binibini

Kabanata 4

binibini

"Hindi ako tumatanggap ng simpleng 'thank you'," aniya habang nakatingin ng deretso sa mga mata ko.

Muntik na akong mabilaukan sa sinabi niya. "Ano?" utas ko sa kanya.

Isinuksok niya ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng jacket niya habang hindi ako hinihiwalayan ng tingin.

"You see, I need someone to accompany me..." utas niya at halatang pinapabitin pa ang bawat salita. Nagsalubong ang kilay ko sa inis.

"Accompany you?" I said, spitting the words in my tongue. What the shit is he thinking?

Tumango siya saka ngumisi. "I want you to come with me sa birthday party ng kaibigan ko."

"What?" natatawang utas ko saka di na napigilang humagalpak ng tawa.

Nakita ko kung paano siya nairita sa pagtawa ko.

"What's so funny, lady?" inis na utas niya kaya lalo akong natawa. Siraulo din pala ito, e! Bakit niya naman ako iimbitahan sa party-ng yon?

Nang matapos ako kakatawa ay tinignan ko siya. Seryoso siyang nakatingin sa akin at hindi maipinta ang mukha.

"Hindi mo alam kung anong nakakatawa, mister? You told me not to mess up with you and now, you want me to accompany you in that party?" natatawa pa ring utas ko saka umiling-iling.

"And so? You owe me one and that's my request."

"Pumunta ka mag-isa mo," ani ko saka iniwas na ang tingin sa kanya. I will never attend parties na ang makakasalamuha ko ay pawang mga mayayaman. I don't want to fit myself into their world because I know that it's too impossible. I should just remain on where I am and not cross the line.

"You don't know how to be grateful." utas niya.

"I already said, 'thank you', and I think that's enough. Don't worry, ibabalik ko naman 'tong shirt mo." Matigas  na utas ko ng hindi tumitingin sa kanya.

Umupo ako sa may sahig at sinandal ang likod ko sa malamig na dingding. Inaantok na ako at hindi ko alam kung kailan kami mapagbubuksan dito.

"You're rude" utas niya saka hindi na nagsalita. Ginaya niya yung ginawa ko pero magkalayo kaming dalawa. Para kaming takot sa isa't isa.

"Mas rude ka," bawi ko at ipinikit ang mga mata.

"Don't talk to me," masungit na utas niya na tinawanan ko lang.

"Ikaw kaya nakikipag-usap!" Natatawang utas ko saka tumingin sa kawalan.

Nakabibinging katahimikan ang namayani. Hindi ko alam kung anong oras  na o kung ano na ang nangyayari sa labas. Tila ba kami lang dalawa ang nasa mundo. Napabuntong-hininga ako ng maalala si tita. Talagang dapat na akong maghanda sa walang katapusang sermon niya.

"What are you thinking?" pagbasag ni hambog sa pagmumuni muni ko. Di ko na natiis ang sarili at nilingon siya. Nakatingin din siya sa gawi ko habang nakasandal ang kanyang ulo sa pader. Sa di ko malamang dahilan ay may mga paru-parong nagsisiliparan ngayon sa tiyan ko.

"Madaldal ka rin, ano?" ani ko.

"Ang boring. Ayokong mabaliw tulad mo na nakatulala na lang," pang aasar niya sa kin pero hindi ko  na lang pinatulan.

"Tss." utas ko saka iniwas na ang tingin sa kanya.

"Iniisip ko si mama at papa..." Hindi ko alam kung bakit ko yun biglang naibulalas. It just came out naturally. Na parang it's okay to  tell him. Na I can count on him kaya ang sa.a agad ng una naming pagkikita.

Nanatili siyang tahimik kaya nagpatuloy ako.

"I was just so wondering if they are both happy..." nakatulala sa kawalang utas ko saka mapait na ngumiti.

Sandaling katahimikan ang naghari. Sa sobrang tahimik ay muntik ko ng makalimutan na may kasama pala ako ngayon.

"Where...are they?" Mahinang tanong niya kaya napakurap-kurap ako saka siya nilingon.

"Sa heaven." Ani ko at tipid siyang nginitian pero ramdam na ramdam ko naman ang sakit na bumalatay sa puso ko. I just missed them so much...yes, I miss them.

Nakita ko kung paano niya iniwas ang tingin sa akin pero bago mangyari iyon ay may dumaang pait sa kanyang mga mata.

"Ikaw? Nasan ang parents mo?" usisa ko dahil bigla akong na curious dahil sa nakita kong pait sa mga mata niya.

Narinig ko ang sarkastikong pagtawa niya nang mahina habang hindi tumitingin sa akin.

