Chapter Two

Gab

Isang malaking pagkakamali na di na ako nauna sa restaurant na sinabe kanina ni jay. Kanina pa tapos ang klase namin at ngayon ay nakayo ako sa gilid ng sasakyan ng walang iba kundi si Jay dahil sabay daw kaming pupunta roon. Buti pa nga siya sinabihan e samantalang ako hindi. Napairap nalang ako dahil almost 10 minutes na akong nakatayo rito pero wala paring Jay na dumadating.

Kaasar!

Natigil ako ng biglang nag beep ang cellphone ko kaya't inopen ko ito.

MeetMe: Ryan sent you a message.

Huh? Ano to? The fuck! Ito yong sinasabe nilang dating app kanina! Kainis talaga yong dalawang yon!

Binasa ko ang conversation at muntik na akong masuka.

Ryan: Malaki to

Me: Talaga? Patingin?"

Ryan: *Sent a pic*

"Tangina eww!" Singhal ko at kaagad kong denelete ang conversation. Buwisit talaga! Napailing nalang ako at nang makita kong wala ng iba ay pinatay ko na ang cellphone ko at binalik sa bulsa.

Ngayon nasaan na yong kumag na jay na yon? My gosh! Kanina akala mo kong sino kong makapagsalita sa harap nila seb tapos ngayon paghihintayin lang ako?

Tumingin ako sa paligid at wala parin kahit anino ni Jay.

Kainis iwanan ko nalang kaya? Oo bahala siya diyan!

Nagsimula na akong maglakad ng may marinig akong bosena ng sasakyan. Kaagad kong nilingon ito at may nakita akong itim na fortuner na umaandar malapit saakin.

Nasa gitna naman pala kasi ako ng Parking kaloka!

Hindi ko alam pero imbes na tumabi ako ay tinitigan ko lang ang sasakyang papalapit saakin.

Ito na! Matatapos din laha—

"GABRIELL!!"

di ko alam kong anong nangyare ngunit imbes na mabangga ako ay may kamay na humila saakin at tumama ang mukha ko sa matigas niyang dibdib.

Fuck! Sayang!

Kaagad kong ininangat ang tingin ko at nakita ko ang nagaalalang mukha ni jay.

What?

"Are you fucking serious right now gab?" Tanong niya at ramdam ko ang galit sa boses niya, amoy na amoy ko ang pabango niya.

Amoy Dior Sauvage

Hanggang sa na realize ko kong anong posisyon naming dalawa. Nakayakap ako sakanya.

"Shit!" Sambit ko at kaagad na humiwalay sakanya.

"Hoy! Kong mag aaway kayong mag jowa wag naman kayong mang damay! Atsaka kong gusto mo magpakamatay iho doon ka tumalon sa tulay mga buwisit!" Galit na galit na sambit ng driver fortuner saamin at pumasok ulit sa kotse niya.

Kasi naman e! Yon na sana e! Matatapos na sana lahat ng kabuwisitan ko sa buhay kaso nangialam pa tong kumag na to.

"See? What's on your mind ba? Are planning to die?" Tanong ni jay saakin kaya't nilingon ko siya at tinaasan ng kilay.

"Paki mo ba? Tsaka bakit mo ba ako hinila?" Tanong ko. Napaawang naman ang bibig niya.

"What? Ofcourse i won't let you na masagasaan" 

"Whatever! Tsaka kanina pa ako naghihintay dito napakatagal mo" sagot ko.

"I'm sorry okay? May tinapos lang atsaka are you okay? Nasaktan ka ba?" Nag aalalang tanong niya sakin.

Fuck?

"Tsk! Ano naman sayo? Halika na nga" masungit kong sagot at naglakad pabalik sa kotse niya.

Sayang yon!

"Wow ha a simple thank you will do" sambit niya at binuksan ang pinto nang sasakyan para sakin.

Well dapat lang no!

"No, mag thank you sana ako sayo kong pina ayaan mo nalang ako" sagot ko at pumasok sa kotse niya.

Ang bango!

