friendly date

(unedited)


-

Kabanata 37

friendly date



Napatigil ako sa paglalakad nang maramdaman ang pag-vibrate ng phone ko. Nilabas ko ion at tinignan kung sino ang tumatawag.


Si Chaser!


Agad ko iyong sinagot at narinig ang masigla niyang pagbati sa akin.


"Hi, Jakirah!!" utas niya mula sa kabilang linya.

"Hello, Chaser! Napatawag ka?" usisa ko sa kanya. Ilang linggo na rin mula nang mangyari ang pag-attend ko sa wedding ng kanyang ate.


"Wala lang. I just thought of you..." utas niya.


Hindi ko alam kung ano ang idudugtong ko sa sinabi niya kaya nanatili na lang akong tahimik.


"Anyway, I thought of you because I heard about you and Red..." Natigilan ako sa sinabi niya.


"H-Ha? S-saan?" utas ko. Paano niya nalaman?

"I told you, I have my ways," rinig ko ang ngisi sa boses niya. Napailing iling na lang ako.


"I wonder if you need company?" I sensed hope in his voice.


Nag-isip ako saglit. After class ay wala naman akong gagawin...might as well come with him kaysa naman ma-stuck na naman ako kakaisip tungkol ng sa amin ni Red.


Bumuga ako ng hangin.


"Kung free ka.." utas ko pagka kuwan.


"Of course! Uhm, sunduin na lang kita?" usisa niya sa akin.


"S-sige." utas ko at dagli na rin siyang nagpaalam dahil andoon na raw ang professor nila.


Napangiti ako at pinatay na ang aking phone ngunit napatalon ako sa gulat ng biglang may bumangga sa akin kaya't nabitawan ko iyon at nahulog sa sahig.


Marahas akong napaangat ng tingin sa wlang hiyang bumangga sa akin. Napakalawak ng hallway at walang katao-tao ngayon dito kaya hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya akong banggain!


Napaawang ang bibig ko sa gulat nang magsalubong ang tingin namin ni Red. Madilim ang mukha niyang nakatingin sa akin.


"Ba't ka ba nangbabangga?!" iritadong utas ko at agad lumuhod at kinuha ang nabasag kong phone.


Nanghinayang ako nang makitang basag na talaga ito.


"Nakaharang ka kasi sa daan." malamig ang tinig na utas nito.


Naiinis ako. Bakit kailangan niyang maging ganito?


"Ang lawak ng daan!" ani ko at minuwestra pa sa kanya ang hallway. Nakita ko kung paano nagtiim ang bagang niya at nag iwas ng tingin sa akin.


"Red!" Ako naman ang nag iwas ng tingin nang biglang sumulpot si Krishina. Rinig na rinig ko ang lagatok ng heels niyang palapit sa amin.


Nakakainis.


"Akala ko wala ka pa e," malambing ang tinig na utas nito. Nakita ko pa sa gilid ng mata ko kung paano niya halikan si Red. Mabilis akong tumayo at pinasok sa bag ang nabasag na cellphone.


I can't take them.


I just can't afford to look at them.


"Oh? You're here, Jakirah?" Napakislot ako nang bumaling sa akin si Krishina. Napilitan tuloy akong itaas sa kanya ang tingin. Nakayakap siya sa baywang ni Red at sobrang dikit niya rito. Nakakainis.


Hindi ako umimik. "Sige. Mauna na ko," utas ko at akmang hahakbang na palayo nang marinig ko ang sinabi niya.


"I heard you and Red---" 


"Krishina." matigas ang tinig na putol ni Red sa kung ano mang sasabihin nito. Lihim akong nakahinga nang maluwag. He just saved me there. Muntik na akong masampal ng katotohanan ni Krishina. Buti na lang at naagapan ni Red.



 Huminga nang malalim si Krishina. "Whatever!" bitchesang utas nito kaya't nagpatuloy na ako sa paglalakad. Binilisan ako ang paglalakad ko nang makalayo na ako sa kanila.


Nakarating ako sa room ng wala pang ibang studyante. Yumukyok ako sa desk at pinilit na pakalmahin ang puso. Nakakainis. Ilang linggo na rin ang nakalipas at nagpatuloy ang ginagawa ni Red. Isipin ko palang na kung sinu-sinong babae ang nakakalampungan niya ay umiinit na ang dugo ko.


Napaigtad ako nang biglang may dumamping kamay sa tuktok ng ulo ko. Agad akong umayos nang upo at nakita ang maamong mukha ni Niccolo. Umupo siya sa may tabi ko habang pinagmamasdan ang mukha ko.


"What's wrong?" usisa niya nang mapansin ang nakasimangot kong mukha.


