CHAPTER 9

Maev  Nariahree

Mabilis kong hinatak ang isa sa mga naiwan dito sa kampo at dinala siya sa likod ng tent.

"Nasaan si tanda-I mean si Wheel?" Kumurap pa ito ng ilang beses. Halatang gulat na gulat.

"Nasa gate po papuntang underground, ang groupo niya po ang nagbabantay doon" Binitawan ko agad siya at tinakbo ang papunta sa gate ng underground namin.

Nagtago ako sa puno ng niyog ng makitang nakikipagbarilan sila sa mga naka-itim na taohan. Nakisali ako, binaril ko rin ang mga kalaban at nakita kong nagulat sila dahil biglang namatay ang mga kasamahan nila. Nang malaman nilang tagilid ang groupo nila ay tumakbo sila paalis kaya lumabas ako sa pinagtatagoan ko.

"Anchor, anong ginagawa mo dito? Diba nasa Beijing ka?" Nagtatakang tanong ni Red sa akin.

"Nabalitaan ko kasing may gulo dito kaya sumama na ako sa iba" Tinignan ko si Nyle na hawak ang braso niya, may tama siya ng baril. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Kaya ayokong makarelasyon tong matandang to dahil maaga akong mabu-byuda!

"Buti buhay ka pa?" Kunwaring tanong ko sa kanya at bigla naman siyang ngumiti.

"Hulaan ko, nag aalala ka sa akin dragon kaya ka nandito" Kumunot agad ang noo ko at tumalikod sa kanila bago kinasa ang hawak kong baril.

"Aalis na ako dito, baka mabaril lang kita pag nanatili ako" Umalis agad ako at tinulongan ang iba sa kampo namin, habang abala ako sa pakikipagbarilian ay hindi ko namalayan na may kalaban pala sa gilid ko kaya nabaril ako sa tagiliran.

"Inang yan oh!" Binaril ko rin siya pero hindi sa tagiliran, sa ulo mismo. Ang bobo niya kasi bumaril, binuhay pa ako.

"Anchor may tama ka" Dali-daling hinubad ni Sword ang T-shirt niya at tinakpan ang dumudugo kong tama ng baril.

"Lakas nga ng tama ko eh kahit hindi naman ako lasing" Pagbibiro ko pa sa kanya pero diniinan niya ang T-shirt sa sugat ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Tara sa underground, kailangan magamot agad ang tama mo" Inalalayan ako ni Sword papunta sa underground at nakita ko naman agad na may gumagamot sa sugat ni Nyle.

"Excuse me, gamotin niyo siya agad" Pinaupo ako ni Sword sa hospital bed at umalis din siya para tumulong sa labas. Nilapitan ako ng lalaking nurse at gagamotin na sana ako pero biglang nagsalita si Nyle.

"Ako na ang bahala sa kanya, pwede niyo na kaming iwan" Yumuko ang lalaking nurse bago lumabas at tinignan ko naman si Nyle na kumukuha ng kailangan sa tagiliran ko.

"Tapang-tapangan ka kanina tapos ngayon may tama ka ng baril. Ang sarap mo talagang pakasalan" Tumaas ang kilay ko at tinignan ko siya.

"Hoy tanda ikaw ang unang nabaril dito, sino mas tanga?" Umupo siya sa upoan na nasa harapan ko at tinignan ako.

"Hubarin mo ang T-shirt mo para magamot ko ng maayos" Nag dadalawang isip pa ako pero naalala ko na may nangyari na sa amin. Inang yan! para naman akong pa-virgin eh may nangyari na sa amin. Hindi naman siguro dapat ikahiya ang katawan ko total nakita naman niya lahat!

Hinubad ko ang T-shirt ko at ngayon ay naka-bra nalang ako sa harapan niya, akala ko may sasabihin pa siya pero wala na pala at ginamot lang ang sugat ko sa tagiliran. Mabuti nalang at tumagos ang bala dahil mas masakit kung tatanggalan ako ng bala sa katawan. Tinahi ni Nyle ang sugat ng wala man lang anesthesia, lintik na tanda to.

"May isasagot ka naba sa akin?" Tinignan ko siya dahil sa tanong niya, seryoso pa rin siyang ginagamot ang sugat ko.

"Akala ko ba hindi mo ako minamadali?" Tumawa naman siya ng mahina habang tinatapos na lagyan ng bandage ang tagiliran ko.

"Nag tatanong lang ako, dragon ka talaga" Tsk, ayan na naman siya sa dragon! Nasaan na iyong Maev honey niya? Pakialam ko naman!

"Ewan ko sayo tanda" Nang matapos gamotin ang sugat ko ay humiga ako sa hospital bed at umupo naman si Nyle sa gilid ko.

"Seriously Maev, tumigil kana sa pagiging Reaper" Pinikit ko ang mga mata ko at huminga ng malalim.

"Titigil lang ako kung titigil ka din" Alam kong natigilan siya sa sagot ko pero iyon naman ang totoo. Natatakot ako, tao rin ako na may takot sa kamatayan pero kung mauuna siya ay wala na akong dahilan pa para mabuhay. Wala na akong pamilya at siya lang ang meron ako kahit wala naman kaming relasyon.

"Sa makalawa, may misyon tayo kasama ulit sila Red at Sword. Hindi ko alam kung ano ang nangyari kay Sword sa Beijing pero siguro naman ay hindi talaga siya traydor dahil pinasama siya sa atin ng Queen" Bumukas ang mga mata ko at tinignan ko siya.

"Hindi traydor si Sword, nagpaliwanag na siya sa akin. Ano naman ang misyon natin? Tungkol ba ito sa Dark Reapers?" Tanong ko sa kanya at tumango naman siya sa akin.

"Kakauwi lang namin kaninang umaga dito sa Placer, habang ginagawa namin ang misyon sa Italy ay nalaman namin kung saan ang main base ng Dark Reapers" Natigilan kaming dalawa ng makarinig kami ng tunog ng piano sa paligid.

"Huwag mo ng pansinin, ang Queen lang iyan. Mahilig siya sa piano at nasa kabilang room lang ang music room dito kay dinig na dinig natin" Paano naging kalmado ang Queen patungkol dito? Nagkakagulo na sa labas.

"Nga pala tuloy ang alis natin papunta sa private house ko" Sumama ang mood ko dahil doon.

"Hindi ka pa rin sumusuko sa leave na yan? Paano kung kailangan tayo dito?" Umiling lang siya at pinatong ang palad niya sa ulo ko.

"Hindi naman ako gugulohin ng Daniel pag nagpa-alam akong aalis ako" Inalis ko agad ang kamay niya at pinikit ulit ang mga mata ko. Medyo inaantok ako dahil sa sugat ko, parang lalagnatin pa nga ako. Epekto siguro ito ng balang tumama sa akin.

"Isa pa, nakita ko rin kung sino ang pumatay sa kapatid ko" Iyan ang huling narinig ko ng mawalan ako ng malay dahil sa sobrang antok ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top