rough

(unedited)

-

Kabanata 38

rough


A friendly date, huh?


Napangiti ako at tumango. "Okay..." utas ko para i-assure siya na okay lang sa akin. Nakita ko ang pag-ilaw ng mga mata niya nang mag angat ng tingin sa akin.


"Really..." utas niya at lumitaw ang magandang ngiti sa kanyang labi at ibinaba ang kamay na paulit-ulit humahagod sa kanyang buhok. I think it's his mannerism.


Nauna na akong naglakad patungo sa nakalatag na picnic blanket. Talagang pinaghandaan ang mga pagkaing nakahain dito. May nakita pa akong mamahaling wine at iilang rosas sa tabi nito.


"Upo na tayo.." ani Chaser kaya umupo na ako sa may picnic blanket though mukha namang malinis ang maliliit na damo na nandito.


Sumunod siya sa akin sa pag upo at ngayon ay nasa harapan ko lang siya.


"I really just want you to divert your attention about your relationship with Red...that is why," untag niya sa akin ng masagana na kaming kumakain.


Natigilan ako at napaangat ng tingin sa gwapong mukha niya.


Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin. I mean, he...and Niccolo are trying their best to make me happy..hindi lang sila but even my friends as well as Tristan and Cade. Para lang sa happiness ko. Para lang maka get over ako sa kung anumang pinagdaraanan ko ngayon. Although they just know a slightest bit of idea on their heads about what the heck is really happening, they are still thriving to make me smile. to make me happy again. And to protect me from getting hurt.


"Thank you,  Chaser..." halos hindi iyon makalabas sa aking bibig sa sobrang nararamdaman ko ngayon. I feel so overwhelmed. I feel so loved by everyone.


Bakit nga ba ko titingin sa taong handa na akong ipagpalit? Bakit titingnan ko pa ang unti-unti niyang paghakbang palayo sa akin kung pwede namang maging masaya na lang ako sa kung anuman ang nangyayari ngayon?


I am more blessed than I think. More blessed.


"I won't ask you questions about your relationship with him...but promise me that I will see again that genuine smile you gave me that night..." seryoso ang tinig na utas niya.


Napakurap-kurap ako at tumango-tango.


I will try and try until I will come okay again.


I won't lose your hopes. I will come off okay again. No, better, rather.


"Good. You want ice cream?" nakangisi na tanong niya sa akin pagkakuwan. He quickly changed his mood. What a monster!


Pero lihim akong nagpasalamat sa pag-iba niya ng topic. Napangiti na rin ako at tumango.


//


"So...can I know where you address is?" nakangising tanong niya sa akin nang nagda-drive na siya at palayo na sa napakagandang garden sanctuary.


Nilingon ko siya. Saka ko naalala ang sinasabing gig ng The Curse sa isang bar ngayong gabi! Agad kong ni-check ang oras at nakitang mag-aalas syete na.


Eight naman sa pagkakaalam ko ang start...


"Speaking of which, can I borrow your phone? Nasira kasi yung phone ko e, I need to call someone.." kahit nahihiya ay kinapalan ko na ang mukha ko since pinlano ko naman na 'to kanina na maghihiram ako ng phone kay Chaser para matawagan ko si Kate kung saan ang bar.


"Of course! Here." agad niyang utas at binigay sa akin ang manipis at mamahalin niyang cellphone. Walang wala ang nabasag kong phone sa phone niya!


"S-salamat." kiming utas ko at akmang tatanungin kung anong passcode niya ngunit nagulat ako ng wala siyang security code sa phone.  Seriously?


"You can have that if you want," Muntik ko nang mabitawan ang phone niya sa sobrang gulat ng ibulalas niya iyon. Buti na lang ay mabilis ko rin iyong nahawakan.


Nilingon ko siya. "H-Hindi na! Sa 'yo kaya 'to!" utas ko at napailing iling.


"Sorry, so rude of me. If you want I'll just buy you---" Agad ko siyang pinutol sa pagsasalita.


"W--Wag na, Chaser! I can buy my own phone," ani ko at nag iinit ang mukhang binaba ang tingin sa kanyang cellphone.


Parang sobra naman yata iyon! 


"Don't be shy, Jakirah. You are a close friend...it's my nature.." utas niya pagkakuwan ngunit di pa rin ako pumayag. Buti na lang ay natawagan ko na si Kate kaya naputol ang usapan namin.


"Hi, jaki! On the way ka na?" masiglang bati niya sa akin.


"I want to know the address of the bar, Kate...can you tell me where it is?" utas ko at agad ni-loudspeak ang tawag. Baka alam ni Chaser kung saan.


Sinabi ni Kate kung saan ang naturang bar. Pinanood ko ang pagtaas ng isang kilay ni Chaser habang nakatingin din sa akin.


"You know it?" utas ko sa kanya.


Kinindatan niya ko na kinainit ng pisngi ko.


"It's a famous one," utas nito at ngumisi. Mukhang marami itong kilalang bar, siguro ay suki rin ito ng mga ganoon.


Nakarinig ako ng ingay sa background. Mukhang nagkakasayahan na nga yata sila roon kahit di pa nag uumpisa ang rakrakan.

"Jaki! Get here fast!" narinig ko pa ang malakas na tinig ni Naddie sa background. Napailing iling ako at napangiti.


"Di ko alam nagka-clubbing ka?" nakangising tanong sa akin ni Chaser.


"My first time.." ani ko sa kanya at binalingan na ang nasa tawag.


"Sige, thank you Kate...papunta na ako," ani ko.


"Okay! See you!" sigaw niya dahil maingay na rin ang music sa may background.


