hard please

(unedited) this chap is long so i can't edit this lmao!!

-

Kabanata 39

hard please


"Jaki!" Masayang tawag sa akin ni Naddie ng makita ako. Kinawayan niya ako mula sa di-kalayuang table. Nasa gilid ang table nila at sofa ang upuan, unlike sa mga nasa gitna ng club na stools lang at tables.


Ngumiti ako at naglakad na palapit sa table. Nakita ko na nandoon na silang lahat. Si Niccolo ay nasa may gilid katabi Kasey na tahimik lang ding ngumiti sa akin. Si Kate at Tristan ay nasa tapat nila Niccolo at nag-uusap sa kung ano. Si Cade ay may hawak hawak ng wineglass habang si Naddie ay nakatayo sa may gilid ng mesa at nakangisi sa akin. May hawak din siyang wine glass tulad ni Cade. Mukhang nag-uumpisa na silang magsaya.


At uminom.


"Buti nakarating ka na, Jaki..." untag sa akin ni Kate ng mapansin ang pagdating ko.


"Malapit na kami mag-perform," nakangiting utas sa akin ni Tristan at ginala ang tingin sa paligid.


"Nasaan nga pala si Red?" nagtatakang utas niya habang malikot ang mga mata. Kumalabog ang puso ko sa kaba nang maalala ang nangyari kanina sa amin. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko at umupo na lang sa tabi ni Kasey.


"I don't know...nakita ko siyang palabas kanina.." utas ni Kasey at nilingon pa ang dinaanan ko kanina. Nagbaba ako ng tingin para makaiwas sa topic nila.


"Nakasalubong mo ba siya, Jaki?" Napaigtad ako ng ibaling sa akin ni Naddie ang tanong. Napaangat ako ng tingin habang rinig na rinig ko ang lakas ng kabog ng dibdib ko.


"E-E? H-hindi..." pagsisinungaling ko habang ramdam ang pagtagaktak ng pawis sa aking noo.


"Nandyan lang 'yun. Don't worry about that asshole," malamig ang tingi na utas ni Niccolo na kinahinga ko nang maluwag.


Umiling iling si Cade habang may nakakainis na ngisi sa labi niya. Pinilit ko na lang na iwaksi ang nangyari kanina at mag concentrate sa pag-uusap namin ni Kasey.


Ilang minuto lang ay tumayo na ang The Curse, hudyat na mag-uumpisa na ang pag-perform nila on-stage.


"Ayaw n'yong lumipat sa may harap?" nakangusong tanong ni Tristan sa amin ng makitang dumarami na ang mga tao na nasa harapan.


Tinignan niya ang kanyang kasintahan na nakangiti lang sa kanya. They're sweet.


"We're okay here, Tan..." masuyong utas ni Kate sa kanya at nakita ko pa ang paghaplos ni Kate sa kamay ni Tristan. Nawala ang agam-agam sa mga mata ni Tristan at sinuklian ang masuyong ngiti ni Kate.


"Fine..." utas nito at sumunod na kina Cade. Napalingon ako sa may entrance ng maramdaman kong may nakatitig sa akin. Nanigas ako sa kinauupuan ng magtagpo ang tingin namin ni Red.


Damn it!


Naiinis pa rin ako sa kanya dahil sa mga sinabi niya sa akin pero mas malaki ang nararamdaman kong sakit. I didn't know na sobrang baba naman pala ng tingin niya sa akin. Really? He really thinks that I am that low? To make out with Chaser?


Nagsimulang mag-init ang gilid ng mga mata ko kaya paulit-ulit akong kumurap para mawalan ang luhang nagbabadyang pumatak. Hindi ito ang tamang oras para iyakan ang bagay na iyon. I can do that later...


Nag-dim ang lights sa buong bar at tinigil ang masasakit at malilikot na iba't ibang neon lights. Tinutok ang lights sa maliit na stage sa may gilid ng bar kung saan naka-pwesto ang The Curse.


Nanindig ang balahibo ko nang magsalita si Red sa microphone. Chini-check niya kung gumagana ba yung mic. Nag iwas ako ng tingin ng mag-umpisa siyang bumati ng "good evening" ngunit sa akin dumiretso ang kulay-tsokolate niyang mga mata.


Ang lamig ng tinig niya...


Ang sarap sa tainga.


