CHAPTER SIXTY-THREE

* * *

"Axel?" Unti-unting minulat ni Miller ang kanyang mga mata. Malabo ang kanyang paningin. Idagdag pa ang nakakasilaw na sikat ng araw na akalaing sinusunog ito sa init. Hindi niya akalain na may sasalubong sa kanya na liwanag. Lalo na kung gabi noong huli niyang iminulat ang kanyang mata.

Luminga-linga siya. Mabagal, tila ba mabigat para sa kanya ang buhatin ang sariling ulo at lalo na ang kanyang buong katawan.

"A...Axel?" tawag niya ulit. Napakapit si Miller sa kanyang lalamunan nang marinig ang kanyang boses.

"What is it this time? I actually spoke despite of not being able to earlier," tanong niya sa sarili dahil sa biglaang pagbabago ng sitwasyon at lokasyon.

Itinulak niya ang sarili para makabangon. Bahagya siyang nakaramdam ng hilo, pero natural lang ito sanhi ng pagbangon niya mula sa napakahaba niyang pagtulog. Nanginginig ang kanyang mga kamay, muntik na nga siyang mapahiga ulit buti na lang ay mataas ang puwesto ng unan sa likod niya at mabilis na nakakapit dito.

Sumabay rin kasi sa pag-angat ni Miller ang unan niya kaya naging vertical ang angulo nito.

"N-Nasaan ako?" tanong niya ulit, pero sa pagkakataon na ito ay minutawi na niya ang mga salita. Medyo tuyo pa ang kanyang lalamunan at bibig. Naninibago rin siya sa katawan niyang unti-unti pa lang bumabalik ang lakas.

"Teka... Kama ito ni Axel, ah." Sa sandaling napagtanto niya ang kanyang hinihigaan ay mabilis niyang inalis ang kumot sa kanyang katawan at tarantang tumayo. Pero imbes na tumayo ng tuwid ay bigla na lang siyang natumba. Bumigay ang mahina pa niyang mga binti.

"Sh*t!" mura niya nang mapagtanto na walang lakas ang kanyang mga binti.

"This is just exactly like the dream... No way!"

Nang maalala ulit ang karumaldumal niyang panaginig ay nagpumilit siyang tumayo. Sumandal siya sa kama at nang magawa niya ang tumayo ay maingat siyang humakbang. Halos mapasigaw siya sa saya nang makita ang mga paa na humakbang ng hindi na bumibigay.

Isa.

Dalawa.

Tatlo. Sa bawat hakbang niya ay pabilis din nang pabilis ang kanyang tempo.

Tumungo siya sa kanyang silid. Pero wala roon si Axel. Aka niya kasi ay nasa kama niya ito bilang siya ang nasa mas magarang kama na para naman talaga kay Axel.

Sa sandaling ito ay kaagad ang nawala ang kanyang saya at napalitan ulit ng pag-aalala.

Tumungo siya sa pinto. Mabagal pa rin sa normal ang kanyang paglalakad pero mabuti na rin ito kaysa naman na hindi siya makalakad.

Nang buksan ni Miller ang pinto ng silid ay wala siyang nakitang mga tao. Tahimik ang buong palapag. Ganun din nang tuluyan na siyang lumabas at gumamit ng hagdan. Tahimik ang paligid, hindi kagaya ng nakasanayan niyang abalang koridor at maingay na likod-bahay gawa ng mga tauhan ng Supreme at mga nag-eensayong mga alpha. Dahil dito ay mas lalong kinabahan si Miller.

Paano kung isang masamang pangitain ang panaginip niya? Paano kung habang siya ay mahimbing na natutulog ay nasa ibang lugar ang mga bampira at nakikipaglaban kay Ronaldo?

Hindi nagpatinag si Miller at sumubok siyang umakyat ng hagdan para silipin ang sunod na palapag. Nahirapan siyang umakyat pero nagawa pa rin niya naman sa tulong ng hawakan. Nang makarating sa tapat ng laboratoryo ni Axel ay nanginginig niyang inabot ang doorknob. Kabado siya. Naisip niya na kung wala pa rin dito si Axel ay tiyak na nasa opisina niya ito, kung wala pa rin ay malamang nasa opisina ito ng Supreme. At kung wala pa rin siya sa dalawa ay baka hindi na niya alam ang gagawin.

"I might have to look somewhere far. Baka bumalik ako sa red light district." Naisip niya kung sakaling wala si Axel at wala rin siyang makitang ibang bampira sa susunod na palapag.

