CHAPTER 2

Maev Nariahree

Palinga linga ako sa labas ng shop bago sinuot ang hood ng jacket ko, malapit na mag hating gabi at mag iisang buwan na simula noong nasuspende kami ni Sword kaya ngayon ang balik namin,

Dumaan ako sa mabatong bahagi ng dagat at maingat ang bawat apak dahil baka masugatan ako sa tulis ng bato, wala pa naman akong ilaw.

Mga ilang minuto na rin akong nag lalakad ay malapit na ako sa kampo, hahakbang pa sana ako sa malaking bato pero laking gulat ko nalang na may humatak sa akin at tinakpan ang bibig ko gamit ang kamay nito.

Sinubukan ko siyang sikohin sa tagiliran niya pero mukhang nahulaab niya ang gagawin ko kaya nasangga niya, tinaas ko ng bahagya ang paa ko at akmang aapakan ang paa niya pero nailag niya. Nakakainis! Sino ba to? Bakit nahuhulaan niya ang mga galaw ko?

"Huwag ka ng mag tangka pa, nababasa ko ang mga galaw mo" Natigilan ako bigla, ang lamig ng boses niya at ngayon ko lang napansin na mabango pala siya! matigas ang dibdib at malakas pangangatawan,

"Alam mo bang delikado ang pupuntahan mo?" Tinanggal niya ang pagkakatakip ng kamay niya sa bibig ko kaya tumikhim ako

"Galing ako diyan, nasuspende lang ako ng isang buwan. Sino ka ba?" Sa tanong ko ay bigla niya akong pinaharap kanya at nagulat ako kaya nag iwas agad ako ng tingin,

Inang yan! Walang damit pang-itaas at nakaboxer shorts lang sa ibaba! nakita ko pa ang tattoo niya sa isang bahagi ng dibdib hanggang balikat. Isang Tiger.

"Aha! Isa ka pala sa sinabi ni Red na suspendedo, pero teka sigurado ka ba sa pinasok mo?" Kilala niya si Red? nabalik ang tingin ko sa kanya at doon ko na nakita ang buo niyang mukha dahil sa pagkakaharap niya sa maliwanag na buwan,

Matangkad siya at hanggang dibdib niya lang ako, kulay puti ang buhok niya at naaaninag ko ang kulay blue niyang mga mata. Matangos na ilong, tamang kapal ng kilay at perpektong kurba ng labi.

Ay inang yan! Bakit ko ba siya dini-describe!

Lumayo ako sa kanya at tumalikod na para mag patuloy sa paglalakad pero nag salita siya kaya natigil ako,

"Ako si Wheel, ikaw? sino ka?" Wheel? Humarap ako sa kanya,

"Ako si Anchor" Sabi ko at nag madali ng tumalikod at nag lakad,

Nyle

Nakatitig lang ako sa kanya habang nag lalakad siya papunta sa kampo hanggang sa mawala na siya sa paningin ko, humarap ako sa payapang dagat na naisip ko agad ang code name niya.

"Anchor" Sabi ko at umupo sa malaking bato, is this coincidence? My code name is Wheel and hers is Anchor. Parehong nagagamit sa barko.

"Malayo ang tingin, malayo ang bitwin" Nabaling ang tingin ko sa kumanta at nakita ko ang nakangising mukha ni Red,

"Wheel, layo ng tingin ah. May problema?" May dala siyang bote ng beer at inabot sa akin ang isa kaya tinanggap ko naman agad,

"Wala, may iniisip lang ako" Tumungga ako sa beer at tinignan ang kampo, nakita ko si Anchor na may kausap na babae siguro ay kasamahan niya.

I can't take off my eyes from her, I don't know. I just can't.

"Kung yelo lang si Anchor, kanina pa siya natunaw" Natawa ako at napailing sa sinabi ni Red at natigilan siya, mukhang may napagtanto

"Teka, Anchor siya tapos Wheel ka. Anchor, ang taga hawak o taga pigil ng malaking barko para hindi tangayin ng dagat. Wheel ang ginagamit sa pag mamaneobra at ginagamit sa pag lipat nang direksyon ng barko" Tumungga ulit ako sa bote ng beer at tinignan ang dagat, kalma ang dagat ngayon at parang natutulog.