"Nakatingin siya sa 'yo, Jaki..." Narinig ko ang bulong sa akin ni Kate na hindi ko namalayang umupo na pala sa may tabi ko. Nag-init ang pisngi ko at tinignan siya. Nanunudyo ang kanyang tingin habang nakangisi sa akin. Napailing-iling ako.


Nag-ingay ang crowd ng marinig ang instrumental ng kakantahin nila. Iba't iba ang naririnig kong pangalang isinisigaw. Halos lahat sila ay may kanya-kanya ng fans dito at tila laging inaabangan ang pag-perform nila.


"It's been two years. Noong una, they just perform to kill time but when they gradually made a crowd to listen to them...every weekend, ginagawa na nila 'to," nakangiting kwento sa akin ni Kasey ng tanungin ko siya kung matagal na bang gingawa ito ng The Curse.


Mabagal akong tumango-tango. Oo nga. Halatang mahal na sila ng mga taong nakikinig sa kanila. Halos lahat iyon ay mga kababaihan ngunit nakita kong may mga lalaki ring nakikinig ngayon sa kanila. They aren't just adored by women, but also by men.


"We'll do it all

Everything
On our ownWe don't need
AnythingOr anyone


If I lay here
If I just lay here
Would you lie with me and just forget the world?"



Natigilan ako sa ganda ng timbre ng boses ni Red. Hindi ko maiwasang mamangha sa kanya habang kumakanta siya sa maliit na stage na iyon. Habang pinagmamasdan ko ang mahahaba niyang daliri na nag-s-strum sa gitara at ang manaka-nakang pagpikit ng mga mata niya.


"I don't quite know

How to say

How I feelThose three words
Are said too much
They're not enough"


Napaawang ang bibig ko ng tumingin siya sa direksyon ko. Kitang kita ko ang pagtingkad ng kulay tsokolate niyang mga mata nang magtama ang tingin namin. Tumagos sa akin ang mga binitawan niyang lyrics.


"If I lay here

If I just lay here
Would you lie with me and just forget the world?"


Nanginig ang kamay ko ng marinig ang paos sa tinig niya habang hindi pa rin maalis ang tingin sa akin. Gusto kong iiwas ang tingin sa kanya pero tila magnet ang mga mata niyang nakatitig sa akin.


"Forget what we're told

Before we get too old
Show me a garden that's bursting into lifeLet's waste time
Chasing cars

Around our heads"  

Naninidig ang balahibo ko sa intensity ng boses niya. Kinuyom ko ang mga kamay para matigil iyon sa panginginig.


"All that I am

All that I ever was
Is here in your perfect eyes, they're all I can seeI don't know where
Confused about how as well
Just know that these things will never change for us at allIf I lay here
If I just lay here
Would you lie with me and just forget the world?"


Hindi ko mabilang kung ilan beses niyang pinikit ang mga mata habang ninanamnam ang kanta. Tila tumatagos iyon sa kaibuturan ng aking puso. May nararamdaman akong kirot...habang nakikita ang emosyong iyon sa mukha niya.


Nang sambitin niya ang huling chorus ay dinilat niya na ang mga mata. Kitang kita ko kung paano lumamlam ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.


I can't take it anymore. Those brown chocolate eyes were like begging me...begging me to come back.


"Jaki!" Napaigtad ako ng bigla akong tawagin ni Naddie, pagkaangat ko ng tingin sa kanya ay nakita ko na may inaabot siya sa aking wine glass. May lamang iyong drinks na hindi ko alam kung ano.


"H-hindi a-ako iinom, Naddie..." nakangiwing utas ko sa kanya na kinahalakhak niya.


"Don't be like that, Jaki. Just for tonight...and besides, this is just a wine," utas niya at binigyan ako ng reassuring smile.


Napabuntong hininga ako at tinanggap na lang ang binigay niya. Nag-ingay ang crowd nang matapos na ang kanta ng The Curse. Narinig kong humihirit pa sila ng isa ngunit mukhang mag-uumpisa na ang party songs.


Umingay ang bar at nagsilikutan na ang iba't ibang kulay ng neon lights sa paligid. Nahihilo ako dahil doon at maging sa lakas ng tugtog ng party music. Tila sumasakit ang ulo ko.


