THIRTEEN

Zairon looked at me with disbelief. "What? But-"

I cut him off. "I lied, Zairon. I thought maybe you'd feel a slight sliver of responsibility, but it seems you're not interested. So, there's no baby, and there never was."

His expression shifted from confusion. "Why would you lie about something like that?"

I smirked with a bitterness in my voice.  "Just returning the favor. You rejected the idea of being a father, so I rejected the idea of burdening you with it." I keep myself calm upang hindi niya alam na nagsisinungaling lang ako.

He took a step back. "No, let me check you. Malalaman ko kung meron o wala. Doctor ako, I can tell."

Bigla akong napaatras at kinabahan. "Don't bother checking me dahil hindi ako buntis.. I'm not pregnant, Zairon."Mariin kong saad. He remained silent, his eyes searching mine for the truth. I could see a mix of emotions crossing his face-confusion, frustration, and perhaps a hint of regret. Kusang umiwas ang tingin ko. Tiningnan na lamang ang mga bahay sa likod dahil nadi-distract na ako sa paraan ng pagtingin niya.

Hindi pa rin siya kumikibo at parang inobserbahan bawat parte ng katawan ko. He's not convinced based on his expression. Ano pa ba ang gusto niyang mangyari? Pinagtabuyan na niya kahit hindi pa na fo-form ang baby ng maayos sa loob ng tiyan ko tapos ngayon ay hahanapin niya?

"So, are you satisfied now? You've said your piece. I hope you have a great life, Zairon," I added and turning away from him.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot. I knew I had made the right choice. I couldn't trust someone who had shown such indifference and lack of empathy. It was time for me to face the challenges ahead on my own terms.

"Wait, Laurene!"

Hinila ko agad ang kamay ko nang hawakan niya ako. "Ano ba?! Don't touch me!"

"No, No.." Naiiling niyang sabi. "I'm not going to believe you. Buntis ka 'di ba? Buntis ka," Parang sigurado niya pang sambit. "I noticed the symptoms of your pregnancy when I was in your apartment. Alam ko, Laurene dahil doctor ako."

Naglapat ang labi ko. Peste, paano ko siya matatakbuhan ngayon? Bakit ba kasi doctor 'to?

Napapikit ako at nag consume ng idea kung paano ko siya malulusutan. Kailangan kong lumayo sa kaniya dahil baka kawawa lang rin ako. Baka kung diyan na ako dumedepende sa presensiya niya ay babalik na naman ang pinagsasabi niya. Hindi ko maatim na marinig pa iyon. Masyadong masakit at baka hindi ko na talaga kakayanin.

"Zairon," bumukas ang mata ko at tiningnan siya. "You already rejected the baby two weeks ago kaya dahil sa stress ko ay nakunan ako. I told you na highly risk ang pagbubuntis ko pero wala kang pakialam," Uminit ang sulok ng mata ko, hindi ko alam kung bakit ang bilis kong umiyak ngayon dahil siguro sa pagbubuntis ko pero nakakatulong 'to para hindi na niya ako lalapitan uli.

"Ang lamig mo sa gabing iyon, sa tingin mo ba.. Makaka survive pa ako kung ganoon ka magsalita sa akin?" Tangina, bakit parang hindi na 'to acting? Why is my heart aching? I'm hurting.

"S-so, the baby.." lumunok siya."Our baby is gone?" Garalgal niyang tanong. Mabilis akong nakonsensiya nang makita kong naging malambot ang expresyon niya. Umiwas agad ako ng tingin dahil ayoko ng bawiin pa ang sinabi ko at pinunasan na lamang ang mga luhang sa tingin koy totoo na.

Napasapo siya sa mukha at napayuko nalang ako nang mabilis niyang pinunasan ang luhang kumawala sa mata niya. "I-Im sorry.. I'm sorry, Laurene. Hindi ko inaasahang ganito ang mangyayari. Hindi ko sana.. hindi ko alam.. wala akong alam sa sinabi-" Pinutol niya ang sinabi niya at nakita ko nalang na kumawala ang galit sa kaniyang mata. "I never expected that he would do this to me."

Nagtataka na ako. Anong sinasabi niya?

