Chapter One

Gab

Napasimangot ako ng makita ko ang hitsura ko sa malaking salamin dito sa kwarto ko. Sout ko na ang uniform ko at ready na ako umalis pero tinatamad talaga ako kasi naman lunes nanaman! Yong weekend parang isang araw lang. Inayos ko ng kaunti ang buhok ko at kinuha ang bag ko.

Maaga pa naman kaya di ako nagmamadali at isa pang dahilan kong bakit mabagal ako ay dahil tinatamad nga ako. Lumabas ako ng kwarto nag biglang ng tumunog ang cellphone ko. Gc pala namin.

Sebastian: Saan kayo?

Ethan: Otw na teh @gab daanan kita ulit"
Sebastian: @Gab saan ka na?

Ang aga-aga pa ah! Himala yata at nag chat ng maaga ang dalawang to? Ano kayang meron? Nag reply nalang ako at dumiretso na sa baba. "Good morning sir gab" nakangiting bati saakin ni ate shiela ang yaya namin dito sa bahay.

"Good morning po, sila mommy saan?" Tanong ko rito. "Naku sir nakaalis na po sila kanina pa at si ma'am alexa po nakaalis na din" sagot niya. Ano pa nga bang bago? Lagi naman akong naiiwang mag-isa dito sa bahay. Ito lagi ang scenario dito sa bahay every morning. Gigising ako na wala na silang lahat at pag uwi ko naman ay nandito nga sila pero di ko naman ramdam.

Hmp sanay na ako.

Busy si mommy at ganun din si dad puro nalang trabaho hays! Si ate alexa naman ay for sure busy yon at expected na because she's a doctor. My name si Gabriel John Villaraña, 22 years old ang graduating student sa kursong Tourism and bunso ako sa pamilyang ito. Tatlo kaming magkakapatid si Ate alexa ang panganay namin na doctor na, si kuya liam na nasa US dahil doon siya nag aaral and to he honest di ko naman siya close so okay lang na di ko siya kasama dito sa bahay.

Si mommy naman ay may business which is yong coffee shop at si daddy naman ay nag ta-trabaho sa company na tinayo nila ng kaibigan niya.

"Ate una na po ako" paalam ko sa katulong namin at lumabas na ng bahay palabas na ako ng gate namin ng sumaktong palabas na din ang itim na kotse BMW galing sa tapat ng bahay namin.

Oh lunes nga naman! Di ko na ito pinansin at tuluyan na akong lumabas at nagsimula na akong maglakad. Nagtataka kayo kong bakit wala akong sariling sasakyan or di ako magpapahatid sa driver? Oh simple lang.

Di ako binigyan ni daddy kasi daw wala naman daw akong kwentang anak kaya ganun. Edi fine! Simula palang naman kasi talaga noong una ako ang least favorite saming magkakapatid dahil na din siguro sa kong ano ako.

Buti nalang ngayon ay dadaanan ako ni ethan kasi kong hindi baka mag taxi or bus nanaman ako papunta sa school.

"Good morning gab" napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang nakakainis na boses na yon. Nilingon ko ito at nakita kong nakatigil na ang sasakyan niya sa tabi ko at nakababa ang salamin ng sasakyan niya. Nakangiti siyang nakatingin saakin at nakakaasar siya tignan!

For sure sa loob loob nitong kumag na to pinagtatawanan ako.

He is Emmanuel Jay Lee for short "Jay" ang baho ng pangalan! At ganun din siya ka pangit hmp! Same age lang kami at sa iisang school kami pareho nag aaral at Oo katapat lang ng bahay namin ang bahay niya dahil anak lang naman siya ng bestfriend ng daddy ko at yes! Siya lang naman ang laging kinokompara saakin ni daddy na kesyo magaling daw, matalino etc.

Edi siya na lahat! Atleast ako ano...

Ano nga ba?

Pogi! Tapos cute hmp! Magaling din naman ako kumanta!

E siya?