"Let's dance!!" sigaw ni Naddie at binaba ang naubos na wine. Napangiwi ako ng malasahan ang binigay na wine sa akin ni Nadine. It sucks.


"Are you okay, Jaki?" nakangiting tanong sa akin ni Kasey ng mapansin ang mukha ko matapos lasahan ang wine.


"Y-Yeah..." ani ko na kinatawa niya. Mahinhin talaga siya at babaeng-babae. Siya ang pinaka-feminine sa aming apat.


"You're cute," utas niya na kina-init ng pisngi ko. 


Dumating na ang The Curse sa table namin kaya naputol ang usapan namin ni Kasey. Maingay si Nadine at Kate dahil pinipilit ni Naddie sa Kate na sumama sa kanya at sumayaw.


Nagtama ang tingin namin ni Red. Hindi ako mapakali ng dumating siya. Naiinis pa rin ako pero....


Nang mahila na ni Nadine si Kate ay kami naman ni Kasey ang binalingan niya. Agad akong humindi at piniling manatili na lang dito kahit na ramdam ko ang mga tingin ni Red. Ayoko nang maulit noong kay Chaser. 


Nakahinga ako nang maluwag ng hindi na ako pilitin ni Nadine. Sumama si Tristan at Cade sa kanila kaya kami lang apat ang natira roon. Nasa tapat ko si Red kaya na-awkward ko. Nang may dumaang umiikot na waiter ay kumuha ako ng drinks na naroroon. Wala na akong pakialam kahit na hindi ko pa iyon nalalasahan o kung anuman. 


"Iinumin mo talaga 'yan?" narinig ko ang malamig na tinig ni  Niccolo kaya napatigil ako sa akmang pag-inom n'yon.


Tumango ako kahit na nagda-dalawang-isip din ako. Naramdaman ko kasi ang matiim na tingin ni Red.


"Pahingi rin ako," Napamaang ako kay Kasey ng tawagin niya ang waiter na hindi pa nakalayo at kumuha ng dalawang malalaking baso na puno n'yon.


"K-Kasey?" hindi-makapaniwalng untag ko sa kanya.


Nginitian niya ako. "One night doesn't hurt, right?" inosenteng utas niya sa akin at uminom na sa drinks na kinuha niya. Nakita ko kung paano bumalatay ang pait sa mukha niya.


"Tss.." ingos ni  Niccolo na nasa tabi niya ngunit hindi ito pinansin ni Kasey. Napatingin ako sa kinuha kong drink. I think hard drink siya pero since nakuha ko na...


Huminga muna ako nang malalim bago uminom n'yon. Agad kong naramdaman ang pait at init sa may lalamunan ko. 


Bakit nga ba ako umiinom?


"RED!" Napaangat ako ng tingin nang marinig ang malambing na tinig na iyon. Napairap ako ng makita si Krishina. Pati ba naman dito?


Hindi ko maalis ang tingin sa kanila ng kumandong pa siya kay Red. Bullshit.


Iniwas ko ang tingin sa kanila. Now, I have my reason to drink...


In-straight ko ang pag-inom sa hard drink na kinuha ko. Narinig ko ang pagsinghap ni Kasey at ang pagpalatak ni Niccolo.


"Jakirah, Kasey, stop it.." iritadong utas ni Niccolo na tila tatay na nagsasaway sa mga pasaway niyang anak. Napangisi ako at tinutok ang tingin sa nakabusangot na mukha niya kahit na unti-unting lumilikot ang mga mata ko.


"No...we can handle this," may panunuyang utas ko at in-straight ulit ang iniinom.


"Crap." narinig kong mura ni Niccolo nang inisang lagok ni Kasey ang isang hard drink na kinuha.


"Damn it, Kasey!" frustrated na utas ni  Niccolo at pilit inaagaw ang basong hawak ni Kasey.


Hinayaan ko silang mag-away roon. At least, busy na si Niccolo at hindi na ako mapipigilan.


Naririnig ko ang malalambing na bulong ni Krishina sa may tapat ko. Nakikita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagsubsob niya sa leeg ni Red at ang kumag nanigas at inugat na roon.


JERK!


"Hey," narinig kong utas ni Red ng makitang tumayo ako kahit na medyo nahihilo na ako. Damn that drink! 


