sealed

(unedited)

-

Kabanata 32

sealed


"Jakirah!" Pinikit ko ang mga mata at huminga nang malalim. Mas binilisan ko pa ang paglalakad upang makaiwas sa kanya.


"Jakirah!" Umalingawngaw sa buong hallway ang boses niya. Rinig ko ang pagtakbo niya palapit sa akin. Hindi ko na lang pinansin ang mga studyanteng napapatingin sa gawi ko dahil sa pagtawag niya.


"Why is Red chasing her?" naririnig kong bulong-bulungan sa gilid ko. I shrugged it off. Hindi iyon ang dapat kong intindihin ngayon.


"Jakirah, wait!" utas niya at pinigilan ako sa akmang paglalakad pa sa pamamagitan nang paghila sa braso ko. Napaangat ako ng tingin sa nahahapo niyang mukha. KItang kita ko ang pagtulo ng pawis mula sa kanyang noo at ang paghabol niya ng kanyang hininga.


Hinayaan ko munang habulin niya ang kanyang hininga. I just looked at him blankly.


"What is it?" medyo hinihingal pang tanong nya habang di maalis ang tingin sa akin. Malikot ang mata niya, tila hinahanap ang kung anong mali.


Nag iwas ako ng tingin sa kanya.


"Wala..." mahina ang tinig na utas ko at tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko.


Agad kumunot ang kanyang noo sa ginawa ko. "You didn't answer my calls!" rinig na rinig ko ang inis at pagtatampo sa kanyang tinig.


Hindi ko iyon sinagot at nanatiling sa iba nakatingin. 


"Anong problema?" tila nahihirapang tanong niya sa akin. Damn. I can't afford to look at him.


"Jakirah..." nagsusumamong tawag niya sa akin at pilit akong pinatingin sa kanya. 


"I just want to be alone, Red...please," utas ko at tinalikuran na siya.


Fuck. That is the hardest thing I could ever do.


//


"Jakirah!" Nagising ako sa malakas na tawag ni tita mula sa ibaba. Inaantok akong naghikab saka nag inat. Alas sais palang ng umaga!


Nang marinig ko ulit ang tawag niya ay nagmadali na akong naghilamos at bumaba. Sabado ngayon at sarado ang Coffee Bean dahil may inaasikasong papeles si tita na hindi ko naman alam kung para saan. Malamang ay para sa kanyang coffee shop.


"Tita---" Naputol ang sasabihin ko nang makita sina Kate, Kasey, Nadine at ang The Curse sa may ibaba. Lahat sila ay nakapalibot sa nakangising si tita. Mukhang tuwang tuwa sa kung ano ang ikinukwento niya.


Napangiwi ako.


"A-anong ginagawa nyo rito?" nahihindik na utas ko.


Natawa si Nadine. "Hindi ba nasabi ni Red sa yo? We're going in a trip!" nakangising pahayag niya at minuwestra sialng lahat sa harapan ko.


Ha?


Agad hinanap ng tingin ko si Red. Nakatutunaw ang titig niya habang nakangisi sa akin. This devil...


"Sorry, I forgot..." naaliw na utas niya. Saka ko lang napagtanto na kagigising ko lang pala! Kaya pala kun todo ito kung makangisi ngayon.


"H-hindi ko alam..." ani ko at hindi na malaman ang gagawin.


"Mag-s-stay lang tayo sa Siargao for days since tapos na exams!  Let's just enjoy ourselves!" ani Kate na agd sinang ayunan ni Nadine.


Eto ata ang pinagplanuhan nila bago ang exams...pero buong akala ko ay sa Palawan yung napagkasunduan nila...


"Jaki, mag ayos ka na!" udyok sa akin ni Cade na ready-ng ready na. Naka-sunglasses pa ito kaya't panay ang harot ni tita sa kanya.


Napailing iling ako. Agad na akong nagpaalam sa kanila uoang gawin ang inutos ni  Cade. Mabilisan lang ang pag aayos ko at naglagay ng kakaunting damit sa isang backpack. Ayokong masyadong maraming dalhin since ilang araw lang naman.


"Gusto ko sanang sumama kaya lang kailangan kong magbukas ng ilang araw.." nakangusong utas ni tita, tinutukoy ay ang Coffee Bean.


"Next time na lang po, tita! Mauna na ho kami!" paalam ni Kasey kay tita. Isa-isa silang nagpaalam habang si Niccolo ay nakangiti lang. As usual, tahimik na naman ito.


