Chapter 2
Right. Arkhee Almeida. One of the youngest and wealthiest businessmen in the country. She have seen him in various magazines and shows featuring business people creating empires at a young age. Pero hindi niya akalaing abot langit pala ang kagwapuhan nito sa personal. Sino ang mag – aakalang kilala siya nito?
"Bakit ata mag – isa ka ngayon? Nasaan si Gio?" Nagpanting ang kanyang mga tainga nang marinig ang pangalan ng taong nagpahirap sa kanya ngayong araw. Nagbalik ang kanyang matinong pag – iisip dahil sa tanong ng guwapong kaharap.
"Please don't mention his name. Baka hindi ako makapagpigil," gigil niyang pahayag na mababakas sa mukha ng kanyang kaharap ang pagtataka sa kanyang sinabi.
"What happened? May ginawa ba siya sa'yo? You seem upset."
Napabuntong – hininga siya at nag – isip kung dapat niya bang sabihin dito ang nangyari ilang oras lamang ang nakakaraan. Kaibigan maaari nito ang walang modong Gio na iyon kaya bakit siya magtitiwala dito? Nakagat niya ang ibabang labi. Gusto niyang sabihin ang kanyang nararamdaman ngunit pinipigilan niya ang sarili.
"I'd rather not share it to you, Mr. Almeida, right?" kinuha niya ulit ang kutsarang nabitawan niya kanina at tinikman ulit ang kanyang sopas. Hindi na ito masyadong mainit kaya nakakain na siya ng maayos. Ibinaling na lamang niya ang sarili sa pagkain at hindi na inintindi pa ang gwapong si Arkhee. Ngunit kahit hindi niya ito tingnan, alam niyang nakamasid ito sa kanya. Dagli, natubuan siya ng consciousness at itinigil ang ginagawa.
"Anong problema mo? Wag mo 'kong panoorin. Kung gusto mo, mag order ka rin ng sa'yo."
Ngunit imbes na mairita sa sinabi niya ay ngumiti lamang ito saka nagsalita. "You rejected him, I see." Patango – tango pa ito. Nanlaki ang kanyang mga mata sa narinig. Paano nito nalaman ang nangyari sa kanila ng arkitektong si Gio? Hindi naman siguro nito itsinismis ang pagbasted niya rito.
"I don't know what you heard but I tried to be nice and fair with him. Rejection is a redirection. Sometimes people can't see that it's the best thing for them because they tend to be overwhelmed of their emotions. But I'm sure your friend will find someone who suits him more. I'm just not the person he's looking for."
She smiled bitterly. Kahit gusto niyang magmura at isumpa ang pangalan ni Gio ay alam niyang hindi iyon ang nararapat. I can't afford to lose my peace of mind. So I guess this is the best thing to do. Move on, Dessalina.
Nang tingnan niya si Arkhee ay bakas ang pagkamangha sa mukha nito ngunit dagli rin itong nawala nang ngumiti ito sa kanya. Hindi niya alam kung anong iniisip nito. Mahirap basahin ang tulad ni Arkhee dahil masyado itong magaling mag project, malamang nagagamit nito ito sa pag nenegosyo at pakikipag – deal.
"I know it's not my business. But finally someone made Gio realize that there are women who can't be bought. And I thank you for that. The news about you are true, you are a very smart woman." He then smiled gorgeously. "I like you."
Bakas sa mukha ni Dessa ang pagkagulat sa binigkas ng lalaki. Biglang lumakas ang pagtibok ng kanyang puso na para bang nangangarera ito. Hindi niya alam kung anong dapat na reaksyon dahil unang una hindi naman niya manliligaw ang kaharap. Pangawala, ito ata ang unang pagkakataon na maencounter niya ang taong ito. For a handsome stranger to tell her he likes her is unexpected.
"Ah...eh...I already rejected one today, quota na ako kung irereject pa kita..." pagbibiro niya para maibsan ang kaba sa dibdib niya. Sa lahat nang pwede niyang makasalamuha ngayong araw, ay kaibigan pa ng kumag na si Gio. Tuloy, kahit gusto niyang kalimutan ang taong iyon, ito pa rin ang laman ng kanilang conversation. Nawala ang ngiti sa mukha ng lalaki bago ito magsalita.
"I've never been rejected, Dr. Velasco. But I know for sure that I work hard not to be rejected. I know for sure what I'm looking for," he stood up and took something out from his pocket. Inilapag nito ang isang calling card sa mesa.
Ngunit bago pa man ito makaalis ay inilapit nito ang mukha sa kanya. Sa sobrang lapit ay naaamoy na niya ang mamahaling pabango ni Arkhee. Pabilis pa ng pabilis ang tibok ng puso niya na halos naririnig na niya. Hindi mapakali ang kanyang pag – iisip. Bakit nga ba ganito ang kanyang nararamdaman?
Love at first sight? Imposible. Oo, gwapo siya. At mas gwapo pa siya sa malapitan. But love never happens the first time you meet. Love is choosing someone despite their flaws and staying with them because you love them no matter what.
"I'd like to know you more," bulong nito sa kanyang tainga na nagpatindig ng kanyang mga balahibo sa buong katawan.
Parang may kuryenteng dumaloy sa kanyang puso nang dumampi sa kanyang balat ang hininga ni Arkhee. Napa atras siya sa kinauupuan sa sobrang kaba. Kahit ang utak niya ay nag freeze at hindi niya magawang mag react man lamang o makapagsalita.
Arkhee chuckled with amusement as he took his face away from hers. Halatang nang iinis lang ito at matagumpay nitong nagawa ang pang bubully sa kanya. Kahit ayaw man niyang aminin, alam niyang namumula na siya. "Call me when you need me."
Tumalikod ang lalaki at naiwan siyang tulala at hindi makapaniwala. Anong nangyari sa kanya? Hindi naman siya sinaniban ng masamang ispirito ngunit parang tumilapon ang buo niyang kaluluwa. Hindi siya ang babaeng hindi marunong lumaban ngunit sa unang pagkakataon ay wala siyang nagawa. She was left flabbergasted by a man she just met on an ill-fated, rainy night. Kinuha niya ang calling card at binasa ng bahagya ang nakasulat. "Arkhee Josh Almeida..." She then gave out a deep sigh.
It was weird but good. That feeling... you don't get to feel that everyday. When was the last time I felt this way? When was the last time I actually let someone make my heart beat fast?
*****
A/N:
Naniniwala ba talaga kayo sa love at first sight?
Votes and comments are welcome!
Love & Light,
BC
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top