He looked at me and his eyes red and puffy, and approached. "Are you okay now? Where do you live here? Ihahatid na kita." Namumungay ang kaniyang mata at masyado na siyang emosyonal ngayon.

"I can take care of myself. Umuwi ka na." I insisted, trying to hold back my emotions. I couldn't handle being with him now. What if I accidentally spilled the truth?

Umiling siya ng parang bata. "No, I will make sure na makakauwi ka. Hindi kita pababayaang bumyahe mag isa."

Nagtitimpi akong hindi siya masigawan. Hindi ko talaga siya kayang makasama ngayon. Dahil baka, masabi ko pa ang totoo. I made up my mind, I won't tell him that I'm still pregnant.

"Zairon, please. Ayokong makasama ka. Naiintindihan mo ba 'yon? Makinig ka naman!" Tumaas na boses ko dahil sa frustration. Why is he so forceful? I don't need him, I don't need his care.

"Hindi mo ba ako kayang patawarin o gusto mo lang talagang makasama si Zaiden? Ano bang meron siya na wala ako? Magkamukha naman kami, Laurene." Sabi niya sabay hawak sa dalawang balikat ko.

Kumirot ang puso ko sa sinabi niya. "Hindi mo ako mahal, kagaya ng nararamdaman mo kay Zaiden?" Tinanong niya, at ramdam ko ang pait ng kanyang salita sa aking puso.

"Iba ang nararamdaman ko para sa'yo kaysa sa kapatid mo." Sagot ko.

"Tell me, paanong iba? Magkamukha naman kami 'ah, hindi mo pa rin ba ako kayang mahalin? You can just pretend that I'm him." Nasasaktan niyang wika. "I can do whatever he can. Lahat ng kilos niya, lahat ng paborito niya, expresyon at ugali ay alam ko dahil minsan rin akong pumalit sa kaniya. I can be Zaiden if you ask me to, Laurene.. just please, let me stay with you." Naluluha niyang dagdag at kinuha ang dalawang kamay upang halikan niya iyon ng paulit-ulit.

Napaiwas ako ng tingin dahil nanlalabo ang mata ko. Hindi ko siya kayang makasama at makita dahil pinipigilan ko ang damdamin ko. Nararamdaman ko kasing ibang-iba na ang nararamdaman ko sa kaniya at ayokong mas lumalim pa 'to. Hindi ko pa siya kilala at natatakot akong baka magkamali na naman ako.

"Hindi ganoon iyon.. hindi pwede.. hindi mo pwedeng gawin iyon dahil kahit anong gawin mo ay may kaibahan kayo. You can impersonate him but you can't be like him." tugon ko at kinuha ang aking kamay mula sa pagkakahawak niya.

Naglapat ang kaniyang labi at inangat niya ang kaniyang mukha sabay hinga ng napakalalim.

"Yes, of course I can't," He faced me with his emotional eyes. "Lahat ng mga bagay ay nasa kaniya na. Magkamukha nga kami pero mas nangingibabaw pa rin siya. Hindi ko siya kayang tapatan at kahit kailan ay siya pa rin ang sa puso mo. Akala ko, ako na. Nagkamali pala ako."

"Hindi ganoon ang punto ko!"

"Tsk, it's the same! You can't love me because you are still stuck with him!"Bigla niyang sinabi nang may galit sa kanyang mga mata.

"Ano bang hindi mo maintindihan?Hindi ba't sinasabi ko sa'yo na iba ang nararamdaman ko kay Zaiden? Hindi mo siya pwedeng palitan kahit na anong gawin mo. Hindi mo siya kayang maging kapalit kahit gaano mo subukan maging katulad niya."

I know you're different but I don't know how to explain it even for myself.

"Can't you see that I'm just taking a chance? Hindi mo ba naiintindihan na ginagawa ko ito para lang mapansin mo ako? Para lang makita mo ako at hindi si Zaiden?" Tila nanghihina niyang sambit at kumakabog sa sakit ang puso ko nang nagiging mapungay ulit ang kaniyang abong mata.

"Z-zairon.." wala akong maisagot.

