CHAPTER 3

Maev Nariahree

Alas-tres ng madaling araw ay nakasakay na kami sa eroplano papuntang Russia, hindi ko alam kung saan banda sa Russia ang punta namin basta ang alam ko lang ay simple lang ang gagawin ko doon,

"Iihi lang ako saglit" Paalam ko kay Sword at tumango naman siya, apat kami ngayon dito at tulog sila Red at Wheel.

Nag lakad ako papunta sa CR ng eroplano, hindi naman talaga ako iihi. Susuka ako! Inang yan! hindi lang siguro ako sanay sa ganito.

Lumapit ako sa kubeta at humawak sa gilid nun at nagsimula na akong mag suka, grabe parang lahat yata ng kinain ko kanina ay mailalabas ko ngayon!

Nagulat ako ng may humagod sa likoran ko, si Wheel! Inang yan! Mapupungay pa ang mata niya at halatang bagong gising. Humarap ako sa kubeta at nag suka na naman.

"Hey, are you okay? What do you need? Water or what?" Hinagod niya ang likod ko hanggang sa matapos na ako sa pag susuka, nanghihina ang mga tuhod ko kaya inangat niya ako at tinulongan na makapaghugas ng bibig at magmumog sa lababo.

"Nahihilo ka sa mga ganito? Why don't you take a med?" Hindi ko siya sinagot dahil nanghihina talaga ako. Hindi kasi talaga ako sanay sa mga air-condition na sasakyan mapa-lupa man o himpapawid.

"Let's go" Inalalayan niya ako palabas at pinaupo sa dulo ng mga upoan kung saan siya nakaupo kanina. May kinuha siya sa bag niya at inawang ang bibig ko.

"Gamit yan, ito tubig. Inomin mo" Tinanggap ang tubig at nilunok ang gamit na binigay niya, mukhang epektebo naman ang gamot kasi nabawasan ang pagkahilo ko.

"Salamat" Sabi ko nalang sa kanya, pag angat ko ng tingin ay nakatitig pala siya sa akin. Ramdam kong namula ang pisnge ko kaya nag iwas ako ng tingin sa kanya,

"I like it, I can make you blush" Hinampas ko siya sa braso at mag sasalita na sana pero tinakpan niya ang bibig ko,

"sshh they're sleeping" Kunot noo ko siyang tinignan at laking gulat ko kasi inalis niya ang kamay niya at bigla akong hinalikan.

Halos mamutla ako sa ginawa niya, sobrang pag pipigil ng hininga ang ginawa ko at napakapit ako aa braso niya ng mahigpit,

Umawang ang labi ko nang lumayo siya at pinunasan ang gilid ng labi ko, Inang yan! Natulala ako?!

"Sorry nabigla yata kita" Tulala pa rin akong nakatingin sa kanya, first kiss ko kasi yun eh. First kiss ko!

"Tarantado ka" Iyan ang lumabas sa bibig ko na ikinatawa niya ng mahina at bigla nalang akong inakbayan,

"Binasa ko ang files mo kagabi, tattoo artist ka pala. Next time mag papatattoo ako sayo ah baby dragon" Kumunot ang noo ko sa tinawag niya sakin. Baby dragon? Inang yan! saan niya naman napulot yan?

"Tanda" Sabi ko na kinatigil nang tawa niya at bumaling sakin na masama ang tingin

"Hindi ako matanda, I'm just 31 years old" Napatingin ako sa kulay puti niyang buhok

"Normal ba yan? I mean, natural?" Tanong ko habang nakatingin sa buhok niya na agad niya namang kinapa.

"Yup, it's my natural hair. Cool isn't it?" Inangat ko ang kamay ko tapos hinawakan ko ang buhok niya, natural nga kasi hindi magaspang at mukhang hindi pa nakakatry ng pagpapakulay,

"Sana ganito rin buhok ko" Natawa naman siya at hinawakan ang kamay ko para ibaba sa hita niya at pinisil iyon

"Sobrang panget mo pag ganito buhok mo" Umusok yata ang ilong ko kaya sinabunotan ko siya, panget pala ah.

"Aray, dragon ka talaga. Aray naman" Mahinang reklamo niya kaya binitawan ko na ang buhok niya at lumayo ako ng upo sa kanya, sumandal ako sa bintana at pumikit

"Huwag mo akong kakausapin tanda"

Nyle

Nakatingin lang ako sa kanya habang natutulog siya, tsk baby dragon talaga. Halos bugahan na ako ng apoy pag naiinis sa akin.

Umusog ako palapit sa kanya at inilipat ang ulo niya sa dibdib ko tsaka ko pinulupot ang braso ko sa bewang niya.

I want to protect her from any harm, hindi pweding masaktan ang baby dragon kasi magagalit and tanda.

I mentally laugh with my thoughts, pumayag akong tanda ang itawag niya sa akin kahit 31 years old pa ako. Wala eh, I can't say no to her. Baka kasi bugahan ako ng apoy, baby dragon pa naman to.