"I don't have one." malamig pa sa yelong utas niya na nagpatigil sa akin.

"A-anong ibig mong sabihin?" lalong na-curious na utas ko. Kaya siguro ganto kasahol ang ugali niya 'no? Dahil wala siyang mga magulang. Mas nakakaawa pala siya kaysa sa akin kung gan'on.

"It's none of your business." matalim na wika niya at di na ako muli pang nilingon. Mariin kong pinagdikit ang aking labi upang tigilan ang pagtatanong s kanya. Sa nakikita ko kasi ay hindi talaga maganda ang estado ng relasyon niya sa kanyang mga magulang. Kaya siguro gan'on siya. Para siyang halimaw sa sama ng ugali niya at para siyang ipo-ipo sa lakas ng kayabangan niya. Napaismid ako sa naisip na kongklusyon. Pero kahit ano pa man ang ginawang mali jg mga magulang niya, dapat hindi pa rin gan'on kasama ang ugali niya! E, bakit ako? Napalaki ako ni tita ng maayos kahit wala na akong kga magulang. Depende talaga sa tao yan kung paano niya maha-handle ang mga problemang bumubulusok sa kanyang buhay.

Nakabibinging katahimikan ang namayani to the point na aantukin ka na lang talaga. Ilang ulit akong napahikab hanggang sa hindi ko na napigilan ang pamimigat ng mga talukap ng aking mga mata hanggang sa dahan-dahan akong hilahin ng antok...

* * *

Naramdaman ko ang bagay na dumampi sa aking noo. Dahan-dahan kong dinilat ang aking mga mata at nabungaran ang napakagandang puno sa harapan ko. Kulay violet ang mga dahon nito na sinasayaw sayaw ng hangin. Napangiti ako at napatayo upang pumitas ng isang dahon.

Pero bago ko pa magawa yun ay bigla na lamang umihip ang malakas na hangin dahilan upang magsipag bagsakan ang mga napakagandang mga dahon.

"Wow..." namamanghang utas ko saka masayang nag-ikot-ikot doon habang dinadama ang bawat lilang dahon na dumadampi sa aking balat.

Napatigil ako sa pag-ikot ng may marinig akong mga yabag ng kabayo. Napalingon ako sa pinanggalingan ng tunog at agad nakita ang papalapig na kulay kahoy na kabayo.

Lulan nito ang isang matipunong lalaki na umaalon alon pa sa hangin ang buhok. Tila siya isang prinsipe base sa kanyang ayos ngunit hindi ko gaanong makita ang kanyang mukha dahil malabo ito.

Ibinaba ko ang tingin saga dahong nasa paanan kl na ngayon pero naagaw ng aking damit ang aking atensyon. Hindi na ako naka-school uniform ngayon ngunit naka suot na ng isang mahabang palda na may hindi kaaya-ayang ayos. Mukha itong basahang pinagtagpi-tagpi at nawawala na ang tunay na kulay. Ganoon din ang akong damit pang itaas na humahapit sa aking baywang.

Narinig ko ang pagtigil ng mga yabag kaya't napaangat ako ng tingin.

Napaawang ang bibig ko ng makita ang mala prinsipeng lalaki na ngayon ay nasa harapan ko  na.

"Matagal ka bang naghintay, aking binibini?"

At sa kauna-unahang pagkakataon ay narinig ko ang mabilis na kabog ng aking dibdib.

Nahihiya akong ngumiti sa kanya ngunit hindi ko pa rin gaanong maaninag ang gwapo niyang mukha.

"Hindi na iyon mahalaga, ngayong nandito ka na, mahal..."

Lalapit na sana ako sa kanya ng bigla akong mapatili ng makita ang pamilyar  a mukha ni hambog sa mala prinsipeng lalaki.

"Lady, wake up and get your shit together!!" sigaw ng pamilyar na tinig dahilan upang maglahong parang bula ang lahat sa paligid.

Naiinis na idinilat ko ang mata upang sigawan pabalik ang walang hiyang umistorbo sa tulog ko ng mahigit ko ang aking hininga sa lapit namin ni...hambog.

"A-anong..."

Ngumisi siya nang nakakaloko sa akin ng makita ang reaksyon ko at ibinaba ang tingin sa pisngi ko saka natawa.

"You're impossible, lady," aniya saka lumayo sa akin at tumayo. Napakurap-kurap ako. Anong ibig niyang sabihin?

Saka ko lang napansin ang staff na todo hingi ng sorry kay hambog.

"Sorry, sir. H-hindi ko po alam na nandito kayo..." anito at nagkamot ulo.