"Oo, nagkamali ako! Inagaw ko ang atensiyon mo sa kaniya. Pero, Laurene.. wala ba talaga? Kahit man lang kunti?" Nawala na ang lamig na bumabalot palagi sa buong pagkatao niya at ibang Zairon na naman ang nakita ko. Hindi naman siya ganito noon pero dahil sa pag iwas ko ay nagbabago siya at mas nagiging vulnerable na hindi ko inaasahang ipakita niya sa'kin.

I swallowed and just looked at his shoulder. I couldn't even look at him properly.

"Wala," Nanlambot ang balikat niya. "Wala akong nararamdaman para sa'yo, Zairon kahit kunti.. pabayaan mo na ako." sabay tingin ko sa kaniyang mata.

His shoulders slumped, defeated. "I thought... I thought there was a chance. I was willing to try and make things right. I wanted to be there for you," Pag amin niya at naging emosyonal ulit ang boses niya.

Pinili ko pa ring mag matigas kahit na alam ko sa sarili kong sincere siya sa sinabi niya. Hindi ko matanggap sa sarili ko ang totoo na parang sinusuka ko ang nakikita at nararamdaman ko sa kaniya. "You made your choice, and I made mine. I can't go back now."

He looked at me with begging eyes."Please. I know I messed up, but I can change. I can be the person you need. Give me another chance. Laurene." Kinuha niya ang kamay ko at kulang nalang ay lumuhod siya.

I took a deep breath at nilalabanan ang sariling emosyon."Zairon, trust is easily broken and not easily repaired. You've hurt me deeply. I can't just forget everything and trust you again."

Napasapo siya sa kaniyang mukha at bumulong. "Ngayon ko lang naranasang magmakaawa sa isang babae, ngayon ko lang ako gumawa ng katangahan dahil nagustuhan na kita. At akala ko na kapag mabubuntis ka, may chance na akong lumapit sa'yo palagi. Hindi pala.."

Yumuko siya at nilalaro ang cap na hawak niya kanina pa bago niya ako tiningnan. "Gumagawa ako ng paraan para mapasa akin kana pero palpak rin pala dahil sinira niya. Siya palagi ang sumisira.."

Hindi ako sumagot at iniisip ang mga binabanggit niya at doon ko pa napagtanto ang gusto niyang ibig sabihin.

"Anong gusto mong sabihin ngayon? Na sinadya mo akong buntisin?"

Ngumiti siya ng mapait at wala man lang akong nakitang pagsisisi roon. "Oo, sinadya ko. Baka kasi.. mahalin rin mo rin ako kung may anak na tayo."

My lips parted in shock. "You manipulate me again?"

"If that's the only way-" sinampal ko siya.

"Sumusubra ka na! You wanted me to be pregnant but you rejected it? What's wrong with your brain asshole?!" Galit kong mura sa kaniyang mukha. Tinulak ko siya dahil mas ayokong hawakan niya ako. Mas lumalaki ang galit ko.

Hindi niya pinansin ang sampal ko at tinitigan lang ako ng mariin. "I will never say anything like that, Laurene. I planned this all along and you accused me that I rejected the baby? Sabi mo kilala mo na ang kambal ko 'di ba? Bakit hindi mo man lang masabi ang kaibahan?!" Natuod ako sa kinatatayuan ko. Umigting ang panga niya. "You love the wrong man, Laurene. I'm his twin but I know him more than you do. Hindi mo pa kilala si Zaiden."

I was taken aback but I tried to take courage na ipaglaban si Zaiden dahil alam kong hindi siya gano'n. He can't say something like that. "Do you think I will believe that? Mas maniniwala pa akong ikaw ang nagsabi no'n kaysa sa kaniya."

Inis niyang ginulo ang buhok niya at namumulang bumaling sa akin. "Of course, you knew him.. You knew him already. Bakit pa ba ako magsasabi kung hindi mo naman pala ako paniwalaan?"

"Dahil minsan mo na akong niloloko, Zairon," Napatigil siya at napaiwas ng tingin. "Kaya huwag mo akong sisihin kung hindi kita paniwalaan ngayon!"