"Bye tita..." ani ko at hinalikan siya sa kanyang pisngi bago tuluyang tumapak palabas ng coffeeshop.


Malaki ang dala-dala nilang van. Kulay-itim iyon at nakalagay na ang mga gamit nila sa may likuran.

Napaigtad ako nang maramdaman ang haplos ni Red sa likod ko. 


"Tabi tayo.." bulong nya sa tainga ko na nagbigay init sa buong mukha ko.


Di ko na lang siya pinansin at nilagay na ang backpack ko sa compartment ng van bago sumakay. 

Nag init ang mukha ko ng sumipol si Cade nang makitang magkatabi kami sa likod ni Red. Nauna na kasi ang iba sa pagsakay dahil nga naglagay pa ako ng aking gamit sa likod.


Sinamaan ko ng tingin si Cade na ngumisi lang sa akin. "Niccolo, ikaw na lang mag drive..." utas ni Kate.


"Yeah! I don't want this reckless driver to drive us 'no!" malakas na pasaring naman ni Nadine na ang tinutukoy ay si Cade.


"I can handle this!" maktol ni Cade at pilit na kumapit sa manibela ngunit pinaalis na siya nina Tristan at Niccolo.


"Sige.." ani Niccolo na blangko lang ang ekspresyon. Medyo nakahinga ako nang maluwag dahil alam kong smooth lang si Niccolo magmaneho. Hindi pa kami masasawi kung saka-sakali.


"Are you ignoring me?" Napaigtad ako nang maramdaman ang mainit na hininga ni Red sa tainga ko. Ayoko siyang lingunin dahil magpapang abot ang labi namin. Damn this guy...


"Hindi!" sikmat ko ngunit sa mahinang tinig.


Narinig ko ang mahina niyang halakhak. Sumiksik pa talaga siya sa akin.


"I just didn't tell you last night because I wanted to see you on your pajamas..." puno ng panunudyong utas niya sa akin. Agad ko siyang sinimangutan at sinamaan ng tingin.


"Yes. Everyone saw me on my pajamas..." utas ko sa kanya nang di siya nililingon. 


"Sungit..." bulong niya na kinapigil ng ngiti ko.


This man never fail to make me smile...damn.


"You can sleep, mahaba pa biyahe." aniya sa akin na kinatango ko. Namimigat na rin ang talukap ng mga mata ko sa antok. Dahil nga sa exams ay kulang ang tulog ko nang mga nakaraang araw. Idagdag pa ang problemang hatid ng nanay ni Rred pati na ang complicated na realtionship namin ni Red.


Pinilig ko ang aking ulo at sinandal na ang ulo ko sa may upuan ngunit naramdaman ko ang pagpaling ni Red ng ulo ko sa balikat niya.


"You can sleep here.." masuyong utas niya at kinuha ang kamay ko. He intertwined our fingers.


I tried to fall asleep. Kahit na nadi-distract ako sa mainit na kamay niyang nakabalot sa kamay ko.


//


Nakarating na rin kami sa destinasyon namin. Agad kaming sumubok ng mga beach activities dito sa Siargao. Hindi ko maiwasang mamangha habang iginagala ang tingin sa buong paligid. Tila ito isang napakagandang paraiso.


Dumating ang gabi, nagdesisyon kami na sa beach muna manatili at gumawa ng bonfire para pangontra sa lamig ng gabi.


Umupo kami sa mga malalaking trunk ng puno na nakahiga sa pinong buhangin at pinalibutan ang bonfire.


Iba't iba ang dala namin. Mayroong dalang gitara si Tristan habang beers naman kina Cade at Red. Si Niccolo at ang mga girls sa barbecues at yung mga pwedeng iihaw.


Habang lumalalim ang gabi ay unti-unti kaming natatamaan ng bisa ng alak. Ayokong uminom pero pinilit ako nina Nadine. 


Napangisi ako habang pinakikinggan ang maingay na bunganga ni Nadine habang inaaway si Cade. Lagi silang nagtatalo ngunit alam kong close na close sila.

"Mali iyang tono!" angil ni  Nadine dahil mali ang tono ni Cade ng sabayan niya ang kanta ni Tristan.


"Paki mo ba?!" angil din ni Cade. Kulang na lang ay mag wrestling sila roon.


Tahimik ang lahat. Si Kate ay katabi si Tristan, nakayakap ito sa binata habang si Kasey ay katabi si Niccolo na tahimik lang na tumutungga ng beer. 

"I want to take you somewhere," bulong sa akin ni Red.

Napaangat ako ng tingin sa kanya.