Inirapan niya lang ang staff na lalaki at naglakad  na palabas pero bago siya tuluyang lumabas ay nilingon niya kong muli sa huling pagkakataon. Kitang-kita ko ang pagngisi niya na nagpakulo sa dugo ko. What the heck really happened?! Bakit parang may alam siya na hindi ko alam?

* * *

"Tita, pagod na po ako..." nagmamakaawang utas ko habang inilalapag ang tray sa counter. Dahil sa hindi ako nakatulong sa Coffee Bean dahil nga na stuck ako aa CR ay binigyan ako ng parusa ni tita. Agad niya akong pinukol ng matalim na tingin. Kung nakamamatay nga lang talaga ang tingin ay kanina pa ako bumulagta rito. 

"Pagod ka na? Hindi mo man lang naisip kung gaano rin ako napagod ng hindi ka sumipot at tumulong dito! Letseng bata 'to! Ni wala pa nga yan sa kalahati ng pagod na naramdaman ko!" talak ni tita at sinubukan pa akong ambaan ng hampas buti na lamang at nakailag ako. Sumusuko akong napabuntong hininga at saka tumakbo papunta sa doorframe ng kusina.

"Opo! Magta-trabaho na nga po!" ani ko at saka nagmamadaling bumalik sa counter. Napapabuntong hiningang hinawakan ko ang tiyan ko na kanina pa nagrereklamo. Ni hindi ko pa man lang nalalamanan ang tiyan ko simula kaninang umaga. Hapong hapo na rin ang mga paa ko buhat sa paglalakad paikot-ikot sa sulok ng Coffee Bean. Ang daming customers ngayon dahil weekends kaya heto, hindi man lang ako nakakaupo kahit isang minuto o nakakakain dahil di pa ako nagbe-break time. 

"Jaki, sa table 10," ani ni Marian na katulad ko ay mukha na ring zombie. Wala pa rin siyang break at tuloy-tuloy lang na nagse-serve sa sobrang daming customers.

Tumango ako at sinundan siya ng tingin na dumeretso sa kusina upang magpahinga muna sana sandali ngunit napailing-iling na lang ako sa ginawa niya. Wrong move, girl.

Mga ilang sandali lang ay narinig ko na ang walang katupusang pagratrat ng bunganga ni tita. Napangisi ako at inatupad na ang sinasabi ni Marian na customer sa table 10.


Pero habang naglalakad ay hindi ko maiwasang pagmasdan ang paligid. Sa tinagal-tagal kong nagtrabaho sa Coffee Bean ay nalaman ko na ang dalawang uri ng customers na usually tumatambay dito. Ang una ay ang mga taong gustung-gusto ang tabi ng glass window at hanging plants habang nakasubsob sa magazines o librong binabasa o di kaya sa sarili nilang mga laptop. Habang ang pangalawa naman ay mga couples na hilig na yata ang maglampungan sa gitna ng cafe. Naalala ko nga na sa sobrang bwisit ko sa mag-jowa na naglalampungan sa gitna ng cafe ay sinadya kong itapon sa kanila ang brewed coffee na in-order nila. Forever? Forever na daw sila? Anong ka-ungas-an yan?


Nang makarating sa table 10 ay agad ko na silang binati na para bang wala akong iniisip kani-kanina lang at hindi kumakalam ang sikmura ko.

"Good day , ma'am, sir. Can I get your order?" magiliw na utas ko at binigyan pa sila ng matamis na ngiti. Sabay silang nag-angat ng tingin sa akin saka sinabi ang order nila na agad ko namang nilista sa hawak-hawak kong notepad. Pagkatapos ay nagpaalam na ako sa kanila.

Saktong pagtalikod ko ay pagkatayo ng babaeng nakaupo sa kabilang table kaya't nagkabungguan kami.

"Oops, sorry," utas niya dahil nahulog ang notepad na hawak ko. Agad akong yumuko upang kuhain ang notepad at nakita ang pangmayaman niyang heels. Wow.


"Sorry, miss, are you okay?" malamyos na tanong niya kaya dagli akong nag angat ng tingin.


"Yes, ma-" Natigilan ako ng mag-angat ng tingin sa kanya. Sabay nanlaki ang mga mata namin at napaawang ang bibig sa sobrang gulat.

"J-Jaki? What are you doing here?" hindi-makapaniwalang utas ni Nadine. Bakas pa rin sa mukha niya ang gulat. Agad naman akong nakabawi at napakurap-kurap. Dagli akong nahiya ng ma-realized ang ayos ko. Magulo na ang pagkaka-ponytail na maitim at mahaba kong buhok, ang haggard ko na tignan at ang pinakanakakahiya sa lahat ay ang suot ko. Kinagat ko ang ibabang labi upang pigilan ang sariling sagutin ang tanong niya ngunit ng pagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa ay alam ko na na hindi ko na kailangan pang sagutin ang tanong niya.