Tumalikod ako at tumakbo palayo sa kaniya. Hindi ko kayang paniwalaan na masasabi ni Zaiden iyon sa akin. Hindi ganoon ang pagkakilala ko sa kaniya. Hindi ko siya kayang paniwalaan. Pero paano nga kung siya 'yon? Paano kung nagsasabi siya ng totoo?

Huminto ako nang makapasok ako sa may kanto at lumingon kung saan ako nanggaling. Guminhawa ang dibdib ko nang hindi siya sumunod.

Nag dadalawang isip na ako sa mga desisyon ko. Bakit ba kasi ang gulo ng dinanas ko? Wala bang mas madali pa rito?

I swallowed hard, glancing at the unknown number on my ringing phone. Curiosity got the better of me, and I answered.

"Hello?"

"It's Zaiden."

"Prof, bakit ka napatawag?"

"Nandiyan ba si Zairon?" Lumunok ako at hindi agad makasagot. "You better leave him alone."

"P-prof?"

"Laurenestine, leave him alone and please, don't inform him about your pregnancy."

"Bakit po?"

"Just follow what I say, Laurenestine. Mas makakabuti ito sa'yo. Para sa pamilya at anak mo."

"Kung ganoon, ikaw ang kausap ko sa cafe?" Nag iisip nalang ako na sasabihin niyang hindi dahil kampante akong hindi siya sa iyon pero bumabagabag ang mga naririnig ko kay Zairon at sinasabi ni Professor ngayon.

"Yes, I'm the one who talked to you and I want you to leave him alone."

"P-pero bakit? Ano bang nangyayari sa inyo? Hindi ko na kayo maiintindihan!" Nanggigigil kong sabi.

"There are things you're better off not knowing. Just trust me on this," he replied cryptically.

"No, I need to understand. I can't just leave things hanging like this," I insisted.

He took a deep breath before finally speaking. "Zairon has his reasons, but it's complicated. I'll take care of the situation. I'll send you money to ensure you and the baby are provided for. Just promise me you won't dig deeper into this mess."

Jusko naman, pagpahingahin niyo naman utak ko. Ano bang nangyayari?

"And Laurenestine, alagaan mo ng mabuti ang anak mo, ang anak niyo. Ako palang ang nakakaalam sa nangyayari sa'yo. I will accept his wrath if the time has come." dagdag niya.

"Tataguan ko siya ng anak gano'n?" Napahilod ako sa aking sentido.

"For the meantime, yes. To ensure that no one will know our conversation, palihim ko lang na hulugan ka ng pera para sa pagbubuntis mo. Don't worry, ako ang bahala sa kambal ko. I'm sure he will follow you, kaya mas nahihirapan akong ilayo ka sa kaniya."

"P-prof.. mas nagiging curious ako sa nangyari pero kung valid ang reasons mo, I will trust you pero ayokong itago rin ito sa kaniya ng matagal. Nagsinungaling pa akong nakunan ako para lumayo siya sa'kin. I thought he rejected the baby."

"Kung nakilala mo ang kambal ko ng matagal Laurenestine, you will understand him dahil mag katulad kayong dalawa sa ibang aspects. I will hang up now, make sure you have someone to be with you all the time."

Binaba na ni Professor ang tawag habang ako ay hindi parin alam kung ano ang susunod na gagawin ko. Nakokonsensiya ako sa pagre-reject sa kaniya pero sana tama 'tong ginagawa ko.

Umuwi ako ng bahay at wala muna akong planong sabihin sa kanila. I asked Mama if I could stay in my grandparents house in Pampanga. Doon ko planong manatili hanggang sa manganak ako.

"Are you sure na makakaya mo roon? Alam mo naman ang lola mo, Laurene. Baka, ma stress ka lang roon." Kahit ako ay nababahala sa desisyon ko dahil nang tinawagan ni Papa si Lola roon, ilang oras yata ang putak ng bunganga at pinutol nalang ni Papa ang tawag dahil walang ending ang pagsasalita ni Lola.

"Iintindihin ko nalang si Lola, pa. Nasabihan niyo naman siya sa kalagayan ko 'di ba?"

Lumabas si Mama sa kwarto nila at may binigay sa'kin. Mga vitamins at ibang kailangan kong inumin na binili niya kanina. "Baka makalimutan mo. Uminom ka habang nasa byahe."

