titig
unedited
------
Kabanata 5
Titig
Hindi ko alam ang gagawin ko ng magkasalubong ang tingin namin ni Red. After kasi ng incident sa CR ay di na kami nagpansinan at nagkibuan. We both treat each other like the other person never existed.
Syempre, mas pabor yon sa akin dahil kahit sandaling panahon lang kaming nagkalapit ay ayaw ko na agad sa antipatiko niyang ugali. Talagang hindi magkakasundo.
"OMG, Jaki!" masayang utas ni Kate at agad akong sinunggaban ng yakap kaya naputol ang pag iisip ko. Ginantihan ko ang yakap niya at nginitian sila pero hindi na uli ako sumubok tingnan ang Red na yon kahit pa ramdam na ramdam ko ang titig niya sa 'kin.
Niyakap din ako ni Kasey habang nakatingin lang si Niccolo sa isang tabi.
"You're working here..." utas ni Kasey ng kalasin niya na ang pagkakayakap sa akin. Nahihiyang tumango ako. There's no point in denying it, it's really obvious.
"Eh, bakit nga pala kayo nandito?" usisa ko ng makaupo na kami. Katabi ko si Kasey habang katabi naman niya si Kate. Parang batang tumabi sa isang gilid ko si Tristan na hindi matanggal ang ngisi sa kaniyang labi habang blangkong umupo sa tapat namin si Niccolo. Katapat niya si Tris at katapatko naman at si Red. Katabi niya si Cade.
"Red suggested this place--" utas ni Naddie na di namin namalayang nakabalik na pala at saka umupo sa tabi ni Cade.
"What the fuck are you talking about, Nadz!" malakas at puno ng inis na utas ni Red, pinutol ang sinasabi ni Nadine.
Nakita ko kung paano umirap si Nadine dahil sa kabastusan ng ugali ni Red.
"I'm just being honest here!" aniya.
"Eh bakit kasi kasama pa sila? Tayo-tayo lang kaya yon!" nakabusangot ang mukhang utas ni Red. Nakakainis talaga ang ugali niya! So, parang pinapaalis niya kami rito? So outcast lang kami, ganon?
Alam ko kung bakit nagkakaganyan si Red. Nadine has been the closest girl in the Curse. Mula palang pagkabata ay magkakaibigan na sila. Di ko alam kung matatawag bang suwerte si Nadine dahil doon pero talagang kinaiinggitan siya ng karamihan, lalo na ang mga babaeng patay na patay sa The Curse.
"Alam mo, you're so rude! Ikaw lang ba ang kaibigan ni Nadz dito? Kami rin kaya!" di ko na napigilang sagot sa kanya. Kumukulo ang dugo ko sa sobrang inis sa hinayupak na 'to!
Nakita ko kung paano lalong lumukot ang mukha niya dahil sa narinig sa akin.
"Hoy, babae. Baka nakakalimutan mo na bagong salta ka palang, kung makapagsalita ka diyan akala mo kilala mo na si Nadz mula pagkabata! At saka, wag mo nga siyang tawaging 'Nadz', ako lang tumatawag sa kaniya 'non!" malakas ang tinig na utas niya. Nakita kong napapatingin na sa min ang ibang customers. Buwisit na lalaking 'to! Ke lalaking tao ay palengkero! Kung magsalita akala mo ang kausap ay nasa kabilang ibayo! Parang walang class. Kung hindi pa sa mga branded niyang V-neck shirt, trousers at sapatos pati na rin relo ay aakalain mo talagang taga bundok siya. Well, i-disregard na lang ang perpekto niyang mukha at kutis dahil talagang nagsusumigaw ito ng kayamanan. Napairap ako ng lihim sa aking naisip.
"Oh, chill!" tatawa-tawang singit ni Cade na halatang aliw na aliw sa nangyayari.
"'Wag nga kayong mag-away. Sa tuwing kumakain tayo sabay-sabay ng lunch ay halos di kayo magpansinan! Tapos ngayon naman, nagsisigawan kayo na parang mga bata!" asik ni Nadine sa amin kaya natahimik ako. Yumuko na lang ako at pinabayaan na lang na titigan ako ni Red.
Totoo yon. Lagi kaming sabay sabay na kumain ng lunch sa V.A. at talagang patay malisya lang kami sa isa't isa ni Red. Ayoko siyang kibuin at pansinin at ayaw niya rin kaya the feelings are mutual.
"Tss..." narinig kong utas ng kumag.
"Let's order na?" pagbasag ni Kasey sa tense na atmosphere. Nagsitanguan sila kaya nakitango na rin ako. Nakakainis. Bakit pa kasi kaharap ko pa ang lalaking 'to?