Nagpapasalamat din ako dahil hindi ako iniiwan ni Niccolo sa kamay ni Red. Lagi siyang willing akong samahan sa mga bagay-bagay. Tulad ng sinabi niya ay ginagawa niya ang lahat para maprotektahan ako.


And I really appreciate him.


"Nagkita na naman kami sa hallway. Binangga nya ko kaya nabasag yung phone ko," kwento ko sa kanya at pinakita ang basag na phone.


Tumahimik siya saglit at binalik na sa akin ang aking phone. 


"Okay ka lang?" untag niya.


Nag iwas ako ng tingin. "M-Mukhang nagiging close na sila ni Krishina..." ani ko.


"So what?" Natigilan ako at napatingin sa kanya.


"Diba dapat wala ka nang pakialam sa kanya?" dagdag niya pa sa akin habang matiim akong pinagmamasdan. Nasapul ako sa sinabi niya at alanganin siyang nginitian.


"O-Oo nga..p-pero--" Pinutol niya ko sa pamamagitan ng pag-iling.


"Sasayangin mo lang lahat ng ginawa mong sakripisyo kung babalik ka sa kanya." malalim ang tinig na utas niya.


Natigilan ako at tulalang napatingin sa kulay itim niyang mga mata.


Bakit parang alam na alam niya ang nangyayari sa amin? Does he really just so observant?


But somehow, it does make sense...


Dahan-dahan akong tumango. 


"Oo nga. Sorry. I-I just can't help myself..." utas ko at napayuko.


Nanigas ako sa kinauupuan ng i-tap niya ang ulo ko nang dalawang beses. Nanlaki ang mga mata kong nakatingin sa kanya.


"It's okay...as long as you're trying, you'll be okay," nakangiting utas niya sa akin.


I didn't know how beautiful this guy is...until he flashed his genuine smile.


//


Nang matapos ang klase ay nagmamadali kong inayos ang gamit ko.


"Jaki! Sama ka?" untag sa akin ni Nadine at agad akong inabrisetehan.


"Saan?" ani ko at nilingon siya.


"Nood tayo practice ng banda?" utas niya.


"S-sorry..may lakad kasi ako ngayon e," ani ko at pinagpatuloy na ang pag aayos ng gamit. Mabilis kong sinukbit ang bag sa aking balikat.


Napanguso si Kate at nanunudyo naman akong tinignan ni Kasey at Nadine.


"Saan?" panabay pang utas nila.


"W-wala...b-basta..." ani ko habang pilit iniignora ang mga nanunudyo nilang tingin.


"Jaki! Wag kang mawawala mamaya a!" nakangusong utas sa akin ni Tristan at inakbayan pa ako.


Nag angat ako ng tingin sa kanya. "Saan?" naguguluhan kong utas.


"May gig sila mamaya," ani Kate at ngumisi sa akin.


"Text n'yo na lang ako kung saan--" Napatigil ako sa pagsasalita nang maalala ang nasira kong cellphone. Napabuga ako ng hangin. Hassle.


"Tawagan ko na lang kayo mamaya..." ani ko at ngumiti. Nakita ko sa gilid ng mga mata ang matiim na tingin ni Red. 


"Okay! See you!" masayang utas nila at isa-isa akong hinalikan sa pisngi.


"Punta ka a," malamig ang tinig na utas ni Niccolo habang may tipid na ngiti sa labi. Tinap niya pa ang balikat ko.


"Oo...sige.."ani ko at tuluyan nang tumakbo paalis.  Pagkarating ko sa parking lot ng Villa Academy ay agad kong nakita ang sports car ni Chaser. Nakasandal pa siya sa pula niyang sports car at tila modelo ang dating.


"Jaki!" Masiglang utas niya nang makita akong naglalakad palapit sa kanya.


Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.


"Na-miss kita, Jaki, ha!" masayang utas niya nang makalayo sa akin.


Ngumiti ako. "Ako rin..." utas ko sa kanya. Mas lalong gumwapo si Chaser dahil mas lumago ang buhok niya ngayon. Tila tumingkad din ang balat niya.


"Tara na! Excited na talaga kong makasama ka. It's been almost a month..." nakangising utas niya sa 'kin.


Pinagbuksan niya ako ng pinto sa shotgun seat. Grabe, nakakasilaw ang yaman ni Chaser. Tila kumikinang ang pulang sports car niya!


"T-thank you," kiming pasalamat ko sa kanya at sumakay na. Ang bango sa loob ng kanyang kotse. Nasa loob ang mismong bango ni Chaser.


"S-saan nga pala tayo pupunta, Chaser?" untag ko sa kanya nang makaikot siya papunta sa may driver's seat.


