Chapter 4
"Daddy two, you're here!" masayang bati ng bata nang papalapit na ang lalaki sa kanila. Parang gusyo niyang himatayin sa narinig.
Daddy daw? Anak niya si Gracie? Pero hindi naman sila magka apelyido. OMG. Illegitimate child?
Sunod – sunod ang tanong sa isip niya. Hindi siya makapaniwala sa narinig at parang biglang sumakit ang puso niya. Ngunit mas nanlumo siya na ang magandang batang si Gracie ay anak sa labas. Hindi na nakapagtataka kung bakit nasabi ng kaibigan niyang si Eliza na mayaman ang pamilya ng batang ito. Anak siya ng isang Almeida.
"Hi baby, how are you?" tanong ni Arkhee sa bata at naupo ito sa kabilang bahagi ng kama. Napakagwapo ng mukha nito habang nakangiti sa batang babae. Hinalikan pa nito si Gracie sa noo bilang pagbati.
"Daddy two. This is Doc gorgeous. She's taking care of me. She's really pretty, right? Can you marry her?" anang bata na binalingan siya ng nanunuksong tingin. Nanlaki ang kanyang mga mata sa sinabi nito. Hindi ba alam ng batang ito na naririnig siya ng kanyang ina? Baka mapatay ako ng nanay mo sa selos!
Bago pa man may makapagsalita ay nag react na agad siya. "Pretty girl, ahmm...I have to go see another patient. I'll be back tomorrow to check on you again." Pagpapaalam niya rito. Agad din siyang tumayo dahil naiilang siya sa tingin ni Arkhee sa kanya. Hindi man lang ito ngumingiti sa kanya. Natatakot man ay nilingon niya ang mommy ni Gracie at pilit na ngumiti. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Hindi niya alam ano ang dapat maramdaman. Baka bigla na lang siyang sunggaban ng mommy ng bata dahil tinutukso siya nito kay Arkhee. Pinakalma niya ang sarili saka hinarap ang babae. Ngayon lang niya nakatitigan ito. Maganda, maputi, matangkad at sexy na parang hindi dumaan ng panganganak.
Nakaramdam siya ng kirot sa dibdib. Ang buong akala niya ay binata ito dahil palagi itong nafe – feature sa mga magazines at tv shows. And there were no news that this good – looking man got married or had a child. Hindi niya rin nabasa na meron itong idinidate recently. Pero baka nga secret lang ito dahil makakasira ng image niya.
She took a deep breath before words came out from her mouth. "Ahmm...if you need anything just tell the nurse on duty. Nakapagbigay na rin naman nako ng instructions sa kanila so if may inquiries ka or may maramdaman si Gracie, just inform the nurse para ma – update nila ako."
"Sige po doc. Thank you," ngumiti ito sa kanya na tagos sa puso. Hindi niya maintindihan kung bakit may gana pa itong ngumiti sa kanya sa kabila ng sinabi ng anak nito. Baka sanay na ito sa mga jokes ng anak kaya hindi na nito sineryoso ang sinabi. Siya lang ang over-acting, kasi nga naman may crush siya kay Arkhee. Napilitan na siyang tanggapin iyon sa sarili.
"I have to go. I still have other patients, eh." Of course that was lie. Gracie's her last patient but she needed to escape this very awkward situation she's into. Ngumiti siya sa kaharap at dagling lumingon sa batang babae. "Bye, pretty girl! I'll see you tomorrow."
"Bye doc gorgeous! You and my daddy two will look good together!" Kumaway si Gracie sa kanya at ipinalipat – lipat ang tingin sa kanya at sa gwapong si Arkhee. Hinintay niyang lingunin siya nito pero mukhang hindi ito interesadong sulyapan man lang siya. Bumuntong – hininga na lamang siya saka tinungo ang pinto. Sungit!
Gwapo si Arkhee pero ngayon niya lang narealize na matindi ang mood swings nito. Papansin ito noong magkita sila sa restaurant tapos ngayon parang hindi siya kilala.
"Hindi ko rin siya pwedeng pagnasaan dahil may asawa at anak na siya..." bulong – bulong niya habang naglalakad ulit sa lobby. Inilagay niya ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng kanyang white coat at nagkibit – balikat na lang. Pababa na siya ng hagdan nang marinig niyang may tumawag sa kanyang pangalan.
"Dessa!" anang pamilyar na tinig. Napalingon siya sa papalapit na lalaki. That handsome face again. Napagtanto niyang matangkad nga talaga si Arkhee ngayong pareho silang nakatayo at magkaharap. She had to look up just to meet his eyes gazing back at her. She tried to face him with a blank expression but it was too hard to manage.
"Yes? Something wrong with Gracie?" She acted professional as much as she could.
"I...I just wanted to say thank you," anito saka nag – offer sa kanya ng kamay. Bahagya siyang nagulat sa ginawa nito pero agad din siyang nakabawi at tinanggap ang kamay ng lalaki. An electrifying sensation ran through her veins and went straight to her heart. She could hear it pounding so loud.
