CHAPTER SIXTY-TWO
* * *
"Master, nakita na po namin ang bangkay ni Sir Bernard," pahayag ng tauhan ni Aaron sa kanya.
Ilang araw matapos na marinig ang balita tungkol sa pagsugod ni Mateo at ng Supreme para iligtas si Axel, ay tumungo na ng red light district si Aaron para linisin ang kalat na ginawa nila. Nadatnan nila ang dagat ng dugo sa paligid. Wala ng mga bangkay, dahil hindi naman talaga namatay ang mga bampira na nakalaban ni Mateo at mga tuhan niya. Tumubo lang ulit ang naputol nilang mga biyas bago umalis sa eksena.
"Bangkay?" wika ni Aaron. Buong akala niya ay ang mantsa ng dugo at nasirang mga kagamitan lang ang lilinisin nila rito. Hindi niya akalain na may bangkay pa palang naiwan ang mga ito.
"Kaninong bangkay?"
Napayuko ang tauhan niya at nag-aalinlangan na nagmutawi ng, "K-Kay Sir Bernard po, Master."
Umangat ang mga kilay ni Aaron nang marinig ang pangalan ng bangkay. Pero agad din itong kumalma at naging malamig.
"Ang malas naman talaga ng batang ito at hindi pa nagawa na tumakas."
"Bernard, ah."
"Opo, Master. Sa nakikita po namin, isang malalang internal bleeding ang naging sanhi ng kanyang pagkasawi."
Internal bleeding. Napaka-tunog lohikal ng sanhi ng pagkasawi ng Bernard, lalo na kung hindi alam ng nakadiskubre na walang nangyaring sagupaan sa pagitan ni Bernard at Maximilian.
"Internal bleeding. Uh-huh," napakamot ng kanyang baba si Aaron, "May nakita ba kayong dugo sa mata, ilong, o bibig niya?"
"Uhm, meron po." Nagtataka man sa kakaibang tanong ng kanyang master ay sumagot pa rin ng tapat ang tauhan.
Ngumisi ng masikip si Aaron na tila ba naalala niya ang kasagutan sa pinakamahirap na tanong sa exam.
"Hindi na nga talaga nakapagtataka. Imposible nga na mailigtas siya," mutawi niya sa sarili, bago tumingin ulit sa tauhan niya at nag-utos ng, "Iparating mo sa mansyon ni Lord Ronaldo na kumpirmadong binisita ng kapatid niya ang lugar ko."
"K-Kapatid?"
Napakunot ng kanyang noo si Aaron nang makita ang pagdadalawang-isip sa mga mata ng lalaki. At taas kilay niyang mandar dito ang mga kataga na, "Labas ka na kung sino 'yun. Sabihin mo na lang sa tagapamahala ang mensahe ko."
Sigurado si Aaron na mabubulabog ng mensahe niya ang estrus ni Ronaldo. Sa reaksyon pa lang nito noong narinig niya ang titulo ng kapatid noong isang araw, walang duda na mas masisira ang lagay ng loob nito sa paparating na balita.
Naglaho sa harap ni Aaron ang tauhan niya, habang tumungo naman siya sa VIP area na kinaroroonan ng silid ni Bernard.
Kay Aaron ang negosyong ito, sa kanya nakapangalan at karamihan ng mga bampirang trabahador ay mga tauhan niya rin. Pero hindi siya ang nagpatayo ng lugar. Kung mayroon man ang may hilig sa mga babae at s*x, 'yun ay si Ronaldo. Regalo raw niya ito kay Aaron, pero halata na gusto niya lang ng lugar na handang tumanggap sa kanya sa tuwing gusto niyang makipagtal*k.
Hindi nga lang niya inako ang buong lugar dahil abala siya sa ibang mga bagay.
Sa pagpasok niya sa silid ay kapansin-pansin na ito ang pinakamalinis sa lahat. Maliban sa basag na bintana at nakakalat na bubog, ay wala siyang nakita pagdanak ng dugo na sing tindi ng sa labas.
"Wala ngang mantsa pero may bangkay naman," reklamo niya nang makita ang maputlang balat ng bangkay ni Bernard.
