Chapter 11
Nalulula si Dessa sa ganda ng tanawin na nakikita ng mga mata niya. Ipanema is a beauty and based from her research it is also one of Rio's most expensive districts to live in. World – class restaurants, shops and cafés can be seen around the place. It represents elegance and enchantment.
Mukhang inaakit na rin siya ng dagat na magtampisaw. The breeze was gently touching her skin and the sand was grounding her feet. Nililipad ng hanging – dagat ang suot niyang white cover – up dress pati na ang mahaba niyang buhok.
Matapos ang awkward breakfast nila ni Arkhee kanina ay pinag – desisyon siya nito kung anong gusto niyang gawin at naisip niyang pumunta sa beach. Pumayag naman ang lalaki subalit nagpaalam ito sa kanya na hindi siya masasamahan dahil may aasikasuhin raw ito. Ngunit nangako naman itong sabay silang mag – lulunch kaya hindi na rin siya nag – alala pa.
Napatingin siya sa paligid. Maraming turista sa lugar at halatang nag – eenjoy rin ang mga ito. Nakaupo siya sa buhangin sa ilalim ng isang parasol at paminsan – minsan ay umiinom ng tubig. Kahit mahal niya ang dagat ay hindi niya kayang magbilad sa araw. Wala sa sariling nilalaro ng kanyang mga daliri ang buhangin nang may marinig siyang tumawag ng kanyang pangalan.
"Dess? Dessa Velasco, is that you?" tanong ng isang babaeng nakasuot ng sunglasses na tumayo sa kanyang harapan. Nakasuot ito ng itim na two – piece bikini at kahit siya ay namangha sa ganda ng hubog ng katawan nito. Nahalata siguro nito ang pagtataka sa kanyang mukha kaya tinanggal nito ang sunglasses na suot. "It's me, Dess! It's Oreo!"
Nagulat man ay mabilis siyang tumayo at niyakap ang babae sa sobrang tuwa. "Oreo! Oh my goodness! What a surprise!"
"What are you doing here Dess? I can't believe I'll meet you here after what...five or six years?" tanong nito sa kanya nang maghiwalay ang kanilang mga katawan.
"I'm just here for the weekend with a friend. How about you? I missed you! After med school hindi na talaga tayo nagkita. Who would have thought I'll meet you here?!" Oreo was her senior in med school. Isang taon ang lamang nito sa kanya ngunit hindi ito naging hadlang na maging malapit silang magkaibigan. Ngunit pagkatapos nitong magtapos ng medisina ay wala na siyang balita rito. Ang huling balita niya ay pumunta ito ng Amerika.
"Ako ba? I'm almost done with my one – year contract here. I'm a cardiothoracic surgeon sa isang hospital dito sa Rio. Natuloy ka ba sa neurosurgery?"
Tumango siya at napangiti. Marami siyang masasayang alaala kasama si Oreo noong nag – aaral pa sila. Iyong mga panahong halos gusto na niyang sumuko at ayaw na niyang magpatuloy pa ay nandoon palagi itong si Oreo sa tabi niya upang palakasin ang loob niya. They were both each other's cheerleaders. She was like a big sister to her that's why she really felt betrayed when Oreo just disappeared without leaving any trace.
"You're off the grid after med school. You're not even in social media...Hindi ko alam ang rason mo pero masaya ako na nakita kita ulit..."
"Hmmm...halika! I know a good Churrascaria around here. My treat!" Hindi na siya nabigyan pa ng pagkakataong pumalag dahil nahila na siya ni Oreo. "But before that, I need to put on a dress! Daan muna tayo sa hotel ko."
-----
Tawang – tawa si Dessa habang nagkukwentuhan sila ni Oreo. Nasa isang Churrascaria (traditional barbecue restaurant) sila at kumakain ng masarap na barbecue. Hindi raw kumpleto ang experience niya ng Rio kung hindi siya makakakain sa isang churrascaria at matikman ang sikat nilang specialty na Picanha. At hindi nga naman siya nagsisi na sumama rito dahil totoo ngang masarap ang kinakain nila.
"Naalala mo 'yung pumasok ako ng klase na wala akong suot na bra sa sobrang pagmamadali ko na hindi malate? Grabe ang tawa ko 'nun. Buti nalang talaga dinalhan mo 'ko. Buti nalang nakapag jacket ako that time..." natatawang kwento ni Oreo na nagpatawa na naman sa kanya ng malakas. Naluluha na siya habang nag – faflashback sa utak niya ang mga masasayang alaala niya kasama ito.
"Those were really good memories Eo. Ang dami kong tanong what happened to you after your graduation...but I'll wait for you to be ready to tell me about it. Will you keep in touch with me even I go back to the Philippines na?" She's worried that she'll lose another opportunity again to communicate with Oreo after meeting her today. Gusto niyang maging magkaibigan pa rin sila. Kahit ba hindi sila magkasama basta meron lang siyang balita na masaya at safe ito ay okay na sa kanya.
