Chapter 3

"Naku teh, hindi siya worth it! Kaya kung ako sa'yo mag move – on kana!" sita sa kanya ng kaibigan niyang si Eliza nang mapansing tulala na naman siya. Nasa katabing coffee shop sila ng ospital na pinagtratrabahuan nila.

"Oo nga teh! Hindi naman kagwapuhan si Gio kaya 'wag ka na magmukmok diyan dahil magkaka wrinkles ka na!" dagdag naman ng kaibigan niyang bakla na si Baden matapos nitong sumimsim ng order nitong green tea.

"Naaalibadbaran ako sa inyo..." She rolled her eyes and took a sip of her espresso. Kahit inaasar siya ng mga ito ay hindi niya rin magawang magalit sa mga ito. Eliza's the VP for finance of St. Andrew's Hospital and Baden is a nurse. They've been friends since their college days. Kaya hindi niya lubos maisip na magsasama silang tatlo sa iisang lugar at magiging colleagues pa.

"Oi...affected talaga siya. Baka naman talagang nain – love kana sa kutong lupang 'yon?" nang – iinis na tanong ulit ni Baden. Mag – iisang linggo na nang mangyari ang kamalasan niya nang iwan siya ng lalaking si Gio matapos niya itong bastedin. Halos isumpa niya ang lalaki habang kinikuwento niya ang napagdaanan sa mga kaibigan. Ngunit ang talagang nakakapagpatulala sa kanya habang inaalala ang mga napagdaanan ay ang gwapong si Arkhee Almeida. That man was indefinably gorgeous, I must admit.

"Doc, stop thinking too much. Baka ikaw na ang maospital niyan sa sobrang pag – iisip," reklamo ni Eliza na iniwagayway pa ang kamay sa harap ng mukha niya nang hindi na naman siya umimik.

"I know, right. Newsflash: A neurosurgeon has brain issues!" napangiti na lamang siya sa kanila at ibinalik ang ulirat sa iniinom na kape. Ayaw na niyang patulan pa ang mga hirit ng mga kaibigan dahil alam naman nilang hindi ito totoo. Pinapagaan lang nila ang loob niya at iniiba ang ihip ng hangin dahil medyo na – stress siya sa huli niyang operasyon.

She can't let a child die, not on her watch. Her patient was just seven years old and she can't bear the pain if she didn't do her best to remove the tumor. Napakagandang bata pa naman ng kanyang pasyente at hindi niya gugustuhin na hindi ito mabuhay ng normal. Napabuntong – hininga na naman siya. Mabuti na lamang at may mabubuti siyang mga kaibigan na sinasamahan siyang mag – unwind.

"Doki, alam mo bang sobrang yaman ng pamilya ni Gracie?" tanong ni Eliza. Of course, Eliza knew about this dahil siya lang naman ang boss ng finance department ng ospital.

"Talaga ba?" ani ni Baden.

"Yup. They have an empire of hotels and restaurants all over the world. Siguro kung pwede sa Mars magpatayo ng hotel, nagpatayo na rin sila doon."

"No doubt it was easy for them to pursue the operation. It was a difficult case, I must say." Dess took a bite of her blueberry cheesecake and smiled.

"Mabuti nalang talaga magaling ka bestfriend! May tiwala ang pamilya sa'yo! Biruin mo, pwede naman silang magpa – opera sa ibang bansa pero pinili ka pa rin nila. They really trust you," pamumuri ni Baden sa kanya na kasama niya rin kanina sa operating room.

Nagpapasalamat siya sa Diyos sa pagbibigay sa kanya ng kakayahang makapagligtas ng buhay. She just saved another young life and it made her feel better about herself. The only thing she can be proud of is her passion – saving lives. Kung iisipin, tama nga naman ang mga kaibigan niya, Gracie's family trusted her too much that they allowed her to operate on her. Even though they can afford to travel abroad and let foreign doctors examine Gracie's case, they still chose her, believing that she can save their angel.


Napangiti siya. She did well on this case. Nakakailang beses na din siyang nakapag – kulikot ng ulo at hindi naman sa pagmamayabang, lahat iyon successful. She's one of the best and sought-after neurosurgeons in the country.

-----


Naglalakad sa lobby ng ospital si Dessa. Binibisita niya ang kanyang mga pasyente at nasa huling pasyente na siya, si Gracie. Kumatok muna siya bago binuksan ang pinto at tuluyang pumasok. Ngumiti siya nang makitang gising ito habang nakahiga sa kama. Gumanti ng ngiti si Gracie sa kanya. Tumayo naman ang kanyang ina na noo'y nakaupo sa gilid ng kama nito.

"How are you feeling pretty girl? May masakit pa ba sa'yo?" tanong niya sa bata nang makalapit siya rito at naupo sa silyang katabi ng kama.

"I'm fine doc gorgeous! Thank you for taking care of me," bigla siyang natawa sa sinabi nito. Ang bata – bata pa marunong nang mambola. Hinaplos niya ang ulo nitong may bandage saka nagsalita.

"You're welcome pretty little lady. When you get better and you're out from the hospital, can I have a date with you? My treat! But you have to make sure you'll follow the doctors' orders, okay?"

"Yay! I promise I will! Can we go to Disneyland together doc gorgeous?" nakangiting tanong ni Gracie na itinaas pa ang kaliwang kamay.

"Disneyland?!? That's a little too far for a date with you. But I'll see what I can do if you do good." Magiliw niyang tugon dito. Gusto niyang palakasin ang loob nito, gusto niyang kahit sa simpleng mga salitang iyon magkaroon ito ng dagdag na rason para magpatuloy sa buhay. Ano nga ba naman ang alam ng isang bata sa buhay? She wants her to live. She wants her to live a little longer in life.

"Yehey! Doc gorgeous, do you have a boyfriend?" natigilan siya sa tanong nito. Aba't marunong din pala ito ng salitang 'boyfriend'. Nilingon niya ang ina nito na nakangiting nakatingin sa kanila. Bigla siyang nakaramdam ng hiya. Sa lahat ng pwedeng itanong ay iyon pa ang naisip ni Gracie. Hindi niya kayang mag sinungaling sa harap nito.

"Ah...eh...why would you like to know pretty girl?"

"Because my da---" naputol ang sasabihin ni Gracie nang marinig nilang bumukas ang pinto. Napalingon siya at halos mahulog siya sa kinauupuan nang makita kung sino ang bagong dating. Arkhee.

Her jaw dropped while staring at him. At last she saw him again. His handsome face lingered on her mind for awhile now at hindi niya maintindihan kung bakit.

"Daddy two, you're here!" masayang bati ng bata nang papalapit na ang lalaki sa kanila. Parang gusyo niyang himatayin sa narinig

Daddy daw? Anak niya si Gracie? Pero hindi naman sila magka apelyido. OMG. Illegitimate child?


*****

A/N:

Ano sa tingin niyo? Anak nga ba talaga ni Arkhee si Gracie?


Pwede pong mag vote at comment! 


Love & Light,


BC

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top