happier

(unedited) late UD 'cuz i've been so busy! : )


Kabanata 40

happier


Hindi ako nakagalaw sa sinabi niya. Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong gawin sa mga oras na 'to. Tila ako nauupos na kandila sa mga sinasambit niya. Ang sakit-sakit na makita siyang nagmamakaawa sa akin nang ganyan. Ang sakit-sakit na makitang nasasaktan siya ng sobra dahil sa akin. Dahil lang hindi ko masabi sa kanya ang totoo. 


I can't just tell him the truth because it will probably open old wounds buried from the past. It was all just a history. It should not be brought up ever again.


Napayuko ako dahil hindi ko matagalan ang mga mata niyang iyon. Tila ako natutunaw...tila gusto ko na lang talikuran ang lahat at yakapin siya nang mahigpit hanggang sa 'di siya makawala.


"Accept me again, p-please... come b-back..." nangangatal na utas niya sa akin ngunit hindi na ako muling nag angat sa kanya ng tingin. I can't afford to see him in that kind of situation. Halos lahat ng babae sa V.A. gagawin ang lahat mapalingon man lang sa kanila si Red. Halos lahat nangangarap na mahalin ng isang tulad niya...pero bakit siya lumuluhod sa harapan ko ngayon? Bakit ako pa? Bakit?


Sumisikip na ang dibdib ko habang naririnig ang pagsinghot niya. Shit...shit!


"A-aalis na 'ko.." utas ko at akmang tatalikuran na sana siya nang bigla niyang hulihin ang kamay ko.


Napalingon ako sa mukha niya. Tuyo na ang mga luha sa kanyang pisngi ngunit namumula pa rin ang ilong niya. "I-Ihahatid na kita..." utas niya at tumayo.


Naaawa ako sa kanya sa totoo lang. Ang bigat bigat ng dibdib ko isipin palang na sobra siyang nahihirapan ngayon. Lalo na siguro kung malaman niya pa ang totoo.


"K-Kaya ko na mag-isa," pagpupumilit ko at ipipiksi na sana ang braso ko para mabitawan niya ang pagkakahawak sa kamay ko ng bigla niya akong hilahin palapit sa kanya. Hindi ko inasahan ang ginawa niya kaya napayakap ako sa matigas niyang katawan.  Natigilan ako sa sobrang pagkabigla lalo na nang maramdaman ang dahan-dahang pagyakap niya sa aking baywang.


"I never loved anyone, Jakirah....you are the only one," paos ang tinig na utas niya. Bumilis ang kabog ng dibdib ko habang nag umpisa na namang mag-init ang gilid ng mga mata ko. Paano ko ba magagawang itaboy siya palayo kung sa paulit-ulit na pagtulak ko ay hihilahi at ikukulong niya uli ako nang paulit-ulit sa bisig niya?


Bakit kahit na paulit-ulit ko siyang saktan ay hinihila niya pa rin ako pabalik?


"R-Red don't do this please..." nanghihinang utas ko at pinilit na huwag pumatak ang mga luha.


Sobrang hirap na itulak siya palayo kung kabaliktaran no'n ang sinasabi ng aking puso. Sobrang hirap na makita syang nahihirapan at nasasaktan dahil sa akin...


"J-Just let me do this..." bulong niya na kinakagat ko sa aking ibabang labi. He seems calm now...


"I get it now. Y-You never told me, right? You never told me you love me..." mahina ang tinig na utas niya. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya.


Sinubsob ko ang aking mukha sa dibdib niya. Rinig na rinig ko ang mabilis na tibok ng puso niya.


"I understand now. M-Mali ako, u-umasa ako..." mapait ang tinig na utas niya. Tila may kung anong kumurot sa aking puso habang pinakikinggan ang mga sinasabi niya. Buti na lang ay nakatago ang mukha ko sa dibdib niya.


"S-Sorry...k-kung sa tingin mo, mababa ang tingin ko sa 'yo. Masyado lang akong nasasaktan...p-pakiramdam ko kasi iniwan mo ko bigla sa ere," utas niya.


Unti unting sumikip ang dibdib ko.


"A-akala ko kasi...akala ko kasi m-mahal mo na rin ako...." mariin akong napapikit ng marinig ang pagkabasag ng kanyang tinig.


I can't take this!


"J-Just let me hold you for a few seconds...please?" gusto kong pumalahaw ng iyak sa dibdib niya habang naririnig ang unti-unti niyang pamamaalam.


Ayoko siyang umalis...ayoko...pero...pero ito ang gusto ko diba?


Tila binabasag ang puso ko.


"I'm sorry for expecting too much...N-nasanay ako na simula bata nakukuha ko agad ang gusto ko sa isang pitik palang ng daliri ko...p-pero bakit pag dating sa 'yo, lagi na lang akong talo?" 


Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa may leeg ko. Halos hindi ako makahinga. Naghalo-halo na ang nararamdaman ko.


"I-If you want me to let you go, t-then I will..." bulong nya na kinapatak ng luha sa mga mata ko.


Kinagat ko nang mariin ang ibabang labi upang pigilan ang paghikbi.


Ang sakit!


"I will let you now go, Jakirah Reyes.." mababa ang tinig na utas niya bago dahan-dahang niluwagan ang pagkakayakap sa akin.


Yumuko ako at kinuyom ang aking kamao. Gustung gusto kong isigaw sa kanya na hindi niya pwedeg gawin iyon ngunit magmumukha lang akong tanga sa harapan niya. I asked for this, right? 