"Sure. I'll keep in touch with you. Besides, I plan to go back na sa Pilipinas pagkatapos ng contract ko dito. I have something to settle there." Anito na naging malungkot ang ekspresyon ng mukha.
"Talaga? Then we'll meet again once you're back. Promise?"
"Promise! Anyway, regarding your frie -" hindi na nito natapos pa ang sasabihin dahil may kung anong malaking anino ng kung sino ang lumapit sa table nila. At nang tumingala si Dessa ay napagmasdan niya ang isang pamilyar na imahe ng lalaking nakawhite shirt at beach shorts na naghahabol ng hininga at galit ang mukha nito.
"Arkhee?!" sabay pa sila ni Oreo nakasambit ng pangalan nito na ikinagulat niya.
"Huh? Magkakilala kayo?" sabay na sambit ng dalawang babae. Bakas sa kanilang pagmumukha ang pagtataka. Hindi akalain ni Dessa na kilala din ni Oreo itong si Arkhee.
"Do you mean that the friend you're spending the weekend here is this guy?" naunang nakabawi sa gulat si Oreo at mukhang sa hitsura nito ay naiinis na ito. "Talk about planned coincidence. So if you're here, I'm sure he is with you, right?"
"Friend?!" Arkhee's irritated voice pierced her eardrums.
Sa pinagsasabi ni Oreo ay mas lalong nalilito si Dessa sa nangyayari. Palipat – lipat ang mga mata niya sa dalawang kasama. "O- oo, siya ang kasama ko. Kilala mo rin siya, Eo?"
"Dessa. For Pete's sake! Why were you not answering my calls? I practically made sure you had internet so I can call you! Fu*k! You scared the hell out of me!" galit na sambit ni Arkhee. And then a realization hit her.
Oh fu*king right!
They were supposed to meet for lunch but Oreo dragged her here instead and she forgot to tell him. Dali – dali niyang tiningnan ang cellphone niya na nasa loob ng kanyang maliit na bag at nakita ang thirty missed calls na mula sa lalaki.
Nakagat niya ang ibabang labi at marahang tumayo. "I'm sorry..."
"You could have at least messaged me. Just...Please don't do this again..." bumuntong – hininga ito at laking gulat ni Dessa nang yakapin siya nito. "Thank God you're okay..."
Hinigpitan pa nito ang pagkakayakap sa kanya nang subukan niyang itulak sana ito. Naintindihan naman niyang nag – alala siguro ito kung saan siya pumunta pero mukhang masyado itong nag overreact nang dahil lang hindi siya sumagot sa mga tawag nito.
Sa paglalapat ng kanilang mga katawan ay narinig tuloy niya ang mabilis na tibok ng puso nito. Malamang nag – overthink siguro ito sa kung anong nangyari sa kanya kaya ganito na lamang ang reaksyon nito. Tinubuan na rin naman siya ng konsensya.
"I'm sorry. I won't make you worry anymore..." Dessa hugged Arkhee back, wrapping her arms around his waist. Hindi niya alam kung anong pumasok sa utak niya bakit niya ginawa ang bagay na iyon. Hindi niya alam kung tama ba itong ginagawa niyang pag – akap rin sa lalaki ngunit hindi na nakapagpigil pa ang puso niya.
Hugging him back was the only way she can reach him and calm his emotions. And it felt so good for her. Her heart was shouting with pure and guiltless joy knowing that this man cared for her this much.
"You do realize you're in a restaurant..." isang pamilyar na boses ng lalaki ang nagpamulat sa katotohanan sa kanilang dalawa ni Arkhee. Sa pagkarinig nilang iyon ay mabilis pa sa alas – kuwatro silang naghiwalay at tinubuan ng hiya.
"Great! This is just a creepy reunion." tumayo si Oreo sa kinauupuan nang lumapit sa kanila si Kristoff. Napailing – iling si Oreo at halata sa mukha nito ang pagkadismaya. "Will you ever stop stalking me?"
"I'm not stalking you. That's a crime." Malamig namang sagot ni Kristoff na mukhang hindi naman apektado sa sinabi ni Oreo. Hindi man alam ni Dessa ang nangyayari ngunit alam niyang itong tatlong kasama niya ngayon ay magkakakilala.
"Dess, I'm sorry but I have to go. I'll see you soon in the Philippines, okay?" mabilis na tumalikod sa kanila si Oreo at dumiretso na ng pinto. Susundan niya sana ito ngunit pinigilan siya ni Arkhee. Sumunod naman ang kaibigan nito papalabas ng restaurant.
"Kristoff will take care of her."
*****
A/N:
Naintriga ba kayo sa nakaraan nina Oreo at Kristoff? Ako rin. Their story is now on - going in my book Unrivaled.
Do check it out!
Salamat sa pagboto at comments!
Love & Light,
BC
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top