Yumakap ako sa kanila at inihatid ako ni Papa sa terminal ng bus. May kasabay pa akong matandang babae papasok at siya ang pinauna ko. Magkatabi lang rin kami ng upuan at sa may bintana siya malapit.

Kinuha ko ang mineral water at vitamins sa bag ngunit nakita ko ang gamot na iniwan ni Zairon noong nasa apartment ko siya. Hindi ko napansin na nadala ko parin pala ito. Walang label ang gamot dahil hindi naman pala ito sa panghihilo, nalaman kong vitamins rin ito dahil alam niyang buntis na ako sa panahong 'yon.

Nalungkot ako dahil kahit galit parin ako sa kaniya ay hindi ko maiwasang maghinayang. Gusto kong malaman kung ano ang magiging reaksiyon niya paglabas ng anak namin. Hindi ko parin siya kayang patawarin ngayon pero alam kong darating rin ang panahon na iyon sa aming dalawa.

"Marahil ay iniisip mo ang nobyo mo, hija."Bumaling ako kay Lola na katabi ko lang. "Alam kong masaya iyon kapag nalaman ng nobyo mong magkakaanak kayo. Lalo na at-" tumingin siya sa aking tiyan na hindi pa naman halata. "Hindi lang isa ang nasa sinapupunan mo."

"Aswang po ba kayo, la?" Diretsahan kong tanong. Tumawa siya sa sinabi ko. Napatingin tuloy mga kasama namin sa bus.

"Kung aswang ako, baka naglalaway na ako ngayon. Matagal na akong manghuhula hija at unang kita ko palang sa'yo ay alam kong may pinagdadaanan ka ngayon. Ito ba ang dahilan kung bakit gusto mong lumayo?"

Parang alam na alam niya talaga nangyayari sa akin. Hindi ako naniniwala sa mga kagaya nila pero nawiwili naman akong pakinggan ang sinasabi nila.

"Parang ganoon na nga po." Ngumiti siya sa akin ngunit agad ring sumeryoso.

"Huwag mong pangunahan ang nararamdaman ng iyong puso, hija. Baka mahuli ka na at mahihirapan sa gagawin mo sa hinaharap. Nandiyan na sa loob mo 'yan at ang tanging gagawin mo ay ipakita ito sa kaniya."

Hindi ko namamalayan na malapit na ako sa destination ko. Unang bumaba si Lola kanina habang ako ay may 30 minutes pang hihintayin bago ako makarating. At ayon, bunganga agad ni Lola ang bumungad sa akin. Napatakip nalang ako ng tenga habang si Lolo ay tawa ng tawa. Ganiyan talaga 'yan na parang ngayon lang nakatawa sa buong buhay niya.

"Ano? Anak mayaman ang ama niyan? Paano kung kunin sa'yo ang bata?! Nag iisip ka ba?! Aba ineng, hindi tayo mayaman kaya anong maipagmamalaki mo?!"

Umupo ako sa upuang kahoy at busangot na kinuha ang phone ko. Nakita ko kasing may naghulog ng pera sa account ko.

"Pinatulan mo pa ang maestro mo?! Jusmiyo! Ano bang nangyayari sa mga bata sa panahon ito! Walang mga delikadesa!"

Pag open ko sa message ay napasapo nalang ako sa aking bibig. Anong- ba't ang laki?! Ilang zero yata ang nakita ko. Grabeng mayayaman, okay lang naman sa akin ang 10k per month. Hindi naman 'to, thousands, million na 'to.

"Use that money for your check ups, your cravings, and other expenses in a month. I'll send money every two months. Take care, Ms. Valencia."

Lumunok ako at iniisip na baka nga ay sapat na 'to ng ilang taon sa aming dalawa ni baby.

"Ano ang perang igagastos mo? May pera ka ba? Bente anyos ka pa!"

Tumayo na ako at kalmadong pumunta sa taas dahil humihikab na naman ako. "La, tulog muna ako. Need ko pong magpahinga."

Hindi man lang narinig ni Lola at todo pa rin siya putak habang nagwawalis sa loob ng bahay. Si Lolo naman ay may binabasa sa diyaryo niya pero nakita ko naman siyang tumango nang nagpaalam ako.

