TWELVE

Nilalaro ko ang aking mga daliri habang nakayuko. My parents is in front of me at hinihintay ko lang talagang pagalitan nila ako. Ate Amery cried after she heard what I revealed the other day. She's disappointed kasi kahit na may hinala na rin siya ay nag e-expect siyang hindi ako buntis. Ako nalang kasi ang nag aaral sa amin dahil nagtatrabaho na si Ate Nave habang si Ate Amery naman ay may part time job kaso hindi iyon sapat dahil may anak siya.

Umuwi kami kinabukasan sa lugar namin at nafe-feel ko na ang tension sa bahay. Hindi ko rin alam kung sinabihan ba nila si ate Nave.

"You're just in third year, Laurene. Hindi mo ba naisip ang malaking responsibilidad ng pagiging magulang? Ito na ba ang bunga ng kahibangan mo sa skwelahan?" Galit ngunit mariin na sambit ni Mama.

Nandito kami sa pagkainan at hindi ko man lang naigalaw ang pagkain ko. Lalo na at si Mama ang nagsasalita. Si Papa ay tahimik lang rin ngunit alam kong disappointed siya.

"I'm sorry Ma, Nagkamali lang po ako," I replied, my voice barely audible.

"Mistake? Laurene, bringing a life into this world is not a simple mistake. It's a responsibility that you might not be ready for," Mama continued. My mom is a public teacher in elementary school sa lugar namin at alam kong nag expect talaga sila sa akin dahil sa buong buhay ko, ngayon ko lang naranasan mag party at may kaibigan hindi tulad noon na walang pumapansin sa akin at kung meron ay pangungutya.

Papa finally spoke, his voice calm but laced with disappointment, "You're young. We expected more from you. What were you thinking?"

Even Dad didn't finish his college, he has a permanent job in a factory pero si ate Nave ang gustong pag aralin ako. Siya ang nagbabayad sa tuition ko sa school habang sila Mama ay binigyan lang ako ng allowance.

Napasapo na lamang si Mama sa kaniyang noo at nangingilid na ang luha niya. "Hindi ko ito inaasahan sa'yo Laurene dahil masyado ka namang tahimik pero nang tumuntong ka sa college ay naging ganiyan ka na. May viral video ka pa tapos ngayon buntis ka? Ano bang pumapasok sa isip mo?" Matalim akong binalingan ni Mama.

"Sino ang ama niyan? Iyong Professor mo ba o ang kambal niya?"

"M-ma-"

"Sagutin mo ako! Sino sa kanilang dalawa?!"

Pinigilan siya ni Papa. "Lara, kahit naman kung sino ang ama, Mali pa rin dahil pinatulan niya ang apo ng Don. Mas magiging delikado 'yon."

Hindi man lang natinag ang galit na titig ni Mama. "Bukas na bukas, puntahan mo ang nakabuntis sa'yo at ipaalam 'yan. Kailangan ka niyang panagutan."

"Ma, ayoko."

"Ano? At ano ang gagawin mo diyan?"

Napayuko ako at umiinit ang sulok ng mata ko. "Nakapagdesisyon na po akong ipalaglag ang bata Ma-"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang maramdaman ang sampal galing kay Mama. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. My hand instinctively went to my cheek, the sting of the slap resonating through the room.

"Ipalaglag mo ang bata? Nababaliw ka na ba? Paano kung hindi ka na mabuntis dahil sa nangyayari diyan sa matris mo? Magsisisi ka? Tapos ano sunod? Papatay ka ng sanghol dahil lang ayaw mo sa responsibilidad? Matalino ka ba talaga?" Singhal ni Mama at hindi man lang siya nagsising sampalin ako. Nangilid ang gilid ng mata ko at hindi lang dahil sa sampal kung hindi dahil kahit ako ay ayoko talagang ipalaglag. Natatakot lang akong baka iyon nalang ang solusyon para hindi sila magalit sa akin at pagtabuyan ako.

"I-Im sorry Ma.. natatakot lang ako... gusto ko pong buhayin ang bata kahit na.. kahit na mahirap rin para sa'kin.." Humihikbi kong saad.

"Mahirap? Alam mo ba kung gaano kahirap? Hindi lang sa iyo, kundi sa aming lahat. Anak kita, Laurene, at kahit na may pagkukulang ka, mahal ka pa rin namin," Papa said kahit na hindi parin nawawala ang disappointment sa mukha niya.

