Chapter 1
"I'm sorry Gio, it's not my intention to hurt you. Hindi ko din ginusto na saktan ka. It's just that-" hindi na niya naituloy pa ang sasabihin dahil halos manlumo siya sa hitsura ng kaharap. Nasa isang coffee shop sila ng isa niyang manliligaw na si Gio na halos kainin na sya ng buhay kung makatitig ito sa mukha niya.
Parang gusto niyang magtatatakbo dahil sa takot na magwala at baka mapatay siya ng di oras pagkatapos niya itong tanggihan sa pag – ibig na handang ialay sana sa kanya ng lalaki.
"Bakit Dess? Ano pa ba ang kulang? Halos ibigay ko na ang lahat sa'yo, pero bakit ayaw mo sa akin?" Parang iiyak na ang lalaki at para naman siyang tinubuan ng konsensiya. Pero hindi niya kayang sagutin si Gio dahil hindi niya ito mahal. Hindi rin naman niya inaasahan na ganito katindi ang pagka gusto ng lalaking ito sa kanya.
"Gio, not because you're giving me almost all the things in the world, you can demand from me and ask something in return. Don't make this hard for both of us, please. I didn't ask you to love me and I didn't ask you to give this to me," itinulak ng kanyang kamay ang isang maliit na kaheta ng hikaw na nasa mesa. Ibibigay sana ni Gio sa kanya ito kapalit ng kanyang pag – ibig.
"Is that what you really want? Fine! You wasted everything and you will regret this. It's your loss at kapag narealize mong mahal mo pala ako, magdusa kang habulin ako!" Kinuha nito ang kaheta at umalis. Naiwan siyang tulala at shock na shock sa mga huling sinabi ni Gio.
Ang kapal ng mokong! Siya pa ang may ganang mang – threaten! Magdusa ka rin! Hindi kita type! Nagpapapadyak siyang lumabas ng coffee shop. Saka lang niya narealize na uuwi siyang mag –isa dahil sinundo lamang siya sa bahay ni Gio at hindi niya dala ang sariling sasakyan.
"Bwesit talaga. May pasundo sundo pa siya kanina, 'yun pala mang – iiwan din," galit niyang sabi habang pumapara ng taxi. Napatingin siya sa wristwatch niya, mag – aalas otso na ng gabi at parang uulan pa. Napabuntong – hininga siya at halos lahat na ata ng sasakyan ay pinapara na niya, kahit hindi naman taxi.
"Pag nabagsakan ako ng ulan dito, humanda sa'kin ang mokong na 'yon," nakagat niya ang ibabang labi nang tila wala pa ring nagpapasakay sa kanya. Isa na lang, isa na lang talaga at maglalakad na ako pauwi.
Ngunit parang minamalas talaga siya ngayong araw na ito kaya naisipan niyang maglakad – lakad na lang muna. Nagbabakasali siyang baka may pumara sa kanya kahit parang sa loob-loob niya pinakyaw niya ang kamalasan ng sangkatauhan. Sa kasamaang palad, bumagsak ang napakalakas na ulan na kanina pa ata pinipigil ng langit.
"Sh&t! Nasaan na ba ang hustisya at bakit ngayon pa ata nagsilabasan lahat ng malas sa buhay ko!?" Dali dali siyang nagpasilong sa isang malapit na restaurant at pinagpapagpag ang nabasa niyang damit.
Hindi niya lubos maisip na iiwan siya ni Gio ngunit hindi rin niya ito masisisi dahil nga binasted niya ito. Gusto niyang matawa kanina dahil parang hindi pa ito makapaniwala na tinanggihan niya ito. Halos isang buwan din silang nagtry mag date ng lalaki pero kahit anong pilit niya sa sarili na magustuhan ito ay hindi niya talaga magawa.
Masyadong minasama nito ang kanyang refusal kaya hindi na siya nagtaka na nag walk out ito sa harap niya. Buti nga sa kanya! Kala niya siguro nadadala lahat sa pera.
She sighed and fixed her long, black hair which was starting to cover her face. Inilagay niya ang buhok sa harap ng kanyang balikat at kinuha ang panyo na nasa loob ng kanyang red purse.
Pinunasan niya ang mukhang nabasa ng ulan. Napabuntong hininga na naman siya. Una, iniwan siya, pangalawa, walang pumaparang taxi sa kanya at pangatlo muntik na siyang maligo nang di oras dahil sa pagbagsak ng ulan.
"Pag nagkita kami ulit ng kumag na 'yun, humanda siya sa'kin. Hindi ko siya papansinin," himutok niya habang ang mga braso naman ang pinupunasan.
She's starting to feel cold. Sa lahat ng panahong nag suot siya ng sleeveless, ngayon pa na nasusuong siya sa matinding kagipitan. Nagsisimula nang manginig ang kanyang mga labi. Niyakap niya ang sarili. Think Dessa, think. What should you do?
Habang tumatagal lalong lumalakas ang ulan at mas lalong hindi siya makakauwi kapag ganitong parang bumabagyo, lahat ng taxi may pasahero. Nalipat ang kanyang tingin sa restaurant na nasa likuran niya. Dahan dahan siyang naglakad papunta sa entrance ng lugar at matamis na ngumiti sa security guard na nagbabantay.