"You're working here?" hindi makapaniwalang utas niya at tila may sasabihin pa ngunit hindi alam kung paano sisimulan.

Nag-iwas ako ng tingin bago tumango. Ramdam ko ang kahihiyang bumabalot sa mukha ko. Kung sana nag-ayos man lang ako, kung sana nag-suot man lang ako kahit na maayos na damit...

"Why didn't you tell us? Aren't we friends?" aniya sa akin na puno ng hinanakit. Agad akong sinalakay ng guilt. Sa loob ng isang linggo na pagiging magkakaibigan namin nina Nadine, Kate at Kasey ay marami na akong nalaman sa kanila pero ni wala man lang akong sinabi o kinuwento tungkol sa sarili ko. Nahihiya kasi ako at natatakot na baka katulad din sila ng iba na kapag nalaman ang kwento ng buhay ko ay iwan ako. 


"N-nadine--" Hindi ko na natuloy pa ang sasabin ko ng biglang may tumawag sa kanya. Sabay kaming napalingon kay Cade na kumakaway habang naglalakad palapit sa amin.

Ang mahaba at straight na buhok nito at inililipad ng hangin habang deretso lamang ang tingin kay Nadine. Ni hindi man lang siya nag-abalang pansinin ang mga taong automatic na nagsitinginan sa kanya dahil sa dala niyang kagwapuhan at kakisigan. 

Sa loob din ng isang linggo ay nakilala ko na ang tinatawg nilang 'The Curse', na kilalang kilala sa Villa Academy, hindi lang dahil sa kagwapuhan nilang taglay o dahil anak sila ng mga mayayamang sponsors ng V.A. pero dahil banda sila dito sa school. Kaya lalo silang kinahumalingan at kinabaliwan ng mga kababaihan.


Napailing-iling ako at napatingin kay Nadine ng tuluyan ng makalapit si Cade.

"Bakit ngayon ka lang? Nasaan na sila?" sikmat niya kay Cade na hinawi ang buhok. Napanganga pa ako kasabay ng mga babaeng nakakita ng ginawa ni Cade dahil parang buhok ng babae na bumaba ang buhok niya effortless. Daig niya pa ang buhok ko sa sobrang smooth.


Nginisihan niya lang si Nadine. "Parating na," aniya saka nilipat ang tingin sa akin. Nakita ko kung paano lumaki ang singkit niyang mata.

"O? Ikaw si Reyes, diba?" aniya sa akin saka pinagmasdan din ako mula ulo hanggang paa kaya agad akong dinapuan ng hiya.


"Ah, server ka rito?" Nag-init ang pisngi ko sa tinuran niya at gusto ko sana siyang hampasin ng table na nasa gilid ko sa sobrang inis pero agad nalipat ang atensyon ko kay Nadine na binalingan ako.

"Jakirah, I will buy your time and you will join us in our table. You have to explain everything to us." deretsang utas sa akin ni Nadine na ikinaawang ng bibig ko.

"No, Nadine! 'Wag na! Pwede naman nating pag-usapan 'to pagkatapos ko---"

"Ano ka ba naman, Jakirah!" Nagulat ako ng marinig ang nakakairitang boses ni tita kasabay ang malakas na paghampas niya sa likod ko dahilan upang muntikan na akong masubsob sa sahig buti na lang ay maagap akong nahawakan ni Cade.

Mabilis akong nag-angat ng tingin kay tita na agad akong pinanlakihan ng mga mata na tila sinasabi na manahimik ako. Naiinis na nag iwas ako ng tingin. Bwisit.

"Tara, hija, mag usap tayo sa opisina." anyaya pa ni tita na agad pinaunlakan ni Nadine. Gusto ko sanang hilahin si nadine pabalik pero alam kong kung gagawin ko yun ay higit pa sa natanggap kong parusa ngayon ang matatamo ko. 

Napatingin na lang ako kay Cade na presko ng nakaupo sa inuupuan kanina ni Nadine. Minwestra niya sa akin ang upuan na bakante habang nakangisi.

Tss.

Papaupo na sana ako ng marinig ko ang isang pamilyar na tinig.

"Jakirah?" Napalingon ako sa babaeng tumawag sa akin at agad nanlaki ang mga mata at napatayo ng tuwid ng makita sina Kate, Tristan, Kasey, Niccolo at...


Red?


Anong ginagawa nila rito?


"SHIT." utas namin pareho ng magtama ang mga mata namin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top