Pinaandar na niya ang sasakyan at binuksan ang stereo.


"Secret..." nakangising utas niya sa akin at kinindatan lang ako.


Napangiti ako at napailing-iling. Tinuon ko na lang ang aking mga mata sa labas ng bintana.


Marahan ang pagpapatakbo niya. At gusto ko rin ang malamyos na tugtog na nanggagaling sa kanyang stereo. Tila napaka-marahang tao ni Chaser. Hindi nga lang halata sa kanyang hitsura dahil tila napaka-wild ng image niya. Since he really looks like a half-foreigner.


Hindi ko namalayan na itinigil niya na pala ang sasakyan. Hindi ko maiwasang mamangha ng dalhin niya ako sa isang garden sanctuary!


Hindi ko na siya hinintay na pagbuksan ako ng pinto at dali-dali nang tumakbo palabas ng kanyang sasakyan. Tumingala ako sa napakagandang arch sa may entrance ng garden sanctuary na may nakasulat na, Welcome to Domino Garden Sanctuary.


"You seem excited?" nakangising utas sa akin ni Chaser na hindi ko namalayang nasa tabi ko na.


Tumango ako sa kanya at nag angat ng tingin sa kanya.


"You look like a kid..." nakangiting utas niya sa akin at hinila na ako papasok. Hindi ko maiwasang mamangha habang iginagala ang tingin sa paligid. Kulang na lang ay iikot ko ang buong ulo ko para matignan ang bawat parte ng garden. Guston-gusto ko ang rock pathway na nilalalakaran namin. Napapaligiran kami ng iba't ibang halaman at mga bato. Napaka-peaceful din dito at walang maririnig na kahit anong ingay.


"Wow!" bulalas ko nang makita sa di-kalayuan ang isang napakalinaw na pond!


I never know that this place exists! Until now!


Narinig ko ang marahang halakhak ni Chaser sa may likuran ko dahil iniwan ko na siya roon sa sobrang excitement. Mababaw ang pond at sobrang linaw kaya't kitang kita ko ang mga lumalangoy na maliliit na isda. Umupo ako na tila sa palaka para makita ko pa nang mas malapitan ang mga iyon. Sa ilalim ng pond ay may iba't ibang bato rin na nandoon. Iba't iba rin ng sizes.


Dinutdot ko ang pointing finger ko sa tubig sa may pond. Medyo mainit init ang tubig roon. Nakita ko na nabulabog ko ang mga lumalangoy na maliliit na isda kaya napangiti ako.


Natigilan ako ng maramdaman ang tingin sa akin ni Chaser kaya napaangat ako ng tingin sa kanya.


Hindi ako nakahuma ng may makita akong emosyon sa mga mata niyang mahirap pangalanan.


"T-tara..." nangangatal na utas ko upang makaiwas sa tingin niya. Dagli akong tumayo at nauna nang naglakad palayo. Pinilit kong kalimutan ang nakita kong emosyon sa mga mata niya at inaliw ang sarili sa mga nakikitang magagandang bulaklak at halaman sa paligid.


"Jakirah..." Natigilan ako nang tawagin niya ako.


Nilingon ko siya sa may likod ko. 


"Let's go there..." nakangiting utas niya sa akin at may itinuro sa may di-kalayuan.


Sinundan ko ng tingin at itinuro niya at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang napakagandang cabin! Gawa iyon sa sa matibay na kahoy at nasa harap niyon ay may fountain statue.


Nauna na ako kay Chaser dahil gusto ko na iyong makita. Natigilan ako ng makita ang isang picnic blanket sa tapat ng may fountain. May mga pagkain na roon at tila inihanda para sa dalawang tao.


Naguguluhan kong tinignan si Chaser at nakita siya na mabagal na naglalakad sa may likuran ko. Nakita ko ang paghagod niya sa kanyang buhok habang may nahihiyang ngiti sa mga labi.


"I-I'm sorry, Jaki if you don't like this stuff...I never..I never dated anyone, you know, so wala akong idea kung ano yung magpapasaya sa 'yo," utas niya at nag iwas ng tingin sa akin.


Napaawang ang bibig ko sa gulat. W-What? Date?


Pero somehow, his words melted my heart especially when he told me about me being happy with him.


He's not a good guy...he's a great guy.


"I-Is this a date, then?" utas ko at hinuli ang mga mata niyang di makatingin sa akin.


Nakita ko ang pamumula ng tainga niya at tinignan ako sa mga mata.


"A-A friendly date," utas niya and smiled sheepishly.


Cute.


//heart if you also find Chaser cute ; )

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top