asshole
(unedited!)
-
Kabanata 36
asshole
Mula nanag gabing iyon ay tinupad ni Red ang mga binitawan niyang salita. Mula nang gabing iyon, I really did lose him.
He totally changed. The way he acts towards me. His behavior. Lahat-lahat. Bumalik siya sa pagiging Red Klefford Villamor. Sa isang lalaking hambog, mayabang at ginagamit ang kanyang pangalan par lang masunod siya. Gusto niyang paluhurin lahat sa paa niya at maging sunud-sunuran sa kanya. Sa isang pitik lang ng daliri niya ay nakukuha niya agad ang gusto niya.
"Nasaan na naman si Red?" I could hear irritation on Tristan's voice.
Walang umimik. Nakatungo lang ako sa librong binabasa ko. Ilang araw na rin ang nakalipas, at sa ilang araw na iyon ay nakita ko kung gaano nagbago si Red.
"Damn it! Ano bang problema n'on? Mamaya hindi na naman iyon a-attend ng practice!" iritadong utas ni Cade at napamura pa.
"CR lang ako..." paalam ko sa kanila para makatakas sa pinag uusapan. Wala pa silang alam sa kung anuman ang nangyari sa amin ni Red. Alam kong napa-puzzle na sila dahil nahahalata na nila ang pagiging distant ni Red sa akin. Nahahalata na rin nila kung sinu-sino ang nilalandi ni Red.
Nag-init ang gilid ng mga mata ko at mas binilisan pa lalo ang paglalakad.
Nakarating ako sa CR ng girls. Medyo nakahinga ako nang maluwag dahil walang tao roon. Nanatili lang ako sa tapat ng salamin at pinakatitigan ang repleksyon ko. Sa mga nagdaang araw ay hirap ako sa pagtulog. Bukod kasi na nakikita ko na harap-harapan kung makipaglandian si Red sa iba, iniisip ko rin na naapektuhan ang banda nila dahil sa pagbabago niya.
Hindi na nga siya uma-attend sa practice nila. Maging sa klase.
Hindi ko alam kung saan siya pumupunta.
Naghilamos ako para mawala ang pamumula ng mata ko. Nang masara ko na ang faucet ay bigla akong nakarinig ng isang kakaibang tunog galing sa loob ng cubicle.
Napaigtad ako at napalingon sa cubicle sa may likod ko.
Wala naman akong kasama rito, a?
Kinabahan ako nang marinig uli iyon. Mahina lang iyon pero rinig na rinig ko.
Kahit natatakot ay dahan-dahan akong naglalakad palapit sa cubicle na pinagmumulan ng kakaibang tunog. Posible bang may multo rito?!
Napalunok muna ako ng ilang beses bago mabilis na tinulak ang pinto ng cubicle. Nanlaki ang mga mata ko at nalaglag ang panga ko sa sobrang gulat nang makita ang nasa loob ng cubicle.
Nanindig ang balahibo ko nang magsalubong ang mga mata namin.
He's kissing hungrily the girl's neck.
Sobrang dikit ng katawan nila sa isa't isa at kitang-kita ko na tanggal na ang butones ng uniporme ng babae. Magulo rin ang buhok nila pareho.
Nag init ang gilid ng mga mata ko. Gusto ko siyang sampalin, sipain at saktan nang paulit-ulit. Ramdam ko kung paano nadurog nang paulit-ulit ang puso ko sa nasaksihan.
Tumili ang babae ngunit siya ay nanatili lang ang tingin sa akin. Kinagat niya ang namumula niyang pang-ibabang labi.
"S-sorry.." halos hindi ko iyon marinig. Sobrang sakit ng dibdib ko. Hindi ako makahinga, tila may nakaharang na bato sa mga daan patungo sa puso ko.
"So-sorry..." muli kong utas bago mabilis tumakbo palabas.
Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng sunod-sunod na luha sa mga mata ko. I know. I shouldn't feel this way. Pinili ko 'to, hindi ba? Ako ang pumili nito. Ako ang nagtulak sa kanya palayo...pero...pero hindi ko naman gustong gawin iyon.
Pero kahit na, kasi nasaktan ko siya. Sa mata niya, deserve ko lahat ng ginagawa niya ngayon. Lahat. Pati ang pag-angkin niya sa kung sinu-sinong babae...
Deserve ko iyon.
Tinakpan ko ang bibig ko at tahimik na umiyak malapit sa may storage room. Ang sakit lang makita nang ganoon kalapit. Parang nilalapirot ang puso ko sa sobrang sakit.