Pinatay ko na ang tawag at napailing iling.


"That's Kate?" utas ni Chaser kaya napatingin ako sa kanya nang iniabot ko na ang kanyang phone.


"Yeah..." ani ko at bumuntong hininga.


"I want to come with you ang kaso I alreadyy had a date with you so I'm not abusing it," nakangiting utas niya sa akin na kinatawa ko.


Ilang saglit lang ay ni-park niya na ang red sports car niya sa malawak na parking lot ng naturang bar. Sa labas palang ay kita ko nang pangmayaman iyon.


Tila ayoko nang tumuloy.

Umikot muna siya para pagbuksan ako ng pinto. "thank you, a," ani ko sa kanya nang makalabas na ako. Sumandal siya sa may pinto ng shotgun seat habang mataman akong pinagmamasdan.


"No. Thank you,  Jaki. You made me so happy today," marahan ang tinig na utas niya habang titig na titig sa mukha ko.

Nag init ang mukha ko at matipid siyang nginitian. "Sige...bye." ani ko at naglakad na papasok sa may bar.


Napakislot ako sa gulat nang maabutan si Red na nakasandal sa glass wall habang deretso ang tingin sa akin. Kanina pa siya roon?


"A friend, huh?" puno ng pang uuyam na utas niya sa akin. In-emphasize niya pa ang salitang friend na tila ba sa pamamagitan niyon ay magi-guilty ako.


Tinikom ko ang bibig ko para di na lumawig ang usapan. Ayoko siyang kausapin.

Maglalakad na sana ako ngunit sa gulat ko ay bigla niya akong hinila at sinandal sa dingding. Makipot lang ang daan papasok kaya agad nagdikit ang katawan namin. Lihim akong napamura sa isip dahil naapektuhan ako sa presensiya niya.


"You saw me , right? You saw me that day..." malalim at mahina ang tinig niya pero sapat upang marinig ko. Nanatili ang mata ko sa paa naming dalawa. 


Nangininig ako sa takot. Natatakot ako nang sobra...na baka mahalata niya na apektado pa rin ako. Na hindi totoo lahat ng sinabi ko. Takot na takot akong mapansin niya...


"I was making out with every fucking girl in the academy, you know that, right?" marahas ang tinig niya at tila saksak iyon sa puso ko.


"Bitawan  mo na ko," malamig ang tinig na utas ko kahit na may mga paru parong nasa tiyan ko ngayon. Paano? Paano ako nata-traydor ng damdamin ko?


"But you know what?" Nanindig ang mga balahibo ko sa batok nang ibulong niya iyon sa tainga ko. Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga na bumubuga sa balat ko. Mariin akong napapikit dahil tila natutunaw ako sa ginagawa niya.


"Every kiss...every caress...who do you think I am thinking of?" paos ang tinig na utas niya. Nanghina ako nang idampi niya ang malambot na labi sa tainga ko.


"L-Let go...p-please.." ani ko at pilit na lumalaban kahit na nadadarang ako sa mga sinasabi at ginagawa niya. Kung di pa ako makakawala, talagang malalaman niya na...


"You. Fuck. You are the one I am thinking of when I am kissing their lips...their necks..I am wishing like an idiot that it was you..." Nanginig ako nang maramdaman ang paghaplos niya sa tiyan ko. Nagwawala ang sistema ko at nagpupugay sila dahil sa wakas, bumabalik siya sa akin.


Pero, shit, hindi tama ito...


"And thinking that bastard was with you...how far did you two go?" Nanigas ang katawan ko sa ibinulong niya. Tila may malamig na kamay ang humaplos sa tiyan ko at sumampal sa mukha ko.


"Did he also kiss your lips? Or more aggressive than I did?" may pang uuyam sa tinig niya. Tila tinapak-tapakan niya ang puso ko sa mga sinabi niya.


What the hell is he thinking?

"Hihigitan ko iyon, Jakirah. I am better than him. No, I am the best!" aroganteng utas niya at ang sunod ko na lang nalaman ay sakop na niya ang labi ko.


He's rough. He is roughly kissing me. Trying to make way. Nasasaktan ako sa paraan ng paghalik niya dahil puno iyon ng galit...


Galit siya. Galit na galit.


Tuloy-tuloy na tumulo ang luha ko. 


"Ano pang ginawa n'yo?! Hihigitan ko, Jakirah---!" Hindi ko na siya pinatapos at agad dumapo ang nanginginig kong palad sa pisngi niya. Tumabingi ang mukha niya sa sobrang lakas ng sampal ko pero inignora ko iyon.


Masyado akong nasasaktan sa mga sinasabi niya. Masyado na siya. 


"Fuck yourself, Red, dahil hinding-hindi ako babalik sa 'yo! Kung ganyan kababa ang tingin mo sa 'kin, never kang magiging worth it, asshole!" malakas na utas ko sa kanya at walang lingong likod na iniwan siya roon.


Patuloy sa pagpatak ang luha sa mga mata ko habang naglalakad papunta sa maingay na crowd ng bar. Buti na lang at madilim ang paligid at nagsasayaw ang iba't ibang ilaw.


Mabilis kong inayos ang damit kong nakataas na dahil sa paghaplos ni Red sa tiyan ko. Darn him. I hate him! Hindi ko alam kung bakit ganoon ang tingin niya sa pagsama ko kay Chaser! Oo, I know nasaktan ko siya dahil sa pagtulak ko palayo sa kanya, but hindi iyon basehan para insultuhin niya ang buong pagkababae ko!


He is stupid. If he just look more closely, he will know how much I was hurting then. He will know that I still love him. Damn it, how stupid!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top