May namumuong itim na mantsa sa may bibig at ilong ng lalaki. May tila natuyo na pulang luha rin sa loob ng kanyang mata. Pero dahil sa tagal ay nangingitim na rin ito.
"You got unlucky, man," sabi niya sa walang buhay na si Aaron gamit ang tunggak na paraan ng pananalita ng binata.
Ngumisi siya bago humakbang para iwan sa loob ang nabubulok na bangkay ni Bernard. Pero hindi pa man siya nakakalayo ay may natanaw na siyang kumikinang na bagay sa sofa na nasa tapat nito.
"Ah, ito siguro 'yung gawa ni Paolo." Pinitik niya ang putol nitong dulo. Nasugatan ng konti ang kanyang daliri at kagaya ng inaasahan ay mabilis din itong gumaling. "Isa pa," sambit niya nang makita ang karugtong na dulo ng punyal.
Dumampot siya ng tissue sa lamesa at pinulot ang talim na naputol. Inilagay niya ito sa isang cellophane at nagtawag ng tauhan para ibigay kay Paolo ang sandata.
"Nabanggit niya na prototype pa lang 'yan. Baka magamit niya pa 'yan, pakibigay na lang."
Nang masigurado na ni Aaron na alam na ng mga tauhan niya ang gagawin sa bangkay ni Bernard ay agad na siyang umalis. Masyado siyang abala para magtagal sa lugar na wala naman siyang ka-inte-interes. Lalo na ngayong nasa estrus pa si Ronaldo at nabawasan sila ng isang lider.
"Ay, p*ta naman talaga itong batang 'to. Ba't siya nagpadali? Kailangan ko tuloy maghanap ng iba na gagawa ng trabaho niya," mura ni Aaron.
Nakita niya kasi na maraming mga bagong alpha ang paparating sa mansyon ni Bernard. Ngayon na wala na ang master ng mansyon ay wala na rin ang mag-aasikaso sa mga bagong bampira.
"Ah, andyan pa pala si Logan."
"Tsk!" Pumitik ng malakas ang dila ni Aaron. Inakala pa nga ng driver niya na galit sa kanya ang alpha. Pero nang makita na nasa labas ng bintana nakatingin ang master niya ay nakahinga siya ng maluwag.
Sa kabilang banda ay isa na namang sakit ng ulo ang iniisip ni Aaron. "Si Logan. Magaling din ang lalaking 'yun kaso sumasakit ang ilong ko sa ka-IIngles."
Habang bumabyahe pauwi sa mansyon niya si Aaron ay nakarating naman ng mabilis kay Paolo ang sira niyang punyal. Pagod na pagod ang lalaking naghatid sa kanya nito, sa punto na kinailangan niya muna na magpahinga ng trenta minuto para muling makapag-teleport.
Nung una ay binabalewala pa ni Paolo ang putol na punyal.
"I am in the middle of creating a better version, then they brought this trash here?" aniya sabay lapag nito sa kanyang lamesa.
Bumalik na siya sa pagbuo ng bagong version ng sandata nila, nang may sumagi sa kanyang paningin. Naalala niya ang mantsa na nasa talim ng punyal kanina.
Bumalik siya sa lamesa at inusisa ng malapitan ang punyal. Lumiwanag ang kanyang mga mata sa pala isipan. Mabilis siyang tumungo sa loob ng isang cubicle na pinaglalagyan ng mga laboratory equipment niya. Mula sa maliit na analytical scales, hot plates, at moisture analyzer. Hanggang sa malalaking furnace, lyophilizers, at incubators. Tumungo siya sa counter para maghalungkat ng stab, maingat niya itong ikinaskas sa itim na mantsa sa talim. At nang matapos ay nilagay niya sa glass slip ang maliit na mga butil nito.
Natigil ang maingay na pagkalansing ng mga kagamitan ni Paolo nang sinimulan na niya ang pag-pokus sa pagsilip ng maliit na eyepiece ng microscope. Halos hindi na siya humihinga sa seryoso niya. At sa bawat ikot niya sa coarse focus nito ay katumbas ang isang mabagal na pagtulo ng butil ng pawis sa gilid ng kanyang noo.
"It's possible. It's possible!" paulit-ulit niyang sambit sa sarili sa tuwing umuusog pataas ang stage na kinalalagyan ng glass slip.