Bumuga muna siya ng hangin. At sa sandaling pinihit na niya ang doorknob ay lumabas ang malamig na hangin gawa ng aircon mula sa loob.

Nang pumasok ay wala siyang nakitang tao. Bumalik sa kanyang alaala ang ngayo'y naglalaho na niyang panaginip. Ang malabong mukha ng nasasaktan na si Axel, at ang matapang na kulay pula ng dugo na tumutulo sa kanyang labi.

Kinakabahan at natatakot siya sa maaari niyang mapagtanto sa bawat hakbang na ginagawa niya. Lalo na kung sa bawat hakbang ay wala pa rin siyang natatanaw na pigura ni Axel Wesley.

Sa huli ay nakarating na siya sa main area ng lab, ngunit wala pa rin si Axel. Hindi nawalan ng pag-asa si Miller. "May cubicles pa," anito sa sarili at nagsimula ulit na maglakad.

Paika-ika ang kanyang paglalakad sanhi ng hindi pantay na distribusyon ng lakas niya sa dalawang paa. Namamanhid ang kanyang kanan, at bahagyang nagugulay naman ang kanyang kaliwa. Pero sa bawat minuto na lumilipas ay unti-unti naman niyang nararamdaman ang pagbabalik ng kanyang lakas.

Tunay nga na hindi na siya isang mortal. Karaniwan ang pansamantalang paralisadong mga binti ng isang mortal ay maaaring gumaling pagkatapos ng ilang buwan ng paggamot. Ngunit dahil hindi na tao si Miller, maaaring gumaling ang kanyang mga binti bawat minuto na para bang isa itong milagro.

Patungo na sana siya sa pinakamalapit na cubicle nang biglang may narinig siyang mga yabag. Nagmula ito sa koridor sa kanan kung saan naroroon ang malalaking laboratory equipment ni Axel.

Napahinto si Miller para hintayin kung sino o ano ang patungo sa kanya. Pero halos mawala ulit ang lahat ng lakas niya sa binti nang makita ang lalaking nakasuot ng puting lab gown at face mask. May suot din itong protection googles. Bitbit ng lalaki ang isang tray ng laboratory equipment na pawang puro babasagin. Maayos din ang tindig nito na para bang wala itong iniindang sakit sa katawan.

Hindi rin nagtagal ay humakbang ulit si Miller. Nakatalikod ang lalaki kaya hindi siya nakita nito. Subalit dahil sa hindi niya maialis ang kanyang tingin sa lalaking nasa harapan niya, ay hindi namalayan ni Miller na may nakaharang pa lang upuan sa kanyang daan at nasagi ito. Umalingawngaw sa marmol at malawak na laboratoryo ang pag-usog ng mga paa ng upuan.

Agad na lumingon ang lalaki habang nawalan naman ng balanse si Miller at napaupo siya sa sahig.

"Ow! Ansakit," angal niya nang dumapat sa malamig na marmol ang pwet niya. Hinimas-himas ni Miller ang kanyang pwet nang makita niya ang dalawang pares ng puting leather shoes.

"This is the same pair of shoes that Axel usually use inside the lab." Lumingon si Miller sa shoe rack na nasa tabi ng pinto at nakita na nawala ang pares ng puting sapatos ni Axel.

Hindi pa man siya tumingala ay may umabot na ng braso niya – dalawang pares ng mala labanos na mga kamay.

"You... What are you doing here?" kalmado na tanong nito sa kanya. Alam ni Miller na may balak itong pagsabihan siya pero agad din na pinakalma ng lalaki ang kanyang sarili at mahinahon na nagtanong.

"Axel," sambit ni Miller.

"Yes, what is it? Why did you leave your bed?" Mahina ang boses ni Axel pero ramdam ni Miller ang tamis mula rito. Tumingin siya sa mukha ni Axel at halos maluha nang makita ang magiliw na titig at mainit na ngiti. Talagang masaya siya. Kung ito ay dahil siya ay narito ay isang bagay na hindi masasabi ni Miller. Ayaw niyang magpalagay.

Lingid sa kanyang kaalaman ay tama ang kanyang akala. Tama siya sa parte na masayang nakangiti si Axel dahil sa kanya.

Hindi na niya sinagot ang beta, pero niyakap niya ito ng mahigpit. Napakahigpit.

"Welcome back, Miller," bati sa kanya ni Axel.

Tumulo ang luha ni Miller. Masaya siyang mali ang kanyang panaginip. Masaya siya na siya ay nagising mula sa bangungot na iyon.