Mama, still fuming, added, "Hindi pwedeng takasan ang responsibilidad. Hindi pwedeng palampasin mo lang. Dapat mong harapin ang mga pagkakamali mo at panagutin ang sarili mo sa mga bagay na nangyari."

I lowered my head in shame. Ate Amery, who was silent all this time, finally spoke, her voice soft but filled with concern, "We may be disappointed, pero hindi ibig sabihin na iiwan ka namin. Kailangan mo lang harapin ang consequences ng mga decisions mo."

Papa nodded in agreement, "Tama si Amery. Hindi kami mawawala sa buhay mo. Kailangan mo lang matutunan ang leksyon mula dito."

Mama, though still visibly upset, took a deep breath and said, "Bukas, makipag-usap ka sa ama ng bata. Kailangan niyang malaman 'yan."

With tears on my cheeks, I agreed. The thought of dealing with the results of my actions was scary, but I knew in my heart that I had to do it.

Inihatid ako ni Papa kinabukasan sa University dahil una kong pupuntahan si Professor. Hindi ako naka uniform kaya ay nag attendance lang ako as a visitor. Mag e-end na rin ang semester kaya ay baka nasa opisina lang rin siya upang tapusin ang gagawin niya.

Nagsuot ako ng caps at maluwag na tee-shirt. Sinusuot ko rin parati ang salamin ko dahil magtatanong lang rin naman ako kay Professor kung saan nakatira si Zairon.

Napansin kong bukas ang opisina niya, sumilip ako roon at nandito nga ang Professor at may ginagawa kaharap ng laptop niya. Kumatok ako upang mapansin niya ako. Nakita ko pang nagulat siya ng bahagya nang makilala ako.

"Ms. Valencia!" Nagugulat niyang sambit at nilapitan ako. Nabigla naman ako sa kinikilos niya.

"Pasok ka muna." Siya na mismo ang nagsirado ng pinto at naglakad naman ako papasok. Umupo ako sa upuan sa harap ng lamesa niya at taga ikot ng aking mata sa paligid ay pumapasok ulit ang eksena namin ni Zairon lalo na sa mesang ito. Napapikit ako upang burahin iyon sa alaala ko. Bwesit ka, Zairon. Inanakan mo pa ako, naalala ko pa pinaggagawa natin.

"What brings you here, Laurenestine?"

Umupo si Professor ulit sa upuan at hinarap ako. Sinirado niya muna ang laptop at niligpit ang mga ginagawa niya kanina. Bumaling ako sa kaniya at ngayon ko lang naramdaman ang kabahan.

"Kasi Prof, tatanong lang sana ako kung saan naglalagi ngayon si Z-zairon." Nautal pa ako sa pangalan niya. Sasabihin ko lang naman sa kaniya na buntis ako at nasa sa kaniya na kung panagutan niya ako o hindi pero mas mabuti ng gastohan niya nalang pagbubuntis ko, hindi ko naman siya kailangan.

"He's staying at Don's house. Why do you want to ask about him? Is there something wrong?"

"May sasabihin po sana ako sa kaniyang importante." Naiyuko ko ang ulo. Hindi ko siya magawang tingnan ng maayos.

"I'm afraid I can't help you reach him, Laurenestine. The Don doesn't accept visitors, especially when he doesn't recognize them. Don is strict when it comes to Zairon, kahit kaibigan pa 'yan ay hindi niya agad pinapasok at kailangan mo pang magpa appointment para makapasok sa bahay."

Grabe naman, makikipag usap lang naman ako sa kaniya. Akala ko rumors lang ang pagiging strict niya, totoo pala talaga.

"And, I don't think he will allow you to see Zairon after what happened to both of you. If she recognizes you, there's a chance that he won't let you leave without receiving some names from him." Malungkot niyang saad. Nanlulumo akong napayuko ulit. Paano ko siya kakausapin kung ganoon?

"Is there any other way to talk to him, Professor? Hindi ko naman kasi alam kung kailan siya ulit magpakita sa akin. Susulpot kasi siya ng hindi ko inaasahan." Napabuntung-hininga pa ako pagkatapos kong sabihin iyon.

"I can just give his number to you para makausap mo nalang siya sa phone pero hindi ako papangako na makakausap mo siya in person dahil rin sa trabaho niya. Hindi rin kasi siya sumasagot kapag tinatawagan ko."