Tumawag sila ng server, si Marian. Nakita ko kung paano magpa cute si Marian sa harap ng the Curse. Gusto kong umirap sa kawalan. Kung alam lang niya kung gaano kasahol ang ugali ng mga 'to...well, except kay Tristan.
"Lumipat na lang kaya tayo ng cafe?" singit ng walang hiya sa tapat ko. Agad nag init ang ulo ko sa klase ng pananalita niya. Para bang iniinsulto niya ang Coffee Bean!
Nag angat ako ng tingin sa kaniya at nakitang bagot siyang nakatingin sa akin. Bwisit. Inaasar niya ba ko? Gusto niya ba talagang mag away kami?
"Stop it, Red!" angil ni Nadine saka inirapan siya. "We'll stay. Mukha namang masarap ang foods dito and even their drinks," ani Naddie saka bumaling na sa kay Marian.
"I will just go for these," utas ni Naddie at may tinuro sa dalang iisang menu ni Marian. Can't she see na maraming nasa table? Bakit isa lang dala niyang menu?
"Red tea na lang sa 'kin," mahinhing utas ni Kasey saka tipid na ngumiti.
"Cappucino," malamig na tinig ni Niccolo ang sumunod. Napatingin ako sa seryoso niyang mukha na lagi namang ganoon. Nakatitig lang siya sa mesa. Ang tahimik niya talaga.
"Pineapple juice na lang sa akin, miss," nakangiting utas ni Tris kay Marian. Nakita ko kung paano pumula ang mukha nito. Napailing iling ako.
"Iced tea na lang and carrot cake," utas ni Kate.
"Parehas na lang kami ni Nadine." nakangising utas ni Cade saka kinindatan pa si Marian. Nakita ko kung paano humagikgik na parang timang si Marian. What the heck. Well di ko naman siya masisisi. Sino ba namang di kikiligin kung kikindatan at ngingisihan ka ng isang Cade Kevin Tolentino? Kaya nga halos lahat ay nababaliw sa kanila sa school. They looked so real perfect. Physically.
"How 'bout you Red and Jaki?" ani Nadine sa amin. Kami na lang pala ang hindi nag-o-order.
"Uh..." ani ko at nag isip ng pwedeng order-in. Actually ay nahihiya ako dahil alam kong ililibre na naman nila ko. Lagi namang ganoon, kahit kapag nagla-lunch kami ay sila lagi ang gumagastos. Paano namag hindi eh ang mga price ng mga pagkain sa V.A ay pang isang linggo ko ng allowance.
"Chocolate cake and brewed coffee," untag ni Red kaya napaangat ako ng tingin sa kaniya.
"Is that all sir?" Inipit na boses. Gusto kong puluputin ang boses ni Marian at tadyakan siya palabas ng Coffee Bean. Pinaganda pa niya ang kanyang mga mata na akala mo talaga kinaganda niya. Napairap ako sa kawalan.
"Oh." ani Red na hindi man lang napansin ang pagpapapansin ni Marian dahil nanatili lang sa akin ang tingin niya. What the heck is his problem? May dumi ba ko sa mukha? Bakit ganyan sa makatingin?
Nakita ko kung paano nalipat sa akin ang tingin ni Marian ng mapansin niya yatang nasa akin lang ang atensyon ni Red. Bumusangot ang kanyang mukha saka ako inirapan.
"Okay, sir. Just wait for your order," tinutukoy lang ay si Red. Tss! Mukhang bet pa yata ang hambog na nasa harapan ko ngayon. Edi sana sinunggaban niya na at hindi ako ang pinagtarayan! Bwisit!
"So, Jaki, why didn't you tell us na dito ka pala nagta trabaho?" bukas ni Nadine sa usapan kaya naputol ang pag iisip ko at nalipat sa kaniya ang tingin ko.
"Ah...hindi naman mahalaga na malaman nyo kung saan ako nagta-trabaho..." nahihiyang utas ko.
"Of course, it matters, Jaki!" singit ni Kate.
Kinagat ko ang ibabang labi ko. "Sorry...di ko namang intentionally na gustong itago sa inyo na nagta trabaho ako eh," ani ko.
"Ah. So that's why you are always busy. Kapag niyayaya ka namin na lumabas, you always say no," nakangising utas ni Cade.
Tumango ako.
"You should have told us, Jaki..." nagtatampong utas ni Nadine. Napayuko ako sa sobrang pagkapahiya. Well, kaya hindi ko rin masabi sabi sa kanila ay dahil nahihiya ako. They are all from wealthy families, owning a corporate companies known internationally or locally, have a successful business established from their family hierarchy. At ako nagta trabaho sa papausbong pa lamang na business ng tita ko. It's a shame hanging around them. Para akong outcast na hindi nararapat kailanman na tumuntong sa mundo nila.
"Sorry talaga." ani ko dahil wala na kong masabi. Napabuntong hininga na lang ako.