But it was a good feeling for her holding his hand. Napakalapad ng mga kamay nito at kahit siya ay hindi magsasawang hawakan ito. Napansin niyang parang natigilan din ang lalaki pero nakabawi rin ito agad sabay nang paghihiwalay ng kanilang mga kamay. That was just a normal handshake! Don't panic!
Nagtama ang kanilang mga mata na para bang may gusto silang sabihin sa isa't – isa. Subalit nauna pa rin siyang nag – iwas ng tingin sa lalaki. Nagsisimula na siyang mailang at hindi siya expert sa mga ganitong sitwasyon. She's starting to get uneasy. Masama ito!
Namuo ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Nahihirapan na siyang huminga sa awkwardness na nararamdaman niya. Mabuti na lang ay nakapagsalita na rin ang lalaki.
"Ah...my calling card, were you able to keep it?"
"Ye-yes. Thank you." Tipid niyang sagot.
"If you need anything, don't hesitate to give me a call. We owe you a lot," then he smiled to her. Natulala na naman siya sa mga ngiting nakikita niya sa mukha nito. Malas naman. May pamilya ka na...
"It's my job to save lives. And I'm happy to take care of your daughter..."
Kumunot ang noo nito nang marinig ang sinabi niya. "Daughter? You mean Gracie?"
Alam ni Dessalina na bakas sa mukha niya ang confusion sa tanong nito. May iba pa ba kaming pinag – uusapan bukod kay Gracie? Bakit parang hindi kami nagkakaintindihan ng taong ito?
Tumawa ito bago patuloy na nagsalita. "Ikaw ba talaga ang doctor ng pamangkin ko? Mukhang hindi ka masyadong interesado sa profile ng mga patients mo ah."
Sa pagkarinig niyon ay alam niyang namula ang pisngi niya sa kahihiyan. Pero hindi naman siguro niya kasalanan na mag conclude na anak sa labas si Gracie nito dahil nga daddy ang tawag nito dito. Iyon pala ay pamangkin niya lamang ang bata. Nakakaasar! Naturingan akong doctor pero para akong tanga sa harap niya.
"I...I just thought...well, never mind. I'm sorry for thinking that way. You're right. I'm not interested with my patients' profiles. As long as I can save them and I know their history, that's all that matters to me. VIP or not."
Good grief! Pasalamat ka matalinong bata ka Dessalina. Madali kang nakakalusot sa mga ganitong sitwasyon.
"Hmmm...impressive. You always say something that makes me want to know you more." Although Arkhee said it coldly and with a blank expression, it did not stop her heart to flinch while hearing those words from him. Palagi na lamang siyang naiipit sa ganitong pangyayari kapag nakakasama niya ang taong ito. Naiinis siya dahil masyadong unpredictable ang lalaki sa mga sinasabi nito at hindi niya mapigilan ang sariling mag react. She's getting disappointed with herself because she can't guess what is going on inside the head of this man.
She faked a smile. "I'll take that as a compliment Mr. Almeida. Now, if you'll excuse me. I have somewhere else to go."
Nang akmang tatalikod na siya ay naramdaman niya ang malapad na kamay ni Arkhee sa kanyang braso. Napatitig siya sa kamay nito at napatingin ulit sa mga mata ng kaharap. Para siyang matutunaw sa mga titig nito sa kanya. Para bang nangungusap ang mga mata nito na huwag siyang umalis ngunit hindi naman ito nakangiti sa kanya. Pabilis ng pabilis ang tibok ng kanyang puso. Palakas ng palakas na kahit ayaw niyang marinig ay wala siyang magawa.
"Have a date with me, Dess."
Feeling niya may sumabog na bomba nang marinig ang mga sinabi ni Arkhee. Gusto niyang ipaulit ito dahil baka nag – iilusiyon lang siya. Hindi niya inaasahan na maririnig ang mga salitang iyon sa lalaki. Tama ba ang narinig ko? Date?
Mabilis siyang nag – isip ng masasabi upang hindi mahalata ang kanyang pagkabigla. "I'm sorry, Mr. Almeida. Unfortunately, I don't date my patient's relatives. I believe it's against hospital rules."
Mabilis niyang binawi ang braso sa kamay nito at kumaripas ng takbo papalayo. Alam niyang kapag nagtagal pa siya sa sitwasyong iyon ay baka hindi na siya makapagpigil pa. Alam ni Dessa na hindi ganoon kalakas ang puso niya na tumanggi sa gwapong si Arkhee. Nagmukha siguro siyang teenager sa paningin nito dahil sa kanyang pagmamadaling makalayo rito.
Nang sa tingin niya ay malayo na ang narating ng kanyang pagtakbo, napaupo siya sa isang malapit na bench. Habol ang hininga, tinakpan niya ng dalawang kamay ang mukha at napailing na lamang.
What the hell just happened? He's just a crush, nothing more than appreciating his physical appearance. But why does my heart feel like it's going to explode when he asked me to go out with him? I have to be more careful with him. He's so unpredictable and I am never a fan of unpredictability.
*****
A/N:
Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Dessa, papayag ka bang makipagdate kay Arkhee?
Salamat po in advance sa pagboto at pag comment!
Love & Light,
BC
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top