"Thank you, Professor. I appreciate your help." Tinanggap ko ang papel na may nakasulat na number ni Zairon mula kay Professor.

Sana sinabi ko nalang na hihingi ako ng number. Ba't pa suspense pa ako no?

"Be careful, Laurenestine. Whatever it is you need to talk to him about, make sure you're ready for the consequences. Don't expect it to be easy." Sa mga mata ni Professor, makikita ko ang bahagyang pag-aalala para sa akin.

"I will, Professor. Thank you again." I stood up, clutching the piece of paper tightly. Hindi ko alam kung anong mangyayari pagkatapos ng pag-uusap namin ni Zairon, pero kailangan ko itong gawin.

Paglabas ko ng opisina ni Professor, naglakad ako palabas ng University nang may kahalong kaba at determinasyon. Sa pagkakataong ito, kailangan kong maging matapang at harapin ang mga pagkakamali ko.

I decided to call Zairon. My heart raced as the phone rang. When he answered, I didn't know how to begin.

"Zairon, it's Laurene. Kailangan kitang kausapin." Nanginginig ang boses ko, pero nagpatuloy ako. "May mahalaga akong dapat sabihin sa'yo."

Sa kabilang linya, naging tahimik ito.  Ramdam ko ang pag-aalinlangan at kuryente ng hindi malamang takot sa bawat pagtibok ng aking puso.

"Bakit mo ako tinatawagan? Ano'ng kailangan mo?" Tinawagan kita kasi kinalimutan mo mag condom, tangina mo.

Gusto kong isagaw 'yan sa kaniya pero di ko nalang ginawa dahil ma s-stress lang ako. "Something happened, and I need to talk to you. It's personal and important. Can I see you? I want to address this properly."sabi ko, isinantabi na lamang ang galit at takot.

May ilang saglit na katahimikan bago siya sumagot. "I can't right now. May operation ako ngayon at kung may sasabihin ka ay sabihin mo nalang kay Zaiden, total mas prefer mo naman siya kausap kaysa sa'kin." Napasapo nalang ako sa sinasabi ng lalaking 'to.

Pinigilan ko nalang na huwag siyang sigawan lalo na at masyado akong sensitive ngayon baka mahospital pa ako dahil sa galit ko sa kaniya. "Pupuntahan kita, saang hospital ka ba?" Pilit kong kinakalma ang sarili ko.

"Huwag na. Nandito lolo ko. Baka mapahamak ka pa."

"At bakit naman? Papatayin niya ba ako?" Salubong na kilay kong tanong.

"Laurene! Can you just stop saying words like that? Nag alala lang ako dahil baka mas magiging komplikado kapag magpakita ka. He knew the viral video at mabilis siyang makamemorya at baka may mangyari pa sayo. Hindi pa kita kayang ipagtanggol sa ngayon."

"Sinabi ko bang ipagtanggol mo ako? Kakausapin lang kita ng maayos dahil baka kung sa phone pa, papatayan mo lang ako ng tawag. Mag set ka ng time sa schedule mo at magkikita tayo." Pinal kong sambit.

"Gusto mo lang akong makita 'eh. Pakipot kalang." Hindi ako makapaniwalang napatingin sa cellphone ko.

"Aba, hoy! Hindi ako pakipot no. Assuming mo naman!" Singhal ko sa kaniya sa kabilang linya. Narinig ko lang siyang tumawa.

"Okay, Sabi mo 'eh. Ite-text ko sa'yo mamaya ang address pagkatapos ko sa trabaho ko. Huwag mo akong paghihintayin Laurene kung ayaw mong sugurin kita sa inyo." Banta niya pa.

"Too bad doctor Gavilan, wala ka ng makikita roon dahil umuwi na ako sa amin. Bumalik lang ako para hanapin ka."

"Oh? Na mi-miss mo 'ko?"

"Kapal ng mukha mo po." Naasar kong sagot. Humahalakhak na naman siya. "Masaya ka na niyan?" Sarkastiko ko pang sambit.

"Opo, nakausap kita 'eh."

Napatahimik ako. Peste, tumatambol ang puso ko. I took a deep breath before speaking again. "Zairon, this is serious. Hindi ko kayang gawing biro ang sitwasyon ko ngayon. I need to talk to you face to face, and I hope you can find it in yourself to take this seriously too."

