professor Lonie sa Broadcasting Class niya.

Michael: Deadline na sa susunod na linggo.

Rose: Kasalukuyan pa lang akong gumagawa ng script ko, you know naman.

Marko Juan: Naks, sipag naman!

Marko Juan Alegrio mentioned you in the group chat ABMASSCOMMBARKADS.

Marko Juan: @Maria Stella Escoda

Maria Stella: whyy?

Marko Juan: Ba't AB Mass Comm pinili mong course no'n?

Maria Stella: secret, I have my reason, to follow dreams and etchetera.

Marko Juan: btw @Stella, taga saan ka?

Maria Stella: Bacoor, Cavite, why?

Marko Juan: milktea tayo?

Marko Juan: my treat

Maria Stella: Ehh, ahm...

Marko Juan: 5

Marko Juan: 4

Marko Juan : 3

Marko Juan: 2

Maria Stella Escoda replied to Marko's message 2.

Maria Stella: Eh, nahihiya ako, lalo hindi pa kita nakikilala in person. Hahaha!

Marko Juan: 1

Marko Juan: ghe, next time nalang.
Seen by Rose, Stella, Luisita and 7 others.

08/06/2020
09:35 A.M.

Lonie Dela Cruz sent a message to your group ABa MASSakit COMMpara sa dati 4-A.

Prof Lon: Good morning class, I'm sending you this message to inform you that, you still have a week to finish your requirement in my class Broadcasting. Please inform me if you're already working on it. Thanks.

Marko Juan Alegrio sent a message.

Marko Juan: Hey, Stella. Tapos mona? Broadcasting?

Rose Mendez replied to Lonie Dela Cruz's message in your group ABa MASSakit COMMpara sa dati 4-A.

Rose: Currently on progress po kami sa paggawa ng requirement na ibinigay niyo Prof. Hehe.

Rose Mendez sent a message.

Rose: sis, u need to wake up na! Umeepal na naman sila Niña sa gc kakatanong kay Prof. Daliii!

Marko Juan Alegrio reacted to your story.

Marko Juan Alegrio replied to your story.

Marko: HAHAHA! Cram pa nga lods, 'sipag masyado.

Niña Santos mentioned you, Marko Juan Alegrio, Lonie Dela Cruz and 19 others on the group ABa MASSakit COMMpara sa dati 4-A.

Niña: Prof @Lonie, kailan po pala iyong sinasabi niyong On Job Training namin? Hehe, mahahati po ba kami ng group nila?

You replied to Niña Santos' message in your group ABa MASSakit COMMpara sa dati 4-A.

Stella: Sabi naman po kasi ni ma'am, we need to finish our requirement sa kanya and wait for further announcements po. Hehe. Skl.

And then I excited my messenger marami pang sumunod na message riyan at sinabing tama raw ako. Kesyo ba't ba kasi nila minamadali si Prof Lonie or Profie Lon eh abala rin naman siyang tao.

Atsaka Sabado ngayon, kailangan kong mag-general cleaning sa aking mumunting room. Hindi man kagandahan o kalakihan, pero mas mainam na iyong malinis at presentable parati. Ayoko namang mapagalitan ako ni mudra atsaka nagda-dalaga na 'no.

Dieci-nuebe anyos na ako sa lagay na ito at never akong naging pabaya sa aking pag-aaral. Kung may kaunti man akong kamali, minsan nadidismaya ako, yes, study to future conscious ako, pero hindi naman iyon hadlang sa aking pangarap kasi alam kong pagsubok lahat ng ito.

Ika nga ni Robert Kiyosoki, Failure defeats losers but inspires winners. May pananaw ako sa buhay, hindi ako ordinaryong estudyante lamang, may ipinaglalaban din ako dahil sa isang istoryang sabihin na lamang nating Kung paboratismo ang labanan, wala kang magagawa sapagkat halos lahat ng mga kalaban mo riyan ay mga gahaman.

Linis dito, linis doon, hay nako ito na naman ang mga damit na nagkalat sa aking kama. Napaka-hirap ba naman kasing mamili ng mga damit minsan kahit nasa bahay ka lang. Like, hello? You feel me? I feel you, hahaha charot.

