CHAPTER 4

Maev's Tattoo in multimedia..

Maev Nariahree

Nakasimangot ako habang nakatingin sa salamin, Inang yan! backless ang suot ko kaya nakikita ang tattoo ko! Buti pa si Sword at balot na balot ang katawan ng itim na damit kasi siya ang mag tatanim ng bomba sa venue.

"Iyang nguso mo aabot hanggang metro ang haba" Sinamaan ko ng tingin si Sword at bahagyang tumalikod sa salamin para makita ko ang tattoo ko,

Isa siyang black angel na may mahabang buntot na tumatakip sa katawan niya, maganda siya kaya nagustohan kong ipa-tattoo sa likod ko. Si Sword ang gumawa nito.

"Tara na, naghihintay na sila" Sabay kaming lumabas ni Sword at naabotan namin sila tanda na nag hahanda ng baril,

Pareho silang nakablack tuxedo at aaminin kong gwapo si tanda, bagay na bagay sa kanya. Natigil silang dalawa at humarap sa amin, nakita kong pinagkatitigan ako ni tanda kaya nag iwas ako ng tingin.

"You're beautiful" Nanlaki ang mata ko at tinignan sila Red at Sword na parang wala lang sa kanila ang sinabi ni tanda, nakakahiya talaga tong si tanda kung ano-ano ang sinasabi sa harap ng iba!

"Alam ko, matagal na akong maganda" Natawa siya at nilahad sa akin ang maliit na baril kaya tinanggap ko naman

"I didn't know that you're full of your self" Hindi ko nalang siya pinansin at inilagay ang baril sa lagayan na nakakabit sa legs ko, may slit kasi ang suot kong damit at halos lumuwa ang dibdib ko. Hindi ako komportable!

"Kung wala lang tayo sa mission, magagalit na ako sa suot mo" Tumaas ang kilay ko kay tanda at tinignan ang damit ko sabay duro dito,

"Rinig mo yun? Magagalit sayo si tanda!" Narinig kong nagpipigil ng tawa si Red at nailing naman si Sword

"Retard baby dragon" Kinurot ko naman siya sa tagiliran at hinampas aa braso,

"Pasalamat ka at ayos na ayos yang buhok mo! Masasabunotan talaga kita!" Mag sasalita pa sana si tanda pero dumating na ang Ace of Spades kaya tumahimik na kami at humarap sa kanya,

"Okay, you can do this team. I'm counting on you guys, don't disappoint me" tumango tango naman kami at binigyan kami ng daan para makaalis na.

Pag labas namin ng quarters ay sumakay kaming tatlo nila tanda at Red samantalang si Sword naman ay motor ang gamit.

Mga ilang minuto lang ang tinagal at nakarating na kami sa venue, binigyan kami ng tig-iisang earpiece para sa communication at emergency,

"Red, puntahan mo na ang anak ng Mafia boss. Papasok na kami sa entrance" Utos ni tanda at nauna ng pumasok si Red,

Huminga ako ng malalim dahil ito ang first mission na mapupuntahan ko. Hinapit ako agad ni tanda sa bewang at nag simula na kaming mag lakad papunta sa entrance,

Maraming tao at lahat ay mayayaman, nag papayabangan ng pera at sumisipsip ng kapwa sindikato para mas yumaman pa.

Pag pasok namin ng entrance ay agad na lumingon ang ibang tao sa amin, iyong iba ay nakatingin sa likod ko kung nasaan ang tattoo ko.

"Welcome, you're Wheel right? The representative of Royals? I'm Gunner" Natigil kami sa paglalakad dahil sumalubong ang isang lalaki na hula ko ay kasing edad lang ni tanda, panay pa ang tingin sa akin kaya hindi ako mapakali.

"Yes it's me" Nag kamayan silang dalawa,

"And who's the beautiful lady here? You're date?" Hinapit ako ni tanda sa bewang at hinalikan ako sa pisnge na parang nag lalambing. Okay, pretend husband and wife mode on!

"She's my lovely wife, also from Royals. Anchor" Parang nagulat naman ang lalaki at natawa sa narinig niya

"You're one hell lucky, she's gorgeous" Ngumiti lang ako at narinig ko agad ang boses ni Sword sa earpiece

"Lumabas na ang Mafia boss, umalis na kayp diyan. Dapat makapunta kayo sa mesa nila" Nag tinginan kami ni tanda dahil narinig din niya si Sword,

"Excuse us, we have to go" Paalam ni tanda sa lalaki at tumango naman ito, nag lakad kami papunta sa table kung saan nakaupo ang Mafia boss.

Umupo si tanda at nagtaka ako, saan naman ako uupo? Huwag mo sabihin na tatayo lang ako?