Naging seryoso ang tono ng kanyang boses. "Fine. I'll meet you. Hintayin mo nalang ang text ko." Binaba ko na ang tawag at bumalik nalang muna sa apartment ko.

May ilang araw parin naman akong extra upang mag stay sa apartment dahil mas malapit ito kung magkikita kami ni Zairon kaysa sa umuwi ako.

Nakatulog ako at nagising lamang nang nag ring ang phone ko. Kinusot ko muna ang mata ko bago ko sinagot ang tawag at hindi nalang tiningnan kung sinong number galing.

"Hello?"

"Hey, it's Zairon. Let's meet in Brew Haven. I bet, that's not too far from your apartment, right?" Nangunot ang noo ko.

Why do I feel like his voice suddenly changed? Naging seryoso siya bigla. Siguro pagod lang siya dahil galing siya sa operation niya.

Sumakay lang ako ng tricycle papunta roon at pumasok sa Cafe. Nakita ko siya sa malapit na bintana at may binabasa.

"Zairon."

Bumaling siya sa akin at ngumiti. "Hey, sit down. Do you want coffee? What would you like? Ako ang o-order."

Napataas ang kilay ko. Why is he polite right now? Parang sumanib ang kaluluwa ni Professor Zaiden sa kaniya.

"Okay, cappuccino na lang." I replied.

"Alright." Tumayo na siya at pumunta sa counter. Sinusundan ko lang siya ng tingin. Why do I feel like nangyari na 'to? Nagdududa na naman ulit ako.

Zairon returned with the cappuccino and handed it to me with a forced smile. I couldn't shake off the feeling that something was off. We sat in awkward silence for a moment before he finally spoke.

"What is the important issue you want to discuss?" He asked in a relaxed tone, but there was impatience in his eyes.

I breathed in deeply, taking my time to gather my thoughts before speaking.

"Zairon.. I'm pregnant.."

Parang tumahimik bigla ang paligid. Tinitigan ko siya, ngunit hindi man lang siya nasurpresa na inexpect kong magiging reaksiyon.

He raised an eyebrow, as if he did not care what I had just revealed. "So, why are you telling me this? What do you want me to do about it?"

I was surprised by his response. "Nag-eexpect ako na... na magiging responsable ka," utal kong sagot, I clutch my chest for a sudden pain.

He leaned back in his chair and drank his coffee. "Hindi ko na problema 'yon, Laurene. Handle it on your own."

Nabigla ako sa pinagsasabi niya. Iba ang ine-expect kong sasabihin niya. Okay naman pag uusap namin kanina ah, naging malamig siya bigla nang malaman niyang buntis ako. He doesn't want to have kids but he didn't use condoms for not even once!

Napakuyom ang kamao ko. "Zairon, we share responsibility for this. I'm not asking for your financial support or anything, but at least acknowledge the situation. "Makakaapekto 'to sa ating dalawa." Pagpipilit ko at umaasang magpakita man lang siya ng anumang concern.

He scoffed and shook his head. "Wala akong balak na maging ama. Hindi ko plano na magkaroon ng pamilya. Lalo na sa'yo. I'm sorry, Laurene, but you're on your own."

I felt like someone had slapped me. The words stung, and each was a painful reminder of my mistake. I could feel a lump forming in my throat and struggled to hold back tears. Namumuo ang galit at disappointment sa loob ko.

"I thought.. we could discuss this like adults. I didn't expect you to be this heartless." Pilit kong sabi kahit na humahapdi na ang nararamdaman ko pero hindi ako nagpakitang masyado akong naapektuhan.

He shrugged indifferently. "Life is tough. You make choices; you deal with the consequences. I have nothing more to say."

Hindi niya inubos ang kape niya at tumayo na lamang bigla. Pinigilan ko siyang humakbang man lang. Kahit nahihirapan ako dahil nagiging emosyonal na naman ako.

"My pregnancy is high-risk, Zairon. There's a possibility na makukunan ako. I'm young and kahit saang sulok nating tingnan ay ikaw ang nagloko sa akin tapos iiwan mo lang na parang wala? I didn't expect you to be like this dahil akala ko-"

"Dahil akala mo ano? Na may gusto talaga ako sa'yo?" Hinila niya ang braso niya sa pagkakahawak ko. "Sinabi ko lang 'yon dahil hindi pa ako tapos sa'yo. Hindi pa ako nagsasawa at kapag nangyari sana iyon ay titigil rin naman ako."

