mali

(unedited)

-

Kabanata 33

mali


Matapos ang maiksing bakasyon namin sa Siargao ay bumalik na rin kami agad dahil hindi pa tapos ang klase. 

Nagtaka ako dahil pagkabalik ko ay ang seryosong mukha agad ni tita ang bumungad sa akin.


"Tita..." utas ko at sinara ang pintuan sa likuran ko.


Nagtaka ako dahil sarado ang Coffee Bean eh linggo ngayon. Dapat bukas ngayon ang shop dahil marami kaming customers pag weekends.


Tatanungin ko sana siya kung bakit sarado ang Coffee Bean ng isang malakas na sampal ang bumungad sa akin.


Napaawang ang bibig ko sa sobrang gulat at napasapo sa nasaktang pisngi.  Ramdam ko ang kirot at hapdi sa sampal niya. Talagang tumabingi ang mukha ko.


Nag init ang gilid ng aking mga mata at tinignan siya. Kitang-kita ko ang panlilisik sa kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Nanginginig din ang kanyang labi sa labis na galit.


"Alam mo?" mahina iyon ngunit sapat na upang marinig ko. Noong una ay hindi ko alam ang tinutukoy niya kaya't naguguluhan ko siyang tinignan.


"Alam mong Villamor si Red, Jakirah, hindi ba?" matalim ang tinig na utas niya sa akin.


Nanigas ako sa kinatatayuan habang hindi nakahuma sa rebelasyong sinabi niya.


Alam na ni tita...


Pinigilan ko ang pagpatak ng luha sa mga mata ko ngunit hindi ko na iyon mapigilan. "T-Tita..." nanginginig ang tinig na utas ko at pilit siyang inaabot ngunit winawaksi niya ang kamay ko.


"Nakakadiri ka!" malakas ang tinig na utas niya sa akin. Kitang-kita ko ang iba't ibang emosyon sa mga mata niya. Galit...Lungkot...Panghihinayang...


"Alam mo na ang totoo pero tinuloy mo pa rin? Jakirah, ganyan ba kita pinalaki?!" hindi makapaniwalang utas niya sa akin at humakbang paatras sa akin na tila ba nag iba ako. Na tila ba hindi niya ako kilala. Na tila ba nandidiri siya sa akin.


Nagsipag patakan ang mga luha ko. Hindi ako makagalaw. Nanghihina ako. Makita ko palang ang reaksyon ni tita ay pinanghihinaan na ako ng loob. Paano pa kaya kung malaman ito ni Red? Tiyak na kamumuhian niya ako...


"Hindi kita pinalaking ganyan! Jakirah! Gumising ka!" namumuhing utas niya sa akin at pinalis ang luhang nalaglag sa mga mata niya. Napapikit ako at napaupo habang patuloy sa malakas na pag iyak.


"T-tita..." utas ko at nag angat ng mukha sa kanya.


Hindi ako makahinga sa sobrang pag iyak pero hindi ako papayag na hindi mag explain sa kanya.


"Saan ba ako nagkulang? Alam mong kapatid mo siya...b-bakit? Bakit?" nanghihinang utas niya at sinapo ang noo. Ang sakit. Ang sakit makitang nasasaktan si tita dahil sa ginawa ko.  Dahil sa pagiging makasarili ko.


"Pinuntahan ako ni Mrs. Villamor." utas niya makalipas ang ilang minutong pananahimik. Natigilan ako at napaangat ng tingin sa kanya.


Blangko ang ekspresyon ng kanyang mukha na nakatingin sa akin. Tila ba hindi siya ang titang nakagisnan ko simula palang....


"Hindi niya pa alam ang totoo." aniya at humugot nang malalim na hininga.


Nagbaba ako ng tingin at kinagat ang nanginginig kong ibabang labi.


"Itama mo ito, Jakirah. Labag sa Diyos...sa tao...ang ginawa mo," mapait na utas niya. Muling tumulo ang masaganang luha sa mga mata ko.


Alam ko namang mali. Umpisa palang mali na...sinubukan ko naman. Sinubukan kong ilayo ang damdamin ko pero hindi ko magawa...


"Tita...h-hindi ko po sinasadya..." nauutal ang tinig na utas ko at tinignan siya.


Tinignan niya lang ako na tila ba walang kahit anong eksplanasyon ang makakapagpabago sa ginawa ko.


"Hindi sinasadya? May choice ka, Jakirah. At ang pinili mo ay ang kalandian mo! Kapatid mo si Red!" nanggagalaiting utas niya.


"S-sinubukan ko...sinubukan ko pong pigilan, t-tita..." pinipilit kong mag explain sa kanya pero masyado akong nasasaktan sa mga binibitawan niyang salita.


Damn. I know I deserve it all but the only thing I did is to choose my happiness. Is that too much to ask?


"Then your try wasn't enough! You should have tried harder! Alam mo ang tama sa mali, Jakirah! Pero ano ang ginawa mo? Pati ang Diyos nilabag mo!" utas niya at tinalikuran na ako.


"Hinding-hindi ko matatanggap ang ginawa mo...." nanginginig ang tinig na utas niya.


Tinakpan ko ang mukha ko nang sunod sunod na luha ang pumatak sa king mga mata. Ang bigat-bigat ng dibdib ko...ang sakit-sakit..


