Chapter 12

"We've known each other ever since highschool. We attended the same school, Kristoff, Ash and Oreo. You can say we're friends with her but it was different with Kristoff..." Magkatabi silang nakaupo ni Arkhee sa labas ng isang beach front restaurant na malapit sa kanilang hotel. Matapos ang insidente sa loob ng Churrascaria ay umalis na rin silang dalawa roon. Umiinom sila ngayon ng malamig na inumin upang maibsan ang mainit na panahon na ipinamamalas ng Ipanema sa kanila.

Nagpatuloy ito sa pagkukwento. "Oreo always thought of Kristoff as a rival. Nung highschool kami si Kristoff lang ang nakakaperfect ng exam kahit hindi siya nag review. He was always at the top of the class and Oreo was always second of him. When Kristoff's the president, she always becomes the vice. Oreo hated it all the time. Sabi niya nga sa 'kin one time, she always felt she lived as a shadow of Kristoff. And it even worsened when she had to live with Kristoff's family when her mom died."

"Nakwento niya nga sa'kin that she became an orphan when she was in highschool and she had to live with her mom's bestfriend. So that was Kristoff's family pala?"

"Yup. And to make this long story short since I don't know all the details, it seemed that their parents had an agreement about them being matched which I think is not working well for both of them." Nagkibit – balikat ito at uminom ng nagyeyelong fruit juice nito.

Fixed marriage?

Dessa can't believe what she heard. Hindi niya alam na ganoon pala ang pinagdaanan ni Oreo at maaring hanggang ngayon ay pinagsisikapan pa rin nitong makawala sa sitwasyon. Base sa nasaksihan niyang pakikitungo ni Oreo kay Kristoff ay mahahalata na hindi talaga sila in good terms. Kristoff certainly had a very cold and discreet personality which she thought only Arkhee and the other friend Ash can probably understand.

But Dessa knew one truth, these are decent and responsible gentlemen. Arkee was able to track her location with Oreo because Kristoff was hanging out at the beach too when they met. Buti nalang talaga at narinig ni Kristoff ang pinag – usapan nila ni Oreo, kung hindi baka hanggang ngayon ay pinaghahanap pa rin siya ni Arkhee.

"I see. When we were in med school, hindi ko maalala na may boyfriend si Oreo. Although we always had fun going to bars when exams were done and we would flirt with guys but nothing really serious came up with that..." napangiti si Dessa habang bumabalik sa kanyang alaala ang mga masasayang pagkakataon na magkasama sila ni Oreo.

"Are you that happy thinking of other men from your past?" mukhang nagsusungit na naman si Arkhee sa kanya sa tono ng pananalita nito. Mabuti nalang at malapit itong nakaupo sa kanya kaya sa halip na patulan ang sumpong nito ay ginulo niya ang buhok nito.

"Getting jealous Mr. Almeida?" She teased.

"Ano ba, I'm not jealous!" tinapik nito ang kamay niya na para bang batang ayaw tanggapin na nabuking ito. "And can you stop calling me with my last name!"

"Ahuh...why not? Malay mo nakawin ko 'yang apelyido mo..." sabay kindat sa lalaki na halatang hindi nito inaasahan ang sinabi niya. Mabilis itong nag – iwas ng tingin sa kanya at nagpakamot – kamot ng ulo. Hindi na niya napigilan pang matawa sa naging reaksyon ni Arkhee.

"Stop teasing me! I might take that seriously..." narinig niyang bulong – bulong nito na hindi halos makatingin sa kaniya.

"Ahuh...why? Will you marry me?" pagbibiro niya pa rito.

"Yes. I will. Definitely." He answered in a grave manner that caught her off guard. Pero hindi niya iyon sineryoso at nagpatuloy pa rin sa pagbibiro rito.

"Ah talaga? Ni hindi ka nga makatingin oh, pakasalan pa kaya ako?" Napailing – iling na lamang si Dessa sa nakakatuwang ekspresyon ng kausap.

"T...that's because..."

"Are you blushing Arkhee?" hindi niya mapigilang patuloy itong tuksuhin.

"No I'm not!"

"Are you sure? Ayiiii." Wala sa loob na kinurot pa niya ang pisngi nito. "You're cute when you're embarrassed..."

Humalakhak si Dessa ng malakas na mukhang nagpainis na talaga kay Arkhee. Hindi niya mapigilang pagtawanan ito dahil halatang napipikon na ito sa kanya na parang bata. Ngunit huli na para pagsisihan ang mga panunukso niya sa lalaki. 