Inikot ko ang mga mata sa paligid. Wala akong makitang waiter na umiikot na may dalang tray kaya mukhang sa bar counter na lang ako pupunta.


I just want to forget this damn night.


Pilit akong humakbang kahit na pasuray-suray ako maglakad. 


Hindi ko rin ma-focus ang tingin ko dahil nahihilo na ako.


"Easy there, miss..." Napasubsob ako sa dibdib ng isang matangkad at matipunong lalaki ng mapadaan ako sa maingay na crowd. Napakislot ako ng maramdaman ang paghawak niya sa baywang ko.


Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nakitang nakangisi sa akin ang sexy-ng mga labi niya. Singkit ang mga mata niya at matangos ang ilong.


A gorgeous man out there.


"Kale! Sino na naman 'yan?" narinig kong utas ng baritonong boses sa may gilid niya.


Umiling ang lalaking tinawag na Kale at binalingan ako.


"You look like a drunk, beautiful woman." utas niya.


Damn these men who have flowery tongues.


"I-I want  to grab a drink," utas ko sa kanya na kinataas ng isang kilay niya.


"Don't want to dance?" bulong niya sa tainga ko. Tinulak ko siya at umiling.


"Fine..." nakangising utas niya at hinila na ako palayo sa maingay at nagsasayaw na crowd.


"What do you want? Wait, are you heartbroken or something?" utas niya sa 'kin ng makaupo sa may stool na naroon sa may bar counter.


Yumukyok ako sa may bar counter at tinignan siya.


"Hard please." aniya at hindi pinansin ang tanong niya. He's a complete stranger. Kahit na may tama na ako ng alak, I can still know what should I do.


Natawa siya sa akin at pi-nat ang ulo ko na tila aso ako. "You're cute," aniya at nag order na para sa akin.


I barely know him but he seems a good guy, just like Chaser.


"Here..." utas niya ng ibigay na ang order niya.


Umayos ako ng upo at agad sinunggaban iyon.


"Yeah, seems like you are heartbroken, lady," may ngiti sa labing utas niya habang pinagmamasdan ako. Agad kong naubos iyon. Habang tumatagal ay nasasanay na ako sa lasa ng mga iyon. 


Yeah, just want to forget the night.


"Why are drinking so much? Andito ba ex mo?" usisa niya sa akin. Sinimangutan ko siya at nangalumbaba.


"Damn him," utas ko at paulit ulit iyon sinabi. Nakita ko ang amusement sa mga mata niya habang pinagmamasdan ako.


"Jakirah!" Kahit di na ako lumingon ay kilalang-kilala ko na kung kanino galing ang galit na tinig na iyon.


"hey, dude, she's with me. Where are you taking her?" utas ni Kale ng bigla akong hablutin ni Red palayo kay Kale. Humigpit ang hawak ni Red sa palapulsuhan ko kaya napangiwi ako.


"Are you crazy? She is with me. Back off!" malakas ang tinig na utas ni  Red na tila nairita sa sinabi ni Kale.


Pinagtaasan lang isang kilay ni Kale si Red. "Then, don't make her ask a man to give her a drink, you know what's next," nakangising utas ni Kale na kinakuyom ng mga kamay ni Red.

Sunod ko na lang na nalaman ay nasuntok na ni Red ang mukha ni Kale. Napaatras si Kale sa sobrang lakas ng suntok ni Red. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang dumudugong ilong ng binata. Tila nawala ang hilo at lasing sa katawan ko dahil sa nasaksihan.


"Red!" iritang utas ko sa kanya ng akmang susuntukin niya uli si Kale.


"Damn you! Don't you ever talk dirty to her!" galit na galit na sigaw ni Red. Buti na lang ay agad siyang inawat ng mga waiters na nasa lugar.


Natawa lang si Kale at umiling-iling.


"Nice meeting you, cutie," baling sa akin ni Kale habang pinupunasan ang dumudugong ilong. Kinindatan niya pa ako bago cool na naglakad palayo na tila di siya nasuntok.


Damn it! He's a nice guy! Far from this asshole!


Inis akong naglakad palayo. Bahala siya sa buhay niya. 


"Where the hell are you going?" utas ni Red. Binilisan ko pa ang paglalakad ng maramdaman ang pagsunod niya.

"Hey--"

Akmang kukuhain niya ang kamay ko ngunit agad ko iyong piniksi.