Ay wait magaling din pala to kumanta at sumayaw tapos gwapo din naman— whatever! Sabi lang naman nila na gwapo e para sakin pangit naman!

Mga bulag!

Engineering student siya sa Dale International kong saan doon din ako pumapaso and sikat siya sa school dahil siya din ang President ng student council at member din basketball team.

Daming oras no?

Anyways anong pakialam ko?

"Anong good sa morning e mukha mo agad nakita ko?" Mataray kong sagot ko dito at naglakad na. I heard him laugh at naramdaman kong umandar ang sasakyan niya ngunit mabagal lang para makasabay saakin.

Ito nanaman siya! "Grabe ka naman pre napaka aga pa para magsungit, gusto mo sumabay?" Tanong niya.

"Ayaw ko mabaho sasakyan mo atsaka bakit hapon lang ba dapat magsungit?" Mataray kong sagot.  "Wow ah parang noong nakaraan lang nakasa—"

"Noong nakaraan wala lang akong choice kaya ako sumabay sayo okay? " Oo sumabay ako sakanya last time dahil late na ako noon kaya no choice.

"Okay sige una na ako, Bye gabriel!!" Masigla niyang sambit at nag wave pa bago binilisan ang sasakyan.

"Bye gabriel! Lol! Ang pangit mo!" Inis kong sigaw pero malayo na siya. Nakakainis talaga! I hate him so much like marinig ko lang ang pangalan niya ang naiirita agad ako. Tapos boung bou pa na gabriel ang tawag niya sakin.

Hay buti nalang at nawala na yon kasi kong hindi ay naku! Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad ng biglang tumunog ang cellphone ko at naasar ako nang makita ko ang message ni Ethan.

"Hala bessy sorry nakalimutan kita huhu nasa school na ako noong maalala kong need pala kita daanan"

Fuck!?

"Beks huhuhu sorry na" pagmamakaawang sambit ni ethan habang nasa room kami. Nalate ako dahil di ako nakasakay kaagad at sabi niya daanan niya daw ako. "Ayan kasi puro ka pangako tapos di naman tutuparin" sabat naman ni seb habang nag aayos. Huminga ako ng malalim at tinignan ng masama si ethan kaya mas lalong naging malungkot ang mukha niya.

"Tse! Tigilan mo na yan atsaka ano pa bang magagawa ko e nandito na tayo?" Sagot ko. "Sorry na heheh kasi ano" malanding sabi nito kaya napatingin kaming dalawa ni Seb sakanya.

"Ano kasi hmm kami na ni liam" napanganga kaming dalawa ni seb sa balita niya.

"What!?" Sabay naming sambit ni Seb. Ngumisi naman si ethan. O no this is bad.

Liam Ford, one of the member ng basketball team and known for being a playboy. Lol at first sinabihan na namin ni seb na wag patulan kasi we know na straight siya and dude ilang babae na ang dumaan sa kamay ng lalaking yon tapos ito ngayon yong kaibigan namin jowa niya?

"Like tanga ka ba?" Tanong ni Seb kay ethan sabay kagat ng burger na inorder niya. Nandito kami sa cafeteria ngayon dahil lunch break at ito puro kami pangaral kay ethan.

"Beks naman diba nga walking red flag yon tapos winagayway mo pa, Flag pole ka ba?" Sagot ko naman. "Truth beks" pang sang ayon naman ni seb sa sinabe ko.

"E okay lang yan atsaka malay mo naman na kaya walang tumatagal na babae sakanya kasi ako talaga ang para sakanya at alam niyo ba na ang sweet niya sakin at ang laki" bigla akong nabulunan ng banggitin iyo ni ethan. "My gosh ka!" Sambit ko.

"Napa bastos ethan my gosh! Pero true ba?" Sabat naman ni Seb. "Isa ka pa! Hay naku ethan basta sinasabe ko sayo ah na kapag masaktan ka dahil diyan sa kalokohan mo wala na akong masasabe" sambit ko.