"Hindi ka kinilig?" Nag salubong ang kilay ko at tinignan si Red dahil sa sinabi niya,

"Biro lang, ito naman. Sige mauna na ako sayo" Sabi niya at umalis na sa tabi ko,

Maev Nariahree

Busy ako sa pakikipagusap kay Sword nang biglang narinig namin ang pito ni Red hudyat na kailangan naming mag tipon sa malaking kubo.

Nag lakad kami ni Sword at pumwesto sa labas ng kubo dahil naririnig din naman namin kung ano ang sasabihin, habang nakatayo ay patingin tingin ako sa paligid at pasimpling hinanap ng mata ko iyong lalaki kanina sa tabing dagat.

Wala, hindi ko mahanap,

"Hoy Anchor, kanina ka pa diyan. Nag mumukha ka ng Giraffe, kunti nalang hahaba na leeg mo" Tumigil ako sa linga dahil sa sinabi ni Sword at hinawakan ang leeg ko,

"Anong pinagsasabi mo" Sabi ko nalang para maitago ang hiya dahil nahuli niya akong may hinahanap.

"Okay teams, nabigyan ang reapers ng mission at kukuha kami ng dalawa sa inyong lahat. Dito sa box na hawak ko ay nakalagay lahat ng code name niyo at bubunot ako kung sino ang makakasama ng mga reapers sa mission" Mission? Maganda to ah, pero hindi ko lang sure kung ako ang mabubunot dahil labing-lima kami sa bawat team.

Bumunot si Red sa box at binasa ang code name na nakasulat sa papel,

"Sword" Nanlaki ang mata ko at binalingan ang katabi kong si Sword, inang yan! Ang swerte niya ah!

"Hindi ka ba natutuwa? Nabunot ka oh" Sabi ko at mahina siyang siniko sa braso niya,

"Pag ikaw ang pangalawang mabubunot doon ako sasaya" Ngumuso ako dahil sa sinabi niya, ang sweet din ng babaeng to kaso parang hindi bagay. Medyo mailap kasi sa tao si Sword at pag magkasama naman kami ay himala lang mag salita, puro lang siya walang imik pag kinakausap ko o mag kukwento ako.

Bato in short.

"Ang pangalawa ay si... Anchor" Literal na napanganga ako sa inanunsyo si Red. Ako? Inang yan! sigurado ba siya?

"Ayan masaya na ako" Bumaling ako kay Sword at wala namang mababakas na imosyon sa mukha niya. Ang kapal ng mukhang sabihin sa akin na masaya pero hindi naman nakangiti. Abnormal yata to eh. May sayad sa utak.

Umirap ako sa kanya at nag lakad na dahil tapos na ang announcement ni Red, maya maya pa ay nakita ko ng sumasabay sa paglalakad si Sword at sabay kaming pumasok sa tent naming dalawa.

Bawat team ay may partner at si Sword naman ang naging partner ko kaya share kami ng tent.

Nasabi ni Red kanina na bukas ang alis namin kaya kinuha ko ang bag pack ko at nag simula ng mag ayos ng gamit at ganoon din si Sword

"Sa Russia ang mission natin, nabasa ko sa mga research ko na pumapangalawa ang Russia ngayon sa maraming population ng mga sindikato" Nasabi ko naman para may alam si Sword, nag patulong ako dati kay Liezel na mangalap nf impormasyon tungkol sa mga Mafia o Sundikato.

Itong sinasalihan ko ngayon ay ang Royalties, nangunguna sa listahan ng maimpluwensyang Mafia sa buong mundo, nabubuo ang Royalties ng mga Royal blood mula sa iba't ibang lahi kaya ito natawag na Royalties.

Nag bebenta sila ng mga illegal na armas at pinapatay nila ang lahat ng mga humahadlang sa plano nila, kaya kami ipapadala sa Russia dahil nabalitaan nilang may pilit na pumipigil sa transaksyon at kailangan iyon patahimikin.

Huminga ako ng malalim at sinarado ang bag ko bago ako humiga sa tabi ni Sword at pumikit na para makatulog dahil maaga pa bukas.

Pronouncement of names
Maev Nariahree - Ma-ev Na-riyah-ree
Nyle- Na-yal (Nayal)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top