Hinayaan ko ang masaganang luha na tuloy-tuloy na bumagsak sa aking pisngi habang naririnig ko ang dahan-dahan niyang paglakad papalayo. Nang hindi ko na mapigilan ay dahan-dahan kong inangat ang tingin at nakita ang pagharurot ng kanyang sasakyan palayo.


Doon ko na hinayaan ang sariling pumalahaw ng iyak at tila nauupos na kandila na napaupo sa may sidewalk. Wala na akong pakialam kung may makita man sa akin ngayon. Sobrang sakit ng nararamdaman ko at pakiramdam ko sasabog na ako kung hindi ko ito mailalabas lahat ngayon.


Wala na akong pakialam....mas gusto ko na lang mamatay sa kaiiyak ngayon..


Sinubsob ko ang aking mukha sa mga palad ko at doon umiyak nang umiyak. Nararamdaman ko ang kirot sa puso ko. Ramdam na ramdam ko ang sakit. Mas masakit pa 'to sa physical pain. Mas masakit pa 'to sa lahat. Hindi na ako makahinga sa sobrang sikip ng dibdib ko. Hindi ko alam na pwede palang may ganito kasakit na damdamin. Hindi ko alam na masasaktan ako nang sobra sa pagpapalaya sa akin ni Red.


Ffuck.


Because I know I don't want him to let go of me. Because deep within, I want him to fucking stay with me!


And hearing all the words he told me earlier, it was all breaking me to tiny, little and every bit of pieces. Durog na durog na ako at hindi ko na alam kung paano maging buo ulit.


May isasakit pa ba ito?


//


Dumaan ang ilang buwan. Nanatili kaming casual sa isa't isa ni Red pero hindi ko pa rin maiwasang umiyak gabi-gabi. Tila ako namatayan sa sobrang sakit ng puso ko. Pinipilit kong maging maayos sa loob ng mga nakaraang buwan pero sobrang hirap magkunwaring ayos lang ako sa harap niya kahit na hindi naman talaga.


He became so distant to me. Oo, sumasama siya sa amin ngunit naka-focus ang attention niya sa iba. Sa tingin ko ay unti-unti niya na nga akong nakakalimutan. At ang sakit na makita iyon nang harap-harapan.


Baka ako na lang ang hindi nakaka-move on. Samantalang siya, tila okay na sa lahat.


Yumuko ako at inignora ang pag-iinit ng gilid ng mga mata ko sa isiping iyon. Kasalukuyang may klase ngunit heto ako at pinasasakitan na naman ang sarili.


"Red, malapit na ang birthday mo a!" Napaigtad ako nang marinig ang sinabi ni Naddie. Nasa usual place kami sa labas ng cafeteria at kumakain ng lunch.


Hindi ako nag-angat ng tingin at nagkunwaring busy sa kinakain ngunit ang totoo ay gusto kong marinig ang usapan nila.


"Ah. yeah," walang ganang utas nito.


I pursed my lips. Come to think of it, hindi ko nga alam kung kailan ang birthday niya...


"What's your plan, dude?" nakangising utas ni Cade na katabi ni Red. Mukhang every year ay inaabangan nila ang birthday ni Red.


"Gusto ni mama ng party. Since malapit na ako mag 21, kailangan na akong ipakilala sa corporate world," malalim ang tinig na utas niya at binaba ang hawak na spoon and fork at tinignan ang screen ng kanyang cellphone.


I wonder who that is.


Ever since mangyari ang gabing iyon kung saan pinalaya niya ako. Bumalik siya sa dating siya. Hindi iyong masamang ugali na si Red Villamor na kinatatakutan ng lahat. He really changed for the better. He became so nice to the point that everyone love him more than ever.


Wala akong nabalitaan na lumalabas siya kasama ang iba't ibang babae. Ngunit these days, napansin kong busy siya lagi sa phone niya...


I can't help myself but to get curious all of a sudden.



Hindi ko na nasundan ang usapan nila dahil nahulog ako sa pag iisip. Hanggang sa matapos ang lunch break ay nakatuon lamang ang pansin niya sa kanyang phone. Napabuntong-hininga ako.


P.E. kaya't naka-PE uniform kami. Tinali ko ang mahaba at itim kong buhok at nag-inat.


Wala akong gana na maglaro ng sports naming badminton ngunit wala naman akong choice dahil kailangan kundi ay mawawalan ako ng score.


"Kailan ang birthday ni  Red?" usisa ko kay Kasey na sinadya kong sabayan sa paglalakad. Nauuna kaming maglakad dahil may kinuha pang gamit si Kate na nakalimutan niya. Mukhang may nais ding pag usapan si Naddie kay Kate kaya't naiwan sila sa may girl's locker room.


Nilingon niya ako at medyo binagalan ang paglalakad.


"This Saturday.." nakangiting utas niya. Pilit ko rin siyang nginitian habang mabagal na tumatango-tango.


Two days from now.


Wala akong maisip na dapat iregalo. Pakiramdam ko ay hindi iyon magiging sapat sa dami nang magagarang regalo na matatanggap niya sa espesyal na araw niyang iyon...



I feel somehow bad.


Lalo na ngayong sa tingin ko ay, may iba nang nakakakuha ng atensyon niya.


Napabuntong-hininga ako habang pinapanood ang masayang pagtawa niya sa sinabi ni Cade mula sa di-kalayuan. He looks somehow happier.



//:---( happier; ed sheeran

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top