M I L L E R

"You should have stayed in bed. It was dangerous for you to walk on the stairs by yourself," Axel reprimanded me, yet he doesn't sound angry or annoyed. His voice is more like of a worried parent to his child.

After he found me being clumsy at the laboratory's floor, Axel assisted me back in the room. Akay-akay niya ako paakyat ng hagdan hanggang sa makarating kami ng silid niya. At first, I was going in to my tiny space's direction. Patungo ako sa higaan ko sa likod ng dingding, kung saan ako dapat talaga humiga. Yet, Axel grabbed me and insisted that I should stay in his bed.

"Are you sure na okay lang ako rito?" tanong ko habang pinapanood siya na ayusin ang nagulo na beddings dahil sa likot ko kanina nung bumabangon ako.

I was pretty sure I moved slowly and carefully pero hindi ko alam na nagulo ko na pala ng konti ang cover at nasa sahig na ang kumot.

"Yes, it's fine," maikli niyang sagot. Kinuha niya ang kumot sa sahig and cover me with it. Gentle and careful manner.

"Have I been sleeping here since then?" tanong ko ulit.

"Uh-huh," tumango siya, "Oh, wait. You should have you fill of blood first thing. Let me just go and grab it," paalam niya bago nagmamadaling lumabas ng kwarto.

Wait, why does he seem so used to everything? He cleaned and arranged the beddings naturally. And now he moves so fast going out of his way to get my fill.

Uhm. Ano nga ba ang ibig sabihin niya sa fill? Is he talking about my meal?

Habang naghihintay ay sinuyod ko ulit ng tingin ang paligid. Medyo malabo ang paningin ko kanina kaya hindi ko gaanong napansin but, Axel's room has change so much.

Umaga na pero bukas ang bintana ng silid, which is unusual. He doesn't like the morning sunlight.

The bed cover also changed. Uhm, siguro rasonable naman ang bagong bed cover? But why change it for me? Besides, gaano na ba ako katagal na walang malay?

Even the curtains changed. I also noticed a pile of folded clothes inside my tiny space. There's also a basket beside the bed side table that is not around as far as I can remember. A book is on top of the table, and there's another pillow beside me as if this space is for someone else. May katabi ba ako rito sa kama?

"I don't think meron?"

Tatayo na sana ako to check those clothes when Axel came back with a tray of blood packs.

"Oras na ba para uminom ka ng dugo?"

"Hm? No, this is for you?"

For me? Dumako ang mga mata ko sa dalawang blood packs tapos ay bumalik kay Axel.

"You must be confused. This one has vampire essence, the medicinal type blood pack. While this one is the regular human blood. You might be perplexed now that you're conscious but you've been drinking this combination for a month now," he explained that made me wonder more.

"W-What?"

"Yup, you could drink t–"

"No. No. No, I mean– I drink blood for a month? A month, you said?"

Tumango si Axel. "Uh-hmm. You've been unconscious for a month."

Gaano ba ka-severe ang pagsaksak sa akin para makatulog ako ng ganoon kahaba?

Para bang nabasa ni Axel ang nasa isipan ko, because he started to explain.

"After you got stabbed the Supreme arrived and saved us. And when we were back you had lost a lot of blood because your wound won't heal by itself," panimula ng kwento ni Axel.

While he was telling me what happened, I noticed his hands shaking. I wanted to hold them but he might only get surprised and be mad at me.

"The weapon is new, so I cannot fathom how it works. And even if I wanted to, I was still in a bad state myself. Nothing significant really happened during your sleep, except for the part where we made you drink blood, the regular one and with the vampire essence. The medicinal one is for your recovery while the human blood is your meal and also to help your vampirization progress."

Axel told me that during my sleep, I have already become a pure vampire. Akala nga raw niya ay ma-cacancel ang vampirization ko dahil sa nangyari pero buti na lang hindi. He even confirmed that my progress is normal after he did some test to me.

I'm glad that I am still normal. I mean 'yung normal na hindi ako namatay o nalihis sa landas ng pagiging bampira ko.

But how's Axel? How is he after the kidnapping incident? I was sure that he was also in a critical state at that time.

I wanted to ask, pero hindi ako sigurado kung tama ba ang magtanong ako ngayon. I'm not if now is the right moment to show how worried I am for him. Especially if I am the one who is in the bed while he is taking care of me.

Goodness, this is the exact opposite of how we were before the kidnapping incident.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top