"Good evening Ma'am," bati ng guard sa kanya na gumanti rin ng ngiti. Tumango lang siya at nagpatuloy na sa pagpasok sa loob. This is my best option for now. I'll stay here hanggang tumila ang ulan.
Nagpalinga – linga siya at naghanap ng pang – isahang mesa ngunit halos lahat ng mesang nandoon ay good for two or more, walang para sa katulad niyang iniwan ng kadate.
Naupo siya sa isang table na malapit sa glass window. Pinili niyang doon maupo para malaman niya agad kapag tumila na ang ulan. Nagpapasalamat siya sa sarili dahil nakapagdala siya ng wallet niya. Nakahinga siya ng maluwag nang siya ay makaupo. Okay lang na gumastos siya basta ba hindi lang siya mukhang kawawang sisiw sa labas na naliligo sa malamig na ulan.
Natapos ang kanyang pag – iisip nang lumapit ang isang waiter sa kanyang kinauupuan at kinuha ang kanyang order. Nag – order na lamang siya ng soup habang naghahanap pa siya ng ibang pwedeng oorderin sa menu. Nasagi ng kanyang mga mata ang pangalan ng restaurant na nakasulat sa itaas na bahagi ng menu.
"Ciao Bella," mahina niyang bigkas nang basahin niya ito. Bigla na naman niyang naalala si Gio dahil nakapunta na siya sa lugar na ito kasama ang lalaki. Ayaw niyang mawalan ng gana kaya hindi na niya inisip pa ito.
Napabuntong – hininga na lamang siya at tumingin sa paligid. Kahit pa masama ang kanyang alaala sa taong nakapagdala sa kanya sa lugar na iyon ay hindi niya maaring ipagkait sa sarili ang paghanga sa lugar.
The crystal – shaped bulbs of the chandeliers lightened the whole place. Beautiful paintings were hung on the walls creating a relaxing scenery for the eyes to see. This place can capture everyone's heart. Hindi na kataka – takang maraming kumakain dito kahit medyo may kamahalan. Kahit sino makakapagrelax dito, makakapag – usap ng maayos at makakapag – isip ng malalim.
She went back to what she was doing. Looking at the menu, narealize niyang busog pa naman talaga siya. Naisip niyang mag sweets na lamang para hindi naman nakakahiyang tumambay sa lugar na iisa lamang ang order niya.
Maya – maya pa ay dumating na rin ang order niyang soup. Bago pa man naka alis ang waiter ay nakapag order na rin siya ng chocolate mousse. Dahan – dahan niyang hinipan ang kanyang sopas na nakalagay sa may kalakihang mangkok na nagpainit sa kanyang nanlalamig na katawan.
"Hmmm..." excited niyang bulong habang pinangkukuskos ang dalawang kamay. Kinuha niya ang kutsara at sumandok ng kaunti. Hinipan – hipan muna niya ang mainit sa sabaw bago tuluyang isubo sa nanginginig na bibig.
"Ahhh! Ang init!" napangiwi siya at nailabas ang dila. Hindi niya akalaing napaka init pa pala nito. Pinaypay pa niya ang dilang nakatiwangwang. Kung bakit naman kasi minadali niya ang makapaghigop ng sabaw, tuloy napaso ang dila niya.
"Kainis!" Nakakunot – noong inabot niya ang isang basong tubig na kasama ng order niya. She breathe out after drinking a little amount of cold liquid. Nabawasan ng kaunti ang pamamanhid ng kanyang dila.
"Is there any problem with the soup?" narinig niyang tanong ng isang baritonong tinig sa kanyang likuran. Naisip niyang baka waiter lang ang nagtanong kaya hindi na siya nag – abala pang lumingon.
"No, it's fine. Medyo mainit pa kasi siya kaya napa--" natigilan siyang bigla nang pumunta sa harap ang kanyang kausap. Agad niyang nasara ang bibig kahit parang natulala siya sa napakagwapong mukha ng lalaking kaharap. Fallen angel ba'to? Gwapo ah...
"Dessa, right?" natauhan siya nang banggitin nito ang pangalan niya. Ngumiti pa ito at parang sa ekspresyon ng mukha nito ay ipinahihiwatig sa kanya na magkakilala sila. Napalunok siya nang mapagmasdan ang mapuputing ngipin ng lalaki. Ang mga matang amber – colored, may pilik – matang makakapal at mahahaba para sa isang lalaki at ilong nitong napaka tangos. Halos mawala na siya sa sarili nang magsalita na naman ito. "Would you mind?"
Ang itinatanong nito ay ang maupo sa harap niya. Umiling na lamang siya at wala paring masabi. Speechless ka girl! Umurong ata ng wala sa oras ang dila niya dahil sa vitamins sa mata na nakukuha niya.
"Are you alright?" tanong nito nang hindi pa rin siya umiimik. Tumango lang siya at pasimpleng uminom ng tubig para hindi halatang natense siya.
Teka, wait, bakit ako natetense? Sino nga ba ang taong ito?
*****
A/N:
Pagpasensyahan niyo na po kung hindi ito makakapasa sa standards niyo. Pero kung binasa niyo man ang librong ito, ay malaki ang ipinapasalamat ko sa inyo! Lol.
First Taglish book ko po ito published here after 7 years kept in my notes.
Love & Light,
BC
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top