Sa sandaling luminaw ang mga imahe sa likod ng lente ay nagsimula siyang huminga ng malalim. Mabagal at mahabang paghinga ang ginawa niya, tapos ay bigla niyang inilayo ang sarili sa microscope. Yumuko habang nakasandal ang mga kamay sa gilid ng counter.
Nanatili siya sa ganitong posisyon ng mga ilang segundo at bigla ulit na tumayo ng matuwid. Para siyang robot na lumabas ng cubicle at pumunta sa kanyang lamesa. Kinuha niya ang kanyang cellphone, nag-dial, tapos ay naghintay sa kung sino man na makakapansin ng kanyang tawag.
Pagkatapos ng tatlong ring ay may narinig na siyang boses.
"Hello, this is the mansion of Garcia. John speaking, may I kno—"
"Hi. Hello, John... Uh, is your master around?"
"Oh, Master Paolo," agad na nagbago ang tono ng boses ng lalaki sa kabilang linya. Ang kaninang inaantok ay mistulan na nagising nang marinig ang boses ni Paolo. "I'm afraid he has yet to arrive the mansion, Master Paolo. He is still on his way home from the red light district. If you have a me—"
"Ah, yes. Yes. I supposed I have," sabad ni Paolo sa lalaki. Sa hindi malamang dahilan ay nagmamadali siya sa pag-uusap nila. "But I do not have the time to wait. Still—uh, I have one question. If ever you know the answer..."
"Sure, master. What is it?"
"At the club, did the Supreme go to the club as well?"
"That's what Master Aaron said. He confirmed this earlier when he found the remains of Master Bernard's body and discovered its peculiar state."
Nagbuntong-hininga si Paolo. "Okay, thank you."
Kalmado niyang inilapag ang cellphone niya. Bumuga ulit siya ng hangin... ilang segundo lang ang lumipas ay, "Yes! Oh, f*ck! How lucky could I be? Such luck! Such luck!" Paulit-ulit niyang sabi habang tumatalon.
Bumalik siya sa cubicle at sinilip ulit ang microscope. Kumuha siya ng papel at may sinulat na mga detalye.
"How lucky! I thought having the Supreme's blood is an impossible task! But who could have imagined tha Bernard did a great... great! Great! A magnificent job before he died! Ha! That punk is so lucky! I am lucky as well! Oh, sh*t!"
Hindi niya mapigilan ang saya sa kanyang nadiskubre. Nakita niya kasi sa talim ng punyal na ginamit ni Bernard ang bakas ng dugo ng Supreme.
Oo. Ang dugo ng Supreme, na kaisa-isang sangkap bago niya maperpekto ang kanyang imbensyon. Bilang konektado ang lahat ng bampira sa dugo ng mga Lorenvetti na nagmula pa sa pinakaunang bampira, ay nakasisiguro si Paolo na mas mapapadali ang trabaho niya kung alam niya ang detalye ng dugo nito. Dahil ang Supreme lamang ang may kakayahang pumatay sa isang bampira. Siya lamang ang may kakayahan na magpahinto ng regeneration sa katawan nila.
"Months of no sleep... but it's worth it!" pagbubunyi niya at nagsimula na ulit sa pananaliksik.
M I L L E R
Nagising akong may kirot sa katawan. I scanned my body. Fumbling, groping, pinching each part and corner to feel the area that's painful.
Saang banda ang masakit? Anong parte ng katawan ko ang nasugatan?
Naalala ko lang na nasaksak ako, pero hindi ko matandaan kung saan at kung ano na ang sunod na nangyari.
Ah. Of course, I was trying to save Axel.
Luminga-linga ako sa paligid. Nasa loob pa rin ako ng VIP room sa club. Nakaupo sa sofa na katapat ng kay Axel.
Wait. Ba't nakatali na naman siya? Hindi ba't tinanggal ko na ang mga ito kanina? I made sure that all of it are loose enough for him to move his limbs.
"Axel," tawag ko sa kanya... or at least I mouthed. Wala akong narinig na boses ko.
"Axel." I tried again. But this time, I felt a pain in my throat...
"Axel!" Again.