"Hehe don't worry guys i got this" sabi niya at napairap naoang ako. "Teka ikaw Gab kailan mo balak mag boyfriend ulit?" Biglang tanong ni Seb saakin. "Hmm? I don't know and wala ako balak" sagot ko.

Pare-pareho lang naman nila ako iiwan kaya wag na! "Ay alam mo need mo na siguro para naman mabawasan yang katarayan mo" sagot ni seb. Umirap naman ako. " Oh please i don't need" sagot ko at nagpatuloy sa pagkain.

"Sige ka pero may suggestion ako, use this" sabi ni Seb sabay pakita saakin ng nasa cellphone niya.

MeetMe?

"Ano yan?" Tanong ko. May mukha ng lalaki na okay naman ang hitsura. "Dating app yan beks at alam mo bang diyan ko nakilala si Jeno?" Sambit niya. Jeno Alexander Park boyfriend niya. "Okay? Pero sorry ayaw ko, i don't it" sagot ko.

"Hala? Maganda to! Promise try mo lang kesa naman puro tulog at basa ng libro lang ginagawa mo" dagdag pa niya.

"Oo nga beks go mo na akin na phone mo" biglang hinablot ni Ethan ang cellphone ko. Hinayaan ko nalang sila.

"Ewan ko sainyo" sagot ko nalang at nakita kong nakatotok silang dalawa sa cellphone ko. Iinom sana ako ng juice nang mapatigil ako dahil sa pigura ng lalaking pumasok sa canteen.

Napasimangot agad ako, kitang kita ko naman na parang inasinan na uod yong mga babaeng studiyante na kumakain sa paligid. "Hi pres" bati ng isang babaeng studiyante at nginitian naman niya ito at binati din. Napairap agad ako.

Kahit kailan talaga ang pangit niya as in! Nagtama ang paningin namin at inirapan ko kaagad siya.

Tss bakit kailangan niya akong nginitian? Di ko nalang siya tinignan at kitang kita ko ang dalawa kong kaibigan na parang kilig na kilig. Ano nanaman kayang kagaguhan ang ginagawa nitong mga to sa cellphone ko?

"Hey gab" napapikit ako ng marinig ko ang boses na yon. Dahan-dahan kong inangat ang tingin ko at nakita ko kaagad ang nakakainis na mukha ni jay. Nakatayo siya sa gilid ko at nakita kong halos lahat ng atensyon ng mga studiyante sa canteen ay nasa amin.

"Nginitian ko naman siya.

Ngiting aso

"Yes pres?" Tanong ko, ngumiti naman siya ng malaki. "Oh please don't call me that pwede namang jay nalang" sagot niya na mas lalong kinairita ko.

Ano nanamang trip ng kumag na to?

"Okay?"

"Hi pres kamusta?" Biglang bati ni seb dito.

"Hi, okay naman and i'm just here para sabihin kay Gab na sabay na kami uuwi mamaya because his dad invited us for a dinner" sagot niya sabay tingin saakin.

Seriously? Kailangan talaga dito pa niya sasabihin yan? Pwede namang ichat or text nalang diba?

Tsk ayaw kong may nakakitang magkausap kami or what no!

Ay teka oo nga pala naka block nga pala siya sakin.

"Okay see you later" walang ganang sagot ko.

"Okay see you gab" tapos umalis na siya. Nakakainis!

"Oh? Bakit galit ka nanaman?" Tanong ni ethan sabay balik saakin ng cellphone ko. "Tigilan niyo ako naiinis nanaman ako" sagot ko. "Pansin ko lang ha? Bakit inis na inis ka kay Jay? E ang pogi naman niya? Gwapo pa tapos friends pa mga daddy niyo ano ba talagang dahilan bakit inis na inis ka don?" Napatigil ako sa tanong na iyon ni seb kaya ko siya tinignan.

"Madami at wag niyo na alamin" malamig kong sagot at tumayo na.

Napatingin ako sa side kong saan naka upo si Jay katabi ang mga kaibigan niya and i saw him laughing.

Napairap nalang ako.

Kabanas!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top