Ay hindi mabaho pala! Napakasakit sa ilong!

"Are you sure? Okay ka lang? I have water here if you want" sambit niya nang makapasok na din siya sa loob ng kotse niya.

Bakit ba di ma gets ng lalaking to na ayaw ko sakanya? I mean ayaw ko siyang kausapin.

"Okay lang ako" cold kong sagot.

"Okay just tell me if you need anything" sagot niya at pinaandar na ang sasakyan. I hate it kasi naman nandito ako ngayon nakasakay sa sasakyan niya.

Ang kinaiinisan kong lalaki sa boung mundo!

Tinignan ko siya and naka focus lang siya sa daan pero ang gwapo niya like ang tangos ng ilong, makinis yong mukha at yong jawline nanlalaban! Then those lips i wonder kong anong pakiramdam na mahalika— what!

"Alam kong gwapo ako pero wag mo namang titigan baka matunaw ako" bigla niyang sambit.

"Kapal mo! Di ako nakatingin sayo no" natawa naman siya ng mahina. Inirapan ko siya.

"I hate you" bulong ko.

"I know"

Biglang nag beep ang cellphone ko at nakita kong nag chat si seb sa gc namin.

Sebastian: @Gab ano nakita mo na yong ano ni ryan?"

Ethan: HAHAHAHAHA

Me: Mga hayop! Kadiri kayo HAHAHA

Sebastian: Malaki kaya omg ka! HAHAHAH

Ethan: True! HAHAHA

mga hayop tong mga to!

"Saya natin ah? Jowa mo?" Tinignan ko siya ng masama. "None of your business mag drive ka nga diyan" sagot ko.

"Bakit ba ang sungit sungit mo nanaman?" Tanong nito sakin at saktong nag red ang stop light sign.

"Kasi pangit ka" sagot ko na di nakatingin sakanya.

"Wow? Coming from you na dati—

"Shut up okay? Ingay mo atsaka bakit mo ba ako kinakausap?" Mataray kong tanong.

"Syempre ikaw lang naman kasama ko dito sa sasakyan ee sino pa ba kakausapin ko?" Tanong niya.

"Edi kausapin mo sarili mo hmp!" Irita kong sagot.

"Okay, hi jay? Alam mo bang ang pogi pogi mo pero tinatarayan ka lang—" tinignan ko siya ng masama.

"Hehe joke lang" nag green na ulit kaya't nag drive na siya ulit.

"Pwede ba pag sa school tayo wag mo akong kakausapin?" Sambit ko.

"Why?"

"Basta ayaw ko yon lang" sagot ko at tumingin sa bintana.

"Ayaw ko" sagot nito.

"What? Just do it tsk!" Sambit ko.

"Give me one solid reason for me to do that" sabi niya. Ayaw talaga sumunod ng kumag na to e! Pinaningkitan ko siya ng mata at lumingon siya sakin at tinaasan ako ng kilay.

"What?"

Napabuntong hininga naman ako.

"Okay dahil ayaw ko sayo yon lang" sagot.

"Yon lang? I'm sorry Gabriel John Villaraña but I won't do that" kinindatan niya pa ako.

Damn it!

"Hmp!"

"Mamimiss mo ako kapag di kita kinausap"

"Kapal ng mukha! Never kitang mamimiss!" Inis kong sagot at tumawa lang siya.

Napailing nalang ako.

Kailangan kong makalayo sa lalaking to! Tumataas dugo ko e!

Kainis!

"Nandito na sila" bungad saamin ni daddy ng makita niya kaming papalapit sa table kong saan nakaupo na sila. Nandun na si mommy at ang mommy ni Jay at as always ate is not here again.

"Hi gab kamusta?" Bati saakin ni mommy, binigyan ko lang siya ng tipid na ngiti.

"Fine" sagot ko at umupo na sa tabi niya, kaharao ko si daddy na di manlang ako tinapunan ng tingin.

"How's school?" Tanong ni mommy sakin.

