Chapter 10

Maev Nariahree

Kunot noo akong nakatingin sa labas ng bintana nitong sasakyan ni Nyle. Talagang nag file siya ng leave para sa aming dalawa at pupunta daw kami sa private house niya sa isang isla na pagmamay-ari ng kaibigan niya.

"Hoy tanda, matagal pa ba? naiinip na ako. Lalabas ako ng sasakyan ngayon habang nakaandar" Ng hindi ako nakarinig ng sagot ay tinignan ko siya na seryoso lang sa pagmamaneho.

"Hoy tanda" Nagpakawala ako ng malalim na hininga at pinikit ang mga mata ko. Inang yan, nakakagalit talaga ang matandang 'to! Ang sarap lang talaga patayin!

"Malapit na tayo sa port" Hindi ko sumagot sa kanya at maya-maya lang ay nakarating na kami sa port. May isang speed boat ang naghihintay sa amin kaya sumakay agad kami dala ang bag namin na ang laman ay mga baril at kaonting damit.

"Turn off your phone first" Nilingon ko siya.

"Bakit?" Bakit ko naman papatayin? Mamaya may tumawag na importante!

"Turn it off, no questions" Sinamaan ko siya ng tingin pero in-off ko na rin lang dahil hindi naman siguro siya mag-uutos kung hindi importante.

Nang papaandarin na sana ni Nyle ang speed boat ay bigla nalang may nagpa-putok sa gawi namin kaya mabilis akong tumayo at hinatak si Nyle patalon sa dagat.

Tinakpan ko agad ang bibig ko at mukhang nagulat din si Nyle, lumangoy kami papalayo sa port ng makitang pinagbabaril ang tubig at ang ilan ay lumusong din sa dagat.

Pagkalayo namin sa kanila ay inahon ko agad ang ulo ko at huminga dahil muntik na akong maubosan ng ng hangin.

"Fuck! You could've warned me you little dragon!" Inis ko siyang sinapok sa ulo dahil sa reklamo niya.

"Warned! Eh muntik na nga tayong mamatay! Kasalanan mo to eh!" sabay kaming umahon sa tubig at pasimpli kaming tumingin sa speed boat na may kalayoan sa amin.

"Wala na sila. Mamaya na tayo bumalik baka nakabantay lang sila" Umupo ako sa bato malapit sa amin at ngayon ko lang napansin na may sugat pala ako sa paa.

"Hoy tanda, hubarin mo nga damit mo. Tatali ko lang sa paa ko" Kunot noo siyang lumingon sa akin at nabigla ng makita ang paa ko na may sugat.

"The heck?! Where did you get that?! How?!" Mabilis kong pinulot ang maliit na bata sa tabi ko at binato iyon sa kanya dahil sa inis ko.

"Huwag mo akong ma-How-How diyan tanda bilisan mo na! Mauubosan ako ng katas dahil sayo!" Mabilis niya namang hinubad ang T-shirt at tinali sa paa kong may sugat. Nagulat pa ako ng yakapin niya ang hita ko kaya tumingin ako sa piligid.

"Hoy tanda, baka may makakita sa atin!" Tinulak-tulak ko ang ulo niya paalis sa hita ko pero ayaw niya talaga paawat. Inang yan! Anong nangyari dito?!

"Just let me, just this one Maev honey" Natigilan ako sa pagtulak sa kanya at nag iwas ng tingin.

"Mainit dito tanda, huwag kang mag tagal diyan sa hita ko. Hindi naman yan masarap" Nanlaki ang mga mata ko ng gumapang ang mga palad niya sa hita ko pataas sa gitnang bahagi ng katawan ko. Mabilis ko agad na hinuli ang kamay niya, inang yan!

"Hoy ano ba!" tumawa naman siya at agad na tumayo at nilahad ang kamay niya sa akin kaya tinanggap ko naman at tumayo na din.

"Ano na gagawin natin?" Kunot nuong tanong ko sa kanya at ngumisi naman siya kaya tinaasan ko ng kilay.

"I've got this Maev honey" Hinila niya ako papunta sa malapit na port, sa kabilang port ito at walang tao pero may speed boat na naghihintay.

"Tanda, kaninong speed boat to?" Binitawan niya ang kamay ko at sumampa sa speed boat sabay lahad ng kamay.

"Boy scout yata itong boyfriend mo" Sabi niya sabay kindat kaya inirapan ko siya. Nang makasakay ako ay binuhay niya agad ang makina at pinaandar na ito.

"Sino ba ang tanga na magpapatayo ng private house sa gitna ng isla" Tinignan ko siya ng masama. Ang laki pa ng ngisi parang excited sa kung ano.

"Hindi tanga tawag sa ganyan. Weird, weird!" Oh, weird talaga kasi weird siya.

Hindi nagtagal sa byahe ay nakita ko na ang isla. Malaki ito at mukhang hindi lang iisang bahay ang nakatayo dito.

"This is our secret island. Binili to ng kaibigan ko para aming groupo" Tumigil ang speed boat at nauna siyang bumaba kaya tumayo na din ako.

Nagulat ako ng inilahad niya ang kamay niya sa akin at ngumiti.

"Think of this as our first date baby dragon" Sabi niya sabay kindat kaya tinaasan ko siya ng kilay, pero tinanggap ko din naman ang kamay niya at bumaba na.

"Tayo lang dalawa sa isla, anong gusto mong gawin natin?" Huminga ako ng malalim at sinimulang hubarin ang damit ko, mukha naman siyang nagulat at biglang tumawa.

"I didn't know you are this desperate for me to touch you" Tinapon ko sa kanya ang damit ko at ngumisi ako sa kanya.

"Sino ang may sabi na desperada ako sayo? Maliligo lang ako sa dagat tanda, mukhang ikaw yata ang desperado sa ating dalawa" Iniwan ko siya doon na umiiling at sumisid na ako sa dagat.

Maganda ang panahon ngayon, masarap maligo sa dagat pero kumikirot ang sugat ko kaya agad din akong umahon.

Nang makaahon ako ay nakita ko si tanda na nakatayo at suot lamang ang shorts niya, nakapamewang pa siya habang nakatingin sa akin.

"Are you done? Let's go, I'm hungry" Sumunod ako sa kanya.

Dinala niya ako sa isang kubo, may lamesa dito at may mga pagkain na agad. Kumunot ang noo ko at tumingin sa kanya.

"Tanda, hindi ako nagtagal sa tubig ah. Paano ka nakapaghanda ng pagkain?" Umupo ako at tumabi naman siya sa akin.

"Baby, I have my ways" Umiling nalang ako at nagsimula na kumain.

Nyle

Nakangiti ako habang tinitignan siyang kumakain, mukha kasing gutom na gutom dahil sa bilis niyang maubos ang nilalagay ko sa pinggan niya.

Ang totoo niyan, napaghandaan ko na talaga ang lahat. Alam kong may nakasunod sa amin at nagmamanman kaya may inutusan akong ihanda ang isang speed boat kung sakaling maabotan kami.

Guess my plan worked so well, nothing to worry about now.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top