"It's okay, basta next time you shouldn't keep secrets to us," nakangiting utas ni Kasey. Tipid akong ngumiti sa kanila at tumango.
Napatigil kami sa pag uusap ng dumating na ang order namin.
"Tita mo pala ang owner ng cafe na 'to, Jr?" singit ni Tris makailang sandali.
Napatigil ako sa pagsimsim sa brewed coffee na in-order ni Red para sa akin at napaangat ng tingin kay Tris.
"Oo." sagot ko.
"Baka lagi na akong tumambay rito, Jr," nakangiting utas niya sa akin kaya napangiti na rin ako.
"Basta ba mag bayad ka," pagbibiro ko sa kaniya na kinahagikgik niya.
Nag thums up siya sa akin at ginulo pa ang buhok na tila ba ako bata.
"Tss..." narinig ko ang maingay na pagtikhim ng kumag sa harapan ko pero di ko na lang pinansin.
Kung anu-ano lang ang pinag usapan namin. Ang maingay na si Cade at Nadine ang siyang nagpasaya ng usapan habang sina Red at Niccolo ay nakasandal lamang sa kanilang mga upuan at nakikinig...well, di ko lang alam sa Red na 'yon kung nakikinig ba siya dahil panay ang pagtunog ng kanyang cellphone, hudyat na may nagte text sa kanya.
"Sino ba yan, dude," sa wakas ay pagsawsaw ni Cade sa kung sinumang ka-text ng kumag. Sinilip niya ang screen ng phone ni Red pero agad niya na itong nailayo.
"Damn! Is that Krishina?" nakangising pang aasar ni Cade saka humalakhak.
"Krishina? Yung leader ng cheering squad?" utas ni Kasey. Nakita ko kung paano nalipat ang blangkong tingin ni Niccolo kay Kasey na agad nag iwas ng tingin.
"You're a jerk, Red! I said don't hit on that slut!" asik ni Naddie kay Red pero ang kumag tila wala lang sa kaniya yon at nagpatuloy sa pagtipa sa kanyang phone. Nagbaba ako ng tingin sa brewed coffee ko na ubos na. Parang gusto ko pang uminom.
"Kalma, Naddie..." narinig kong utas ni Kate.
"Di ka pa rin ba sanay, Nadine? Red has always been like that." ani Tris na tila sanay na sanay na sa nangyayari at napapailing na lang.
Nakakainis pero alam kong di ko dapat maramdaman ito. Labas ako rito pero talagang naiinis ako.
"Shit! Bahala ka na nga sa buhay mo! Magsama kayo tutal parehas kayong malandi!" gigil na utas ni Nadine na kinahalakhak ni Tristan at Cade. Nakita ko na napaangat din ang gilid ng labi ni Niccolo. First time kong nakita na ngumisi siya at mas lalo siyang gumwapo.
"Dammit! Don't nag at me, Naddie! Do that to Cade," inis na utas ni Red na kinatameme ni Nadine.
Ah, yun lang pala ang katapat.
"What the! I hate you, you piece of--"
Naputol ang sasabihin ni Nadine ng akbayan siya ni Cade.
"Chill, babe, chill," nakangising utas ni Cade na aliw na aliw sa nangyayari. Napailing iling ako pero di na rin naiwasan ang pagngiti ng makita kung paano mamula si Nadine.
"Get off me!" asik ni Nadine ng mahimasmasan saka biglang tumayo.
"Cr lang," paalam niya na namumula pa rin ang mga pisngi.
"Yeah, I said don't mess up with me but you still did," mariing utas ni Red ng naglalakad na palayo si Nadine.
"G*go ka talaga, Red," natatawang utas ni Cade.
"Fuck you too," nakangising utas niya saka nag angat ng tingin sa akin. Hindi ko alam pero biglang parang may kumikiliti sa tiyan ko ng magtama ang tingin namin.
Nakapaskil pa rin ang nakakatindig balahibo niyang ngisi at mabigat ang intensidad ng kanyang titig.
Hindi ko alam pero para akong masusuka sa kiliti sa aking tiyan.
Gusto kong umirap pero mahirap. Ang hirap iiwas ng tingin sa kanya dahil para akong nama magnet sa kanyang tingin.
Biglang tumunog ang phone niya kaya para akong nagising sa mahimbing na pagkakatulog at agad nag iwas ng tingin.
Ano yon? Shit!
"See you at my condo? Fuck! You're a legend, dude!" maingay na utas ni Cade kaya muling bumalik ang tingin ko sa kanya.
Nakatitig siya sa akin at hindi inintindi si Cade. Pinagmamasdan niya ang mukha ko pero ang tanging sinukli ko lang ay ang inis na irap ko.
Shit! Magsama kayo ni Krishina!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top