Bago ako dumiretso sa higaan ay naglinis muna ako ng katawan kahit na hindi pa naman gabi ngayon. Mas mulat pa yata mata ko sa gabi kaysa umaga. Humikab pa ako habang nagbibihis ng damit pagkatapos kong magpunas ng katawan.

Bumaling ang aking tingin sa aking cellphone nang tumunog ito. I placed the towel first at sinabit iyon sa labas ng kahoy na cabinet saka ko kinuha ang phone.

Unknown number ang nakalagay at hindi ko maiwasang kabahan nang maalala kong baka si Zairon 'to. Kahit naman na block ko ang number niya ay pwede niya parin akong tawagan sa ibang numero. Natataranta na tuloy ako at hindi agad nasagot ang tawag kaya ay kusa itong namatay. Kinakagat ko ang kuko ko nang maka received ako ng message galing rito.

"Hi Lau, it's Tristan. Kinuha ko number mo kay Jorih. I want to tell you something, can I call you?"

Tumawag na naman siya ulit kaya hindi na ako nagdadalawang isip pa na sagutin ako at masiglang sinagot ang kaniyang tawag.

"Tris-"

"Where are you?"

Nawala ang ngiti sa labi ko nang marinig ang pamilyar na boses. I thought it was Tristan, masyadong convincing ang tinext niya sa'kin.

"W-where's Tristan?" Tinatago ko ang pagkautal ng boses ko dahil sa kaba. Baka may ginawa siya kay Tristan.

"Laurene, I didn't say you have to find that guy to me. I said, where are you? Saan ka nakatira?"

Napaupo ako sa higaan at napalunok. I shouldn't give him hints. I won't let him be near me again. I promise Zaiden to avoid him. "I won't see you again, Zairon. O-our baby is dead, wala ka ng hahabulin pa sa'kin." My heart rises when I think of the possibility kung nalaglag nga ang bata sa sinapupunan ko. Wala sa sariling hinawakan ko ang aking tiyan.

"I- I want to see you, Laurene. I miss you, please.. gusto lang kitang makasama kahit saglit lang."

"Bakit ba napakatigas ng ulo mo? Wala ba sa vocabulary mo ang rejection? You're so persistent, you know that?" Inis na inis kong anas. "Nakakapagod ka na, Zairon. I don't need you. I don't need you in my life." mariing sabi ko, trying to sound resolute despite the trembling in my voice.

"I just want to talk, Laurene. Please, give me a chance to explain," his voice softened, but I could feel the frustration in his words.

"Explain? Ano pa ang ipapaliwanag mo? That you deliberately manipulated me again? What kind of sick game are you playing?" galit na sabi ko, na halos hindi ko na kayang pigilan ang pag-iyak.

Natahimik siya saglit bago sumagot, "Alam kong mali 'yun, pero gusto ko lang sanang malaman mo kung gaano kita kamahal. I thought that by having a child, you would see how much I want to be part of your life."

I scoffed at his explanation, "So, you thought deceiving me and toying with my emotions was the way to express your love? That's not love, Zairon. That's just pure selfishness."

I closed my eyes. Fuck, now I know how to handle my own craziness back then. I'm being selfish and my obsession with Zaiden and Zairon is just the same as mine in the past.

"But I love you, Laurene. Can't you see that?" he insisted.

"But I don't love you. I don't need you, Zairon. P-please, leave me alone!" I tried to calm myself to ensure that I don't have to stress myself. I know I'm hurting him, I know that, I'm just trying to get rid of him.. I really know that... but my heart sank every time na bumibitaw ako ng ganitong salita sa kaniya. His desperation wants me to just be near to him. Iniiwasan ko kasing mas lumala pa ang damdamin ko dahil alam ko sa sarili kong may nararamdaman na rin ako sa kaniya. My tears started to fall like rivers, my emotions are betraying me again. Lumunok ako ng ilang beses upang hindi niya mapansin na masyado na akong apektado.

"Huwag mo nang subukan na tawagan ako o hanapin. Wala nang pupuntahan 'to. Goodbye, Zairon," huling sinabi ko at binaba ang tawag. I have to change my number and stay away from him for now.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top