"Nice angle, sayang wala ang camera ko" Nag angat ako ng tingin at nakita ko si Red na bagong gising,

"Tone down your voice, she's sleeping as you can see" Kamot ulo siya pumunta sa CR kaya hinayaan ko na, hinalikan ko si baby dragon sa noo bago ako pumikit para makatulog din.

Maev Nariahree

Naalimpongatan ako dahil tinapik ng kung sino ang pisnge ko, sarap na sarap ako sa tulog tapos maiistorbo lang? Inang yan!

"Baby dragon, nakalapag na tayo. Gising na" Mabilis akong gumising at umayos ng tayo dahil si tanda pala ang tumatapik sa pisnge ko, nakakahiya medyo matambok pa naman pisnge ko!

"Mauna ka nga tanda" Inis na sabi ko at sinamaan siya ng tingin

"Stop looking at me like that, you're cute okay? You don't have to show me your cuteness, baka mahalikan lang kita" Inis ko siyang pinalo siya balikat pero tinawanan niya lang ako at tumayo na

"The baby dragon is angry! aww so cute!" Sabay takbo kaya nag madali akong tumayo

"Tanda! Ina mo! Huwag mo akong lalapitan mamaya!" Inis na inis ako at gusto ko ng bumuga ng apoy dahil sa kanya, nakakainis ang tanda na yun!

"Hayaan mo na, nag mumukha ka talagang dragon pag naiinis" Sabi ni Sword at nilampasan ako para makababa na ng eroplano, nakapamewang akong sumunod sa kanya

"Alam mo, isa ka rin eh! Hindi ako dragon!" Binilisan ko ang pag lalakad ko at inunahan ko silang lahat. Nandito kami ngayon sa private place ng Royalties sa Russia, bago ako pinapasok ay hiningi muna ang code name ko dahil iyon daw ang access namin para makapasok, kung nakalista daw ba kami sa mga pinadala dito.

Pag pasok ko sa loob ay sinalubong ako ng lalaking gwapo, Inang yan! lahat nalang ba gwapo? pero hindi kasali si tanda doon. Panget kaya siya.

"Dobryj vecher" Ano daw? Natigil ako sandali at sakto naman na nakarating na sila tanda at tumabi sa akin

"Good evening too, I'm Wheel the leader of my team" Nagkamayan sila ng lalaki, good evening pala ang ibig sabihin niya?

Tinignan ko naman ang labas kasi glass wall naman ito, hindi naman masyadong madilim at parang hapon pa tapos evening? Ang weird nila okay?

"This way please, follow me" Hinila ako ni tanda at sumunod kami sa gwapong lalaki, habang nasa elevator kami ay panay ang sama ng tingin ni tanda sa akin kaya pinaningkitan ko siya ng mata,

"Stop looking at him" Bulong niya at nakarinig kami ng tikhim galing kay Red, nasa harap kasi namin siya at hula ko ay narinig niya ang bulong ni tanda,

Hindi ko nalang pinatulan kasi sa pagkakaalam ko, mainitin ang ulo ng mga matatanda.

Pinapasok kami sa isang kwarto at doon nakita ko ang isang babae na sa tingin ko ay nasa edad kwarenta na? siguro?

"Welcome to Russia my dear reapers" Sobrang lamig ng boses niya kaya napakapit ako sa braso ni tanda na parang wala lang sa kanya ang sinabi ng babae, ganoon din sila Red at Sword kalmado lang sila.

"Ang mission na ibibigay ko ay magaganap sa isang party. Birthday party ng anak ng Mafia boss" Tumayo sila at lumapit sa harapan namin kaya mas lalong humigpit ang hawak ko sa braso ni tanda, nakakatakot siya.

"I suggest na si Red ang mag papanggap bilang escort ng anak at si Sword ang bahala sa pag tatanim ng bomba sa lahat ng sulok sa paggaganapan ng party" Tapos ay bumaling siya sa amin ni tanda kaya yumuko ako

"Si Anchor at Wheel ang mag papanggap bilang mag asawa sa party at mag ooffer kayo ng business about illegal drug dealing" Ano?! Kami ni tanda mag papanggap na mag asawa? Inang yan!

"Are you afraid of me Anchor?" Mabilis akong nag angat ng tingin at umiling ako sa kanya

"Hindi po" Sabi ko at tumawa naman siya ng mahina

"I'm sorry to scare you a while ago. I'm Ace, the Ace of Spades" Nag lahad siya ng kamay kaya tinanggap ko naman pero feeling ko nanlalamig ang kamay ko

"I am pleased to meet you and I like you by the way, gusto ko ang ugali mo" Nakangiting sabi niya at iniwan na kami sa loob,

"Pag sa akin para kang dragon na bubuga ng apoy pero pag sa Ace of Spades para kang maanong tupa" Mabilis kong hinila ang buhok ni tanda

"Manahimik ka tanda!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top