Dahil ang mga sumunod na nangyari ay hindi niya inaasahan. Dagling hinawakan ni Arkhee ang kamay niya at hinila siya papalapit sa katawan nito. Nanlaki ang kanyang mga mata at halos sumabog ang puso niya sa ginawa ng binata.

He kissed her! Naglapat ang kanilang mga labi na nagbigay sa kaniya ng hindi maipaliwanag na pakiramdam. Dumaloy ang kuryente sa buo niyang katawan papunta sa kaniyang puso. Pakiramdam niya ay huminto ang oras at lahat ng nakapaligid sa kaniya ay parang naka slow motion. Inaamin niyang hindi niya lubos akalain na magkakalakas ng loob itong si Arkhee na halikan siya. He's just always unpredictable.

It was just a quick kiss but it felt like forever for Dessa. Nang maghiwalay ang kanilang mga labi ay halos hindi siya makagalaw. Feeling niya ay huminto rin siya sa paghinga nang halikan siya ni Arkhee. Nakatitig lang siya rito at tulala. Matagal nag process ang utak niya sa mga pangyayari. The quickest response she could ever think of was touching her lips with her hand.

"I'm not going to say sorry for what I did, in case you're expecting." Sambit nito na hindi makatingin sa kaniya ng diretso. Saka lang bumalik sa kaniyang ulirat si Dessa at nagising sa katotohanan. Arkhee kissed her shamelessly and would not even apologize for it. Naikuyom niya ang mga kamay. Digital ang karma. Nakagat niya ang ibabang labi at kinalma ang sarili. Sa ganitong labanan ay talagang talo siya.

"Okay." Tumayo siya sa kinauupuan. "I'm leaving then." Naglakad siya papunta sa direksyon ng hotel. Sa mga ganitong pagkakataon ang pinaka mabisang paraan upang makaiwas sa kahihiyan ay ang mag walk – out na lamang. There's no way she can even look again at Arkhee with a straight face with what just happened between them. 

You're such an idiot Dessalina! That's what you get when you mock men! Kainis!

Ang buong akala niya ay pababayaan siya ni Arkhee na umalis at bumalik ng hotel ngunit nagulat siya nang maglakad ito sa tabi niya. Pilit niyang pinigilan ang sarili na lingunin ito kaya itinuon na lamang niya ang mata sa dinaraanan. Mabuti na lamang at tahimik lang din itong si Arkhee sa paglalakad. Mukhang naintindihan nito na wala siyang planong kausapin ito. 

Hindi tuloy niya napigilan na sulyapan ito at isa na naman iyong malaking pagkakamali dahil nahuli siya nito at nagtama ang kanilang mga paningin. Mabilis niyang iniiwas ang mga mata mula rito at napagdesisyonang maglakad na lamang ng walang imik.

"I...I want to spend more time with you. Can I not do that?" mahina nitong sambit subalit narinig pa rin niya. "I don't know what to do anymore..."

Tinangka niya pa ring maging kalmado kahit halos gusto na niyang ngumiti at kiligin sa mga narinig na sinabi ni Arkhee. "Then you should have been more careful in stealing a kiss from me."

Naramdaman niyang huminto ito sa paglalakad. Ginalit na naman ba niya ito? Kotang – kota na siya ngayong araw na ito sa pagpapagalit sa lalaking kasama. Matapang niyang nilingon ito upang malaman ang ekspresyon ng mukha ni Arkhee. But the randomness of this man always made her lower her guard.

"I...like you! I really, really like you..." He looked at her with so much intention and without hesitation. Sa pagkakataong iyon ay nahinto na ang utak niyang iproseso ang sinabi nito. Gusto niya sanang mag joke ulit, gusto niyang magbiro kay Arkhee at iwasang maging awkward pa ang sitwasyon ngunit mukhang hindi na ito maiiwasan pang mangyari. 

Hindi siya makasagot sa sinabi nito at mukhang kahit ang pag – iisip niya ay nahihirapang mag – isip ng isasagot. Bakit nga ba? Hindi naman ito ang unang lalaking nagsabi sa kanya na gusto siya nito at hindi rin ito ang unang pagkakataon na nagsabi ito na gusto siya ni Arkhee. 

So what's the difference now? Why can't I answer him? Is it because I feel the same way, too?

*****

A/N:

Ang napapala nga naman ng mga mapang - asar, no?

Salamat sa votes and comments!

Love & Light,

BC

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top