Chapter 10
Nag – unat ng mga bisig si Dessa pagkatapos ng pinakamatagal at pinakadiretsong tulog ng buhay niya. Paminsan – minsan ay masarap rin para sa kanya ang makabawi sa lahat ng pagod. Matapos nilang mag dinner kagabi ni Arkhee ay dumiretso na rin siya agad pabalik sa hotel room niya.
Hindi rin sila nakapag – usap ng masinsinan ng binata dahil kasama nilang nag dinner si Kristoff na mukhang sinadya nitong magpakita sa kanila sa restaurant. Pero ipinagpasalamat na rin niya iyon dahil mabilis siyang nakapagpahinga. Sa nilayo layo ba naman ng pinuntahan nila, hindi na siya magtataka kung zombie mode ang awra niya.
Bumangon siya at matapos maghilamos ay lumabas ng kanyang silid. Halatang mamahalin ang suite na nirequest ni Arkhee para sa kanya dahil sa amenities nito. May sarili siyang bedroom at living room at may maliit na bar counter. Sa living room naman ay may veranda ito na overseeing ang view ng Ipanema. Dessa always loved the beach. Kung papipiliin siya kung bundok o dagat, mas pipiliin niya ang dagat. Para sa kanya ito ang ultimate escapade – beach paradise.
Ngunit napamura siya at malakas na napasigaw nang paglabas niya ng kanyang kuwarto ay may kung anong anino ang naka upo sa sofa ng living room. Hindi niya pa binubuksan ang ilaw at dahil hindi rin nakabukas ang blackout curtains kaya laking gulat na lamang niya na may kung anong multo ang nahagip ng kanyang paningin.
"Oi...ako 'to." Anang pamilyar na boses ni Arkhee. Nakahinga siya ng maluwag at dali daling binuksan ang ilaw pati na rin ang kurtina.
"Bakit ka ba nananakot? You could have turned on the lights." Sita niya rito. Kumuha siya ng isang bote ng drinking water na nasa bar counter at ininom ito. Pagkatapos ay lumapit siya sa kinauupuan nito at napamangha dahil may nakahandang pagkain sa center table.
"Wow! Is this for me?" inosente niyang tanong sabay ngiti sa lalaki. Nang magtama ang kanilang paningin ay mabilis itong umiwas.
"It's for us...at saka --"
"Sweet! Thank you! Gutom na 'ko..." She sat beside him and took a piece of bacon. "Ahhh! Heaven! You want some?" Wala sa loob na inilapit niya ang isang piraso ng bacon sa bibig ni Arkhee na para bang sinusubuan niya ito. Ngunit walang reaksyon ang lalaki at nakatingin lang ito sa kanya.
"Come on, eat. Do I have to say open your mouth please?" sarkastiko niyang tanong dito nang wala itong ginawa. Bumuntong – hininga muna ito saka hinawakan ang kamay niya upang ilapit pa sa bibig nito ang pagkaing hawak niya at kinain iyon. Sa pagkakataong ito ay nakaramdam siya ng matinding kuryente na dumaloy sa buong katawan niya.
Tumibok ng malakas ang puso niya ngunit ipinawalang bahala niya iyon. Ayaw na niyang bigyan pa ng kahulugan ang nararamdaman niya sa tuwing kasama niya ito. Nagiging komplikado para sa kanya ang mga bagay – bagay kapag nag – ooverthink siya. Ang mas gusto niyang mangyari ngayon ay mapalagay ang loob ni Arkhee sa kanya, na tingnan siya nito bilang isang normal lamang na babae at hindi tulad ng iniisip nitong unreachable siya.
Pasimple niyang binawi ang kamay mula sa pagkakahawak ng lalaki at kumuha ng isang hiwa ng tinapay. "You should eat more. Do you want me to make you a sandwich?"
Hindi pa rin ito umimik kaya nagpatuloy na lang siya sa pagsasalita. "Bahala ka. Kapag naubos ko 'to hindi ko na kasalanan --" nagulat siya nang biglang hinila ni Arkhee ang isang kamay niya at nang tingnan niya ito ay sa unang pagkakataon ay mukhang galit na galit ito. Naguguluhan man siya sa reaksyon ni Arkhee ay ngumiti siya ng pilit.
"Bakit ka ba galit? It's too early in the morning to be grumpy. Did I do something --"
"You...should..." mukhang nahihirapan pa itong sabihin ang rason ng pagiging masungit nito sa kaniya.
"I should what?"
"P - pwede ba magbihis ka muna!" pagalit nitong sabi na halos hindi makatingin sa kaniya. Saka lang narealize ni Dessa ang suot niya. Tama, kakabangon niya lang mula sa pagtulog at hindi naman niya inaasahan na may ibang tao sa suite niya kaya hindi na siya nag abala pang magbihis ng matinong damit.
She's wearing a black and lacy nighties with no other undergarment besides her panties! He can definitely see almost everything. Mabilis siyang tumayo at tumalikod sa lalaki at nagtatatakbong pumasok ng kanyang silid.
Nag lock siya ng pinto at dumiretso na lamang ng banyo. Tinakpan niya ang bibig at napatili. Ang lakas ng tibok ng puso niya sa sobrang kahihiyan na inabot. Gusto niyang irewind ang mga pangyayari at idelete ang sitwasyong iyon sa memorya ng lalaki. Kasalanan nito ang lahat. Bakit ba kasi ito nandito sa suite niya ng ganito kaaga? Talk about being unpredictable again!
Sa sobrang inis at pagkapahiya ay napilitan na lamang siyang mag shower muna upang kumalma ang sarili bago pa man niya harapin ulit si Arkhee. Kung pwede lang siyang umuwi agad – agad ng mga oras na iyon upang hindi na makita pa ang lalaki, gagawin niya. Bakit nga ba hindi niya agad narealize na nakatiwangwang ang kanyang katawan sa suot suot niyang manipis at seksing pantulog? Gusto niyang matunaw at mag – disappear na lamang sa mundo ng mga oras na iyon.
Kahit anong isip niya ng paraan na makaiwas dito ay mukhang wala talaga siyang pag – asa. Si Arkhee ang nagdala sa kanya sa napakalayong lugar na ito kaya ito rin ang magdadala sa kanya pauwi. Wala siyang ibang kakilala rito maliban sa lalaki at sa kaibigan nitong si Kristoff. Ngayon niya lang napagtanto na nagtiwala siya agad sa mga ito.
Ni hindi niya masabing mga kaibigan niya ang mga taong iyon kaya kung may gawin man itong kasamaan sa kanya ay katapusan na ng buhay niya.
Dessalina ano bang nasa isip mo at pinasok mo ang ganitong sitwasyon! Pero mukhang wala naman sa mga pagmumukha ni Arkhee at Kristoff ang gumawa ng krimen kaya tiwala lang girl! You'll go home safe and sound!
But Dessa has proven a beautiful truth about Arkhee today – he is a true gentleman. Hindi nga lang masyadong kalmado ngunit ang katotohanang nagalit ito dahil halos nakikita na nito ang buong katawan niya ay nakapagbigay sa kanya ng seguridad. Kung tutuusin, deklarado pa rin siyang girlfriend nito. But he never took advantage of her. And for the first time after a long period of time, she felt something in her heart blossom again.
Am I in love?
*****
A/N:
So, is Dessa in love?
Salamat po sa pagboto at comments!
Love & Light,
BC
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top