"t-tita..." ani ko kahit na hindi na ako halos makahinga.


"Wag kang gumaya sa yapak ni Raki. May fiancee na si Red. Hindi kayo pwede." matigas ang tinig na utas ni tita.


"Itigil mo itong katangahan mo. Kapag hindi mo pa hiwalayan si Red, hinding hindi mo na ako makikita pa, sinasabi ko sayo," banta ni tita at naglakad na papasok sa kanyang kwarto.


Naiwan ako roong tulala habang patuloy pa rin sa pag agos ang hindi matapos tapos kong luha.


//


Bung magdamag akong hindi nakatulog at palagi lang umiiyak. Hindi ko alam kung paano ako makakapasok ngayon dahil namamaga ang mga mata ko.


Nang lumabas ako ng aking kwarto ay naabutan ko si tita. Malamig ang pakikitungo niya sa akin at tila multo ako kung kanyang daan-daanan. Hindi niya ako pinapansin kahit na magkaharap kami o magkakasalubong man lang.


It's breaking my heart.


Never pa kaming nagkaroon ng matinding away ni tita kaya sobra akong nahihirapan ngayon. Wala akong mapaglabasan ng sakit na nararamdaman ko. Pinalis ko ang luhang tumulo sa mga mata ko at naghilamos.


Napatingin ako sa cellphone ko na kagabi pa ring nang ring.


Mahigit isang daan na ang texts ni Red at aabot na sa singkwenta ang kanyang mga missed calls pero ni isa roon ay hindi ko pinansin. Tumunganga lang ako sa miserableng repleksyon ko sa salamin.


Ilang minuto lang ako sa ganoong posisyon. Ayokong pumasok ngayon ngunit inaalala ko na baka bisitahin ako ni Red dahil hindi ko sinasagot ang mga tawag at texts niya.


Ayokong magkatagpo sina tita at Red nang ganito pa ang sitwasyon.


Kailangan ko nang kumilos...at ayusin lahat ng gusot na ginawa ko.


Nag-ayos na ako ng aking sarili at nag-ready na sa pagpasok. Late na ako ng ilang oras ngunit hindi ko na lang iyon pinagtuunan ng pansin. 


"Alis na po ko," paalam ko kay tita na nasa counter. Ni hindi man lang siya nag angat ng tingin sa akin at nagpatuloy lamang sa ginagawa. Pinigilan ko ang luha sa mga mata ar naglakad na palabas.


Ang bigat ng pakiramdam ko. Bawat paghakbang ko ay tila bigat na bigat ako. Lumulubog ako. Unti-unti akong lumulubog.


Nakita ko ang pagtataka sa mga mukha nina Cade ng pumasok akong late. Hindi ko sila pinansin at nagtuloy-tuloy sa upuan ko.


Buti na lang ay hindi strikta ang professor namin kaya't hindi ako pinapunta sa detention para parusahan. Binaba ko ang tingin sa desk ko nang maramdaman ang presensiya at tingin ni Red sa likod ko.


Paano? Paano ko 'to magagawa?


Dumaan ang ilang subjects na naging tahimik ang buhay ko. Lihim ko iyong pinagpasalamat. Nang mag-break time ay agad na akong tumayo at niligpit ang gamit ko.


This time, ayokong sumabay.


"Jakirah, why are you late?" utas ni Kate sa akin bago pa ako makahakbang.


"M-may inasikaso lang..." utas ko at nagbaba ng tingin.


"Your eyes..." mahinang utas ni Kasey ng mapansin ang namamaga kong mata.


"Mauna na ako..." utas ko at nagmamadali na silang iniwan doon. Narinig ko pa ang pagtawag ni Nadine sa akin ngunit di na ako muli pang lumingon.


Nang makarating ako sa hindi gaanong mataong parte ng Villa Academy ay nakahinga ako nang maluwag. At least dito walang gagambala sa akin.


Gusto ko muna ng space. Ayoko munang harapin silang lahat nang ganito pa kagulo ang utak ko at maging ang sitwasyon.


Umupo ako sa may bench na naroon at huminga nang malalim.


"Jakirah..." Napaigtad ako nang marinig ang pamilyar na tinig na iyon. Marahas akong napalingon sa likuran ko. Nakita ko kung paano lumambot ang tingin ni Red ng masalubong ang mga mata ko.


Nanlaki ang mga mata ko. Anong ginagawa niya rito?


Napatayo ako at akmang tatakbo palayo ng mabilis niyang hulihin ang braso ko.  Nanginig ako sa kaba.


"Why...why aren't you answering my calls?" naguguluhang utas niya, pilit hinahanap ang mga mata kong di makatingin sa kanya.


Bumilis ang kabog ng dibdib ko.


Hindi ko alam ang sasabihin ko.


"Jakirah..." mahina ang tinig na utas niya at pinaling ang mukha ko sa kanya para magsalubong ang tingin namin.


"What happened?" nag aalalang utas niya.


Natutunaw ang puso ko sa klase ng tingin niya sa akin at sa masuyo niyang tinig.


"Magkapatid kayo ni Red!"  Muling umalingawngaw ang galit na tinig ni tita sa utak ko.


Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa mukha ko at humakbang paatras.


"Wala. Pagod lang siguro..." utas ko at nag-iwas ng tingin.


 //

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top