"What are you waiting there wife? Come on sit on my lap" Pinandilatan ko ng mata si tanda dahil sa sinabi niya pero agad akong ngumiti ng matamis dahil bumaling ng tingin ang Mafia boss sa amin,

"It's my pleasure hubby" Malambing kong sabi at patagilid na umupo sa lap ni tanda, pasimple ko siyang kinurot sa braso niya at nginitian siya

"You're so sweet wife" Nanlaki pa ang mata ko kasi bigla niya akong hinalikan ng matagal sa labi,

"Ina mo tanda, mamaya ka sakin" Mariin na bulong ko habang nakangiti ng matamis sa mga bisitang nakatingin sa amin,

"Ang galing niyo umakting. Kitang kita sa CCTV na para talaga kayong mag asawa. Mag halika  pa kayo. Nahiya naman ako" Pang-aasar ni Red sa amin, malamang ay nasa control room siya ngayon at wala pa ang anak ng Mafia boss.

"A moment of silence please for the arrival of our Princess" Naging tahimik ang venue at kumabas sa stage ang anak ng Mafia boss kasama si Red na escort niya,

Kumaway siya at doon lamang nagpalakpakan ang mga bisita.

"You are morw beautiful than her baby dragon" Ako pa inuuto nitong si tanda, hindi ko nalang pinansin at nahagip ng mata ko si Sword sa ibabaw ng stage, nakayuko doon.

"shit! mukhang nabuking tayo. Humanda kayo" Hindi ako nag pahalata at pasimpling luminga sa paligid. Mukhang tama si Sword dahil nakatingin lahat ng men in black sa amin.

Hinagod ko ang tuhod ko ng dahan dahan hanggang legs, sumimple akong hinawakan ang baril doon habang nakamasid pa rin sa paligid.

Ngayon ay nakaupo na sa harap namin sila Red at ang anak ng Mafia boss, naging tahimik ang loob ng venue na parang naghihintay kung sino ang unang kikilos.

Isa, dalawa, tatlo.

"Yuko!" Mabilis akong yumuko sa kinauupoan ko dahil pinaulanan kami ng bala, naging magulo ang venue.

Gumapang ako papunta sa tapat namin at hinila ang paa ng babaeng anak ng Mafia boss,

"Ahhh!" Tinakpan ko ang ang bibig niya at hinugot ang baril sa legs ko,

"Shut up! or I'll shot your head!" Lumabas kami sa ilalim ng mesa at tumakbo papunta sa stage, yumuko kami dahil sobrang dami ng bala ang nagtatagosan ngayon.

"Anchor! Sa likod mo!" Pumihit ako sa likod at binaril ang lalaking nasa likoran namin, hinila ko ulit ang babae at pumasok kami sa pinto na malapit sa stage,

"Please let me go!" Kinaladkad ko siya at nakita ko agad si Sword na naghihintay

"Bilisan natin, itali na natin yan" Sapilitan naming tinali ang anak ng Mafia boss sa upoan at kinabitan siya ni Sword ng bomba,

"Please let me go! I don't know what is going on! Chto jeto znachit? PozhalujstaInis akong humarap sa babae at dinuro siya sa noo,

"Shut up! Do you want to die this early?! If you don't want then shut your mouth!" Inang yan! Nakaenglish ako ng wala sa oras dahil sa babaeng 'to!

"One minute" Sabi ni Sword, rinig na rinig pa rin namin ang putokan sa loob at hindi pa nakakapunta dito sila Red at Wheel,

"Ang tagal nila, sasabog na ang bomba" Hindi ako mapakali, bigla akong kinabahan.

"Pupuntahan ko" Akmang aalis na ako ay pinigilan ako ni Sword,

"Tayo na! Hayaan mo sila, makakaalis din sila bago sumabog ang bomba!" Hinila niya ako papunta sa malaking bintana at tumalon kami,

Hindi kataasan ang bintana kaya hindi kami nahirapan, lakad takbo ang ginawa namin para makalayo sa venue

"Tanda! nasaan na kayo?" May naririnig akong putokan sa earpiece ko at hingal kaming tumigil sa may kalayoan sa venue,

"Palabas na kami!" Tinignan ni Sword ang relos niya at nag simula ng mag bilang,

"Five, four, three, two... " Napaatras kami ni Sword sa lakas ng impak ng pagsabog kasabay ang pag dating nila Red at tanda.

"Muntik na tayo doon Red!" Nanlaki ang mata ko dahil nakita kong may tama si tanda sa dibdib niya!

"Tanda!" Nagpanic ako dahil nawalan ng malay si tanda, buti nalang at sa akin siya napasandal.

"Dalian natin para magamot agad si Wheel!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top