Tumagal ako roon ng thirty minutes bago inayos muli ang sarili ko. Huminga ako nang malalim, mga ilang beses, bago naglakad pabalik sa classroom. Alam kong late na ako pero hindi ko na lang iyon pinagtuunan ng pansin. Mabigat pa rin ang dibdib ko ngunit medyo nabawasan iyon dahil sa pag-iyak ko.
Buti na lang at mabait ang professor namin ngayon at hindi ako inisyuhan ng detention slip.
Matapos bumati ay dire-diretso akong pumasok at umupo sa may upuan ko. Naramdaman ko pa ang mga nagtatakang tingin ng mga kaibigan ko at maging ng The Curse dahil sa pagiging late ko.
"Where have you been?" mahinang usisa ni Kasey sa akin.
Hindi ko siya tinapunan ng tingin, natatakot na baka mahalata niya ang bakas ng pag iyak ko.
"N-Nakatulog ako sa library.." pagsisinungaling ko. Lihim akong nagpasalamat ng di na niya ako tinanong pa ulit.
Napaigtad ako nang biglang bumukas ulit ang pinto ng classroom at dire-diretsong pumasok si Red. Hindi siya nag abalang bumati sa professor namin sa harap, ganoon siya ka-rude.
Agad nagtama ang tingin namin. Hindi ko mabasa ang mga mata niya dahil blangko ang ekspresyon ng kanyang mukha habang nakatingin sa akin. Hindi ko iyon natagalan kaya nag-iwas ako ng tingin.
Hindi pa rin mawala sa utak ko ang nakita ko kanina...
Umupo sya sa may likuran ko at ramdam na ramdam ko pa rin ang presensiya niya. Pinilit kong mag focus sa itinuturo ni ma'am sa harap. Pinipilit kong iwaksi ang kirot sa puso ko at sa imaheng nasa utak ko.
Dumaan ang dalawang oras at sa loob ng dalawang oras na iyon ay wala man lang na-absorb ang utak ko. Lumilipad ang utak ko sa nasaksihan ko kanina...kung hanggang saan ang tinungo nilang dalawa mula nang umalis ako roon.
At isipin ko palang ang kongklusyon, tila may patalim na sumasaksak sa puso ko.
"Let's go, Jaki," aya sa akin ng nakangiting si Kate. Halata ang sigla sa mga mata niya, syempre, masaya sila ni Tristan. They both look so in love with each other. But no, I'm not bitter. I'm happy for them.
Tumango ako at sinukbit na ang bag sa aking magkabilang balikat. Ramdam ko ang tingin niya sa akin mula sa aking likod ngunit pilit ko iyong iniignora.
Nakita kong inakbayan ni Tris si Kate habang naglalakad sa may unahan. Si Cade naman at Nadine ay nag-aangilan, as usual ay nagtatalo na naman sila sa kung anu-anong bagay. Tahimik naman sa tabi ko si Kasey habang nasa likod naman si Niccolo at Red.
Nakarating kami sa usual place namin sa may labas ng cafeteria. Noong mga nagdaang araw ay hindi sumasabay sa amin si Red kaya medyo nakakahinga ako nang maluwag, ngunit ngayon...
Hindi ko siya matignan ngayon sa may harap ko. Umupo siya sa tapat ko kaya't sobra akong naa-awkward ngayon.
Katabi ko sa kabilang side ang tahimik na si Niccolo habang sa kabila ay si Kate.
"Sino naman mag-o-order?" nakangising utas ni Cade. Natigilan ako ng tumigil sa akin ang tingin niya.
"Oh! Kayo naman ni Red, Jakirah! Kayo na lang hindi nag-oorder sa amin!" malakas ang tinig na utas niya. Napangiwi ako nang magsi-sang ayunan silang lahat.
Napatingin ako kay Red na deretso ang tingin sa akin. Wala akong mabasang emosyon sa mga mata niya ngunit nandoon nakapaskil ang ngisi sa kanyang labi. Nag iwas ako ng tingin nang maalala ang nasaksihan ko sa CR kanina.
"Kami na lang ni Jakirah," Napaigtad ako nang marinig ang malalim na tinig ni Niccolo sa tabi ko. Marahas akong napalingon sa maamo niyang mukha.
Natahimik ang mesa namin. Hindi ko alam ang sasabihin ko nang tumayo na siya kaya't tumayo na rin ako.
"Kami na." Napalingon ako kay Red nang marinig ang matigas niyang tinig. Padaskol itong tumayo at umalis sa may mesa namin.
Nauna na siyang naglakad palayo.
"Sige na..." marahang utas ni Niccolo at umupo na ulit. Nakita ko pa ang pag-iling niya.
Kumalabog ang dibdib ko sa kaba habang sinusundan ng tingin si Red. Agaw pansin talaga siya kahit na naglalakad lang siya. Kitang kita ko ang pagsunod ng mga pares ng mata sa kanya.