"Stella, kakain na 'nak. Gumising ka na riyan! Maga-alas-nuebe na oh!" Sigaw ni mama na mukhang nagluluto pa sa kusina ng adobo. Hmm, ang sarap, naaamoy ko na agad ang mahalimuyak na bawang nito at mamantikahing karne.

"Opo ma, aayusin ko lang ang aking kwarto at ililigpit ko lamang ang aking kama." At nagmamadali akong nagligpit ng mga kumpol na kalat ko rito.

"Mama, Papa, kasano detuy Science ko? Answeramun ah!" ("Mama, Papa, paanong itong asignatura kong Science? Sagutan mo na ah!")

Ganiyan talaga ang kapatid kong bunso, napaka-kulit pero ubod din ng sipag 'pag nagmo-modules. Binilisan ko ng kumain at agad tumakbo sa kwarto para kunin ang aking tuwalya't bath robe at dali-daling isinara ang pintuan ng CR.

Pakanta-kanta pa nga 'ko sa banyo nang may biglang sumigaw sa akin mula sa sala.

"Hoy Lala Estella! Bilisan mo riyan! May naghihintay na dalawang lalaki sa iyo sa labas!" What the? Anong dalawang lalaki?!

"HA?!" Napatigil na ako sa pagliligo't napatigil sa sinabi ni mama.

"Hinahanap nila kung dito raw ba nakatira ang Maria Stella Escoda, may project daw kayong gagawin!"

Oh shocks! Ngayon ko lang naalala kaya pala nag-message sa akin si Juan kagabi?!

Marko Juan Alegrio sent a message to you.

Marko Juan: Hey, anong oras ka namin susunduin bukas ni Michael?

Marko Juan: ghe, sunduin ka nalang namin 9 A.M. hai.

You replied to Marko Juan's message ghe, sunduin ka nalang namin after lunch. hai.

Maria Stella: baka tulog pa 'ko niyan. Hoooy!

Hindi naman kasi siya nag-reply sa akin kagabi. Amp! Hindi rin naman ako nag-online kanina.

Haynako, mukhang ang kapatid ko at si Yaya Rosing ang nag-aayos sa bahay kanina habang tulog ako. Paano ba naman kasi, ang sarap manood ng Korean Drama na Hotel Del Luna kagabi eh. At mayroon pa akong tinapos na script kagabi and may nagpatulong sa akin sa module nila.

Hehe, you know na. Be business minded din minsan para magka-income. Hahaha! Oh 'di ba! Natutunan ko sa Entrepreneurship Class namin noong nasa Senior High School ako na minsan, walang masama sa pagnenegosyo sa simpleng paraan, ang mahalaga'y kumita ka sa tamang diskarte't paraan.

HUMSS Graduate ako noon, opo, With Honors Student. Pinagpala ako ng Panginoon, maraming rason para magpasalamat ako sa kaniya sa bawat biyayang ibinigay niya sa akin.

Aminado akong hindi man ako sobrang anghel ang ugali na minsa'y may pagka-demonyo. Alam ko namang maging thankful sa blessing na mayroon ako at mangrespeto sa kapuwa ko. Pinalaki akong dapat maruno kang makuntento sa kung anong mayroon ka.

May pananaw din ako sa buhay na, I am a competitive person in a way na, hindi dahil gusto kong may i-brag but rather a way to achieve my success. Ewan ko ba, determinated and motivated ako eh, ever since bata pa lang ako sinasabihan na nila akong matalino raw at sana ay gamitin ko raw ito sa tamang paraan upang makatulong din sa iba pa.

LAGOOOT! IYON PALA ANG TINUTUKOY NI JUAN! NA SUSUNDUIN NIYA/NILA AKO!

WAAAH! LAGOT AKO NITO KAY MAMA AT SA KANILA! NAKAKAHIYA! PINAGHINTAY KO PA SILA!

Nakangisi pa siya sa akin at tumatawa habang pailing-iling ng nakitang nagsusuklay pa lamang ako ng buhok kong kakatapos kong i-blower.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #teenfiction