"Just quit it!" frustrated na sigaw ko at tumakbo palabas ng club. Gusto kong magpahangin nang magising ang diwa ko sa nangyari though feeling ko nagising  ako dahil sa nangyari kanina sa loob.


"Jakirah! Stop running from me! You're always like that!" utas niya sa akin ng maabutan ko. Nanatili ang likod ko sa kanya. Ayoko siyang harapin dahil sobra-sobra akong naiinis.


Tonight is too much for me. 


"Ano bang problema mo, Red? Bakit mo sinuntok si Kale? Wala kaming ginagawang masama, for Pete's sake!" iritang sigaw ko sa kanya habang hindi pa rin humaharap.


"He's taking advantage of you! Did you hear what he just said? He wants to take you in his bed, damn it!" frustrated na utas niya.


Kumulo ang dugo ko sa sinabi niya at humarap na sa kanya.  Nakita ko na frustrated niyang ginugulo ang buhok at nag-iigting din ang panga niya.


"Talaga? Ganoon talaga kababa tingin mo sa akin? Na makikipag-sex ako sa kahit na sinong lalaki, ha?!" malakas na sigaw ko habang nililipad ng hangin ang mahaba kong buhok.

Malamig ang hangin at malakas ang hampas niyon sa balat ko. Nilalamig ako pero hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin. Mas nilalamig ako sa takbo ng usapan namin ngayon.


"Bakit ikaw? Pinakialaman ba kita, Red? Noong nakita ko kayo...a-ano bang ginawa ko? Iikaw nga 'yung kung sinu-sinong babae yung nilalandi e, pero may sinabi ba ako?!" 


Nanlaki ang mga mata niyang nakatingin sa akin.


Nag iwas ako ng tingin ng pumatak ang luha sa mga mata ko.


Ang bigat-bigat ng dibdib ko. Gusto kong isumbat sa kanya ang lahat. Lahat ng mga pagmpapa-mukha niya sa akin. Sobra akong nasasaktan...kasi ako lang ang nagbibitbit ng lahat...


"I-I'm sorry..." mahina ang tinig na utas niya at humakbang palapit sa akin pero agad akong umatras.


"P-Please..." nahihirapang utas ko at yumuko. Hinayaan kong dumaloy ang luha sa mga pisngi ko. Hindi ko na kayang kimkimin lahat. Hindi ko na kayang itago...


"S-sinusubukan kong kalimutan ka, J-Jakirah...p-pilit kong pinapaniwala ang sarili ko...na may hihigit pang babae sa 'yo. Pero, fuck...kahit anong gawin ko, s-sa 'yo pa rin ako bumabalik..paulit-ulit," nanginginig ang tinig na utas niya.


Kitang kita ko ang pagpipigil niya ng luha. Kinagat ko ang ibabang labi.


"Isa lang, Jakirah. K-Kahit bigyan mo lang ako ng isa...l-luluhod ako, tanggapin mo lang uli ako," paos ang tinig na utas niya at di na napigilan ang pagtulo ng luha.


Hindi na ako makahinga sa pagpipigil na humagulgol ngayon sa harapan niya. Gusto kong tumakbo at yakapin siya nang mahigpit. Hanggang sa hindi na muli kami magkahiwalay. Pero, alam kong hindi pwede.


"T-Tayo na lang uli, please..." nagmamakaawang utas niya sa akin.


Dahan-dahan siyang lumuhod habang pumatak ang luha sa kanyang pisngi. Namumula ang ilong at mga mata niya. Damn it. Damn it! Nakawala ang isang hikbi sa bibig ko nang makita siya sa ganoong posisyon. Naalala ko ang ganito ring tagpo noong una ko siyang sabihang itigil na namin ang lahat.


"Hindi ko kaya...hindi ko talaga kaya..i-ikaw lang ang nakikita ko kahit ilang libong babae pa ang iharap mo sa 'kin. Fuck, lunod na lunod na 'ko sa'yo...at hirap na hirap akong umahon..."




//kala siguro nila may SPG ha ha ha! ;>  what a tease! ^_^ (soon! JK!)


i'm blushing. natatawa ako sa title aaaaaaaaaaaahhhhhh ops. hard drink 'yan ha! not what you're thinking errrrrrrr >_<


so far, the longest chapter i've made in this story


**

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top