"Okay lang" sagot ko ulit. Gosh! I have no energy para maging mabait na anak ngayon.

"Hello tita and tito" bati ni jay kay mom and dad at umupo na din. Ngumiti at bumati lang ako sa parents ni jay. Nasa mabahang table pala kami at malayo kami ni jay sa isa't-isa.

"So hijo how's school?" Tanong ni dad kay jay. Nagtama naman ang mata namin ni jay and tinignan ko lang siya ng walang kagana gana.

Kita mo yon? Mas inuna niya pa talagang kamustahin ang hindi niya anak.

Nice!

"Okay naman po tito actually busy lang talaga both academics and extracurriculars" sagot ni jay.

Tinignan ko nalang ang menu at naghanap ng pwede makain.

"That's good mabuti ka pa active sa ganyan" inangat ko ang tingin ko ng marinig ko yon. Nagtama ang tingin namin ni dad and tinignan lang niya ako ng parang wala lang.

"How about you Gab? How are you?" Napangiti naman ako ng kamustahin ako ni tita aya.

"I'm good naman po tita" sagot ko.

"That's nice i heard tourism ang kinuha mong course" nakangiting tanong niya ulit.

"Yes po tita and—"

"Let's order everyone" di ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa pagsalita bigla ni daddy. Nginitian ko lang si tita aya at kita ko kong paano magbago ang ekspresyon ng mukha ni jay.

I don't need your pity!

"O-okay let's order" sabi ni tito yuhan.

"Are you okay? Pag pasensyahan mo na ang daddy mo pagod langs siya sa work" bulong ni mommy, tinignan ko lang siya at nginitian.

"Okay" sagot ko at naghanap na ng makakain.

Sanay naman na ako so wala ng bago.

Nasa matapos na tong gabing to.

After we ordered ay nagusap na sila and i decided to excuse myself at pumunta sa cr.

I fucking hate you dad!

After doing my thing ay humarap ako sa salamin. Wag kang iiyak okay? Sanay ka na diba?

Pagpakalma ko sa sarili ko. Huminga ako ng malalim at tinignan ko ang sarili ko sa salamin.

You're fine self.

Sanay ka na diba? Since dati pa naman ganun na siya sakin at wala ng bago, dati sinusubukan kong maging okay sakanya, do what he wants and also doing my best sa school para lang mapansin niya

Pero hindi

Di parin ako napansin, it's always kuya or si Ate

And him

Jay Lee

Napapikit nalang ako ng mariin ng biglang bumukas ang pinto at niluwal si jay.

"Gab are you okay? I'm sorry—"

"I'm fine jay" walang ganang sagot ko

"I'm here if you need someone to talk to" sambit niya at akmang lalapit sana siya ng hinarap ko siya.

"Di ko kailangan okay? Just leave me alone!" Singhal ko sakanya at naglakad palabas ng pinto. Nasagi ko pa ang balikat niya.

Fuck shit!

Namasa ang pisngi ko at alam kong di ko na mapigilang umiyak.

Fuck this life!

Instead of going back i found myself na naglalakad palabas ng restaurant.

I can't take this anymore!

Nakasakay na ako ng grab kaya't nakatutok nalang ako sa cellphone ko at inopen ang dating app na naka download sa phone ko.

I need to this to distract myself.

Ayaw ko nang maging malungkot!

Hmm? Nope!

Ano ba yan! Wala manlang akong nakitang okay

Walang kagana gana akong nag swipe hanggang sa may isang lalaking nakakuha ng attention ko.

James, 23 years old

Ay pogi!

Swipe right!

Matched!

Whoah! Matched agad? Wait nga anong pic ko ba nilagay nila seb dito? Kaagad kong tinignan napataas ang kilay ko kasi i look good sa five pictures na nilagay nila.

James: Hi!

Oh? Pogi

Tahimik lang akong pumasok ng bahay at dumiretso sa kwarto ko.

I really hate my life.

Kailan ba matatapos to? Lord alam kong hiram lang ang buhay kaya pwede ko na bang ibalik yong akin??

Hays

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top