Natigilan ako ng biglang may yumakap sa kanya. Nakita ko ang nakangising mukha ni Krishina. Todo-kunyapit ito sa leeg ni Red na tila unggoy.
Napairap ako.
"I missed you!" utas nito na rinig na rinig sa buong cafeteria. Nakita ko kung paano ako tapunan ng tingin ng mga estudyanteng naroroon. Syempre nagtataka sila kung bakit tila lang ako estatwa rito na nakatingin sa paglalandian nila. Alam kasi nilang ako ang gusto ni Red.
Nag iwas ako ng tingin at nagpatuloy na sa paglalakad ng halikan ni Krishina si Red.
Damn it.
Kahit nangangatal ang labi ay pinilit kong mag-order sa counter. Nakita ko pa na nahihirapan ang tindera sa counter na marinig ang sinasabi ko.
Nanigas ako sa kinatatayuan nang maramdaman siya sa likod ko.
"Red!" matinis ang tinig na utas ni Krishina. Nasa likod ko pala sila. Mariin akong napapikit.
"Yeah...yeah..I know, later," mahina ang tinig na utas ni Red. Tila patalim iyon na sumaksak sa puso ko.
Later, huh?
"See you..." malanding utas ni Krishina bago ko narinig ang maingay na lagatok ng heels niya papalayo.
"T-thank you.." pasalamat ko ng maibigay ang order. Dahil marami kami sa mesa ay tatlong tray ang orders namin. Napangiwi ako dahil isang tray lang ang kaya kong buhatin.
Nag angat ako ng tingin kay Red na pinapanood ang paghihirap ko roon. Nakangisi siya habang nakatingin sa akin.
"Di mo ba ko tutulungan?" utas ko at nag iwas ng tingin.
"Ba't naman kita tutulungan?" mayabang na utas niya at umiling.
Gusto kong itapon sa mukha niya ang lahat ng laman ng tray, maalis lang ang nakakainis na ngisi sa labi niya.
"Ako na." Napaangat ako ng tingin kay Niccolo. Halos hindi ko maipaliwanag ang sayang naramdaman ko nang makita ang mukha niya.
"T-thank you.." utas ko sa kanya. Nginitian niya lang ako bilang ganti. Kinuha niya kaagad ang dalawang tray at niyaya na akong umalis. Naiwan si Red doon ngunit di ko na lang tinuon sa kanya ang aking pansin.
"N-Niccolo...s-salamat talaga," mahina ang tinig na utas ko. Feeling ko ay maiiyak ako ngayon.
"He's an asshole." matiim ang tinig na utas niya habang nakatingin sa harap.
"Don't worry, Jaki. I will try my best to protect you...you don't deserve him after all," matigas ang tinig na utas niya at nilingon ako.
Kinagat ko ang ibabang labi at hindi na umimik.
He doesn't deserve me, Niccolo. He changed...because I've hurt him that much.
"Oh? Asan si Red?" nagtatakang utas ni Nadine.
Nagkibit balikat lang si Niccolo at nilapag na ang tray.
"Nakikipaglampungan na naman iyon..." utas ni Cade na kina iling-iling ni Tristan.
"Ano bang nangyari sa inyo JR? He really becomes a jerk himself." utas nito habang deretso ang tingin sa akin.
Hindi pa ako handang sabihin ang lahat sa kanila. Hindi pa ngayon.
"It's okay...it's my fault," mahinang utas ko at nagbaba ng tingin.
"Stop it, Tan...let them be," ani Kate at kinuha ang kamay ko na nakapatong sa mesa. Napaangat ako ng tingin sa nakangiting mukha ni Kate.
"Kung 'di ka pa ready na sabihin sa amin, Jaki..it's fine. You don't need to feel bad or something." magaan ang tinig na utas niya sa akin.
"Salamat, Kate.." ani ko at lihim na nakahinga nang maluwag dahil napaka-understanding nila.
"Tama 'yun, Jaki! Whatever is happening between you and Red, I know it'll be better," ani Nadie at kinindatan ako.
Nakita ko rin ang pagngiti sa akin ni Kasey. They are all so good to me.
"Basta kapag sinaktan ka pa ng Red na 'yan, JR, baka di na ko makapagpigil!" nakabusangot ang mukha na utas ni Tris.
Natawa si Kate at pinisil ang pisngi ni Tristan. "You're so cute when you're mad." utas ni Kate na kinangiti ni Tristan. "Babe naman e," ani Tris at niyakap si Kate.
Napangiti ako at napailing-iling sa kanila.
Somehow, I feel relieved. They are all here for me.
//rate how asshole Red is in this chapter ekk--
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top