"Saan?" I mouthed. Hindi na kami magkakarinigan dahil sa ingay ng paligid.


"Let's go..." nakangising utas niya at hinila ako patayo.

"Hey, dude! Use protection!" narinig naming sigaw ni Cade sa di-kalayuan nang makalayo-layo na kami. Narinig ko ang tawanan nila na kinapula ng pisngi ko.


"Asshole." bulong ni Red at mas hinigpitan ang hawak sa akin. Napangiti ako. 


Naglakad na kami sa may bandang dalampasigan.  Masarap ang mga pinong buhangin na kumikiliti sa talampakan ko, maging ang malamig na tubig na marahang humahampas sa paa ko.

"What is it?" tahimik na tanong ko kay Red habang nakatingala sa maliwanag na buwan at sa mga nagkikislapang bituin sa kalangitan.


"I promised you something, right?" marahang utas niya, tila natatakot na mabasag ang katahimikan ng paligid.

Napalingon ako sa kanya at nakita ko kung gaano siya kagwapo sa ilalim ng mga bituin.

Damn. This man is in love with me.


Tumango ako kahit na di siya nakatingin sa akin. Ngumisi siya at saka ako nilingon. Doon nagsalubong ang tingin namin. His brown, chocolate eyes were sparkling...dancing in the moonlight.


Sinundan ko siya ng tingin ng pumulot siya ng isang makinis na bato sa may paanan namin. Nagtataka ko siyang tinignan.


"Then promise me also..." mabagal na tinig na utas niya at muling nag angat ng tingin sa akin.


Dahan dahan niyang kinuha ang kamay ko at inilagay roon ang makinis at maliit na bato.


"Promise me that you won't ever leave me..." malalim ang tinig na utas niya habang titig na titig sa akin.


Hindi ako nakahuma sa sinabi niya at napaawang ang bibig sa gulat.


"Promise me, Jakirah...once you throw this rock...you're sealing our promises..." seryoso ang mga mata niyang nakatingin sa akin.


Hindi ko alam ang gagawin ko. This is so sudden. Hindi ko napaghandaan. I can't promise him that...Not now...not ever.


"R-red.." halos hindi iyon makalabas sa bibig ko.


Paano ako magbibitaw ng isang pangako sa kanya kung alam kong sa huli ay hindi ko iyon matutupad?


Nag init ang gilid ng aking mga mata ngunit pinilit kong huwag iyong ilabas.


Binaba ko ang tingin sa bato at dahan-dahang binitawan iyon. Kitang kita ko kung paano iyon tumaga sa tubig at lumubog.


"J-Jakirah..." utas niya.


Pinalis ko ang luhang isa-isang nagsipatakan bago muling nag angat ng tingin sa kanya.


Malamlam ang mga mata niyang nakatunghay sa akin.


I can't make promises that soon enough I'll break. I'm not like that.


But I can seize the moment and try to make it the best even for a short period of time...


Dahan-dahan kong inabot ang kanyang mukha. Nakita ko ang pag awang ng kanyang labi sa ginawa ko.


I'm sorry...


Kasabay nang pagpatak ng luha sa aking mga mata ay ang pagsakop ko sa nakaawang niyang labi.


Hindi ako marunong humalik kaya't nanatili lang iyong nakadampi sa kanya. Natigilan siya ng ilang segundo at agad ding nakabawi at agad akong siniil ng halik.


Gosh...how will I miss this?


//


"Jakirah..." ramdam ko ang pagod sa boses niya.


Hindi ako lumingon at gumalaw man lang at nanatili lang sa pagkakatayo roon.


"Damn it, Jakirah! Ano bang problema? I...I already gave you days...I distanced myself to you kahit na ayaw ko. Kahit na ang hirap. Ano pa ba ang gusto mo?" hirap na hirap ang tinig na utas niya.


Nagsimulang mag init ang gilid ng aking mata. Damn it. Yeah. That's right. Mapagod ka. Sukuan mo ko. Damn it!


I breathed all my courage and looked up to him. Kitang kita ko kung gaano nagbago ang mukha niya. Mukha siyang hindi nakatulog ngisang buwan dahil sa eyebags niya. Magulo rin ang kanyang buhok at hindi nakaayos ang kanyang uniform. I feel bad...



"Gusto ko? I just realized...Nagsasawa na ako." malamig ang tinig na utas ko.



//the first part in this chapter & the last part are the sneak-peek for the following chapters ahead. just wanna have some twist in a chapter eh that's why lol!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top