"Axel!" Again.
"AXEL!" Again and again.
Pero wala...
Walang lumabas na boses sa mga labi ko.
Nagsimula na akong mag-panic.
What's happening here?
Nasaan sila Bernard at mga tauhan niya? Umalis na ba sila?
Tiningnan ko ang pinto. Nakabukas ito. I can see the white walls outside the room.
Sinubukan ko naman na tumayo. Aalisin ko ulit ang tali ni Axel.
I stepped on my foot, pero natumba lang ako. I stared at it to check for a wound, but it is completely healthy. Not even a scratch can be seen.
What's happening?
Sinubukan ko naman ang isa ko pang paa. Pero ganun din... hindi ako makatayo.
I still forced myself. I can't just give up. I won't give up!
"Axel, wake up! Axel," I continued to call him.
I gave to make us out of this place. I know that there will be a bunch waiting for us at the main door kaya naisip ko na lang na gamitin ang sira na rin naman na bintana nila.
Carefully, I tried to take a step.
Mabigat ang mga paa ko. Para bang may nakakapit na mabigat na bagay at hindi ko sila maiangat man lang para humakbang. It's as if the moment I had them on the floor, the gravity has become greater.
While I struggle to take a single step, a person has come inside. Diretso lang siyang pumasok. Napahinto pa nga ako, in case he starts to subdue me. However, it did not happen. Nihindi nga siya lumingon sa akin. Nakatingin lang siya kay Axel.
"Anong gagawin mo sa kanya?" tanong ko, at sumubok ulit na humakbang.
Hindi niya sinagot. Hindi niya rin ata ako narinig.
"Hey! Stop. What are you planning!?" bulyaw ko.
Bakit hindi niya ako naririnig?
"Axel. Axel, wake up!" I begged.
Pero para lang akong hangin para sa kanila. It felt as if I am inside a soundproof cage that they can't even hear me—No, it's much worse than that.
Para akong nanonood ng palabas. It's only me who can see the killer while the protagonist is still clueless of the coming danger.
"Axel! No, stop! Don't!" I feel helpless.
Lumapit na ang lalaki. Sobrang lapit na niya at nakaupo na siya sa parehong sofa. Now that he is closer, I realized that he has no face. Para siyang nakamaskara ng kulay kape na mukha, walang mata, ilong, at bibig.
May dinukot siya sa likod, At sa sandaling inangat niya ang bagay na nandoon ay nanlaki ang mga mata ko. It's the exact same dagger that Bernard used to stab me.
Napakapit ako sa tiyan ko as if the sensation of the pain emerged back in my body. I instinctively crouch down. Nakaramdam ako ng malaming sa palad ko, only to see myself bleeding.
Sh*t.
But just as I am starting to notice my body's poor state, a quiet kshh is heard in the room. Followed by a pained groan.
"Ngh!" It was Axel, and beside him is the no face man... stabbing him in his heart.
"Ahh! Stop! You, stop!" I can only scream. "Oh, f*ck! This is so useless. How useless!" I cried out loud as I punched my feet.
Nakakainis! Bakit hindi ko sila magalaw? Bakit ayaw nilang gumalaw?
The guy did not stop. Binunot niya ang punyal sa puso ni Axel at muli itong tinaga. Nihindi man lang siya nagdalawang-isip sa ginawa niya. Axel still has his eyes close. Kita ko mula rito ang maliit na butil ng luha sa kanyang mga mata at ang pulang-pula na dugon a tumutulo mula sa kanyang bibig. His brows curving northward as his forehead is wrinkling.
"Ackk!" The guy stabbed him again. This time ay sumuka na ng dugo si Axel.
What kind of situation is this? Is this a dream? Pero bakit pakiramdam ko ay totoo itong mga nangyayari? What's happening?
What the hell is happening!?
"Ahh! STOP!" Malakas kong pagsamo...
Wait.
Hindi ko alam kung saan ito nagmula. But in the middle of the brutal sound of stabbing and agonizing groans. I heard a voice. A sweet and gentle voice that is extremely familiar to me.
"Please, wake up soon."
His voice sounds a little in pain. But it sure makes my heart flutter amidst the torture I am witnessing now.
"Axel?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top