Hinila ko pabalik ang kamay ko. "So, was it all a game to you? You never meant any of those words, and you are fine with leaving me to deal with this alone?"

He scoffed, mas nagiging malamig ang tingin niya. "We had fun, and that's it. I never promised you anything. Don't make this more than it is."

Nag-init ang aking mga pisngi sa galit. "I can't believe I let myself believe in you. I thought your words--" Ako na mismo ang nagputol sa sasabihin ko dahil tumataas ang emosyon ko.

Tumayo lang siya at tila hindi naapektuhan sa sinabi ko.  "People change, Laurene. It's time for you to move on and accept the consequences of your choices. Don't expect anything from me."

I took a deep breath, trying to calm myself down. "Fine. If that's how you want it, then I'll face this on my own. Tama lang pala ang nararamdaman kong hindi kita kayang magustuhan. I'm glad I fell in love with your twin, not you. You are not worth it. Hindi ako kailanman mahuhulog sa isang kagaya mo."

Benalewala niya ako at walang pasabing umalis. Tinangka kong pigilan ng sakit sa aking puso, ngunit hindi ko mapigilan ang sarili kong umiyak. Naramdaman ko ang bigat ng realidad na wala siyang balak maging bahagi ng buhay ng anak ko. Hindi naman sa nag e-expect ako financially sa kaniya, gusto ko lang na malaman niya pero hindi ko rin inaasahan ang ganitong sagot.

Pakiramdam ko'y napako ako sa upuan ko, nanginginig at nahihirapang huminga. Ang sakit na nararamdaman ko ay mas malalim pa sa kahit anong pisikal na sakit. Nakatitig lang ako sa malayo, nawawala sa sariling iniisip. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kay Mama, Papa, at sa mga kapatid ko ang pangyayaring ito. Wala akong kasiguruhan kung paano haharapin ang mga araw na darating.

But, in the midst of all this, I know I must remain strong. Ang maliit na sanggol sa aking sinapupunan ay nagdadala ng responsibilidad na hindi ko inaasahan. Handa akong harapin ito mag-isa, kahit masakit, kahit mahirap.

Sa pag-angat ko mula sa upuan, inayos ko ang sarili ko at naglakad palabas ng Brew Haven. Iniisip ko kung paano ko haharapin ang pagbabalik sa bahay namin, sa mga mata ng aking mga magulang, at sa mundong mag-isa kong sasalubungin.

Blinock ko ang number ni Zairon habang naglalakad ako sa kalsada. Tumutulo ang luha ko dahil sa kirot ng puso ko. Nagawa nga niyang lokohin ako, ano pa bang inexpect ko sa kaniya? Bubuhayin ko ang bata kahit walang suporta sa ama niya. Sasabihin ko nalang na patay na siya, mas mabuti na 'yon.

Nagplano akong doon muna ako sa bahay. Nalaman ng pamilya ko ang nangyari at wala narin silang nagawa.

"Laurene, tingnan mo 'to oh. Hindi ba at ang lolo ng Professor mo 'to?" Sabay duro ni ate Amery sa isang video na nagsasalita ito sa harapan ng entablado.

"Ano naman sa akin ngayon?"

"Luh, ang sungit mo na 'ah. Nagshare lang ako okay? Nakita ko kasi ang kambal sa video. Mukhang binalita na kung sino ang magmamana sa malaking hospital rito sa Pilipinas."

Plinay niya ang video at nakikinig lang ako habang nagtutupi ng mga labahan.

"The heir to this prestigious institution, the one who will lead us into a future of excellence and innovation, is none other than my grandson, Zairon Aero Gavilan."

Napatigil ako sa ginagawa ko at tiningnan ang video. Zairon is walking towards the stage but he's still in his usual self. Walang emosyon at hindi man lang ngumingiti.

"Good for him, baka siguro nireject niya ang anak niya sa akin dahil siya pala ang tagapagmana. Kapag nadungisan ang pangalan niya, hindi niya talaga makukuha ang mana niya." Tumayo ako at inarrange ang mga natupi kong damit at nilagay sa cabinet ko. Nasa kwarto kasi kami ni Ate Amery at pumasok lang talaga siya rito para maki tsismis.

