Chapter 3
Milo
Nananahimik kaming nakahilata sa villa nila Axel sa The Elite Beach Club. Ang suspension sa amin ay nagiging bakasyon. Sana mamaya ay lumitaw si Uno nang makapag-casino kami. Para naman may income kahit suspended.
Tangina, no pay kami ng dalawang linggo.
Dumating si Axel at Jonel na parehong nakangisi kasama ang kambal na mukhang may kaaway at tatlong babae na ngayon pa lang namin makikilala pero kilala ko na si April dahil sinearch ko na.
Pinagmamasdan ko ang isa sa tatlong babae. Siya lang ang may dalang maleta na mukhang naglayas dahil sa laki.
Habang nagkukwento si B sa nangyaring pananapak sa kanya ng ex ni April, hinahanap ko naman sa system ng Knights kung sino si babe.
"Tangina, hindi ninyo pa kami pinapakilala," sita ko sa mga kasama ko.
"Oo nga pala. Si April, kilala na ninyo siya dahil sa laging lasing si A dahil sa kanya. Si Ethel ang best friend ni April at si Siena ang assistant ni A. Girls mga kasama namin sa Knights, si Milo, si Bishop at si Zorro." Si Axel na ang nagpakilala sa amin dahil mukhang busy ang kambal.
"Milo everyday ba?" biro agad ni babe.
"Three times a day, babe," tumatawang sagot ko.
"Huwag mo akong tawaging babe, para akong lilit no'n."
"Anong lilit? Mahirap ka na namang kausap," biro ni Jonel kay Ethel.
"Lilitsunin," sagot ni Ethel sabay tawa.
Napangisi ako. Okay ang isa na ito ah. Mukhang game na game.
"Nawala ang lunch ko. Sasakalin ko talaga ang Israel na 'yan kapag nakita ko sa Cebu."
"Ano ba ang gusto mong tanghalian? Milo?"
"No thanks. Nagtatae ako sa'yo," ganting biro niya sa akin.
Natawa sila Bishop, Zorro at Jonel.
"Sea foods. A? Ano na?" baling ni Ethel kay A at hindi na ako pinansi.
"Teka, may ibibilin lang ako kay Siena."
"Dito ka Lilit. Mukhang nawala na ang mga kasama mo. Do'n mo kaya ilagay 'yang maleta mo. Para kang may dalang ginto kung tangayin mo saan ka man magpunta dito sa loob ng bahay." Tinuro ni Jonel ang gilid sa tabi ng vase.
"Dala ko lahat ng sama ng loob ko d'yan," biro na naman ni Ethel. Itinabi niya sa gilid ng pader ang maleta niya malayo sa vase at bumalik sa umpukan namin sa kitchen island.
"Gusto mo?" alok ni Bishop ng beer kay Ethel.
"Ayaw ko. Gutom talaga ako. Wala bang kutkutin?"
Nakagitna sa amin si Bishop na hindi makahalata. Samantalang si Zorro ay natatawa ng bahagya sa harapan ko.
"Bakit Milo ang pangalan mo?"
"Iyon kasi ang pinadede sa kanya pagkapanganak," biro ni Jonel. Inabutan niya ng prutas si Ethel.
"Tanga. Hindi pwede 'yon."
"Nagkaanak ka na ba? Bakit mo alam?" naghahamong tanong ni Jonel.
"Ako ang kasama ni April no'ng nanganak siya. Ako kaya ang nagbabantay kay Julian sa hospital habang natutulog si April dahil sa haba ng labor."
"Taga saan ka, babe?" pag-iiba ko sa usapan.
"Taga-Cebu," sagot niya naman. "Bakit Bishop ang pangalan mo?"
"Secret," sagot ni Bishop.
"Ayan, end of discussion na," sarcastic na comment ni Ethel na ikinatawa namin ni Jonel.
"Buti napadalaw ka dito? Ganda mo no'ng kasal."
Hinampas ni Ethel si Jonel sa braso.
Oo nga pala. Nando'n siya noong kasal dapat ni April.
"Hindi naman masyado," tumatawa na namang sagot ni Ethel.
"Tara, magluto na tayo," yaya ni Axel na bumalik sa kusina.
"Marunong ka?" tanong ni Ethel.
"Mag-ihaw? Huh! Iyon lang ang alam ko," sagot ni Axel.
Naghalungkat si Axel ng laman ng malaking refrigerator nila. Nakagitna pa rin si Bishop sa amin at hindi makahalata.
"Manhid na ba?" biro ni Zorro at tumango sa gawi ni Bishop.
"'Yong friend mo, wala ng feelings."
Natawa si Zorro. "Bishop, hoy!"
Napatingin si Bishop kay Zorro, Sumenyas si Zorro kay Bishop na umalis sa gitna namin. Doon pa lang napansin ni Bishop na malaking hadlang siya.
"Namo ka," bulong nito sa akin at saka tumayo. Nakigulo na lang ito sa paglalabas ni Axel ng pagkain mula sa ref.
"So, Ethel, may boyfriend ka na ba?"
Sukat sa tinanong ko ay sumimangot si Ethel sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top