"May nagsabi rin sa akin niyan. Kilala mo 'di ba ang oldest sibling nila? Iyong may anak? Pinili kasi ng oldest ang anak niya kaya hindi siya ang nagmana ng isa sa pagmamay ari ng lolo nila. Ang ikalawa naman ay pinili ang nobya kaya ayon, hindi rin nabigyan ng mana kung meron man baka pagkatapos pumanaw ng Don."

Umismid ako. Sino ba naman ako para piliin niya? May anak lang naman siya sa akin, hindi niya binigyan iyon ng big deal dahil mawawala ang mana niya kapag ganun. Mayaman talaga, puro pera. Magsisisi ka rin Zairon sa pinili mo. I won't let you meet your son or daughter with me.

I went for check up when my tummy reach two months, doon parin sa doctor kung saan ang unang nagtuklas na buntis ako at dahil first baby ko pa ay hindi pa halata na buntis talaga ako. Parang normal lang.

"Reresetahan kita ng iinumin mong vitamins, okay? Nahihilo ka pa ba?"

"Hindi naman masyado doc. Cravings nalang yata ang problema ko dahil iyon ang pinaka hassle sa akin."

Hindi rin ako nasusuka pero sumasama lang ang pakiramdam ko kapag hindi ko gusto ang pagkain. Frequent urinating rin ay napaka hassle. Minu-minuto umiihi.

Pagkatapos kong magpa check up ay dumiretso agad ako sa grocery store upang bumili ng mga healthy foods na kakainin ko. After kong magbayad sa cashier ay nagplano na akong umuwi dahil ilang oras pa naman byahe papuntang bahay. May malapit naman na hospital sa amin pero natatakot ako kaya mas mabuting ang doctor ko nalang ang titingin sa kondisyon ko.

I saw a jeep passing by at huminto ito sa unahan. Mag je-jeep nalang siguro ako papuntang terminal dahil bus ang sasakyan ko pauwi sa amin. Ngunit hindi pa nga ako nakatapak papasok ay may humila sa akin. Kinabahan ako dahil baka mahulog ako. Inis kong binulyawan ng kung sinong tao ang paghila sa akin.

"Ano ba?! Paano kung may mangyari- " hindi ko magawang maituloy ang sasabihin ko nang masilayan ang lalaking naka cap. Hindi niya binibitawan ang braso ko. Hinila ko ito sa kaniya pero humihigpit lang.

"What the hell? Bitawan mo nga ako? Sino ka ba? Ang tirik ng araw para kidnapin mo ako!"

"Come with me, Laurene." Natigilan ako at pinagmamasdan ang itsura niya. Boses palang ay pamilyar na. Tumingin siya sa akin at nakita ko ang pamilyar na kulay ng mata niya. Naging blanko ang tingin ko rito.

"Anong kailangan mo?" Malamig kong saad.

"Can we talk?"

"We already talk, Zairon. Dalian mo dahil gusto ko ng umuwi." Nawawalan kong pasensiyang sambit. Hinila niya lamang ako bigla ng marahan at pumunta sa hindi masyadong mataong lugar. Naiinis lang akong nakasunod sa kaniya dahil mas dumagdag ang galit ko nang nireject niya ang anak niya sa akin.

Binitawan niya ako at hinarap ako. Hinubad niya ang kaniyang sumbrero kaya nakikita ko na ang buong itsura niya.

"What do you want us to talk about?" hindi parin nawawala ang galit sa boses ko at habang nakikita ko siya, mas lalo lamang nadagdagan.

Lumunok siya at tiningnan ang tiyan ko. "How are you? Anong kalagayan mo ngayon?"

"Oh, you mean the baby you just rejected?" sarkastiko kong anas. "Bakit gusto mo pang malaman? Hindi ba gusto mong ako na bahala? And now, kinukumusta mo?"

Kumurap siya at napanganga. "Laurene.. I-"

"What now, Zairon? Ano na naman ang sasabihin mo?"

"Can you let me stay with you? Ako mag aalaga sa'yo.." Hindi ko alam kung bakit parang nahihirapan siyang magsalita at parang anytime iiyak siya. Anong kadramahan na naman kaya 'to?

"Para ano ang pag alalaga mo?" Salubong na kilay kong sagot. "Wala ka namang aalagaan sa akin. Hindi na kita kailangan pa."

"J-just for the baby, Laurene. Hayaan mo nalang ako."

Tinitigan ko lang siya at hindi naglabas ng kung anong emosyon. "Zairon, hindi ako buntis. Nagsisinungaling lang ako."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top